Chapter Two

1572 Words
“Leave me alone, please.” Walang emosyon na utos ni Savannah kay Dos pagkatapos siya nitong ihatid sa hotel na tinutuluyan niya pansamantala. “I will. But remember what I said, Sav. Pag-isipan mong mabuti.” Marahan siyang tumango saka isinara ang pinto at ini-lock iyon. Akala niya ay ubos na ang luha niya but here she is, sandali pa lang nanatili sa apat na sulok ng kwartong iyon pero pakiramdam na naman niya ay nag-iisa lang siya sa buhay. She really had a hard time to move on from what she discovered. At ang gusto lang niya ay mapag-isa at magmukmok sa buong araw. Sa dami ng nangyayari ay hindi na niya alam kung saan na nga ba siya nasasaktan. Akala niya ay magiging maayos na ang buhay niya at makakamtan na niya ang pinapangarap na buong pamilya. Pero dahil aminado siya na malaki ang kasalanang ginawa niya sa pakikipagsabwatan sa inakala niyang Ina para paikutin ang lalaking dapat sana na mapapangasawa niya ay hindi na siya nagulat at nagdamdam nang iwanan siya nito nang malaman ang totoo. Kahit papaano ay inaasahan na niya ang posibilidad na darating ang araw na iyon at kahit papaano ay inihanda na rin niya ang sarili kung sakaling dumating ang pagkakataon na iyon. Ang akala niya ay iyon na ang pinakamasakit na maaari niyang maramdaman, ang iwanan ang batang inari na niyang tunay na anak at ang lalaking natutunan na rin niyang mahalin na inakala niyang siyang makakasama hanggang sa pagtanda. Pero ang sakit na dulot noon ay katiting lang kumpara sa sakit na nararamdaman niya ngayong hayagang ipamukha sa kanya ang lahat ng kasinungalingan sa pagkatao niya. -- Bumalik siya sa mansion para kunin ang mga naiwan niyang gamit doon. Tanging mga gamit na siya mismo ang bumili. After what happened, alam niyang wala na siyang mukha na maihaharap pa kay Grant. Let alone stay and live in his house. Isang buwan na ang nakalipas mula nang matuklasan niya na hindi si Lucille ang tunay niyang Ina. Maging ang Tatay niya na sandali pa lang niya nakikilala at nakakasama ay hindi rin pala totoo. Kapag naiisip niya ang sitwasyon niya, hindi niya alam kung ano ang posibleng maramdaman ng mga taong makakaalam ng buhay niya. Kung kakaawaan ba siya o baka pagtawanan. Well, the latter is what she always feel towards herself. Mas gusto na lang niyang pagtawanan ang sarili tuwing maalala niya na para siyang isang bola na pinagpasa-pasahan ng mga taong dapat na pumu-protekta sa kanya at inakala niyang totoong nagmamalasakit sa kanya. She clearly remember before Lucille appeared in front of her claiming that she was her mother, mayroon na siyang tinatawag na Mama. But she can’t recall her name and face, maybe because she was just nearly four years old that time. Pagpasok niya sa mansion ay nasalubong niya si Lucille na pababa ng hagdan. Sa likod nito ang isang kasambahay na bitbit ang isa sa mga maleta na dala nito. Sandali niya itong tiningnan. Lucille totally looked different. Parang ibang tao ang kaharap niya ngayon. Tila naglaho ang aroganteng postura nito at malamlam ang mga mata nito na karaniwang mapang-alipusta sa kapwa. “Buti at bumalik ka na,” malumanay na sambit nito. “Nag-alala ako sa ‘yo…” Ngumisi siya at bahagyang umiling habang pinagmamasdan ito. “Pwede ba? Tigilan mo na nga ang pagpapanggap mo na parang napakabuti mong Ina!” Singhal niya rito na sobrang ikinagulat nito. Hindi naman nakakapagtaka na magulat ito sa inasal niya dahil bago iyon sa kanya. Wala yata itong sinabi na hindi niya sinunod at kahit kailan ay hindi siya sumagot ng pabalang dito. She used to be submissive and timid. Kaya nga nagpaikot siya nito nang husto. “Don’t be hypocrite. Tapos na ang palabas natin, remember Mommy?” sarkastikong paalalang tanong niya. Tumalikod siya at nagpasyang pumasok sa kwarto pero agad siyang hinawakan nito sa braso at pinigilan. “What?” naiinis na tanong niya. “I…I’m sorry, Sav. Sorry for everything… Maniwala ka sa ‘kin. I did it for your own good, too. I’ve been selfish pero may parte sa ginawa ko ang protektahan ka at sana kahit iyon lang ay paniwalaan mo.” She chuckled while gazing at her. “At sa palagay mo, maniniwala pa ako sa mga sasabihin mo pagkatapos mo ‘kong paikutin at gamitin para sa mga plano mo?” “I know, I was wrong. And I’m really sorry for what I did, believe me. After what I did, pinatawad ako ni Antonio at ni Grant kaya gagamitin ko ang pagkakataong ibinigay nila sa ‘kin para magsimula ulit ng panibagong buhay… Sumama ka sa ‘kin, Sav. Magpapakasal na si Grant at hindi ka na niya mapo-protektahan kaya dapat ka na rin umalis dito—” “And who are you to tell me what to do? May pinaplano ka na naman ba, ha? Hanggang ngayon sinusubukan mo pa rin talaga na paikutin ako, ano?... Let me remind you, hindi kita ina! Ni hindi nga kita kamag-anak, hindi ba? Kaya pwede ba, gamitin mo ‘yan sinasabi mong pagkakataon para lumayo at totoong magbagong buhay. But please... leave me alone. Mula ngayon, magkanya-kanya na tayo!" “Sav, please! You don’t understand—” Tinabig niya ang kamay nito na mahigpit na humawak sa braso niya. Tiningnan niya ito nang masama saka itinulak ito nang hindi siya nito binitawan. “You made me this way, Lucille! Kahit anong gawin at sabihin mo, hindi na ako maniniwala sa ‘yo… Get lost!” Pagkatapos sabihin iyon ay mabilis niya itong tinalikuran. Pumasok siya sa dating kwarto at mabilis na kinuha ang mga gamit niya. She made sure to get only the things she bought from her own pocket. Maging ang mga alahas na ini-regalo sa kanya ni Lucille pati na rin ni Grant ay iniwan niyang lahat. Wala naman siyang sama ng loob na nararamdaman para kay Grant. The truth is, sobrang nagpapasalamat siya na kahit nalaman nito na kasabwat siya ni Lucille sa mga plano nito ay mabilis siya nitong napatawad. Dahil sa una pa lang naman ay hindi na siya sang-ayon sa ipinagawa sa kanya ng inakala niyang totoo niyang Ina. She was just drowned by the dream of being a good daughter and promised to do everything that would only please her mother. But never did she expect that everything she did and sacrificed would only go in vain. Naging makasarili siya upang makaamot ng kahit konting pagmamahal mula sa Ina. But the woman she looked up to and was always trying to please is not related to her even by blood. Mabuti na lang at mabait si Grant, ang dati niyang nobyo. Pero sigurado siya na malaking bahagi nang maluwag nitong pagtanggap at pagpapatawad sa kanya ay dahil sa nobya nito. Naunawaan ni Grant na biktima rin lang siya ng kasakiman ni Lucille. Nakapagsalita man ito sa kanya ng hindi maganda ay naiintindihan niya. He even persuade her to stay in his mansion. May ipinapagawa naman daw itong bahay para sa nobya nito na si Vera at pagkatapos ng kasal ay doon na sila titira. Habang ang mga magulang naman nito ay may sarili na rin bahay sa Casa Paradisio at doon na rin kasalukuyang naninirahan. Wala na rin si Lucille at hindi niya alam kung saan ito pupunta. Kaya technically, wala nang maiiwan pa sa mansion. Pero ganoon pa man ay wala naman siyang karapatan na manatili pa roon at wala siyang balak na kunin ang ilang mga ari-arian na ibinigay sa kanya ni Grant at ni Lucille. From now on, she will only rely on herself. Bata pa naman siya at soon ay magkakaroon na rin siya nang maayos at permanenteng trabaho bilang ganap na doktor. Tama na ang mahigit na isang buwan na ipinagmukmok niya para tanggapin na wala na siyang magulang at wala na rin ang pamilyang pansamantalang bumuo sa pangarap niya. Halos hindi pa napuno ng mga kagamitan niya ang isang maleta na ngayon ay bitbit niya kaya wala siyang kahirap-hirap na ilabas iyon. Pagkatapos magpaalam sandali sa mayordoma na isa sa mga naging malapit sa kanya sa mansion ay mabigat ang loob na nilisan niya ang lugar. Dumiretso siya sa apartment na ngayon ay magiging tirahan niya. Malapit lang iyon sa hospital kung saan siya pumapasok bilang intern. She is a Pediatric Surgeon by profession. Siguro ay itinadhana talaga na maging isa siyang doctor ng mga bata dahil siguro iyon lang ang paraan para maibsan ang kalungkutan niya tuwing maalala niya na kahit kailan ay hindi siya magkakaroon ng sariling anak. She quickly tidy up her things. Ilang araw na rin naman ang lumipas mula nang lumipat siya rito at kahit papaano ay unti-unti na niyang nakukumpleto ang mga basic needs niya sa loob ng bahay. Tiningnan niya ang oras. Seven o’clock na pala ng gabi. Hindi na niya namalayan ang oras pati na rin ang kumakalam na sikmura ay noon lang niya naramdaman. Binuksan niya ang refrigerator at namili ng pwede niyang lutuin nang marinig ang sunod-sunod na katok sa pinto. She helplessly sigh. Hindi pa man nakikita kung sino ang kumakatok ay sigurado na siya kung sino ito. Pinagbuksan niya ito at agad na bumungad ang nakangiting binata na agad bumati sa kanya at itinaas ang mga dala nitong pagkain galing sa isang sikat na restaurant. “I told you, you don’t have to do it, Dos.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD