Chapter Sixteen

1873 Words
Pagkababa sa airport ay dumiretso agad si Dos sa sasakyan na naghihintay sa kanya saka inutusan ang driver na magmaneho patungo sa apartment ni Savannah pagkatapos ipaalam sa kanya ng assistant niya na wala pa hotel si Savannah It has been more than a week since he left for a business trip. At bukas ay kasal na nila ni Savannah. He was supposed to return back few days ago pero naantala dahil sa mga investor na sunod-sunod na nagkaroon ng interest sa investment company niya na hindi niya magawang iwan ang pamamahala sa tauhan niya. His initial goal was to accompany his mother during her heart transplant operation nang sa wakas ay pumayag na ito na magpa-opera pero sa huli ay nagbago ang isip nito. She wanted to have her heart transplant in Manila. Hindi raw ito kumportable sa banyagang bansa at gusto raw nito na siya mismo ang mag-aalaga rito pagkatapos ng operasyon na hindi niya magagawa kung itutuloy doon ang operasyon dahil sa nakatakda nilang kasal ni Savannah. Kaya sa huli ay pumayag na rin siya sa gusto nito na bumalik ng bansa at itutuloy ang operasyon pagkatapos ng kanilang kasal. He even persuaded her to accept Savannah. And after numerous attempts and explanation, nangako sa kanya ang Mama niya na susubukan nitong tanggapin si Savannah sa pamilya nila. With her condition of setting the score with Savannah’s mother alone. Which he can easily do since Sylvia’s only within his reach. Ang ipinangangamba na lang niya ay kung paano ipaliliwanang sa nobya ang tungkol sa Mama niya at ang pakay nito sa paglapit sa kanya. Idagdag pa kung paano nito tatanggapin ang tunay nitong Ina. He also planned to tell her the truth about Sylvia na sigurado siyang hindi pa nito nagagawang sabihin sa nobya niya. But he already came up with a solution. Ang kailangan lang ay matuloy ang kasal nila and the rest would be under his control. Pagkalipas ng halos isang oras ay tumigil ang sasakyan niya sa harap ng apartment ni Savannah. Ilang beses siyang kumatok pero wala siyang narinig na sagot mula sa loob. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa at akmang ida-dial na ang numero ng nobya nang may marinig siyang mahinang kaluskos sa loob. Napakunot ang noo niya saka mabilis na kinuha ang duplicate key ng apartment ni Savannah na lihim niyang ipinagawa. Bumungad sa kanya ang madilim na paligid ng buong bahay pero naaninag niya ang kilos sa loob at ang mabilis na paglapit kasunod ang tangkang paghampas sa kanya ng isang mahabang bagay. “Sino ka?” Agad niyang nakilala ang may-ari nang nanginginig na boses na iyon kaya mabilis niyang hinawakan ang kamay nito na may hawak na kahoy. “Hey! It’s me.” Napatigil ito at hinayaang kunin niya ang kahoy mula sa mahigpit na pagkakahawak nito. “D-Dos?” nanlalaki ang mga matang hindi makapaniwalang tanong ni Sav. Kinapa ni Dos ang switch ng ilaw at agad na bumungad sa kanya ang namumutlang mukha ng nobya. Lumalim ang kunot sa noo niya nang makita ang takot sa mga mata nito na agad din nawala nang makita siya. “What happened?.. Bakit mukhang takot na takot ka? May nangyari ba?” tanong niya na agad na bumitaw sa pagkakahawak dito saka alertong sinuri ang bawat sulok ng apartment. Nang masigurado na walang ibang tao roon at walang bakas nang panloloob ay bumalik siya kay Savannah at nag-aalalang pinagmasdan ito. Lumunok si Savannah saka tumingin sa pinto at mabilis na isinara iyon pagkatapos sumilip sa labas. “M-may sumusunod sa ‘kin kanina… P-pagkatapos may nag-abot sa akin ng sulat.. But I don’t want to. I-I don’t want to believe it.” Hinawakan ni Dos ang magkabilang balikat ng nobya nang mapansin na bahagya pa rin nanginginig ang boses nito sa takot pati na rin ang katawan nito. “Okay. Calm down,” alo niya rito saka niyakap. "I'm here." Nang maramdaman na kalmado na ito ay pinaupo niya si Savannah saka siya kumuha ng tubig at pinainom ang nobya. Tumabi siya rito at marahang hinaplos ang buhok nito saka hinawakan ang kamay. “Sabi mo may nag-abot sa ‘yo ng sulat?” panimulang tanong niya. “Can I see it?” Lumunok si Savannah saka itinuro ang nakatuping papel sa ibabaw ng center table. Sinundan niya nang tingin ang itinuturo nito saka mabilis na kinuha iyon at binasa. Mariin niyang pinaglapat ang labi pagkatapos basahin iyon. Tiningnan niya si Savannah at inobserbahan ito sandali. “What are you planning to do?” tukoy niya sa posibleng gawin nito base sa sinasabi sa sulat. Umiling ito. “Ayoko siyang makilala at lalong ayokong makipagkita sa kanya kung totoo man ang nakasulat diyan!” pinal na sambit nito saka yumuko. “How about what happened a while ago? You seemed alerted?” Bigla itong tumingin sa kanya at muling bumakas ang takot sa mga mata nito. “I-iyong nag-abot sa akin ng sulat na ‘yan… Ang sabi niya ay kapatid ko raw siya sa ama. He… forced me to go with him. Ang sabi pa niya ay kalalaya lang ng Tatay niya sa kulungan at ipinasusundo ako…” Mariing pinaglapat ni Dos ang mga labi at ikinuyom ang mga kamay. He didn’t see it coming. Sigurado siya na hindi alam ng ama nito na may anak ito kay Sylvia. At sinigurado niya na hindi nito makikilala si Savannah hanggang si Savannah mismo ang kusang maghanap sa totoong ama nito “Don’t worry. Hindi mo sila kailangan sundin. Ako na ang bahala sa kanila.” Hindi sumagot si Savannah. She doesn’t want to involve him with her troublesome so-called stepbrother and her unknown father. Pero wala siyang pagpipilian kung hindi ipagpaubaya kay Dos ang tungkol sa mga ito. Muli siyang uminom ng tubig saka malalim ang pinakawalang paghinga. Hindi niya hahayaan na maapektuhan siya ng mga taong hindi naman naging bahagi ng buhay niya. “Tomorrow is our big day. Can you please set aside your worries and leave everything to me?” Her eyes flickered at the mention of their wedding. Sandali niyang nakalimutan ang pinakamahalagang okasyon na iyon dahil sa takot at emosyon dulot ng mga nangyari kanina at sa mga nagdaang araw. “I’m sorry. Pupunta na talaga ako sa hotel kanina tulad ng utos mo pero natakot akong lumabas.” “I understand. Mas mabuti ang ginawa mo. You should think of your safety first above anything else.” Tiningnan niya ang kamay niya na mahigpit na hinawakan ni Dos saka sinalubong ang mapupungay nitong mga mata. Staring into his eyes sent comfort and calmness to her heart that she didn’t expect to still feel after years of disconnection. Sigurado siya na si Dos lang ang tanging lalaking masasandalan niya at makapagbibigay ng katahimikan sa magulo niyang buhay tulad ng ipinangako nito sa kanya noon. At tulad ng mga pagkakataon kung paano niya ito naging tagapagtanggol noon ay sigurado siyang iyon din ang gagawin nito ngayon at sa mga darating pang bukas. “You’re not safe here,” anito. “And I won’t allow you stay here starting tonight.” Sumunod siya kay Dos nang ihatid siya nito sa hotel. Nagpumilit itong manatili roon hanggang sa makasiguro ito na maayos na siya at tuluyang mawala sa isip niya ang nangyari kanina. She wanted to refuse in fear of losing herself. Kahit na may nangyari na sa kanila noon ni Dos, she wanted to reserve her body on their honeymoon. But Dos’ presence ruined her plan. Lalo na’t kitang kita niya ang pagpipigil sa mga kilos nito at sa malalagkit nitong mga mata na hindi humihiwalay sa kanya. “You want me to leave?” he asked, gently caressing her hair while staring deeply into her lips. Hindi siya sumagot at matagal na tinitigan ang nobyo. She felt the urge to feel him and his body hanggang hindi na niya napigilan ang sarili. Itinaas niya ang mga kamay at ipinulupot sa batok nito. This is the first time she made the first move. She suddenly felt the desperate need within her na hindi niya alam kung epekto ba iyon ng takot na naramdaman niya kani-kanina lang at sa mga panibagong rebelasyon sa mga taong unti-unti niyang nakilala na bahagi pala ng buhay niya na hindi niya alam kung may katotohanan o dahil talagang na-miss niya lang ang nobyo. But either way, she was willing to surrender herself wholeheartedly to this man who was about to be her husband in a few more hours. He deepened his kiss while she responded with the same intensity. She combed his hair with her soft hand while Dos lifted her without parting their lips. Naramdaman na lang niya ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama. Her gaze locked with his eyes full of desire. Bumaba ang mukha nito at muling ikinulong ang labi niya sa mga labi nito habang isa-isang tinatanggal ang saplot niya. She was totally naked when Dos lifted his body for a while and looked at the beautiful masterpiece in front of his eyes. He smiled and licked his lips as he was staring at her with full of adoration and affection. That look every time he laid his eyes on her never failed to let her feel how much she was loved by him. Ganoon ito noon at hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang nakikita niya sa mga mata nito hanggang ngayon tuwing tititigan siya nito. Tila may kumiliti sa tiyan niya habang nakikipagpalitan ng malagkit na tingin sa nobyo. She can’t help but smile and sensually bite her lips. Ngumisi si Dos at marahang hinaplos ang pisngi niya habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. Maya-maya ay bumaba ang mukha nito at inangkin ang mga labi niya. In the next moment, a sensual moans filled the room. Tanging ang malamlam na ilaw na nagbibigay ng maliit na liwanag sa loob ng silid na iyon ang naging saksi sa pag-iisa ng kanilang mga katawan. “I love you, Sav,” he murmured in her ear. Panting, she nodded her head in response. After a long passionate moment of intimacy, they both laid in each other's arms until their tired bodies relaxed. Yakap-yakap ni Dos si Savannah nang magising siya sa tunog ng telepono. He gently lifted his hand from her body and looked at the caller. Sunod na tiningnan niya ang oras. It was three o’clock in the morning. Sandali niyang sinulyapan si Savannah na mahimbing na natutulog. Tumayo siya at tinungo ang veranda upang hindi maistorbo ang tulog nito. He paced the numerous tall buildings around the hotel. The midnight lights added the beautiful and peaceful scenery of the whole city. Pero ang nakikita niyang kagandahan sa paligid niya ay tila taliwas sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. Na hindi niya alam kung saan nanggagaling. Maybe because it was unusual to receive a call from this person around this time unless something must be really urgent and important. Muli niyang tiningnan ang tumutunog na telepono. It was his uncle Teody. His mom’s doctor and cousin. “Tito…” He wasn’t able to continue when he suddenly cut him off. “Get here, asap, Dawson. Marietta was shot!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD