Chapter Twenty-eight: Righfully yours Tahimik na binabaybay ni Anton ang daan papuntang bayan ng Quirone. Iniisip niya kung ano na naman ang pakulo ng kanyang ama. Matapos niyang ipahiya ang magulang sa harap ng bisita nila na mga Smiths ay may gana pa siyang papuntahin. Wait, hindi kaya another arranged marriage na naman ito? if ganoon nga talagang magwawala na ako. Pagpasok niya sa kanilang hacienda ay bumungad sa kaniya ang mga trabahador ng pamilya nila. Pinagmasdan niya ang paligid at talaga namang masagana ang lupain nila dahil sa mga magagaling nilang trabahador. Pero alam niya na ilang taon ng naghihirap ang mga tao dahil sa kanyang pamilya. Alam niyang matagal na nilang inaasam na mapunta sa kanila ang lupain. Alam niyang inagaw lamang ng pamilya niya ang mga