Ginising si JC ng malakas na katok. Ayaw pa sana niyang tumayo mula sa higaan dahil pakiramdam niya ay bago pa lang siya nakakatulog. Subalit lalo pang lumakas at halos bayuhin na ang dahon ng kaniyang pintuan. Kaya napilitang bumangon, at tanging boxer short lang ang suot at malakas na hinila ang pintuan.
“Oh my God! D-d*ckhead, ahm….oh s**t!”mabilis na tumalikod dahil hindi niya alam kung anong maaaring sabihin.
“Anong kailangan mo whitch?” ang aga-aga ay nambubukahaw ka!”
“Ahm, ito kunin mo bilis!” habang nakatalikod ay inabot niya sa binata ang bagong luto na tapa at fried rice na kaniyang ginawa.
“Ano ba yan? At bakit ko naman aabutin? Hindi naman ako nag paluto ah!”
“Kunin mo at bibitawan ko yan! Bahala kang maglinis pag sumabog ang pagkain sa lapag!”
“F*ck! At tamang tama ng hawakan niya ay binitawan nga. Mabuti at naagapan niya kundi ay makakapag linis siya ng wala sa oras. Kaya sa inis ay hinawakan ang dahon ng pinto at malakas na sinara. Saka ini-lock iyon dahil ang babaeng kapit bahay niya ay absent yata sa school ng i-lecture ng teacher ang salitang kahihiyan. Mabilis na inilapag sa ibabaw ng lamesa ang pagkain at akmang patalikod nang maisip na buksan ang lalagyan ng pagkain. Sumalubong agad sa kaniya ang amoy na nagpa kalam ng kaniyang tiyan. At sa halip na bumalik sa higaan ay naupo sa harapan ng lamesa at sinimulang kainin iyon. Nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Agad na sinagot iyon ng maisip na baka emergency.
“Masarap ba d*ckhead ko?”
Nailayo niya sa tainga ang aparato pagka rinig sa boses ng babaeng makulit. At sa halip na sagutin ang tanong ay ini-off niya ang tawag. Gusto pa sanang tapusin ang pagkain ngunit dinampot na lang iyon at dinala sa lababo. At dahil Sunday ay bumalik siya sa higaan subalit hindi na siya dalawin ng antok. Kung kailan naman siya umuwi ng bahay para makasama ang mag-ina ay panira talaga ang babaeng walang delicadeza. Kaya ang ginawa niya ay naligo na lang at nagsuot ng short at white t-shirt. Pagkatapos ay lumabas at nagtungo mini sala. Saktong lumabas naman si Sunshine.
“Nasaan si baby?”
“Nasa kapitbahay, kinuha ng ninang niya.”
“Ninang? Who?”
“Ang iyong girlfriend, ang swerte mo JC, may tagala luto ka na. At natikman ko ay napakasarap. Kaya kung ako sayo ay sagutin mo na siya.” saka siya natatawa na tinalikuran ang binatang kulang na lang ay umusok sa inis.
Samantala sa sobrang inis ay kunot noo na lumabas ng bahay si JC. At kulang na lang ay gibain ang pintuan ni Doktora, sa lakas ng lagabog. Hindi naman alintana ni Pauline ang nangyayari sa labas. Bahala ang d*ckhead na yon. Mas pinagtuunan ng pansin si Axel, subalit ng marinig ang boses ng binata ay naalarma siya.
“Pag bumilang ako ng dalawa ay wawasakin ko ang pintuan mo pag hindi bumukas!”
Kaya agad na tumayo at tumakbo na patungo ng pinto.
“Grabe ka naman d*ckhead ko, sisirain mo talaga ang pintuan ko? O baka naman gusto mo pa nag fried rice with tapa?”
Subalit, tinabig siya nito at tuloy tuloy na pumasok. Parang ito ang may ari ng apartment niya. Mabilis na binuhat ang bata at susubukan sana niyang harangin ngunit tinulak siya kaya sa wall siya napunta.
“D*ckhead! Hintay!” Kahit medyo masakit ang kaniyang balikat dahil sa pagkauntog sa wall ay dalidaling sumunod pa rin sa binata. Ngunit pagdating niya sa pintuan ay naka lock na iyon. Sinubukan na kumatok ngunit walang nagbubukas. Kaya napilitang bumalik na lang sa sariling apartment. Mas mabuti na lumabas na lang siya, dahil baka lalo lang magalit sa kaniya ang binata. Naligo at nagsuot ng skinny jeans pagkatapos at hanging blouse at pinarisan ng white sneakers. Inabot din ang white cap at sinuot iyon tapos ang black shades niya. Wala siyang kahit anong dala maliban sa kaniyang black belt bag. At bago lumabas ng bahay ay binalikan ang kaniyang jacket. Nagtungo sa parking at inalis ang takip ng kaniyang motor. Iyon lang ang tanging sasakyan niya na dinala. Dahil baka mabuking pa kung sino talaga siya. Pinaharurot niya ang sasakyan palabas ng compound.
Samantala ay napalingon si Sunshine ng makita ang babaeng nakasakay sa motor. Hindi siya maaaring magkamali kay Doktora Pauline yon. Sigurado siyang ang dalagang bagong kaibigan niya. Marahil ay hindi lang siya napansin kaya nag tuloy tuloy. Pagdating niya sa taas ay inabutan ang anak na karga ng binata.
“Umalis ang girlfriend mo at grabe pala yon magpatakbo ng motor. Motorcycle racer ba siya, ang galing mag motor.”
Napa-isip si JC sa sinabi ni Sunshine, sabagay wala naman siyang alam sa babaeng yon. Isa pa hindi rin siya interesado kung anuman ang gawain nito.
“Maiba ako, hanggang kailan kaba rito? Kasi kung mag tatagal ka ay lalabhan ko na ang mga damit mo.”
“Huwag ka ng mag abala pa, may laundry coins naman sa may ospital.”
“Okay bahala ka, diyan ka muna at magluluto ako.”
Sige, doon muna kami ni baby sa kwarto ko, paki tawagin mo na lang ako pag tapos ka na.”
“Sure, and thanks sa pag Yaya mo sa anak ko.”
“Huwag kang magpasalamat, dahil masaya ako na nakakatulong. Isa pa, ay mabait naman itong si Axel.”
“Sige, magluto na ako at anong oras na para makakain tayo ng maaga.”
Iniwan na siya ni JC, minsan hindi niya maiwasan mag-isip kung bakit gano’n na lang ang gingawa nitong tulong sa kaniya.
Samantala, sa bilis ng takbo ni Pauling ay agad na narating ang parting Bicutan. Wala naman siyang alam na puntahan. Basta gusto lang niya na libangin ang sarili at pansamantalang mawala ang atensyon sa supladong lalaki. Pagtingin niya sa relo ay almost 5:PM na. Hindi sana siya magmiminor nang makita ang kumpulan ng tao sa gilid ng daan. Huminto at itinaas niya ang parting harapan ng helmet at halos nang hilakbot siya sa nakita. Isang babaeng naliligo sa sariling dugo ang nakahandusay. Ayon sa mga tao ay hit and run daw ito. Nagmamadaling bumaba at agad na inalis ang suot na helmet.
“Call the ambulance, hurry!”
“Naka tawag na miss at sigurado ay parating na.”
Mabilis na lumuhod siya sa gilid ng babae at hinawakan ang pulsohan nito. Subalit naramdaman niya na mahina iyon. Mabilis na minasahe ang parting dibdib at minsan pang pinakinggan ang t***k ng puso nito. Gustong mapa iling dahil alam niyang pag nagtagal pa ay maaaring mamatay ang babae. Ilang sandali pa ay narinig na nila ang ingay ng parating na ambulance. Nabuhayan siya ng loob at agad na hinintay ang mga medic.
“Faster! Sigaw niya sa dalawang lalaki at isang babae na bumaba ng ambulance. Mabilis na inagaw niya ang medical box na dala nito, pati na ang stethoscope ng isa. Walang sinayang na sandali at agad na tinusok ang parting tagiliran ng dibdib. Bumulwak ang dugo doon at kasabay ay ang pagbabalik sa normal na paghinga nito. Matapos malagyan ng cover ang sugat ay agad na kinausap ang mga medic.
“Kaya nyo na yan, pakilagyan nyo agad ng oxygen at kung maaari ay sa malaking hospital nyo siya dalhin.”
“Sandali po, mawalang galang na. Sino po ba kayo? Hindi lang ako nagreklamo sa yo kanina ng agawin mo ang medical box. Ngunit labag sa medical rules namin ang ginawa mo.”
Wala siyang nagawa kundi buksan ang kaniyang body bag at kinuha ang id niya roon saka inabot sa lalaki.
“I’m sorry, wala na kasing oras at pinaka delikado na ang lagay ng pasyente.”
“Doktor po pala kayo, pasensya na rin.”
“Okay lang, sige mauna na ako.”
Matapos maipasok sa kaniyang bag ang id ay sumakay na siya ng motor at nag suot ng kaniyang helmet. Agad na sumibad siya palayo sa kumpulan ng mga tao.
Sa apartment ni JC, habang kumakain sila ay nakabukas ang malaking screen. Hindi iyon malayo dahil ang kitchen ay connecting sa living room.
“Flash report: isang netizen ang nag upload ng video sa social media na umani ng napakaraming viewers at comments sa f*******: at youtube. Ayon sa nilalaman ng clip ay napakaganda at napagaling ng doktora ang nag salba sa buhay ng isang babae na nag aagaw buhay. Narito po ang kuha ng isang netizen.”
“Si Doktora Pauline yan diba?” sabay tayo si Sunshine nang makilala ang dalaga.
“Y-yes, siya nga yon.” kitang kita nila kung paano nito na salba ang buhay. Ang duguan nitong mga kamay at ang pagsisikap na maibalik ang normal na paghinga ng agaw buhay ng babae.
“Bakit ba ayaw na ayaw mo sa kaniya? Walang lalaki na aayawan ang ganyan kagandang babae. Talented pa at mabait, complete packages na.”
“Kahit gaano pa kaganda ang isang babae kung napakalandi naman huh! Kulang na lang ay tumihaya sa harapan ko! At lilinawin ko lang hindi siya mabait tulad ng inaakala mo.”
“Gano’n?”
“Oo, dahil ang babaeng yon ay flirty, vulgar at walang delicadeza! At kahit kailan ay hinding hindi ko siya magugustuhan!”
“Humn, baka pag nakahanap ng iba si Doktora ay magsisi ka. Napaka bihira ang ganyang babae, hindi nahihiya na ipakita sayo ang nararamdaman. At pag ganon raw ang isang tao ay siguradong malinis ang buong pagkatao.”
“Basta ayaw ko sa kaniya, period!”
Gustong mapahagalpak ng tawa ni Sunshine sa naging reaksyon ng binata.
“The more you hate, the more you love daw ang ganyan Doktor JC.” sabay tayo niya at niligpit na ang pinagkainan. Nagmadali na siya at anumang oras ay magigising ang anak.
Samantala si JC, at bumaba at lumabas ng building. Naglakad lakad siya para bumaba ang mga nakain.
“Hi handsome, taga dyan ka ba sa taas ng building?”
Hindi sana niya ito sasagutin ngunit sinabayan pa siya nang lakad. Kaya napilitan na huminto at humarap sa babae. Nakakahiya naman kung hindi niya ito papansinin. Subalit isang malakas na ingay ng gulong ang nagpalingon sa kanilang dalawa.
“Hi, D*ck...uhmn...baby ko pala.” at agad nahubad ang suot na helmet habang nababa ng motor. At sa mabilis na galaw ay nahalikan agad ang hindi nakahuma na lalaki.
“And you Ms, leave my baby, okay?” sabay talikod at sumakay ng motor.
Sasagot pa sana sa inis si JC ng humarurot na ito palayo.
“Girlfriend mo pala ang napakagandang babae na yon?”
Hindi na lang siya sumagot, bagkus at naglakad na palayo sa babae. Naiinis siya sa witch na yon, naisahan na naman siya.
Samantala ay umiikot lang si Pauline, para pumasok sa basement parking area. Naiinis talaga siya sa nakita, sino ba ang babaeng panget na yon na gusto yatang landiin ang d*ckhead niya. Kaya sa inis ay muntik pang sumalpok ang motor niya sa wall ng parking. Mainit ang ulo na bumaba at tinakpan muna ang motor niya bago hinubad ang suot na helmet. Iginalaw galaw ang ulo para mawala ang pangangalay ng kaniyang batok. At naglakad na patungo sa elevator, subalit bago iyon sumara ay may pumasok na dalawang lalaki. Kaya tumabi siya sa gilid ng wall, ngunit may napansin siya.
“Saang floor ka Ms?”
“Ah, sa 10th floor.” pagsisinungaling niyang sagot. Lihim na naghanda ng sarili sa maaaring gawin ng dalawang lalaki sa kaniya. Bigla niyang naalala ang ama, kaya pala siya pinilit na maging professional kickboxing at paghawak ng iba’t-ibang klase ng weapon ay magagamit pala niya talaga. Ngunit walang nakakaalam ng bagay na iyon. Kung bakit naman nag iisa siyang anak at wala man lang kapatid. Meron naman siyang half brother, ngunit hindi naman siya malapit, Dahil everytime na nasa malapit ay nakakaramdam siya ng pagka ilang.
“Ka ano-ano mo ang nakatira sa 5th floor?”
“Wala akong kilala sa floor na yon.” pagsisinyngaling niya.
“Sigurado ka?”
“Yes.” nang biglang huminto ang elevator at nasa 10th floor na pala sila. Kaya agad na lumabas siya ngunit laking gulat niya ng sumunod sa kaniya ang dalawa.
“Sinusundan nyo ba ako?” dalawang dipa ang distansya niya sa dalawang lalaki.
“Hindi ka namin sinusundan, nagkataon lang na taga rito rin kami sa floor na ito.”
“Kung gano’n ay mas mabuti na mauna kayo dahil hindi ako sanay na merong sumusunod sa akin!”
“Bakit naman Ms? Ayaw mo ba na meron kang bodyguard sa likuran mo?”
“Hindi ko kailangan dahil kaya kong protektahan ang sarili ko. At sa bilis ng kaniyang mata ay agad nasulyapan ang hawak na Taser ng isa sa dalawang lalaki.
“Gano’n ba?”
At muntik na siyang tamaan ng magkasunod na sipa na pinakawalan ng dalawa.
“Akala nyo ba ay hindi ko alam ang mga ganyang kilos nyo?” saka siya ngumisi na tila nang iinis pa.
“Aba, mayabang ka Ms, pag nahuli ka namin ay buong magdamag ka naming pagsasawaan bago patayin.”
“Yon ay kung mahuhuli nyo ako huh!”
“Tol narinig mo ang sinabi niya? Talagang lalo akong nag iinit sa kagandahan mo Ms. Hot. Yari talaga ka sa akin pag nahawakan kita.”
“Then, try me.”
Sinugod na siya ng dalawa at dahil makitid ang lugar ay possible na tamaan siya. Kaya ginamit ang pinaka best tactics niya at sa paglipas ng halos isang minuto ay nasa sahig na ang dalawa. Sa sobrang inis niya ay dinampot ang Taser at ginamit niya iyon sa dalawa. Nangisay na tila unti-unting nawalan ng malay saka niya iniwan ang mga ito. Sumakay ng elevator at pinindot ang kaniyang floor. Pagdating sa harapan ng pintuan ay hindi siya pumasok. Sa halip ay sa kabilang pinto siya kumatok. Ngunit ng marealize na gabi na at baka tulog na si Sunshine ay tumalikod na lang at pumasok sa sariling pinto. Dahil hindi rin naman siya bubuksan ng binata sakaling gising pa ito. Dapat maabisohan niya si Sunshine tungkol sa dalawang lalaki, alam niyang isa ang mag-ina sa pakay ng mga iyon.
Binaba lang ang bag at naghubad na ng mga kasuotan. Pumasok sa banyo at mabilis na nag shower. Pagkatapos ay nagtuloy sa mini kitchen at uminom ng gatas. Siguradong bukas pag gising niya ay masakit ang katawan. Matagal na siyang hindi nakakapag practice ng kick boxing. Siguro mas mabuti na kada weekend ay bumalik muna siya sa ring. Ayaw rin muna niyang kulitin ang binata dahil baka tuloyan nang mapikon sa kaniya. Saka baka pag hindi siya nakikita ay ma-miss siya nito. Which is impossible na mangyari dahil sagad yata sa buto ang pag ayaw sa kaniya nito.
Kinabukasan ay nakarinig siya ng mga katok, kaya kahit masakit nag buong katawan ay pinilit na bumangon.
“Friend, good morning, ikaw ba ang kumatok kagabi?”
“Ahm, yeah...sorry kung nasira ang tulog mo.”
“Hindi pa ako tulog ng kumatok ka, kaya lang nag breastfeed ako kay baby AJ. Kaya kahit gusto kong tumayo ay hindi ko naman maiwan ang anak ko. Baka mag alburuto pag na istorbo sa pag dede. Ang hirap pa naman patigilin, napakalakas pa pag umiyak.”
“Bessy Shine, i think kailangan mong maglipat na ng bahay.”
“Ha? Bakit naman?”
“Kagabi, yon sana ang sasabihin ko. Meron akong na encounter sa elevator dyan sa baba ng building. At kahina hinala ang mga kilos kaya sa halip na 5th floor ang pindutin ko ay 10th floor. Subalit sinundan nila ako at sinabi na kung kilala ba raw kita. Syempre sabi ko hindi, then suddenly they attack me. M-mabuti na lang at nakatakas ako kundi ay baka h-hindi na tayo magkita pang muli. Baka hindi ko na magawang pakasalan ang d*ckhead ko.”
“Totoo ba ang sinasabi mo?” kahit gusto niyang matawa sa huling tinuran nito ay mas nangibabaw ang takot at kaba.
“Hindi ako nagbibiro Bessy Shine. Pero kung sino man ang mga iyon ay baka may kaugnayan sa bata?”
Agad na nahintakutan siya, pumasok sa isipan si Jake. possible kaya na ang mga taong iyon ay tauhan ni Jake Montemayor?”
>>>