When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Ilang araw na ang nakalipas magmula ng naoperahan ang kaniyang ama. At masaya siya na mabilis ang recovery nito. Ngunit hindi pa rin siya lubusang maging masaya dahil sa isang tao na kaniyang kinamumuhian. Dahil sa salita ng kaniyang abuelo ay wala siyang nagawa na pagbawalan ang ina na manatili sa ospital. Kaya ang ginawa niya ay siya na ang umiwas. Lumalapit lang siya sa kaniyang daddy pag wala ang taong ayaw niyang makita. Ang babaeng dapat ay siyang kaniyang karamay lalo na sa ganoong sitwasyon nila. “Daddy, patawarin mo po ako kung hindi ko magawang kausapin ang a-asawa mo. H-hindi ko kayang humarap sa kaniya ng punong puno ang puso ko ng galit at hinanakit.” “Nauunawaan kita anak, kaya lang sana dumating ang pagkakataon na makaya mong alisin ang galit diyan sa dibdib mo. At mapataw