Chapter Twenty-seven: Don’t jinx “Ama…” Pilit inaabot ng kanyang anak ang kamay niya. agad naman siyang lumapit at hinawakan ito. Dinudurog ang puso niya dahil sa kalagayan ng kanyang anak. Ang dating masigla at masayahing anak na babae ay ngayon ay halos mapapatid na ang pisi ng buhay nito. Ang payat nitong kamay ay pilit na himihigpit sa kanyang kamay. “Masakit… sobrang sakit…” Hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng kanyang mga luha sa pisngi niya. Tila ba bilang na ang mga oras ng kanyang nag-iisang anak. Wala siyang magawa para sa kanyang anak. “Tupe, humingi na tayo ng tulong kay Dr. Abelardo,” sabi ng kanyang asawa. Hilam na din ng luha ang mukha nito at mukhang hindi na kayang pagmasdan pa ang kalagayan ng kanilang anak. “Humingi na tayo ng tulong kahit ka