Chapter- 5

2906 Words
Hindi kayang umalis ni Pauline, ng hindi man lang masulyapan ang lalaking minamahal. Kaya’t kahit kulang na siya sa oras ay inutusan ang driver na dumaan silang saglit sa ospital. Sana lang ay hindi pa nag out ang binata. At saktong pagdating nila sa harap ng entrance ay natanawan niyang palabas naman ito. Dali dali siyang bumaba at walang pasabing hinila ang lalaki saka mabilis na hinalikan. Saka tumalikod at tumakbo na patungo sa nakabukas na sasakyan. “F*ck!” ang tanging nasambi ng binata. Dahil mabilis nang naglaho sa paningin ang SUV na sinasakyan ng dalaga. Samantala ay hindi napigilan ni Pauline ang pagtulo ng luha. Dahil walang kasiguraduhan kung may pagkakataon pa ba silang magkita. Maraming isipin ang gumugulo sa kaniya, una ay nagtataka kung bakit siya ang ipinadala ng kaniyang Lolo. Pangalawa ay bakit hinayaan siyang sa delikadong lugar magtrabaho. “Senyorita, naririto na po tayo.” “Oh, okay po Manong salamat.” May dalawang staff na sumalubong sa kaniya at kinuha ang kaniyang dalawang luggages. Siya at tahimik na sumunod sa mga ito. Pagdating sa immigration ay agad niyang inabot ang kaniyang passport. Pagkatapos ay tumuloy na sila sa Montemayor private plane. “Welcome to our flight, Ms. Dra. Gonzalgo. The beautiful woman, hot and sexy Ma. Pauline.” pabirong pagbati ng isa. Pagtaas niya ng tingin ay nagulat pa siya pagkakita sa isang lalaking malapad ang ngiti. Iniisip niya kung saan ba sila nagkita nito. “Captain Jordan Villegas Montemayor, at your service.” “Oh, hi kumusta? Sorry meron na yata akong memory gap. Sabay tawa niya at sumunod na siya sa binata papasok sa loob. “Siguro naman ay may idea ka na kung bakit tayo magkasama ngayon.” “Sa totoo lang ay wala, bakit nga ba ikaw ang makakasama ko?” balik tanong niya sa binata. “Sa bagay na yan ay hindi kita masasagot, dahil kahit ako ay nagtataka rin bakit ako ang ipinadala sa lugar na iyon. And i think hindi lang tayong dalawa ang naririto.” “Ha? Ibig mong sabihin ay meron pang iba na makakasama natin?” “I think so.” Isang babae ang pagbagsak na upo sa bakanteng upuan sa tabi ni Pauline. At sabay pang nag kagulatan ang kausap niyang lalaki at ang magandang babae. “Saan ka pupunta Caithleen?” “Huwag kang mag alala Kuya, hindi nyo ako kasama. Nakisabay lang ako sa flight na ito. Ayon ang mga kasama nyo nasa bandang dulo.” Halos sabay pa silang lumingon sa bandang likuran. Ang dalawang babae ay namumukhaan niya pero ang mga lalaki ay hindi. “Sigurado ka na silang lahat ang makakasama namin?” “Yeah, kung hindi ay bakit sila nakasakay dito?” Hindi naman siya nag komento, napapa isip lang siya sa mga nangyayari. Mga Montemayor ang karamihan sa kalalakihan na di umano'y makakasama nila. Ano bang mission ang pupuntahan nila? Ayaw na muna niyang mag isip, kaya pumikit na lang para matulog. Nang bigla ring mapa tuwid ng upo, kung hindi siya nagkakamali. May ibang nakakaalam tungkol sa tunay niyang katauhan. Dahil napaka impossible na i-request siya ng kung sino at pumayag ang kaniyang Lolo. Agaw antok siya ng may narinig na announcement. At kasabay ng pagmulat niya ng mata ay tinatapik din ang balikat niya ng katabing babae. “Tinatawag ka, magtungo ka sa gitnang bahagi ng eroplano. Naroon na silang lahat at ikaw na lang ang naiwan dito. At totoo ang sinabi nito dahil paglingon niya ay wala na siyang nakitang tao. “Salamat,” at mabilis na tumayo, malaki ang hakbang na lumabas ng vip cabin room. “Dra. Gonzalgo! Hurry!” malakas ang boses ng isang lalaki. At gusto niya itong taasan sana ng kilay. Ngunit napansin niya na sa kaniya nakatingin ang lahat. Kaya sa halip ay tumakbo na siya palapit sa mga ito. “Sila ang makakasama mo sa team, Dra. Gonzaga. Ang dalawang nurse at si Dra. Lavista.” “H-hi,” at isa isang kinamayan ang mga co-team niya. Pero ang babaeng Dra. Lavista na ito ay tila familiar sa kaniya. “Alam kong nagtataka kayo kung bakit tayo naririto. Subalit kailangan ninyo malaman ang totoo.” Napatingin siya sa isang may edad na lalaki, at humanda sa pakikinig. “Alam kong marami kayong gustong itanong o malaman. Una, gusto kong sabihin ang status ng bawat isa sa inyo. Pati na ang code name na gagamitin nyo. At huwag kayong mag alala, lahat ng pag uusapan natin dito ay confidential. Bawal maglabas ng kahit anong impormasyon ang kahit isa sa inyo.” *Ma. Yzabelle Montemayor is a navy seal/Delta-Seal-1. *Kennedy Montero is a navy seal/Delta-Seal-2. *Maggie Villa Samonte Montemayor is an archer, gun, and martial arts professional/Alpha-archer. *Jordan Villegas Montemayor is the US military captain/Eagle-Captain. *Colt Gerald Montereal Montemayoris a famous detective and investigator/Delta-Detective. *Levi Montemayor is a representative from SA Agencia Montemayor/ Bravo SA. *Dra. Isabel La Vista is from the CIA/Bravo CIA. *Dra. Ma. Pauline Gonzalgo, master of kick boxing and all kinds of weapons/Alpha-KickBoxing. *Rick Villa Flor, the radio operator and IT/Delta-Operator/Bomb Disposal expert/Delta- Expert. *Darren De Guzman, nurse from US Military hospital/Eagle Nurse-1. *Walter Manalo, nurse from the military hospital Asia/Eagle-Nurse-2. *Use our languages para kayo lang ang nagkakaintindihan. And once na umiilaw ang emergency red button alert, sa gilid ng suot ninyong relo ay isuot agad ang earpiece, is that clear?” “Yes Sir!” sabay sabay na parang isang tao lang ang sumagot. And the last but not the list, Captain Pilot Mario Marasigan at your service/Alpha-Pilot. Our Back up team/Charlie-Mafia-1, Charlie-Samurai-2/Charlie-Master all kinds of Martial arts-3. “Sir, maaari bang magtanong?” “Yes, go ahead?” “Gaano tayo katagal sa mission na ito at sino ang napaka importanteng tao ang kailangan nating ibalik ng Pilipinas?” “Use your cellphone at may ipinadala akong data sa email nyo. Alamin at pag aralan nyo ang bawat detalye na nilalaman ng data, Have a good day.” Bumalik sila sa kaniya-kaniyang upuan at naging busy na ang bawat siya sa pag tutok sa mga hawak na gadgets. Siya ay sumandal at pumikit dahil ayaw na muna niyang mag isip. Kung anuman ang mangyayari sa lugar na kanilang pupuntahan ay sana lang gabayan silang lahat ng Diyos at iligtas. Makalipas ang napaka habang byahe ay lumapag sila. Welcome to Islamabad International Airport ( Airport in Pakistan ) Ngunit bago pa sila bumaba ay binigay sa kanila ang all black uniform nila at mabilis ang mga kilos na nagsipag bihis. May patchess na Flag Special Mission. Domestic connecting flight sila at halos dalawang oras sila sa himpapawid bago tuluyang lumapag. Tatlong US Military chopper ang naghihintay sa kanila. Nang nakaupo na siya ay tumabi sa kaniya si Jordan Montemayor. Alam niya na pisan ito ng kaniyang mahal na D*ckhead. “Ayos ka lang ba?” “Yes, Captain.” “Mag-ingat ka sa pupuntahan natin, ayaw kong awayin ako ni Doktor, sakaling may masamang nangyari sayo.” Napabaling siya sa katabi, pati pala ang tungkol doon ay alam nito. “Huwag kang magtaka kung bakit alam ko. Plano pa lang ang pagpunta natin dito ay naka timbre na ang tungkol sayo. Mahigpit din ang bilin ni Lolo twins, kaya naman gusto lang kitang paalalahan na hindi sa lahat ng oras ay nasa tabi mo ako. Alam ko naman na magaling kang makipag laban ngunit ang mga sasagupain natin ay mga kriminal. Mga halang ang kaluluwa at walang sinasanto.” “I know, and thanks.” “Good! Isa pa napansin ko lang na masama ang tingin sayo ng isang US Air Forced. Pag baba palang natin kanina ay agad na napansin ko na.” “Huwag kang mag alala sa bagay na yon. Isa lang ang lalaki sa buhay ko at mananatiling nag iisa. At yang US Airforced na sinasabi mo ay baka basagin ko lang ang balls pag nagkamali siya huh!” Hindi napigilan ni Jordan ang tumawa. “Kaya siguro takot sayo ang pinsan ko, baka gano’n ang gawin mo.” “Aba, hindi! Mahal ko yon at never kong pinag isipan ng masama ang d*ckhead ko.” Hindi napigilan ni Jordan ang mapa bungisngis. Kakaiba talaga ang babaeng ito, at sigurado siyang walang kawala ang kaniyang pinsan. Ang mga ganitong babae ay walang kinatatakutan. “Tawa ka ng tawa dyan huh!” “Makikisiksik nga ako riyan, Dra. Ganda.” “Bakit ka naririto Levi? Alalahanin mo lang, kung ayaw mong mag suntukan kayo ni JC.” “Alam ko yon, naka timbre naman sa lahat ang tungkol kay Dra. Ganda.” Aba, iba na ang pagpapa alala sa kagaya mong manyak!” “Grabe ka pinsan, hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan. Parang kasama ko pa rin si Troy at Xion, akala ko pa naman natakasan ko na sila.” “Tigilan mo ako sa ka-dramahan mo, yong bilin ni Dark ang alalahanin mo.” “Susko naman, pabilin bilin pa ang selosong yon ay mas magaling pa nga sa akin si Ate Maggie.” “Maiba ako, sa pagka alam ko ay kasama sa mission si Cassidy at Lindsay para daw may back up kung sakaling maging tagilid tayo sa mission.” “Sila naman talaga ang backup, kasama nga si Xion. Ano ba kasi ang iniisip mo ng sabihin ni Captain Marasigan ang buong detalye? Malinaw na nabanggit niya na si Samurai, Mafia at Martial arts Master.” “Akala ko lang may iba pa, ito naman tao lang nagkakamali din.” “Sino naman ang mga yon?” “Mga amasona’s wives Montemayor, kasamahan ni Maggie at Ma. Yzabell, ang mga yon.” “I see.” “Si Cassidy ay master of Samurai at si Lindsay ay anak ng founder Mafia.” “Kung gano’n sino ang mga Montemayor na asawa nila?” “Si Colt, asawa ni Lindsay at si Cassidy ay si Xion, mga bilas to be mo.” “So, dapat pala makilala ko na sila.” “Huwag kang mag alala baka nga naroon na sila.” “Kayong dalawa wala pa ba kayong asawa?” “Naku! Wala, at ayaw ko muna. Maghahanap muna ako ng babaeng pangbahay at hindi kagaya nyo na pang giyera.” “Takot kasi kayo na mabasagan ng balls. Kaya gusto nyo ay ang mga babaeng inosente.” “Hindi naman sa ganon, gusto ko lang ay walang ibang pagbibigyan ng atensyon kundi ako lang.” “Kung gano’n ang dapat mong maging asawa ay taga bundok. Ang babaeng hindi pa nakakalabas man lang ng syudad.” “Mula sa mangyan tribe?” “Hindi! Dapat sa kagaya mo ay eta.” agad na sagot ni Jordan. “s**t! Ano kaya ang amoy ng mga yon?” Subalit natahimik sila ng biglang may nag radyo. Nabosesan agad nila ang kanilang leader. “Magsipag handa kayo, palapag na tayo at nasa danger zone and restricted area tayo ngayon. Kunin nyo ang mga armas na nasa likurang bahagi ng chopper.” Mabilis ang kilos nila na dinampot ang mga baril. Siya ay dalawang maiksi ang kinuha at nilagay sa likurang bahagi ng katawan. Ilang minuto ay lumapag na sila, ang kaniyang backpack ay nilagay agad sa kaniyang likuran. At halos sabay sabay silang tumalon sa damuhan. “Dapat!” Malakas ang pag tulak ni Jordan sa dalaga na kinatumba nito sa damuhan. “s**t! Muntik ka na! Ano ba kasi ang hinahanap mo riyan sa bulsa mo?” “Ang cellphone ko, sisilipin ko lang ang picture ng d*ckhead ko. Salamat pala, kundi dahil sayo ay sigurado uuwi akong naka kahon.” “Move!” saka palang sila naka takbo ng may nag back up sa kanila. At kaya naman pala malayo ang binabaan nila ay dahil under attack pala ang kampo. “Dra. Pauline, tumuloy ka na sa loob ng klinika. Maraming sugatan at kailangan ka roon.” “Copy, sir.” Kasama niya ang dalawang nurse na tumatakbo. Ngunit hindi pa man lang sila nakarating sa loob ay may dalawang bala na tumagos sa kaniyang backpack. Kaya dumapa agad siya at pagapang na ang ginawa makapasok lang sa loob. “Dra. Gonzalgo is here!” Malakas na announce ng isang nurse. Mabilis siyang lumapit sa isang pasyente na naliligo sa sariling dugo. “Darren Walter, hurry!” “Nariyan na Doktora, mabilis ang bawat kilos niya dahil anumang oras ay maaaring mamatay ang pasyente. Hindi alintana ang putukan sa labas na may paisa isang pagsabog gawa ng bomba. Unang beses siyang napa sama sa military camp at timing na giyera pa talaga. Matapos makapag suot ng mask, head cap, medical gloves at iba pang kailangan. Sinimulan ang limang oras hanggang pitong oras na operasyon. “Darren, magpalit kayo ng pwesto ni Walter.” Yes, Dra.” “Suction!” Few minutes later… Hindi pa man lang sila na kakatapos ay isa na namang lalaki ang idinating at halos wala na itong buhay. “Dra. Isabel La Vista!” Naririnig nilang sigaw ng isang nurse. “Go Darren, doon ka na kay Dra. La Vista.” “Copy, Dra.” Few hours later…. “Okay ka lang Walter?” “Okay lang po Dra.” “Malapit na itong matapos, kaya mo na ba at iiwan na kita rito?” “Sure Dra. Gonzalgo, ako na po ang bahala dito.” “Thank you.” Nagpalit lang siya ng medical gloves at iniksamin ang isang lalaki na may tama ng bala sa isang paa. Pagkatapos ay bumalik sa unang pasyente at tamang tama patapos na si Walter. “Ikaw na ang mag tanggal ng bala sa paa ng isang yon. At may titingnan akong pasyente sa pinaka dulo. “Sige po Dra.” Subalit napa laki ang hakbang niya ng makita ang ginagawa ng isang babae. “Hey!” “Hello Dra. Pauline, kumusta ang inoperahan mo doon?” Hindi siya agad nakasagot dahil ngayon lang naman niya nakita ang dalawang babae. Ngunit nang maalala ang binanggit ni Levi at Jordan. “You are Cassidy, right?” “Lindsay, ayon si Cassidy.” sabay nguso sa babaeng nagpupunas ng samurai. “Oh, I see. By the way anong ginagawa mo sa kaniya?” “Ah, ito ba? Inaalis ko ang bala para tumigil ang pagdurugo ng sugat niya.” balewala nitong sagot sa kaniya. “Pero hindi ka doktor baka may makapansin ay maaari kang makasohan.” worried niyang sagot dito.” “Naku! Gano’n ba, pasensya na.” “Ayos lang, ako na riyan.” Mabilis siyang naupo sa tabi ng lalaki at sinimulan na tahiin ang sugat nito na pinag alisan ng bala. “Sino pala ang kasama nyo na dumating?” “Si Xion, hindi pumayag na ‘di kasama.” “Mabuti naman pala at narito ang mga asawa nyo.” “Hindi kasi papayag ang magkapatid na yon kung hindi sila kasama.” Nakaramdam siya ng inggit sa dalawa, obvious na maligaya ang mga ito sa mga partner nila. Hindi tuloy niya maiwasan na umasam na sana ay mapansin siya ng kaniyang d*ckhead. “Huwag kang malungkot Doktora, darating din ang time para sayo. Hindi mo lang alam kung gaano ang hirap na pinagdaanan namin. Once na Montemayor ang minahal mo dapat nakahanda ka sa lahat ng maaaring mangyari. Dapat matibay ang dibdib mo dahil lahat na yata ng kasumpa sumpang ugali ay nasa katauhan nila. Subalit pag nagmahal sila ay lubos at lahat ay kayang ibigay, ilalaban nila sa kahit anong paraan. Kahit kamatayan ay susuungin nila mabawi ka lang at maibalik sa piling nila ang babaeng minamahal.” “Gano’n ba yon?” “Yes, my dear, kaya dapat kayanin mo si Bayaw. Kagaya rin siya ng mga asawa namin. Mahirap siyang mahalin pero pag nakuha mo ang puso niya ay hundred percent na sayo. Isa pa walang pinag iba ang sitwasyon mo kay Ate Lindsay. Pero tingnan mo ngayon kung gaano siya kamahal ni Kuya Colt, ‘di ba Ate Lindsay?” Naputol ang usapan nila ng biglang may malakas na pagsabog. At hindi nagtagal ay dalawang lalaki ang idinating. Kaya naging busy na silang lahat sa mga pasyente. Hanggang sumapit ang gabi, at napansin agad ang pag ilaw ng emergency red alert button. Mabilis na dinampot ang earpiece at pinasok sa kaniyang tenga. “Move!” Nakasuot silang lahat ng all black at gamit ang night vision eyeglasses para makita agad nila ang kalaban. Tatlong araw lang ang binigay sa kanila ng isang afghanistan government official para mabawi nila ang mataas na na opisyal ng bansang Pilipinas. At ang usapan nila ay doon sa boarder ng bansang Pakistan ihahatid ang taong magdadala sa kanilang pakay. Napakahigpit ng siguridad sa side nila dahil anumang oras ay maaaring madakip ang mga kasama nilang babae. Hahakbang na sana si Alpha-KickBoxing ng may maulinigan siya sa suot na earpiece. “Don’t move!” Gustong mapa mura dahil sigurado siyang landmine ang natapakan niya. “Delta-Operator/Bomb Disposal expert,” agad narinig ni Rick, kaya mabilis na pinuntahan si Alpha-KickBoxing. “Dra, huwag kang gagalaw mabilis lang ito. Kaya mag relax ka at hindi ka dapat matakot.” “Okay , salamat;” Ilang minuto rin ang lumipas bago pa tuluyang masira ang bomba. Few minutes later… “Be ready, he’s coming.” Agad na naghahanda sila sa maaaring umataki. Kailangan ay makuha nila ng ligtas ang taong dahilan kung bakit naroroon sila sa magulong lugar. >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD