Chapter Fifteen

1775 Words
Nanlalambot na napaupo si Savannah sa gilid ng kama habang walang kurap na nakatitig sa papel na hawak niya. Nanginginig ang mga kamay habang inuulit-ulit basahin ang nilalaman ng sulat na iyon. Hiniling niya na sana ay mali siya ng pagkaintindi at pinaglalaruan lang siya nang mga mata at utak niya. Pero hindi. Kahit ilang beses niyang basahin ay iyon at iyon pa rin ang nilalaman ng sulat na iyon. Is Sylvia her biological mother? What a big joke! At sino ang sinasabi nitong Marietta at anak nito? Mapakla siyang ngumiti habang umiiling. Tumayo siya at naglakad papunta sa harap ng bintana at tumanaw sa labas. Huminga siya nang malalim habang sapo-sapo ang dibdib pagkatapos ay napahilot sa noo. Ilang sandali siyang tumitig sa kawalan at pinakiramdaman ang sarili. She’s not that foolish to believe the content of that letter. O posibleng kapangalan lang niya ang anak ni Sylvia? That makes sense. Tumango siya at tipid ang ngiting napailing. She must be overthinking. Her uneasiness suddenly faded thinking about the possibility of the latter. Bumalik siya sa gilid ng kama saka kinuha ang papel at muling binasa iyon. This time, she empathized with the daughter concerning that letter letting aside the possibility of herself as the real daughter Sylvia was referring to. Kahit pa nagsusumiksik sa utak niya ang bawat katagang nakasulat doon, she couldn’t help but firmly denied it. Hindi si Sylvia ang totoo niyang Ina at hindi niya matatanggap iyon. Dahil para sa kanya ay patay na ang mga magulang niya. Huminga siya nang malalim saka tumango-tango. “What I felt was just an illusion. At hindi para sa akin ang sulat na ito." Ibinalik niya ang sulat sa ilalim ng unan saka inayos ang kama at mga gamit ni Sylvia. Sigurado siyang maya-maya lang ay babalik na si Sylvia at kakausapin niya ito tungkol doon. After tidying up her things, she stood up and decided to leave. Ang kailangan niyang pagtuunan ng pansin ngayon ay ang nalalapit nilang kasal ni Dos. In two days ay isa na siyang Lacsamana. And that’s what all matters to her. Diretso ang tingin niya habang papalabas ng hospital nang mapagawi ang tingin niya sa garden. Natanaw niya roon si Arya na nakatayo sa harapan ng wheelchair na iniwan ni Sylvia habang matalim ang tinging ipinupukol nito roon. Kung pagbabasehan ang itsura nito ay tila may matindi itong galit sa bagay na iyon. Maya-maya pa ay ngumisi ito na tila nang-uuyam saka iniangat ang kamay at tiningnan ang hawak nito. Itinaas din nito ang isa pang kamay at mariing pinaglapat ang mga labi habang pinira-piraso ang hawak nitong dalawang piraso na may katamtamang laki ng papel. Napakunot ang noo niya at sinundan ang pagbagsak ng punit-punit na piraso ng papel sa sahig na noon niya lang napansin na tila mga larawan. Sinipa pa nito ang wheelchair saka kinuha ang cellphone sa loob ng bag nito. Mula sa kinatatayuan ay hindi niya marinig nang maayos ang sinasabi nito pero malinaw sa kanya ang matinding galit sa boses nito at tila nag-uutos sa sinumang kausap nito sa kabilang linya. Ilang sandali siyang tahimik na nakiramdam. Naguguluhang pinagmamasdan niya ang ginang dahil sa mga inaakto nito. Kanina pa niya napansin ang pagbabago rito na binalewala lang niya. At base sa mga nakikita niya at sa mga ikinilos nito ngayon ay mukhang kilala nito si Sylvia. At ang mga larawang pinunit nito. Iyon ba ang larawan na nakita niya sa mga gamit ni Sylvia na inagaw nito sa kanya kanina? Kilala ba nito si Sylvia at may galit ito rito? Pero anong dahilan? Nang ibinaba nito ang cellphone na hudyat na tapos na itong makipag-usap ay kumubli siya. Tuloy-tuloy itong lumabas na tila walang pakialam sa paligid nito habang nakakuyom ang mga kamay nito. Mukhang masyadong malalim ang iniisip nito kaya’t maging ang presensya niya ay hindi man lang nito naramdaman. Sinundan niya ito hanggang sa labas at naabutan niya ang pagsakay nito sa isang black audi car. Ipinagbukas pa ito ng pinto ng sasakyan ng isang lalaki na tila driver nito na tila sadyang naghihintay dito. Nang medyo nakalayo na ang sasakyan ay mabilis siyang lumabas at pinara ang taxi na unang dumaan at lihim na pinasundan ang kinalululan ni Arya. Habang sakay sa taxi ay hindi niya iwinawaglit sa paningin niya ang itim na sasakyan na sinusundan nila. Sigurado siya na hindi iyon ang sasakyan ni Arya na madalas nitong gamitin noon. She once saw that car with same plate number pero hindi niya matandaan kung saan at kanino niya nakita iyon. But thinking about the sudden changes in her Tita Arya’s actions and how she dressed up today, she knew that something was off. Mukha kasi itong sopistikada at elegante sa pananamit nito ngayon na malayo sa simpleng estilo ng pananamit nito. Pagkatapos ng halos dalawampung minuto ay lumiko ang taxi na sinasakyan niya pagkatapos ay huminto ito. “Susundan pa po ba natin sa loob, Ma’am?” tanong ng taxi driver habang nakatingin sa kanya mula sa rearview mirror. Tumanaw siya sa labas at nakita niya ang pagpasok ng Audi car sa loob ng sementeryo na hindi nagtagal ay tumigil sa isang marangyang mausoleum. It was a grand family mausoleum na sigurado siyang tanging mayayaman at may sinasabi lang sa lipunan ang may kakayahang magmay-ari. Matagal na silang magkakilala ni Arya pero ni minsan ay hindi nito nabanggit sa kanya ang tungkol sa estado nito sa buhay. Ang tanging alam lang niya ay wala na itong pamilya at namatayan ng anak. Marahil ay doon nakalibing ang anak na tinutukoy nito. “Dito na lang muna po tayo, manong.” Pasya niya. Bumaba sa sasakyan si Arya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng mausoleum na natatanaw pa rin niya mula sa loob ng taxi. Huminto ito matapos ang ilang hakbang pagkatapos ay inalis ang suot na itim na sunglasses. Ilang sandali itong nanatiling nakatayo pagkatapos ay tumingin sa paligid na tila nakikiramdam. Napagawi pa ang tingin nito sa taxi na sinasakyan niya na dahilan nang pagbangon ng kaba sa dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang ipapaliwanag dito sakaling malaman nito na sinundan niya ito. Mabuti na lang at mukhang hindi naman ito nagsuspetsa na agad na ibinalik ang atensyon sa loob. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas ito at sumakay na muli sa kotse. Mabilis niyang isinuot ang shades na nasa bag niya at bumaling sa kaliwang bahagi ng taxi nang tuluyan itong lumabas sa sementeryo. Napahinga lang siya nang maluwag nang tuluyang lumampas sa kanila ang kotse nito. Dahan-dahan pa niyang nilingon ang papalayong sasakyan at tinanaw iyon hanggang sa tuluyang na itong mawala sa paningin niya. Tumuwid siya ng upo saka bumuga ng hangin saka ipinaypay ang mga kamay sa mukha. Bahagya siyang pinagpawisan dahil sa kaba. Huminga siya nang malalim. Dapat ay umalis na rin siya sa lugar na iyon pero tila may nagtutulak sa kanya na silipin kung sino ang taong nakalibing doon. Nagdadalawang-isip man ay pagbibigyan na rin niya ang kuryosidad niya. Wala naman siyang intensyon na masama. Gusto lang niya malaman kung sino ang dinadalaw doon ni Arya. Akmang bababa na siya sa taxi nang matigil sa ere ang kamay niya nang makita ang isang babae na bigla na lang sumulpot sa kung saan at patakbong lumapit sa mausoleum kung saan nanggaling si Arya. Pinagmasdan niyang maigi ang babae at napakunot ang noo niya nang tila pamilyar sa kanya ito. “Si Tita Sylvia ba ‘yon?” bulong na tanong niya sa sarili. Nakumpirma ang tanong niya nang humarap ito para isara ang pinto ng musoleo. Tumingin pa ito sa paligid ng sementeryo na tila kinukumpirma na walang ibang tao. Lalo naman napakunot ang noo niya sa pagtataka. ‘Kung ganoon ay magkakilala nga sila ni Tita Arya?’ Lalong nadagdagan ang kuryosidad niya sa nakita. Binayaran niya ang taxi driver at nagpa-iwan na roon. She silently walked inside. Pero habang lumalapit ay hindi niya maintindihan kung bakit siya kinakabahan. Inaamin niya na kahit papaano ay naapektuhan siya sa sulat nito na iniwan para sa kanya. Pero sa mga sandaling iyon ay may kakaibang kabog sa dibdib niya. Huminto siya sa harap ng pinto na bahagyang nakaawang at sumilip sa loob. Mula roon ay kitang kita niya na maingat nitong kinuha ang isang marble urn mula sa kinalalagyan nito. Matagal nitong tinitigan iyon pagkatapos ay nakangiting pinahid ang luha. “I’ve finally found you, darling…” nakayukong bulong nito saka niyakap nang mahigpit ang maliit na banga habang nakapikit. Maya-maya ay inilayo nito iyon sa katawan at matamang pinagmasdan ang malamig na bagay na iyon habang hinahaplos na tila punong-puno ng pagmamahal. Ilang sandali itong tahimik na nananatili roon. Maya-maya pa’y kinuha ang dalang bag at maingat na ipinasok doon ang hawak. Mabilis siyang kumubli nang tumayo ito at nagmadaling umalis. Tila isa itong magnanakaw na takot na takot mahuli ng may-ari ng kinuha nitong bagay. She silently observed her while being lost in deep thought. If someone sees her in her state, they might take her as a lunatic. At sino bang makapagsasabi na nasa matino itong pag-iisip sa itsura nito bukod pa sa ikinikilos? She’s still wearing her hospital gown with her messy hair habang sa dami ng pwede nitong nakawin ay abo pa ng patay ang napili nitong kunin. She snapped back nang marinig ang sigaw ng gwardiya. Hinabol nito si Sylvia pero mabilis itong nakalayo. Nagdadalawang isip siya kung susundan ito o susundin ang utos ng kuryosidad niya na alamin kung sino ang taong nakalibing doon na malakas ang kutob niyang may kinalaman hindi lang kay Sylvia kung hindi pati na rin kay Arya. Her instinct told her to follow the latter. Kagat-labing pumasok siya sa loob ng musoleo and her eyes was instantly glued on the big picture in front of her. Pinakatitigan niya iyon hanggang sa bumaba ang tingin niya sa pangalan na nakasulat sa ibaba nito kasama ang araw ng kapanganakan at pagkamatay ng nagmamay-ari ng larawan na iyon. Muli niyang tiningnan ang mukha sa larawan at mariing napalunok ‘His face.’ Umiling siya. Although he had a big similarity with Dos, imposibleng ito ang Papa ng nobyo niya. Ang sabi ni Dos ay matagal nang patay ang Papa nito at nakalibing sa Italy habang ang George Lacsama na nakalibing dito ay ilang buwan pa lang ang nakakalilipas ng pagkamatay. Pero ang pangalang iyon. Iyon din ang pangalan na minsan nang nabanggit ni Dos nang marinig niya ang pakikipag-usap nito sa telepono. Ilang sandaling napako ang tingin niya sa larawan. Umiling siya. Dos wouldn’t lie to her. Everything she saw and witnessed today has nothing to do with her and her fiancè.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD