Chapter Twenty-two: Harvesting

1844 Words

Chapter Twenty-two: Harvesting                  Nagising si Aman dahil sa isang pag-iyak. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mata at bumungad sa kanya ang isang butas-butas na bubong. Bumangon siya at pinagmasdan ang paligid. Nasa isang maliit na kuwarto siya. Maliit ito at tanging liwanag na nagbibigay sa lugar ay ang sinag ng araw na lumulusot sa mga maliliit nab utas ng bubong. Nakarinig siya ng paghikbi at ng lumingon siya sa kanyang kanan ay may nakita siyang bata. Kahit na hindi ganoon kaliwanag ay nakita niya ang isang batang babae na humihikbi sa isang tabi. Nakaupo ito at nakapatong ang ulo sa mga tuhod nito. Sa tingin niya ay kaedaran lamang niya ang bata. Dahan-dahan siyang lumapit at umupo sa tabi nito. Naramdaman ng batang babae ang pag-upo niya at iniangat nito ang ulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD