Hindi siya makapag salita, panay ang tulo ng kaniyang luha. Sa tagal ng panahon na inakala niyang patay na ito ay naririto ngayon sa kaniyang harapan. Ngayon ay unti-unting lumilinaw sa kaniya ang lahat. Kung bakit siya na train sa pakikipag laban. At kung bakit siya ipinadala ng kaniyang Lolo sa delikadong lugar na iyon. Samantala ay tahimik lang ang lahat. Kaya hindi nakatiis si Pauline at nilingon isa-isa ang mga kasama. “All of you, alam nyo?” “Yes, Dra.” sabay sabay na sagot ng lahat. Bumuhos ang emosyon niya, at napahagulhol siya ng iyak. “I’m sorry anak, pero ang Lolo mo ang may plano ng lahat. Hindi ko alam na kasama ka sa mission para lang maligtas ako.” “Pero, paano nangyari na napunta ka sa lugar na iyon?” “Mahabang kwento, saka ko na sabihin sayo ang lahat, anak.” “Ahm,