Nicole NAGISING ako sa hatinggabi bigla nang maramdaman kong may gumalaw sa tabi ko. Sa gulat ko ay halos matadyakan ko kung ano man 'yon. Salamat sa lampshade, nakita kong tao pala. Ngunit mabilis ring nagbago ang bilis ng t***k ng puso ko nang mapagtanto ko kung sino 'yon. Nanlaki ang mga mata ko sa pagtataka, akala ko ba ay mamaya pa siya uuwi? Bakit nandito siya ngayon?! Shit! Sobrang himbing pa ng tulog niya, parang komportableng-komportable sa pwesto niya. Napalunok ako bigla sa kaba, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. So what, Nicole?! Bakit nagpapa-apekto ka sa presensya niya?! He's nothing to you now! Gumising ka nga! Act normal! Napabuntong-hininga ako at humiga na lang ulit ng maayos. Ngunit sa paglingon ko sa kaniya, ang matangos niyang ilong agad ang napansin ko. Hind