Chapter 3

1029 Words
"Will you stop justifying cheating? Stop putting words into my mouth! I didn't tell you to cheat on me!" sigaw ng dalaga habang nag-aapoy sa galit ang kanyang mga mata. "That was just a mistake, I was ---" Umismid ang dalaga dahil sa tinuran ng binata. Itinaas n'ya ang kanang kamay upang patigilin ito sa pagsasalita. "Cheating was never a mistake, you talked, you planned, you remove each other's clothes and you f*cked! So you stop saying that was a mistake! I'm done with you and your stupid mistakes." "Cut! Good job, AJ! Good job! I know you can do it, your eyes is so expressive!" "Thank you, direk," nakangiting pasasalamat ni AJ sa director. Nagpalakpakan ang mga naroon matapos isigaw ng director ang mga salitang iyon. Agad na dinaluhan ng mga kasama ang dalaga na ngayon ay may malapad na ngiti matapos mapagtagumpayan ang eksena n'ya sa isang take lang. "Napakahusay mo talaga," gigil ng manager n'ya kaya ngayon ay iniipit s'ya nito sa mahigpit na yakap. "You don't need to squeeze me, mimi," aniya sa mahinang boses pero sapat na iyon upang marinig s'ya ng bakla n'yang manager. Ito ang kasa-kasama n'ya noong nag-o-audition pa lamang s'ya hanggang sa makita s'ya ng isang talent manager at hanggang ngayon na nakagawa na s'ya ng hindi mabilang sa daliring mga pelikula. She also holds the record of the highest grossing film of all time here in the country. Minsan na rin s'yang in-offeran ng agency n'ya na mag record ng kanta pero tinanggihan n'ya. Kaya lang, marami s'yang naka line up pa na mga proyekto na kailangan n'yang magawa pagkatapos ng isa. Wala s'yang bakante sa buong taon. At dahil sa pagiging matunog na pangalan n'ya ay hinahayaan s'yang mamili ng proyekto kung tatanggapin ba n'ya ang mas tumatagal sa anim na buwan. Kaya simula noong nabigyan s'ya ng pagkakataon na iyon ay lahat ng series n'ya ay hindi lumalagpas sa anim na buwan. "Pack-up na raw po sabi ni direk, Ms. AJ," magalang na sabi sa kanila ng isang P. A na naroon sa set. Nginitian n'ya ito ng matamis saka nagpasalamat bago pa ito makatalikod sa kanila upang sabihan ang nasa kabilang gilid. Bida-kontrabida ang role n'ya para sa pelikula na ito kaya marami s'yang gamit. Agad s'yang dumiretso sa van n'ya na nakatambay lang din sa set. Hindi na s'ya natutulog sa tent na naroon at dito na lang s'ya sa van nagpapahinga. She had it customized and she had an on the go bed in here to give her comfort wherever she go. "AJ." Napatigil s'ya sa paglalakad at maging ang manager n'ya. Sabay silang lumingon sa likuran at nakita n'ya ang papalapit na katrabaho. Ito iyong ka-eksena n'ya sa huling scene. Wala s'yang naging ka-close na kaibigan sa mundo ng showbiz dahil hindi n'ya alam kung sino sa mga nakakasalamuha n'ya ang totoo at peke. Dahil maging s'ya, puwede s'yang umarte ng pagpapakatotoo kahit na pini-peke n'ya lang naman. Nakikipag-usap, tawanan naman s'ya lalo na kapag nasa ganitong nasa taping sila. Kailangan n'ya pa rin na pakisamahan ang mga katrabaho n'ya para iwas issue. Sinusundan man s'ya ng camera sa trabaho man o sa labas, nagkalat man ang mga paparazzi upang halungkatin ang storya ng buhay n'ya ay nanatiling tikim ang bibig n'ya. And that, she got to live with peace despite of the chaotic daily activities brought by those paparazzis and haters. "Alli, do you need anything?" nakangiting tanong n'ya sa binata. Ngayon n'ya pa lang ito nakatrabaho. Hindi n'ya rin ito ka loveteam dahil wala s'ya noon. Kahit sino lang ang lalaking nakakatrabaho n'ya. Pero kasi ang pelikula na ito ay walang love interest, hindi love story kaya ayos lang kahit hindi n'ya kailangang kausapin ng malalim ang binata. "Wala naman. I just want to say thank you earlier, natagalan tayong maka-abot sa last scene dahil sa maraming beses na pagkakamali ko, naka raming take tayo, pasensya ka na talaga," namumulang sambit nito. "It was my job, kahit na maraming take ang ka-eksena ko, hindi ako puwedeng magreklamo dahil trabaho ko iyon. You don't need to thank me, you are professional, ako dapat ang magpasalamat sa iyo," aniya dito. Magsasalita pa sana ang lalaki nang biglaang sumapaw ang manager n'ya na si mimi. "Alli, AJ handles everything kaya napagod s'ya. Pasensya ka na kailangan nang magpahinga ng alaga ko," sambit ng manager n'ya at low-key na tinutulak palayo ang binata. "Hoy, ano ka ba mimi, baka mamaya may nakarinig sa iyo! Kapag ikaw talaga nag-trending ka online dahil d'yan sa masama mong ugali, gagawin talaga kitang sinigang!" pabulong ngunit mataray na sabi n'ya dito. Inabot ng P. A n'ya ang bag na naglalaman ng mga mahahalaga n'yang gamit katulad ng wallet, cellphone at alahas. Hindi n'ya ito ipinagkakatiwala sa ibang kamay. Matagal nang nagtatrabaho sa kanya ang P. A na si Rina kaya malaki na ang tiwala n'ya rito. Mahinang humagikhik lamang si Melou oh si mimi na s'yang manager n'ya. Kaedad n'ya lang ito kaya ito na ang kinuha n'yang manager dahil matagal n'ya na itong kilala. Sa labin-limang taon n'ya sa industriya ay hindi pa s'ya nahirapan dahil lahat ay ginagawan na ng paraaan ng kaniyang manager. Nauna s'yang pumasok sa van n'ya at agad na nahiga sa kama at itinaas ang paa sa sandalan ng upuan na nasa likod ng driver. "Nasa iyo ang sempatya ng mga tao dahil marunong kang mag-ingat. Pero hindi dapat tayo kampante kahit gaano man kalaki ang pangalan mo ngayon, kung aayawan ka na ng mga tao, makakalimutan at makakalimutan ka nila bukas. Kaya sinasabi ko sa iyo, AJ. Huwag na huwag kang gumawa ng bagay na alam mong ikakabagsak ng career mo." Seryoso s'yang nakapikit habang pinapakinggan ang music sa earphones n'ya. Naririnig n'ya pa rin ang sinasabi ng manager pero kabisado n'ya na ang salitang iyon dahil palagi nito iyong sinasabi. Tinanggal n'ya ang suot na earphones. Binalingan n'ya ang manager saka nginitian. "Don't worry mimi, dahil ang lahat ng ginagawa at gagawin ko ay iyong magdadala sa akin sa tuktok at mananatili ako roon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD