Chapter- 4

2542 Words
Ilang linggo nang hindi nakikita ni JC ang makulit na dalaga. At sa puntong iyon ay masaya siya dahil walang asungot na sumisira ng araw niya. Ngunit ang nagpapa gulo ng isipan niya ay sino ang taong gustong pumatay sa mag ina? At ang mga lalaking nagpunta raw sa apartment niya?  “Pare, malayo yata ang iniisip mo, mag bar tayo pag out natin? Ilang buwan na yata akong hindi nakainom.” “Ako’y huwag mong pinagloloko, kailan lang ay naamoy kita na amoy alak.” “Ito naman binibiro lang kita, samahan mo ako at may magandang waitress daw doon sa bar na pinupuntahan ko.” “Bakit kasi lumalayo ka pa ay nariyan si witch...ahm, i mean si Doktora hot mo.” “Isa pa yon sa itatanong ko sayo, hindi ko na siya nakikita ilang linggo na. Ang sabi ni Dra. Perez ay naka leave daw.” “Oh, I see.” “Ano sasamahan mo ako mamaya?” “Sige, magkita na lang tayo doon.” “Okay Pare, maiwan na kita at pupuntahan ko muna ang huling pasyente ko.” “Sige dude, bye.” Samantala ay parang gusto ng mahiga ng dalaga sa ibabaw ng boxing ring. Sobra ang pagod niya sa ginawa nila ng kaniyang master. “Ano kaya pa?” “Give me 10 minutes.” “Naninibago ang katawan mo, matagal kang hindi bumalik dito. Ang akala ko nga ay nasa ibang bansa ka na.” “Hindi ako maaaring umalis, dahil ayaw kong iwanan ang d*ckhead ko. Baka pag balik ko ay ipagpalit na ako non sa ibang babae.” napahinto siya sa pagsasalita ng mapansin ang bahagyang pagtawa ng kausap. “Bakit ka tumatawa?” “Bakit kasi yon ang tawag mo sa lalaking yon?” “Eh, kasi naman lalaking tao ay isang OB Gynaecologist… “What?” hindi na mapigilan na tumawa ng malakas. “Master, huwag kang tumawa riyan, mahal na mahal ko ang d*ckhead ko. Kaya nga kahit hate na hate niya ako ay ayos lang sa akin.” “Kung gano’n ano naman ang tawag niya sayo? Sigurado meron dahil ayon sa kwento mo ay galit sayo ang d*ckhead mo.” hindi talaga mapigilan matawa. “W*tch, wh*re, b*tch at vulgar ang tawag sa akin ng lalaking yon.” At sa pagkakataong iyon ay hindi na mapigilan ay humagalpak na ito ng tawa. Parang gusto na niya itong sapakain eh, kaya lang malaki ang respeto niya dito. Kaya dinaan na lang niya sa simangot at tumayo saka iniwan ito. “Aalis ka na ba? Hindi pa tapos ang last fight mo.” “Hindi, doon lang ako sa labas at may sisilipin sa cellphone ko.” “I’ll give you ten minutes, at bumalik ka kaagad.” Sinilipi niya ang mga inbox at may ilang messages doon. Ang una niyang binasa ay galing sa kaniyang kaibigan. Ilang minuto pa lang ang nakalipas sa text messages na yon. At naalarma siya sa nabasa kaya nagmamadaling nagbihis at sumakay agad ng motor. Naulinigan pa niya ang pagtawag ng kaniyang master. Ngunit hindi na niya ito pinansin dahil kailangan na makarating agad siya sa kaibigan. Ang dapat na thirty minutes ay ginawa lang niyang fifteen minutes. At pasadsad na huminto siya sa lugar ng apartment nila. Na balewala ang pagod niya sa practice ng sa hagdanan pa siya dumaan. Hingal kabayo siya ng marating ang 5th floor. Huminga siya ng sunod sunod at saka nagmamadaling lumapit sa pintuan. Malakas na sinipa iyon at bumukas, naabutan niya doon ang apat na lalaking naka tutok ang baril sa kaibigan. Saka lang niya naramdaman na nakasuot pa rin pala siya ng helmet. Ngunit sa isang banda ay ayos din para hindi siya makilala ng kaibigan. “Wow! Sabi na nga ba at magkakilala kayo!” “What do you want?” matigas niyang tanong sa isang lalaki na tila pinaka pinuno sa apat. “Tama nga ang sabi ng mga tao ko, matapang ka at hot.” at mabilis na humakbang palapit sa napaka sexy na babae. Subalit hindi papayag si Pauline na mahawakan siya nito. Kaya sa isang iglap ay naagaw niya ang baril nito at tinutok sa ulo. “Subukan ninyong gumalaw at bubutasin ko ang ulo ng boss nyo! Bessy...ahm Ms, Go! At tumawag ka ng pulis.” Halos mangatal sa takot si Sunshine na binuhat ang anak at tumakbo palabas. Kahit nagsasalimbayan sa utak niya kung sino ang babae at bakit ginawa nito na ipagtanggol sila. Nang makarating sa labas ay diretso sa kabilang pintuan ngunit nakasara iyon. At sa nanginginig na kamay ay nagawang tawagan si JC. Mabuti na lang at sumagot agad ng binata. Sinabi niya lahat ang mga nangyari sa kanilang mag-ina. Pero hindi niya binanggit ang ginawang pagtulong ng isang babae sa kanila. At kagaya ng utos sa kaniya ni JC ay sa pulis station sila ng anak pumunta. Agad namang inasikaso sila doon at ang iba ay nagtungo sa apartment na tinutuluyan niya. Dasal na sana ay maging ligtas ang babaeng tumulong sa kanila ng anak. Dahil ang apat na lalaki ay mga armado, ngayon ay unti-unting nabuo sa isipan na si Jake ang nag utos. Dahil sobra ang galit sa kaniya ng binata, isa pa wala naman siyang kaaway at hindi rin siya mayaman. Kaya’t ano ang motibo ng mga lalaking yon.  Few hours later… Humahangos na pumasok sa police station si JC. agad na hinanap ang mag-ina at nakita niyang nakasandal lang si Sunshine habang nakakatulog na. Mahigpit nag pagkaka yapos nito sa bata at awang awa siya sa sitwasyon ng dalawa.  “Mahal!” Ayos lang ba kayong dalawa ni Axel?” “A-ayos lang, n-nakatulog na pala ako.  JC, h-hindi na kami ligtas ni baby sa apartment mo.” “Ano ba ang nangyari?” “Palagay ko ay bumalik ang mga lalaki na sinasabi sa akin ni Pau. iyong sinabi ko sayo na na-encounter niya sa elevator.” “Kung gano’n mabuti at nakatakas kayo ni baby AJ?” “Merong isang babae na tumulong sa amin, hindi ko lang nakita ang mukha dahil naka suot ng helmet. “Bessy Shine, narito na ako. Kumusta kayo ng inaanak ko? Pasensya na at medyo malayo ako ng natanggap ko ang text messages mo.” Napalingon siya sa boses na narinig, parang narinig na niya iyon. Ngunit ng lingunin ang kaibigan ay iba naman ang suot nito. Baka nakakaringgan lang siya sa boses na ‘yon. Napa simangot naman si JC pagka kita sa babae. “A-ayos lang naman? Lihim na minamasdan niya ang dalaga kung may kakaiba dito pero parang wala naman. “Bessy Shine, i think kailangan na kayo ni baby na lumipat sa ibang lugar.” sa nabasa kong t-text mo ay hindi na kayo ligtas dito. Naintindihan naman agad ni Sunshine ang sinabi ng kaibigan.  “Mahal, tayo na at nang makapag handa kayo ni Baby Axel.” mabilis na pahayag ni JC. “Sige,” agad na tumayo at sumunod mga ito.” Makalipas ang ilang araw ay nakatanggap si Pau ng text messages mula sa kaibigan na si Shine. Nakaramdam siya ng lungkot na malamang wala na ito doon. Pati ang d*ckhead niya ay bihira ng umuwi sa apartment nito at nakaramdam siya ng lungkot. Kaya ang ginawa niya ay nagpaalam na sa may ari ng apartment. At back to mansyon na naman siya, ngunit hindi na siya masyadong tumatambay sa ospital. Papasok at pagkatapos ng trabaho ay agad na aalis.  “Hey! Kumusta naman ang pinaka magandang doktora?” “Oh, ikaw pala hotdog, anong kailangan mo?” balewala niyang tanong dito at akmang sasakay na ng kaniyang kotse nang bigla siyang hilahin ng binata. “s**t! Ano ba? Bitawan mo nga ako.” gusto na niyang sapakain ang lalaking ito. “Psshhh, huwag kang gumalaw please.” “Bakit ano ba yon?” “Yong makulit na babae ayan nakasunod sa akin. Tulong mo na sa akin ito, baka sakaling hindi na ako kulitin ng babaeng yon.” Hindi na lang siya gumalaw, at hinayaan ang binata na nakayakap sa kaniya. Samantala ay napahinto nang paglalakad si JC nang makita ang dalawang tao na magkayakap. Ngunit saglit lang at napapa iling na dumiretso na ng sakay sa kaniyang kotse. Talagang walang kahihiyan ang dalawang yon. Kahit sa parking ay naghahalikan huh! Sabagay ano ba ang inaasahan niya sa isang babaeng b***h at lalaking playboy. Saka pinaharurot ang kotse niya at natanawan pa niya ang dalawa na nakatingin sakaniya. “Ano ba?! Bitawan mo nga ako! Siguradong nakita tayo ng d*ckhead ko! Nakakainis ka!” “Sino yon? Boyfriend mo?” “Yes, matagal na kami ng d*ckhead ko pero hindi niya alam na girlfriend niya ako.” “Ano?” “Maiwan na kita, bye!” Napangiti naman si Jonathan, habang nakatanaw sa palayong kotse ng dalaga. Ambango talaga ng babaeng yon ang sarap yakap yakapin. Pero teka napaisip siya kung sino ang tinatawag na d*ckhead ng dalaga. Wala namang ibang kotse na umalis ng parking kanina kundi ang kasamahan nilang si Doktor JC. “humn...smell good.” Kinabukasan ay maagang pumasok si Pauline at dumiretso siya sa chairman office. Nagtataka siya kung bakit siya pina tawag ng kaniyang Lolo. Kumatok siya ng ilang beses at nang marinig ang boses ng abuelo ay pumasok na siya sa loob. “Good morning po Lolo, ano po ang gusto mong sabihin?” May inabot na folder sa kaniya ito at agad na binasa iyon. “Bakit ako ang ipapadala nyo sa lugar na iyon? Marami namang magaling na doctor dito.” “Ikaw ang request ang ospital doon Pauline. Kaya mag prepare ka na dahil mamayang hapon ay lilipad ka patungo doon.” Bagsak ang balikat na dinampot ang folder at lumabas ng pintuan. Hindi naman niya kayang suwayin ang abuelo, kaya sa halip ay dumiretso na siya sa parking. Pagdating sa mansyon ay mabilis ang ginawang pag iimpake ng mga gamit. Nang masiguro na nasa ayos na ang lahat ay nag bihis ng pang racer. Uubusin niya ang oras sa racing field at saka na siya babalik ng mansyon pag oras na ng lipad niya. Siguradong mamimiss niya ang kaniyang d*ckhead. At gusto niyang maiyak sa isipin na baka makahanap ng ibang babae. Pero ang nagpapalakas na lang ng kaniyang loob ay ang salita ng abuelo. “Hindi hadlang ang long distance relationship sa dalawang taong itinakda. Mismong ang tadhana ang gagawa ng daan para pagtagpuin muli.” ngunit hindi naman siya mahal ng kaniyang d*ckhead. At nasasaktan siya sa mga posibleng mangyari sa kanilang dalawa. At ayaw niya ng ganoong isipin kaya ang ginawa ay hinapit ang silinyador at pinasibad ang kaniyang motor. At pakiramdam niya ay hindi siya makahinga kaya panandaliang huminto at inalis ang helmet. Saka pinaharurot muli iyon, at unti unting naramdaman niya ang pag luwag ng kaniyang dibdib. Nakailang ikot pa siya sa malawak na racing field bago magpasya ng balikan ang kaniyang helmet sa pinag iwanan na lugar. “Hi, ang galing mo.” Nalingunan niya ang isang babaeng may edad na. At agad din naalala ang mukha nito. “Seducing?” “Yes, I am.” “Wow, sa wakas na meet rin kita in person. By the way, nagmomotor ka po bang muli?” “Paminsan minsan na lang, ayaw na akong payagan ng mister ko.” “Sabagay nga po, gawa ng nangyari sa inyo noon.” “Pero ang isang anak ko ay siya yatang nagmana sa akin. Ayon siya yung naka black Yamaha. “Wow, matagal na ba siya sa racing?” “I think five years, and how about you? Wala ka bang plano na sumali sa competition?” “Hindi nga po alam ng Lolo ko na motorcycle racer ako.” “What is your name iha?” “Pauline Gonzalgo po.” “Are you related to Chairman Joshua Gonzalgo?” “Yes po, siya ang Lolo ko.” “Oh, so kilala mo pala si Kuya Jade?” “Yes po,  pati na ang twins chairman na best friend ni Lolo.” Napatitig na lang si Laurice sa dalaga, ito pala ang sinasabi ng kanilang ama na nakatakda para kay JC. Pangalawang beses lang ang pagtatakda na sinangayuan ng mga elders. Una ang kaniyang Kuya Dave kay Trisha. At ngayon ay si JC at ang kaharap na dalaga. “Ang mabuti pa ay samahan mo akong mag merienda.” Nahihiya naman siyang tumanggi kaya tumango na lang. At nang maiparada ang kaniyang motor ay pumasok na sila sa loob ng building. Tamang tama na papasok rin ang anak nito na racer din. “Hija, maiwan muna kita, pansamantala ay magkwentuhan muna kayong dalawa.” “Sure po.” “So, racer ka rin pala?” Yeah, pero parang ang mommy mo lang noong kapanahunan niya.” “Ibig mong sabihin ay sikreto din?” “Yes, hindi kasi papayag si Lolo.” “So, hindi mo pa na try na sumali sa mga competitions?” “Hindi pa, at ayaw kong subukan dahil sigurado na malalaman ni Lolo.” “Sabagay mahirap nga ang gano’n, mahirap maglaro ng patago. Kaya nga noon ng nagustuhan ko ang sports na ito ay agad kong ipinaalam sa parents ko. Ayaw kong mapagaya sa nangyari kay Mommy.” “Mabuti at napapayag mo sila?” “Noong una ay ayaw ni Papa, kaya lang ay si Mommy ang nagbigay sa akin ng access. Sinang ayunan rin ni Kuya Jason kaya ito limang taon na ako sa field na ito.” Naputol ang usapan nila nang may dumating. “Hello Dra. Pauline Gonzalgo.” “What are you doing here?” ayaw sana niya itong harapin. “Kasama ako ni Mommy at Kuya, ikaw bakit ka naririto? Huwag mong sabihin na racer ka rin?” namilog ang mata na nakatingin sa kaniyang suot. Kaya hindi na siya nakapag kaila pa, umamin na lang siya. “Huwag mo sanang mababanggit sa kahit isang Montemayor.” “Montemayor nga ang kasama mo huh!? “Hindi ako Montemayor, Llamas ako.” biro niya sa dalaga. Nagtatawanan na lang sila at hindi na rin naman nagtagal ay dumating na ang kanilang order. Panandaliang nakalimutan niya ang sitwasyon. Dahil masarap kausap ang mga bagong kakilala. Hanggang hindi na niya namalayan ang oras. “Let’s go, tumawag na ang Papa mo anak, paano Doktora, mauna na kami sayo.” “Sige po, ingat kayo.” hindi na rin nagtagal ay nagpaalam na siya sa mag ina. “Ingat, hija.” “Salamat po.” Agad na tumalikod at nagmamadaling lumapit sa motor niya. Sinuot ang helmet at mabilis na pinasibad iyon sa kahabaan ng highway. Dalawang oras na lang ay lilipad na siya at ang Montemayor private plane ang kaniyang sasakyan. Pagdating niya  mansyon ay halos naiinip na ang driver na maghahatid sa kaniya. “Pasensya na po Manong.” “Ayos lang po Senyorita, paki bilisan lang at nakailang tawag na ang staff ng Montemayor private Plane.” “Okay po, 5 minutes,” saka patakbo nang umakyat sa kaniyang kwarto at mabilis na nag bihis. Nang masiguro na wala ng nakalimutan ay tumakbo na pababa.  “Halika na po, Manong.” “Copy po Senyorita.” >>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD