Chapter Thirty-seven: Idiot Boss ROOFTOP OF CULINARY BUILDING, UNIVERSIDAD DE FROILANDON, CITY OF MISTA “So? Nakakuha ka ba ng information about sa kanya?” tanong ni Anton kay Catherine na abala sa pagtipa sa laptop nito. Kasalukuyan silang nasa rooftop ng culinary building. Nagkataong vacant nilang pareho kaya silang dalawa lang ang nandito. Ang iba nilang kasamahan ay may mga klase samantalang si Kenneth ay pinatawag ng nanay nila. “Yup! Kakaiba ang ginawa niya at talaga namang napakalinis,” sagot ni Catherine pero ramdam niya ang sarkastikong tono nito. “Really? How did he do it?” tanong niya. “Well, he sneaked out sa vent tapos binasag ang glass box and voila! Nasa kamay na niya ang gem!” Napatulala siya kay Catherine dahil sa sinabi nito. Hindi siya naniniwala