Chapter 4

2691 Words
"Sigurado ka na uuwi ka talaga sa condo mo? You know you can always stay here, if you want." Umiling si AJ bilang sa sinabi ng kaniyang manager habang pababa ito ng van na s'yang sinasakyan at ginagamit nila sa araw-araw sa taping n'ya. Kung noon ay palagi s'yang nagdadala nang sariling sasakyan, ngayon ay hindi na. Minsan na s'yang muntik ma-kidnap nang akmang papasok s'ya noon sa sasakyan n'ya. Hindi biro ang nangyaring iyon at talaga namang nagka-trauma s'ya dahil doon. Simula noon, nang araw na iyon ay mas ginusto n'ya na lamang na sumabay sa mga kasama n'ya sa iisang van. "Gabi pa bukas ang activity ko, mimi. Gusto kong itulog ang lahat nang oras sa bahay ko," sagot n'ya dito kaya bumuntong-hininga na lamang ang kaibigan na s'yang manager n'ya rin dahil alam naman nito na kahit pilitin s'ya nitong manatili dito ay tatanggihan at tatanggihan n'ya pa rin naman. Binalingan n'ya ang hindi kumikilos na personal assistant n'ya kaya napatingin rin ito sa kaniya. "Sasamahan ko po ba kayo sa condo ninyo, Ms. AJ?" Tanong nito sa kaniya at agad n'ya itong inilingan. "Hindi na, Rina. Dito ka na lang, bukas nang alas 5 ng hapon, magpahatid ka na lang doon para dalhin ang mga kailangan ko," aniya dito kaya mabilis itong kumilos upang ayosin ang mga bagay na kailangan nitong ayusin at dalhin sa pagbaba mula sa van na ito. "Sige po, Ms. AJ. Goodnight po," nakangiting saad naman ng assistant n'ya bago nito binitbit ang maraming bag sa dalawang kamay nito at bumaba ng van. Mas bata sa kaniya ang dalaga ng halos anim na taon at mag-lilimang taon na rin n'ya itong personal assistant. Minor pa lamang ito nang mapunta sa kaniya kaya ganoon na lang din ang pagtitiwala n'ya at ng kaniyang manager dito. Nang kumaway ang manager at ang assistant n'ya sa kaniya ay agad na sinara ng driver ang pinto ng van na ito saka ito patakbong pumasok at umupo sa driver's seat. Isinalpak n'ya ang kanina'y tinanggal n'yang earphone at saka ipinikit ang mga mata dahil ramdam na ramdan n'ya na ang pagod at antok. Naging mahaba ang gabi dahil sa paulit-ulit na pag-take ng eksena. Gustuhin man n'yang magalit at murahin ang katrabaho dahil sa hindi maawat nitong pagkakamali ay pinilit n'ya ang sarili na manatiling kalmado dahil kailangan. Ang kilos n'ya ang nagbibigay sa kaniya ng magandang emahe sa publiko at ang kilos n'ya rin ay puwedeng sumira ng kaniyang emahe kapag hindi niya nako-kontrol ang sarili at hindi n'ya hahayaan na mangyari iyon. "Ms. AJ, diretso na po ba tayo sa building ninyo?" Tumango s'ya na para bang nakikita s'ya ng driver nang marinig ang tanong na iyon ng driver n'ya sa speaker na nasa malapit sa kaniya. Pinasadya n'ya na may tinted na salamin na s'yang nakaharang sa driver's area at sa mga upuan na nasa likuran upang magkaroon sya ng privacy. Pinindot n'ya ang microphone na nasa armchair ng kaniyang upuan saka sumagot ng simple "yes". Hindi nagtagal ay naramdaman n'ya ang paghinto ng sasakyan kaya iminulat n'ya ang mga mata. Nakita n'yang narito na sila sa tapat at garahe sa labas ng building kung saan nasa ika 16th floor ng building na ito ang kaniyang unit. Wala s'yang bahay dahil ayaw n'ya nang malaking lugar para sa kaniya kaya ang unit n'ya ay sasapat lang sa kaniya, hindi malaki kaya madalas ay hindi n'ya pinapatulog dito ang assistant n'ya. Ang manager n'ya ang may malaking bahay at sa tuwing pumapasok s'ya sa ganoon kalaking bahay ay agad n'yang nararamdaman na kaluwagan nito na para bang walang laman, walang buhay. "Bumalik ka na agad sa bahay ni mimi, bukas nang alas 5 ng hapon, ihatid mo si Rina dito, Mang Tony," saad n'ya sa driver na agad naman ding tumango. "Opo," magalang na sagot nito. Bitbit ang isang bag na naglalaman ng kaniyang mga personal na gamit ay lumabas s'ya nang van at walang lingon na naglalakad papasok ng entrance nito. Taas noo s'yang naglalakad at pinipilit maging maliwanag ang mukha dahil sa unang paghakbang pa lamang n'ya palabas ng van ay ramdam n'ya na agad ang mga mata ng mga narito na nakatuon sa kaniya. Malalim na ang gabi pero dahil open ito 24 hours, may mga empleyadong naka-duty ng ganitong oras. Nginingitian n'ya ang bawat nakakasalubong ng mga mata n'ya pero hindi n'ya na pinapagod ang sarili na lingunin ang mga nasa gilid. Sa loob ng maraming taon na ginagawa n'ya ang bagay na ito ay parang natural na sa kaniya ang biglaang pagpapalit n'ya ng mood sa tuwing nasa harap s'ya ng mga tao na kahit na anong oras ay puwedeng humila sa kaniya pababa. "Good evening, Ms. AJ." "Good evening," pabalik na pagbati n'ya sa lahat nang sabay-sabay s'ya ng mga ito batiin ng ganoon. Tuloy-tuloy ang lakad n'ya suot ang kaniyang 6 inches stiletto na s'yang mas nagpatangkad sa kaniya. Her 5'10ft plus the 6 inches ass made even her looked down to those she passed by to smile. Nang makarating sa tapat ng kaniyang unit ay agad s'yang pumasok saka itinapon ang bag sa couch kasabay nang pagtapon n'ya ng sarili dahil sa sobrang pagod. Ramdam na ramdam n'ya ang pagod sa katawan at sa isip. Ngunit ang ka-busy-han n'ya na iyon, ay hindi man lang pumuno sa kaniya, pinapagod lang s'ya. Now that she's back inside the four corners of where she always went back and was filled with silence, she sighed with the fact that even the longest day she had, even the most tired day she would have, the fact that she is still alone, never been forgotten for it was the place where she should go home after the day ends. At iyon ang hindi alam ng maraming tao. They thought that actors and actresses were living the best of their lives just like how they lool at them infront of the camera. They do not know what the actors are dealing behind flashes and all. "Another day that I have succeeded to play with," aniya sa sarili habang nakatuon ang kaniyang atensyon sa ceiling nang halos 30 minutes. Sinulyapan n'ya ang malaking orasan na sinadya n'yang ilagay sa tapat ng couch na kinaroroonan n'ya at huminga nang malalim nang mapagtanto n'yang 30 minutes na pala s'yang narito. Agad s'yang tumayo at pumunta sa banyo na nasa loob ng kaniyang silid upang ibabad ang pagod na pagod n'yang katawan sa mainit na tubig sa bathtub. "You were once struggling with the thought of what to eat after the meal you were eating, AJ. Noon ay nakatingin ka lang sa mga mamahaling pagkain, bahay, sasakyan, inumin at tinatanong ang sarili kung magkakaroon ka ba ng mga iyon bago ka mamamatay. Ngayon ay mayroon ka na nang lahat ng iyon. Nasa mga kamay mo na, sobra-sobra pa. But how ironic it was when I got them all but still feels like I have nothing," she murmured herself while sipping the wine she poured over the wine glass beside her. Napatingin s'ya sa cellphone n'ya na inilapag n'ya sa tabi ng bathtub nang tumunog at umilaw ito dahil sa isang tawag. Agad na nawalan ng buhay ang kaniyang mga mata nang makita ang pangalan ng kung sino ang tumatawag. Hindi niya ito pinansin at niyarok ang laman ng kaniyang baso, naramdaman n'ya kung paano gumuhit sa lalamunan n'ya ang inumin na iyon. Hindi natigil ang pagtunog ng kaniyang cellphone at nakatatlong tawag ang caller na iyon pero kahit ni isa sa mga tawag na iyon ay wala s'yang sinagot. Mapait s'yang ngumiti nang wala na s'yang natanggap na tawag mula dito pagkatapos ng pangatlong tawag. Huminga s'ya nang malalim saka umahon mula sa bathtub na puno ng tubig at bula saka hinablot ang naka-hang na bathrobe sa gilid nito. Ngunit nang masulyapan n'ya ang kabuuan sa malaking salamin ay napatigil s'ya sa pagbalot ng hubo't-huba n'yang katawan. Mas inayos n'ya ang pagtayo sa harapan ng salamin at pinagmasdan ang katawan n'ya na kahit isang saplot ay walang takip. Walang buhay n'yang tiningnan ang sarili mula ulo hanggang paa saka napalunok sa mga bagay-bagay na biglaang naglaro sa isip n'ya. "They thought you were strong, maybe. You are strong for you didn't flinch with the opportunities that comes in your life but the truth is, you are weak for just getting into it because you are afraid of the unsure life you will be having after you tried to fit in the world of life. You are weak for being afraid and sick of the life that was first introduced to you. Nakakapagod maging mahirap at sumuko ka roon, pinili mong gawin ang lahat upang makaahon and I hate you for being weak," sambit n'ya sarili at madiin n'yang tinuyo ang luha n'yang nag-unahan sa paglandas sa pisngi n'ya. Padabog n'yang itinakip ang bathrobe sa katawan n'ya saka lumabas mula sa banyo at tumungo sa tapat ng dresser n'ya upang ayusan ang sarili at patuyuin ang buhok. Seryoso n'yang ginagawa mga kailangan n'yang gawin sa katawan bago mahiga upang matulog kahit na ramdam na ramdam n'ya ang sobrang bigat na talukap n'ya. Nang matapos ay katulad nang nakasanayan, tinanggal n'ya ang suot na bathrobe at ini-hang n'ya ito sa loob ng closet bago n'ya inihiga ang walang saplot na katawan sa kama at takpan ng makapal na kumot. This is how she sleep comfortably. She don't like sleeping with a clothes on and that is why she don't like sleeping in the set, especially on the bed where the crews prepared for them inside the tent. She would rather sleep on the chair where she has to crumple herself just to fit in. Pinilit n'ya ang sariling makatulog at hanggang sa lamunin s'ya ng kadiliman at antok. "Are you not going to screw some darling tonight?" Napatawa silang lima nang biruin ni Yael ang kaibigan na si Marco pagkatapos nitong i-announce sa kanila ang planong pagpo-propose sa long time girlfriend nito. Natatawang umiling si Marco dahil alam nito kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan. He was guilty for despite of the good and perfect 10 years relationship he had with that dream woman, he was still able to screw women. Niyarok ni Vince ang laman ng kaniyang baso at napapikit dahil sa sobrang tapang ng whiskey na laman nito. Kumuha s'ya ng isang slice ng lemon saka sinipsip ang juice nito. "Tonight is the start of the wholesome life I was planning to have," nakangising sagot ni Marco sa kaibigan kaya napahalakhak ang mga kaibigan sa narinig. Hinampas ni Vince ang batok ng kaibigan kaya tinaasan s'ya nito ng gitnang daliri. "Nakakadiri, Ayala!" Sigaw n'ya dito. Naibaling n'ya ang atensyon sa mga anino na s'yang papalapit sa kanila at dahan-dahan s'yang tumingala upang makita ang mga mukha nang halatang mga babae dahil sa korte ng kanilang mga katawan. Tumaas ang kilay ni Vince nang mamukhaan ang isa sa limang ito, it was the woman who blocked him earlier when he got in here. "Siguro naman, uminit na ang pwet mo?" nakangising sambit nito at walang pag-alinlangan na hinaplos nito ang dibdib n'ya habang dahan-dahan itong umupo sa tabi n'ya upang mupantay sa kaniya. Damn! He never like women like this. This kind of girl do not have challenges and that turned him off badly. He smirked and slowly touched the hand of the girl that are pressed over his chest. Dahan-dahan n'ya itong tinanggal mula sa pagkakadikit sa balat n'ya nang hindi inaalis ang mga mata sa babae na ngayon ay nakasunod ang mga tingin sa ginagawa n'ya. Kitang-kita n'ya kung paano nawala ang ngisi nito sa mukha at kung paano tumaas ang mga kilay nito dahil sa ginawa n'ya. "I'm sorry, miss, but you are not my type," sambit n'ya kaya napatingin sa kaniya ang babae nang may nanlalaking mga mata. He smirked for it was so obvious that the girl probably didn't expect him to say thay, but he did, he just did. "W-what?!" hindi makapaniwala ang babae sa narinig mula sa kaniya kaya binigya n'ya lamang ito ng isang nakakalokong ngiti. Napasulyap s'ya sa mga kaibigan n'ya na nakatingin pala sa kaniya at tila ba natutuwang pagmasdan s'ya sa ginagawa n'ya habang si Edmar ay may nakakakalong na babae sa hita nito. Cringe. "If you don't mind, would you please get off... of me?" Nakangitong sambit n'ya at agad na umigpot ang babae na para bang napapaso sa balat n'ya dahil sa mabili nitong pagtayo mula sa hita n'ya. That girl was so fast, she was just sitting on the arm of the chair beside him and in just a second, he found her sitting on his legs. "That was harsh, brotha!" Kantyaw ni Yael sa kaniya na sinagot lamang n'ya ng isang pagkibit ng balikat at kasabay nang may kalakasan n'yang pagtawa. Umiiling s'ya sa kaibigan dahil alam rin naman ng mga ito kung anong klaseng babae ang ikinakama n'ya. Hindi iyong s'ya ang nilalapitan. Ang gusto n'ya ay kapag ang atensyon n'ya ang nakukuha ng mga babae, that would turn him on so bad, that would also make him want her bad. "Nah, never with a hoe, brother!" saad n'ya naman kaya nagtaas ng kamay ni Harlin na s'yang tinanggap n'ya rin naman. Napuno ng tawanan ang mesa nila habang sunod-sunod ang alak dito. Hindi sila nauubusan at ramdam n'ya na sa dugo n'ya ang paghahalo ng alak. Halo-halo na ang ininum nila, there's tequila, whiskey and beer. He was looking forward of who among the five of them is going to be living in the bathroom because of the famous stomach ache. Well, he knew himself it won't never be him for he knew what to do. He always take a med before he started sipping some alcohol. Just to make sure that it won't ruin his stomach for it happened before with Marco. And of course, he never told it with this assholes, they had no idea he was cheating. "Napaka-heartless mo talaga." Natatawang sambit ni Harlin na s'yang nagpatigil sa kaniya. Sinalinan n'ya ang baso n'ya ng isang shot ng tequila at niyarok iyon, hindi n'ya na pinansin ang hapdi ng guhit nito sa lalamunan n'ya. That word heartless was kind off a key that always unlock a memory in his mind that he tried to bury in the deepest of the deepest part of his mind. He never knew someone could be heartless, but Harlin just called him one. That only means, a person can be heartless if he want to, it wasn't a nature. He gritted his teeth, clenching his grip with a glass on it and tightened his jaw remembering the days that he despised to remember. But of course, memories are inevitable to forget. Sabi nga nila, kahit na anong mangyari, hinding-hindi mo makakalimutan ang mga bagay na nangyari kapag hindi ka pa kontento sa mga nangyayari. And in his part, he didn't do anything yet and he's starting the game. "Pasensya naman, sadyang ipinangak lang talaga akong may taglay nang pagiging makakatotoo." Kumikindat na sambit n'ya na ikinawala ng mga ngisi sa mukha ng kaniyang mga kaibigan. Isa-isa n'yang pinakitaan ng gitnang daliri ang apat kaya sabay din ang mga itong humalakhak. He wonder what life he have right now if he didn't bumped this assholes in the school where he studied abroad. They were school mates and on how the friendship started, he couldn't remember for he wasn't the kind of some cring moment. Grrr. Halos magtaasan ang mga balahibo n'ya habang iniisip ang possibleng dahilan ng friendship nilang lima. He found that gay and that cringe him a lot. "Ang bakla mo, Guevara! Tigilan mo ako sa kagaganyan mo at baka sipain kita palabas dito," reklamong saad ni Yael nang may kasamang pagngiwi na s'yang ikinatawa n'ya lang. They were friends for a decade now but neither of the four he told his story. At sa tingin n'ya ay alam ng mga ito ang dahilan kung bakit wala s'yang kahit na anong sinabi. He chose to stay silent until he decided to even add a fuel into the fire he started to show.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD