Natapos ang isang araw n'ya na walang bago sa mga nangyari at ginagawa n'ya. He mastered his job but still he prayed that he won't fail in saving a life. Hindi naman na bago sa kanya ang hindi pag-survive ng mga pasyente na na-diagnosed ng ilang malalalang mga sakit.
He gave his heart into his job and he perform with all his will. He is not letting anything to burden him so that he had no one to think off while on work. Wala s'yang ibang importanteng bagay na pinagkaka-abalahan.
Ngayon papalabas s'ya ng hospital at papunta sa sasakyan n'ya nang makita ang pangalan ng kaibigan n'ya na tumatawag sa cellphone n'ya. Agad n'yang sinagot ang tawag na iyon. Hindi pa man lumapat sa tainga n'ya ang speaker ng cellphone ay nailayo n'ya kaagad ito.
Agad n'yang narinig ang malakas na tugtog mula sa kabilang linya. Alam n'ya na kaagad kung nasaan ang isang iyon. At sigurado s'ya na kompleto ang mga kaibigan n'ya sa lugar na iyon lalo pa at alam ng mga baliw n'yang mga kaibigan na day-off n'ya bukas.
Ibinaba n'ya ang tawag at nag-text na lang na papunta na s'ya. Napa-iling na lang s'ya sa mga iyon. Although, he's free, if he is not going to spend his free time with his friends and in a place where he can shift personally, where? He is not a f*cking nerd. He rock!
Iba ang katauhan niya kapag nasa loob s'ya ng hospital. He's on work mode, he don't think other things because he was focused as hell. But when he stepped his foot outside the hospital he shifted into normal human being that needs to get a life.
At ngayon ay binabaybay n'ya ang kahabaan ng highway papunta sa lugar kung saan alam n'yang bumabaha ng bote ng alak ang mesa na napapalibutan ng mga kaibigan n'ya. They don't drink one or two bottle. They won't stop drinking until one of them can no longer move an inch with a finger.
Ganoon kalala ang mga kaibigan niya at nagpapasalamat s'ya sa mataas n'yang alcohol tolerance dahil hindi pa nangyari na mabigyan ng pagkakataon ang mga kaibigan n'ya upang guhitan ang mukha n'ya ng kung ano. s**t! He can't afford to put a thing in his face! Puhunan n'ya iyan to get a good steamy night!
"Welcome sir," pagtango ng guard ng ipakita n'ya ang VIP card n'ya sa bar na ito.
Hindi n'ya alam kung paano nakuha ng kaibigan n'yang si Edmar ang card na iyon, pero binigay lang iyon ng kaibigan at sinabi na for easy access purpose only. Agad n'yang nakita ang kumakaway na si Harlin kaya agad s'yang humakbang papalapit doon.
Pero bago pa man s'ya umabot sa mesa ng mga kaibigan ay napatigil s'ya nang biglaang may kamay na lumapat dibdib n'ya. Napataas ang kilay n'ya nang makita ang mukha ng babae.
"Maaga pa ang gabi. My name is ---"
Hindi n'ya ito pinatapos magsalita at agad s'yang nagsita.
"I just got here, miss. Hindi ko pa napapainit ang puwet ko. Paupuin mo muna ako," bolgar na sambit n'ya dito kaya agad parang napaso ang babae at papitik na tinanggal nito ang kamay sa dibdib n'ya.
Nagkibit-balikat s'ya nang maghiyawan ang mga kaibigan n'ya. Mukhang pinapanood s'ya ng mga sira-ulo.
"Maganda iyon ha," sambit ni Marco nang may kasamang paghampas sa balikat n'ya nang maka-upo s'ya sa tabi nito.
"Hindi pa nga ako nakaka-upo. Hindi pa umiinit ang puwet ko," nakangising sambit n'ya dito.
Just like his assumption, they're complete. Marco, Edmar, Harlin and Yael. These bunch of a dickheads that happens to be his friends are all successful in their own fields. Kaya mga walang pagdadalawang-isip na pagwawaldas ng pera ang ginagawa ng mga ito because they're earning a lot!
Marco is an orthopedic surgeon who works in his family's hospital. Edmar is running his family's multimillion chain of hotels. Harlin is a lawyer who owns a lawfirm and Yael who manages his family's business that exports fruits outside the country and aside from that, he is also a ceramic artist.
Damn! He got a bunch of millionaire friends he can ran anytime he's broke. Although, mabubuhay pa naman s'ya ng siguro mga 48-50 years kung sakali titigil s'yang magtrabaho ngayon. Kidding aside.
"Minsan nakakalimutan ko na ikaw ang pinaka-busy sa ating lahat. Napapatanong ako kung bakit ikaw palagi ang late," nakangising sabi ni Yael.
"Says the missing in action for 2 months because he was busy preparing for his exhibit in Italy." Kibit-balikat sa sagot n'ya bilang pagpaparinig n'ya sa kaibigan.
"I have an announcement to make."
Sabay-sabay silang napatingin kay Marco. Ngumisi ito at isa-isa silang tiningnan.
"Please, huwag mong sabihin sa amin na mamamatay ka na."
Agad na lumipad ang kamay ni Marco sa batok ng kaibigan na si Edmar at walang pagdadalawang-isip n'ya iyong hinampas doon. Nanlisik ang mga mata ni Edmar pero hindi iyon pinansin ni Marco. Nginisian ni Vince ang kaibigan kaya sa kanya bumaling ang nakamamatay nitong tingin.
Hindi n'ya na lang iyon pinansin at kinuha ang bote ng alak saka tinungga.
"I'm planning to propose to Wella."
Naibuga ni Vince ang iniinom na alak dahil sa narinig mula sa kaibigan. Hindi makapaniwalang tiningnan n'ya ito. Tiningnan n'ya rin ang mga nakanganga na ibang mga kaibigan at sabay silang lahat na napahiyaw nang makabawi sa pagkagulat.
"s**t! Sa wakas! When are you planning? I'm going to free my schedule! Damn! I can't miss the proposal of the decade!" exaggerated na sambit ni Edmar.
"Damn man! You got your balls?!" natatawang sambit naman ni Yael nang may kasamang pagsuntok sa balikat ni Marco.
"Are we going to do some prank drama like in the movie or something?" excited naman na tanong ni Harlin.
"Well, at least finally you have already think about that! Damn it! Ikaw ang pinakamatanda sa atin, dapat lang naman talaga na ikaw ang unang mag propose!" aniya na ikinatawa lamang ni Marco.
Sa kanilang lima, ito ang may maayos na relasyon. Sa kanilang apat naman, suntok sa buwan ang chance nag magkakaroon sila ng relasyon na katulad nang kay Marco. Marco and Wella's been together for 10 years now. Kaya masaya sila na lalagay na ito sa tahimik dahil alam naman nila na doon din naman hahantong ang relasyon ng kaibigan.
Hindi n'ya nakikita ang sarili na nasa ganoong estado ng buhay. Wala s'yang balak na pumasok sa seryosong relasyon. May mas importanteng bagay pa s'yang balak gawin at kapag nagawa n'ya na iyon ay saka n'ya na iisipin ang sarili.
Isang bagay lang naman ang kulang sa kanya ngayon, iyon ay ang gawing bangungot ang apelyido n'ya sa pinagmulan nito.