"Good morning, Doc."
Ngumiti at tumango si Vince nang batiin s'ya ng mga nurses at ibang mga kapwa n'ya Doctor na naroon sa reception. Bitbit ang mainit na kape at ang bag n'ya na nakasablay sa balikat ay tinungo n'ya ang silid at opisina n'ya sa hospital na ito.
This hospital is his second home. Sa katunayan ay kakalipat n'ya lang ng condo unit sa pinakamalapit na building mula sa hospital na ito. Wala pang sampung minuto ang naging biyahe n'ya mula sa condo n'ya. He had to move so he could move his stuff out of his office.
May marami s'yang gamit sa ilalim ng mesa n'ya noon at ngayon ay pakiramdam n'ya biglaang lumuwag ang silid n'ya. Lahat nang mga abubot na mayroon s'ya dito noon ay naroon na sa bago n'yang tirahan.
Napatingin s'ya sa pintuan nang biglaang may kumatok.
"Come in," aniya at agad na bumukas ang pinto at iniluwa doon ang Doctor na naging kaibigan n'ya. He'd been in this hospital for two years after he went back in the country 3 years later of being a radiologist in the US.
"Hi, doc," nakangiting bati ng dalaga nang makapasok na ito nang tuloyan sa silid n'ya.
"Good morning," nakangiting bati n'ya rin dito pabalik.
"May dala akong breakfast sa pantry, baka lang gusto mo mag-join?"
Napatingin s'ya sa kape n'yang nasa mesa. Hindi n'ya pa ito naiinom kaya agad s'yang tumango sa alok nito. Tutal naman ay hindi pa naman s'ya kumakain ng almusal. Hindi n'ya matandaan kung kailan ang huling araw na kumain s'ya ng agahan. Nasanay na s'ya na walang pagkain sa umaga.
Hindi n'ya na man nasusunod ang tamang oras sa pagkain ay hindi na iyon naging problema sa kaniya. He used to it, he just to make sure that he got a day in week to pamper himself. He goes to gym every while and then to maintain his lifestyle.
"Nakapagluto ka pa?" napangising tanong n'ya sa dalagang doctor habang naglalakad sila ng sabay papunta sa pantry.
"Hindi ako, wala na akong oras upang magluto pa ano. Si mama ang nagluto at pinabaunan n'ya na lang ako. Late na kasi akong nagising kaya hindi na ako nakapag-agahan sa bahay," natatawang sagot naman nito sa kaniya.
Jenny is pretty but he never felt anything towards the woman. This girl got the attitude and the personality that every man wanted to settle down but not his type. He was carefree and he wants game. Jenny isn't the type of a woman he wants to play a game with.
"Good thing naalala mo ako. Alam mo na wala akong breakfast lagi," natatawa n'ya ring sabi.
Itinuro ni ng babaeng doctor ang mesa kung saan naroon ang ilang mga kaibigan din nito. Si Jenny ang madalas n'yang nakaka-usap dahil pareho silang radiologist kaya naiintindihan nila ang frustratiom ng isa't-isa.
Kilala n'ya naman ang dalawa sa apat na kaibigan ni Doc Jenny pero hindi n'ya nakaka-biruan ang mga ito katulad ni Jenny.
"Hindi ako ang nakaalala sa 'yo, si mama. Naalala n'ya noong pumunta s'ya dito at dinalhan ako ng pagkain, noong nilapitan ka n'ya at binigay n'ya na lang sa 'yo ang pagkain na dapat ay ibibigay n'ya sa 'kin."
Sabay silang humalakhak ng tawa nang maalala ni Jenny ang tagpo na iyon. Hindi n'ya makakalimutan ang araw na iyon dahil iyon ang nagpapa-alala sa kaniya kung paano s'ya alagaan ng nanay n'ya noong nabubuhay pa ito.
"Bakit parang ang saya naman yata ninyong dalawa, Doc Jenny at Doc Vince," agad na puna ng kaibigan ni Doc Jenny sa kanilang dalawa nang makalapit sila sa mga ito nang parehong tumatawa.
"Wala lang naman. Masama ba na maging masaya sa umaga? Dapat nga palagi tayong masaya sa umaga eh, para hindi masumpa ang buong araw natin," pabarang saad naman ni Jenny at inabot nito sa kanya ang isang container na may lamang omelet.
"Thank you," pasasalamat n'ya nang abutin n'ya iyon at kinuha ang isa. Tiningnan n'ya ang iba pang mga pagkain na nasa harapan nila at nakalagay sa mga containers.
"Nakaka-amaze ka talaga, Doc Vince."
Napalingon si Vince sa isang doctor na nagsabi noon. Tiningnan n'ya ang apelyido nitong nasa suot na roba bago n'ya salubongin ang mga mata nitong nakatingin sa kanya. Maganda rin but still not his type.
He maybe screwing around but he don't screw women thay deserves the everything bests. Nginitian n'ya ito at pinaningkitan ng mga mata.
"Why is that?" pagtatanong n'ya dito.
"Naku Doc, sinasabi ko sa 'yo, huwag kang maniwala sa mga sasabihin ng mga ito. Walang mapapait na salita kang maririnig mula sa mga ito tungkol sa iyo, eh crush ka ng mga ito eh." Pa-irap na sambit ni Doc Jenny kaya nabitin sa ere ang mga kobyertos ng mga kasama nilang kumakain at tiningnan ang dalagang Doctor nang may pag-isang linya sa mga labi.
"Epal ka talaga, Doc Jenny! Ang aga-aga ang sama ng ugali mo, hindi naman ang ikaw ang kina-kausap!" reklamo naman ng isa pa nilang kasama na babae.
"Guys kumain na kayo. Hindi na nakakain si Doc Vince dahil sa inyo," sambit ng isang lalaking surgeon.
Napatingin s'ya dito at napangiti na lang. "No it's fine, I want to hear what they want to tell me," aniya kaya napangit ang mga babaeng doctor, maliban kay doc Jenny na hindi nahihiyang barahin s'ya minsan.
"Lahat kami dito Doc, naa-amaze sa husay mo. Imagine, you were featured in a US magazine as 1 of the best and awarded doctors of the year but you still chose to go back here in this country," namamanghang sambit nito.
Napangiti si Vince sa tinuran ng babaeng doctor. He always wanted to work in this hospital. Dito binawian ng buhay ang nanay n'ya kaya dito s'ya magliligtas ng maraming buhay.
"You know, if your heart is in your work. You won't think the amount of money you are getting in your job. Job turns into passion," sambit n'ya na nagpalawak sa mga ngiti ng mga kasama.
"Not a shocking news from you, Doc Vince. Money will never be a problem to someone like you. Halata rin naman kasi na galing kayo sa mayamang pamilya. Maraming mayayaman na Guevara dito Doc eh. Kaano-ano po ba ninyo si Simon Guevara, ang may-ari ng pinakamalaking network station sa bansa?"
Napatigil sa pagnguya si Vince. Biglaang sumeryoso ang mukha n'ya saka sinulyapan ang mga kasama bago ibinalik ang atensyon sa pagkain na nasa harapan.
"Maybe coincidence that we both have the same surname. But I know him, everyone knows him."