Chapter Fourteen

1616 Words
Papasok na si Savannah sa lobby ng hospital nang mapansin ang pamilyar na bulto ng katawan ng isang babae. She was about to walk towards her nang lumingon ito at sinalubong siya nang seryosong tingin. Tila wala itong balak na lumapit sa kanya at nanatili lang sa kinatatayuan habang pinagmamasdan siya kaya siya na mismo ang lumapit dito. “Tita Arya,” magiliw na bati niya rito. She gave her a quick kiss on her cheek and smiled at her. “Ano pong ginagawa niyo rito?” She took a deep breath while staring at her for a moment. Bahagya napakunot ang noo niya nang hindi ito sumagot. Matalim ang mga mata nito na inilibot ang tingin sa labas pero agad din bumalik sa normal nang ibinalik ang tingin sa kanya. “Ikaw talaga ang sadya ko rito, Sav,” seryosong sambit nito. “I heard you got into accident. Kumusta ka na? Ayos ka na ba? That stupid driver should be punished and be rotten in jail.” Umiling siya at nakangiting hinawakan ang kamay nito. “Okay na po ako, Tita Arya. You don’t have to worry. At nasa kulungan na rin po ang driver ng truck.” Paninigurado niya rito. She wanted to ask kung saan nito nalaman ang tungkol sa nangyari pero alam nito kung saan hospital siya naka-assign at malamang ay nagpunta ito roon at doon nito nalaman ang nangyari. “Then why are you still here?” She frowned while sizing her up na hindi napansin ni Savannah. “I thought you were still recovering in St. Augustus.” “I’m here with the patient na nagligtas sa akin sa aksidenteng iyon.” “I see,” tumatangong sambit nito. “Where is she? I want to meet and thank her as well for saving you.” Lumingon siya sa gawi ng garden. Hindi niya alam kung pagbibigyan ito na ipakilala kay Sylvia since she knew that she was not in good shape after their conversation. She was too emotional. At siguradong nadagdagan pa ang bigat ng emosyon na iyon pagkatapos niyang maglabas ng saloobin tungkol sa sarili niyang Ina. “May problema ba?” nakakunot ang noong tanong nito na tumingin sa kanya pagkatapos ay sinundan ang tinitingnan niya. Hindi niya na nagawang sagutin ito nang bigla itong naglakad papunta sa garden. Pipigilan niya sana ito nang bigla itong tumigil habang inililibot ang mga mata sa may katamtamang laki ng garden ng ospital. “Where is she?” Sinundan niya ang tinitingnan nito at inilibot din ang mga mata sa buong garden. Pero wala ni isa man tao ang naiwan doon. Nagtatakang lumapit siya sa wheelchair na naiwan sa lugar kung saan niya iniwan sandali si Sylvia kanina na ngayon ay bakante na. Nakakunot ang noong sinuyod niya muli ng tingin ang paligid. Hindi pa naman natatagalan nang iwan niya ito roon pero hindi niya napansin na pumasok ito sa loob na siguradong makikita niya dahil dalawang pinto lang ang maaari nitong daanan. Isang papasok sa loob ng hospital at isang papalabas. Na impossible naman na lumabas ito sa ganoong kalagayan. Hindi pa ito lubusang magaling at mahihirapan pa itong maglakad. Bumaling siya kay Arya na hindi niya napansin ang pagtalim ng mga mata na nakatingin sa bakanteng wheelchair. “Baka po bumalik na sa kwarto niya si Tita Sylvia.” “Sylvia…” she whispered while gritting her teeth. Hindi siya nagkamali. Sigurado siya na ito mismo ang lalapit sa bitag na inihanda niya para rito. At hindi na magtatagal ay makakaharap niya na ito. And she would soon have a taste of her own medicine. Na matagal niyang hinintay na mangyari. Tiningnan niya si Savannah at mapaklang ngumiti rito habang wala sa kanya ang atensyon nito. Wala itong kasalanan sa kanya pero kasalanan nito na naging anak siya ni Sylvia. Kaya hindi siya nito masisisi kung pati ito ay singilin niya sa kasalanan ng Ina nito. Buong buhay niya ang naging miserable at buhay ng anak niya ang nawala. She couldn’t get the peace she was longing for until she gets the justice for what has been lost in her life. “Then, let’s go and see her… Gusto ko siyang makilala.” Walang nagawa si Savannah nang mauna itong pumasok sa loob kaya sinundan na lang niya ito at itinuro ang kwartong inuokupa ni Sylvia. Pero pagkatapos ng ilang katok na wala silang naririnig na sagot mula sa loob ay binuksan niya ang pinto at pumasok doon. “Tita Sylvia?” tawag niya nang makita ang bakanteng kama. Halos wala naman nagbago sa mga gamit na iniwan nila kanina nang lumabas sila kaya palagay ang loob niya na naroon lang ito at baka naglakad-lakad lang. Kumatok siya sa pinto ng banyo pero wala rin siyang nakuhang sagot mula sa loob. Nilingon niya si Arya na lumapit sa bintana na tila may hinahanap sa labas. Hindi niya napansin ang kakaibang kilos nito nang mahagip nang paningin niya ang isang papel na nakaipit sa unan at bahagyang nakalabas ang kalahati. Lumapit siya roon at kinuha iyon pero bago pa niya maabot ang nakatuping papel ay napatingin siya sa sahig. She totally ignored the paper and took the photos laid on the floor. Dalawang larawan iyon. Pinagmasdan niya ang unang picture. Kuha iyon ng larawan ni Sylvia na tingin niya ay nasa edad trenta. May katabi itong lalaki na nakaakbay dito habang si Sylvia ay nakahawak sa pisngi ng lalaki at bahagyang nakadampi ang labi sa pisngi nito. Parehong nakangiti at bakas ang tuwa sa mga mata ng bawat isa. Napangiti siya. They looked so in love with each other. Siguro ay ito ang asawa nito at sigurado siya na ito ang larawang lagi nitong tinitingnan. Na madalas niyang nahuhuling iniiyakan nito tuwing tahimik itong pinagmamasdan. Sunod na tiningnan niya ang isa pang larawan. Larawan pa rin iyon ni Sylvia pero isang batang babae naman ang kasama nito roon. Tantiya niya ay nasa limang taon gulang ang batang babae. Nakasuot ito ng bulaklaking bestida habang may yakap na maliit na manika sa bandang tiyan nito. Pinagmasdan niyang maigi ang mga nasa larawan. Nakaupo si Sylvia sa kahit na upuan habang nakaupo naman sa kandungan nito ang bata. Bahagyang nakangiti si Sylvia habang ang bata ay tila inaabot ang mukha ni Sylvia habang umiiyak. She looked at the child. Alon-alon ang buhok nito at tila hindi purong Pinoy ang itsura. She looked like a young Latina with a bit of chubby cheek. Pamilyar sa kanya ang itsura ng bata kaya’t napako na roon ang atensyon niya. Hanggang sa napadako ang tingin niya sa suot nitong kwintas. “What’s that?” Gulat na napasunod ang tingin niya sa hawak na picture na biglang inagaw sa kanya ni Arya. Saglit nitong tiningnan ang mga larawan kasabay nang pagtalim ng mga mata nito. Hindi iyon nakalampas sa paningin ni Savannah pero agad din niyang pinalis ang pagtataka sa reaksyon nito nang bigla itong ngumiti at bumaling sa kanya. “Ito ba ang tinutukoy mong nagligtas sa ‘yo?” Tumango siya. “Siya nga po. Si Tita Sylvia.” “Then, where is she?” Maging siya ay hindi alam kung saan ito nagpunta. Hindi naman ito umaalis ng ward nang hindi siya kasama. At kung lumabas man ito ay sa garden lang at sadyang hinihintay siya upang samahan niya. “Mabuti pa ay hanapin mo na muna siya, Savannah. Sa ibang araw na lang siguro ako babalik.” Pagkasabi noon ay lumabas na ito. Nagtatakang napasunod na lang ang tingin niya rito hanggang sa tuluyang lumapat pasara ang pinto. Nagtataka man ay hindi na lang niya pinagtuunan iyon ng pansin. Pagkatapos tingnan ang mga buong kwarto at makita na naroon pa ang mga gamit ni Arya ay lumabas na siya upang hanapin ito. Pero halos nalibot na niya ang buong ospital ay hindi pa rin niya ito nakita. Muli siyang bumalik sa ward nito at nagbakasali na nakabalik ito pero wala pa rin ito. Umupo siya at nagpasyang maghintay na lang doon nang maalala niya ang papel na nasa ilalim ng unan nito. Tumayo siya at kinuha iyon. Napakunot ang noo niya nang buksan iyon at bumungad sa kanya ang pangalan niya. Sulat iyon. Na para sa kanya? May pagtataka man ay agad niyang binasa ang nakasulat doon. ‘To my dear Savannah, By the time you were reading this, surely the time I started to disappear in your life, again. But this time, I’ll be gone forever. I’m sorry if I didn’t have the courage to tell you personally who I really am to your life. I’m a coward and selfish that didn’t deserve to be by your side. But I’m still thankful for the time you spent with me, to take care of me even if you think I’m a total stranger who saved your life. Well, in fact, it’s not. I’m a stranger to you but you are my own blood. I am the mother you hated most, Savannah… I’m sorry if it’s the only way I can use, to introduce myself. Believe me, I always wanted to tell you I’m your mother. But I couldn’t bear to see the disappointment, anger and hurt in your eyes. I know I should’ve not let you know who I am. For the way I see, it’s useless. You’ve grown into a beautiful and wonderful person on your own and I doubt what you would have turned into if I'd raised you. But God has blessed you. The only thing I should be thankful for. Sav, I may not be a good mother but the most selfish one but please follow my advice. Stay away from Marietta and don’t marry her son.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD