Isang linggo ang mabilis na lumipas ang halos hindi namalayan ni Savannah dahil abala siya sa pag-aalaga kay Sylvia. At sa loob ng mga araw na iyon ay walang sinuman ang dumalaw dito.
She asked her once about her family pero iling lang ang madalas nitong sagot sa kanya. Hindi niya kasi alam kung saan niya ito iuuwi lalo na’t ayon sa doctor na ilang araw na lang ay maaari na itong lumabas sa hospital.
While Dos was constantly calling to check on her. Every time he calls, hindi nakakaligtas sa kanya ang pagod sa mukha nito. Minsan ay tila nawawala ito sa sarili kapag pinag-uusapan nila ang nalalapit na kasal na madalas naman nitong pakay sa pagtawag sa kanya.
Minsan ay nahihiya na rin siya dahil wala siyang naitutulong sa pag-aasikaso pero mapilit ang nobyo niya na wala na siyang dapat intindihin pa at ang kailangan lang niyang gawin ay magpahinga at dumating sa araw ng kasal nila.
While she on the other hand, busied herself taking care of the woman who saved her life without Dos’ permission.
Dos specifically told her to let him take care of that woman at hindi niya kailangang personal na alagaan ito. He even send a personal nurse to take care of her and also covers all her medical expenses pero hindi niya magawang tanggihan ang babae sa hiling nito na manatili ito sa tabi kahit habang nasa loob pa siya ng hospital.
Maliit na bagay iyon kumpara sa ginawa nitong pagliligtas sa kanya kaya kahit hindi nito iyon hilingin ay ipinangako na niya sa sarili na hindi niya ito iiwan doon lalo’t nalaman niya na mag-isa na lang ito sa buhay.
She even instructed Dos’ men to leave them and that she would personally take care of her until she needs her.
Alam niyang hindi iyon nagustuhan ng nobyo but she had no choice but to go against him. Besides, she couldn’t understand his reason of his disagreement.
Ipinatong niya ang dalang paper bag na may lamang pagkain sa ibabaw ng mesa saka nakangiting sumulyap kay Sylvia na tahimik na naman nakayuko habang tinititigan ang maliit na picture na hawak nito.
She wonders who was in the picture. Pakiramdam niya ay napahalaga rito ng larawan na iyon at ni minsan ay hindi nawaglit sa katawan nito.
She’s even keeping her from looking at it or even had a chance to glance on it.
Nauunawaan naman niya ito and she fully respects her privacy. They only acquainted because of the accident and her aloofness and cold demeanor was only telling her that they hadn’t reached the point of closeness.
Kaya hanggang ngayon ay limitado lang ang impormasyon na alam niya tungkol dito.
Nang matapos kumain ay tinulungan niya itong bumalik sa kama pero umiling ito at nakiusap na dalhin siya sa garden ng hospital.
She agreed and accompanied her outside. Itinulak niya ang wheelchair nito at naghanap ng pwesto na may sapat na sikat ng araw.
“Okay na po kayo rito, Tita?” nakangiting tanong niya saka umupo sa upuan sa tabi nito.
Bahagya itong ngumiti saka tumango pagkatapos ay tumingin sa malayo.
“S-salamat, anak—"
Napatigil siya saka mabilis na lumingon dito. Tila naman nagulat ito at mabilis na ikinurap-kurap ang mga mata.
“P-pasensya ka na… Naalala ko lang ang anak ko…”
“May anak po kayo?” gulat na tanong niya. Ang sabi nito ay solo na lang ito sa buhay at walang kamag-anak. Kung ganoon ay hindi totoo ang sinabi nito sa kanya at ang nakuhang impormasyong ng mga pulis.
Napakunot ang noo niya. She was thinking of her reason of claiming she has no family. At base sa lungkot na nakikita niya sa mga mata nito nang banggitin ang anak nito ay sigurado siyang nami-miss niya ito.
Lumunok ito saka iniiwas ang mga mata saka tumango.
Tahimik niyang pinagmasdan ito at hinintay na magkwento. Curious siya sa kung anong nangyari rito but she was hesitant to ask.
Siguro ay hindi lang talaga siya sanay na mang-ungkat lalo ang makialam sa buhay ng ibang tao.
“Aren’t you going to ask me what happened to my daughter?” mapait ang ngiting tanong nito sa kanya.
Bahagya siyang napakunot ang noo pero umiling siya. “If it’s not comfortable with you to talk about…”
“I’m a worthless mother, Savannah.” Tumingin ito sa kanya saka muling tumingin sa malayo. “I wonder if you’ll hate me and take care of me like what you’re doing now if you learn how selfish of a mother I am.”
Sinalubong niya ang tingin nito na hindi niya maintindihan kung pagsisisi ang nakalarawan doon o galit.
“Ano pong ibig niyong sabihin?”
"I abandoned her."
Mataman siyang tinitigan nito. Maya-maya ay tumawa ito nang malakas na ikinagulat niya. Unti-unti nang nanunumbalik ang lakas nito pero bakas pa rin ang pagkakasakit nito na sigurado siya ay pinipilit lang ang sarili na ipakita na maayos na ito.
She silently watched as she laughed until she got tired. Lumingon ito sa kanya at unti-unting sumeryoso ang mukha pagkatapos ay umiling.
“I’m sorry. It’s just that… gusto ko na lang pagtawanan ang sitwasyon ko… ito na siguro ang karma ko sa lahat ng ginawa ko… Dapat namatay na lang ako sa aksidenteng iyon. I should’ve not lived. Bakit kasi hindi pa ako napuruhan sa aksidenteng iyon? Masama siguro talaga akong damo kaya kahit ilang beses na akong nagtangkang magpakamatay ay hindi pa rin matuloy-tuloy.”
Napaawang ang bibig niya at gulat na tinitigan ang kaharap niya.
“Tinangka niyong magpakamatay?” hindi makapaniwalang tanong niya.
She was really grateful to this woman whom she thought her savior pero kung tama ang intindi niya ay sinadya nito na palitan siya sa nakaambang panganib hindi dahil sa gusto siya nitong iligtas kung hindi para tapusin ang sarili nitong buhay?
She felt disappointed for unknown reason.
Napalunok si Sylvia at hindi nagawang sagutin ang tanong ng anak. She was guilty and until now she hates herself from being selfish.
Ginawa niya iyon hindi lang para iligtas ang anak kung hindi para na rin sa sarili niya. She seized the opportunity to end all her miseries at sa huli ay nagawa pa rin niyang gamitin ang anak niya.
Even on the brink of dying, sarili pa rin niya ang iniisip niya. She used Savannah as a tool to end her life. She would saved her that would lead to end her miserable life.
Sa tingin niya sa paraang iyon ay makakabawi siya rito sa lahat ng pagkukulang at kasalanan na nagawa niya rito.
How shameful but that was all in her mind when she saved her own daughter.
Hindi niya tuwirang sinagot ang tanong nito but she asked her instead, “How about you?.. I still didn’t know anything about you.”
Saglit niyang tiningnan ito saka bahagyang umiling. She hesitated for awhile thinking of her own unfortunate life.
Pero naalala niya na sinabi nito na wala itong kwentang Ina. Kung totoo iyon, she wish to know the side of those selfish mothers at baka sakali ay maunawaan niya kung bakit siya nagawang pabayaan ng sariling Ina tulad ng ginawa nito sa anak niya.
“I don’t know who are my biological parents. I grew up with someone else’s care…” Mapait siyang ngumiti nang maalala ang kinalakihang Ina. She did everything to please her. To get the motherly love she was longing for since she was a child. But what she gets in return?
Ang ipinagpapasalamat na nga lang niya ay binihisan siya nito at nagkaroon siya ng kumportableng buhay na hindi niya alam kung kayang ibigay sa kanya ng totoong mga magulang.
“H-hindi mo ba sila hinanap?”
She looked at her and smiled wryly. “Why should I? It’s crystal clear na ayaw nila sa akin and that same goes with me.”
She averted her gaze when Sylvia stared at her intently. Nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. She knew how grateful she was to the woman in front of her for saving her life pero sa mga sandaling iyon ay tila nakikita niya rito ang sariling ina na walang awang inabandona siya at hinayaan siyang mangulila at mamalimos ng pagmamahal mula sa mga magulang.
That she didn’t deserve. Every child has the right to be loved and cared by their parents. No one deserves to be abandoned like a poor kitten.
“You’re right,” mababa ang boses na sambit nito. “But will you consider giving your mother a chance to explain herself?...”
Sandali siyang natigilan at nag-isip. In all honesty, it didn’t cross her mind. Hindi na rin niya pinangarap na kilalanin pa ang mga ito.
“Your silence speaks how you hate them to the core… I guess.”
Mula sa pagkakayuko ay tiningnan niya ito. For some reason, she felt angst deep within her. She suddenly had a mix emotion and can’t help to blurt out.
“How can I not hate them? No one asked them to give birth to me para iwanan nila ako… para ipamigay ako na parang isang hayop o bagay… Do you expect me to be grateful to them that I exist? Ang mga walang kwentang Ina tulad ng mayroon ako na hindi ko kilala kahit sa pangalan man lang ay walang karapatang maging Ina. And she doesn’t deserve my forgiveness whatever reason she had!”
Sylvia gasped and it cuts her off. She was carried away by her emotion. Pinakalma niya ang sarili at paiwas na humingi ng paumanhin dito.
“I’m.. I’m sorry.. Hindi ko po—”
“There’s nothing to apologize. Naiintindihan kita… I-I should be the one to apologize.. in behalf of your mother. A selfish and irresponsible mother like us deserve your hatred.. and I’m sorry… I’m sorry.. you don’t deserve a mother like..us.”
Napalunok siya nang makita ang lungkot sa mga mata nito. Tumango ito habang mariing pinaglapat ang mga labi saka tumingin sa malayo.
Alam niyang lumampas siya at hindi niya dapat sinabi iyon. Hindi ito ang kanyang Ina at hindi niya dapat ibunton dito ang sama ng loob niya.
She felt a little guilty but it was surprising that it felt like a part of the heavy burden in her chest lighten up.
Muli siyang humingi ng paumanhin dito na magaan naman nitong tinanggap. She even hugged and thanked her for being honest.
Ginagap nito ang kamay niya at hinaplos iyon.
“That’s all I wanted to hear, Savannah.”
She didn’t get what she means but she nodded and left when she asked her to leave her alone for awhile.