“Let me die! Let me die!” tila wala sa sariling pagmamakaawa ni Marietta habang nakatingin ito sa kawalan.
“Mama, enough! Tama na po… Please! Don’t hurt yourself,” nagmamakaawang awat niya sa kanyang Ina na walang tigil sa pagsampal sa kanyang sarili habang wala rin tigil ang pag-iyak nito.
Lumapit sa table nila ang babaeng pulis at hinawakan ang kamay ng Mama niya upang pigilan ito sa ginagawang pananakit sa sarili.
Walang tigil ang luha niya na tiningala ang babaeng pulis. “Please, Ms. Officer let me take my mother out in jail. She’s innocent… and she needs to see a doctor,” inosenteng pagsusumamo niya sa pulis. “And she needs time to grieve for my baby sister.”
Naaawang tiningnan siya ng pulis pero wala itong magawa para pagbigyan siya.
“I’m sorry, kid. But I don’t have the right to do that. Your mother committed a crime and violated the law that’s why she needs to put in jail.” Bakas ang pakikisimpatya sa mukha nito.
“But I know, Mama is not bad. Please.. she just lost my baby sister and she needs to see a doctor.”
“Don’t worry, we have an attending physician here to check on your mother.”
“Don’t believe them, Dawson!” Nagpupumiglas na sabat ni Marietta at tumingin sa pulis na mahigpit pa rin hawak ang braso niya na tila nag-aatubiling pakawalan siya. “Let me go. I need to talk to my son… Please! You see, I still have few minutes for my visiting hour.”
Walang nagawa ang pulis kundi pakawalan siya pagkatapos siyang warning-an nito na ipapasok na sa loob oras na saktan nito muli ang sarili o mag-iskandalo.
Muling umupo ang Mama niya at hinawakan ang dalawa niyang kamay saka tiningnan siya nito nang diretso sa mga mata.
“They are all allies, Dawson. You can’t believe and trust anyone other than me, do you understand?... Tayo na lang dalawa ang magkakampi at wala ng iba.” Mariing saad nito pagkatapos ay lampasan ang matalim na tingin nito na biglang tumahimik.
Tumango-tango siya bilang pagsang-ayon sa ina. Sumisinghot na pinunasan niya ang pisngi saka nag-aalalang tinitigan ang Mama niya.
“Mama, can I stay here with you? Papa has left me, too. I heard him talking to Yaya that he won’t be back anymore. I don’t want to be alone in our house, Mama.”
Ikinuyom ni Marietta ang mga kamay saka naaawang tiningnan ang anak. How could all these things suddenly happened to them?
Tuluyan na nga silang iniwan ng asawa niya.
Isang linggo pa lang ang nakakaraan nang pilitin siya nitong papirmahin sa divorce agreement dahilan para malaglag ang batang nasa sinapupunan niya. Pagkatapos ngayon ay basta na lang nitong iniwang mag-isa ang anak nila.
She gritted her teeth while her eyes are fuming red. Ilang buwan na siyang nasa kulungan pagkatapos siyang sentensyahan sa kasalanang hindi niya ginawa.
Hindi niya akalain na biglang guguho ang mundo niya sa isang iglap. She still remembers how everyone seems to envy her life. She is a famous surgeon na kahit inaakala ng lahat na narating niya ang rurok ng karera niya dahil sa pamilyang pinanggalingan niya ay napatunayan niya ang angking galing sa loob lamang ng isang taon na pagta-trabaho niya sa isa sa mga tanyag na hospital dito sa Italy.
She had an almost perfect life. She has a promising career, has a complete family, a loving husband and son. Pero sa maikling panahon ay naglaho ang mala-perpekto niyang buhay dahil sa isang babae na sumira ng pamilya niya.
At nito lang nakaraang tatlong buwan niya sa kulungan ay nalaman niyang mahigit tatlong buwan na rin siyang buntis. Kung susumahin ay tatlong buwan na lang at manganganak na siya sa isang sanggol na babae pero dahil sa hayop niyang asawa at sa kabit nito ay nalaglag ang batang nasa sinapupunan niya.
“I’m sorry, son but you can’t stay here with me,” umiiyak na sambit niya na sandaling lumambot ang mukha nang matitigan ang inosenteng mukha ng anak. “Basta promise mo kay Mama na iingatan mo ang sarili mo, ha? You have to be strong… And always remember that I love you. Hintayin mo si Mama hanggang makalabas ako, okay?”
Nakalabi siya habang tumatango at napilitang bumitaw sa kamay ng Mama niya nang lumapit ang babaeng pulis at sapilitang ibinalik sa loob ng kulungan ang Mama niya dahil tapos na ang oras ng pagbisita.
“Remember not to trust anyone, Dawson…” muling sigaw nito kasunod ang ilan pang kataga na hindi na niya naintindihan dahil sa unti-unting paghina ng boses nito.
Nanlalabo ang mga mata niya habang pilit na hinahabol nang tingin ang kanyang Mama na tuluyan nang naglaho sa paningin niya.
“Let’s go, Dawson.” Napatingala siya sa nagsalita.
Kahit sa murang edad niya ay naiintindihan na niya ang nangyayari sa kanilang pamilya. Alam niya na mag-isa na lang siya. Nakakulong ang Mama niya at sinentensyahan ito ng ilang taon na pagkakakulong dahil sa intensyon daw nitong pagpatay sa pasyente nito at pakikipagsabwatan sa nakawan sa hospital kung saan ito nagta-trabaho habang ang Papa naman niya ay tuluyan nang sumama sa ibang babae.
“Mula ngayon, si Yaya na muna ang bahala sa ‘yo,” nakangiti pero mas lamang ang awa sa boses na sambit ng Yaya Melba niya na siyang nag-alaga sa kanya mula pa raw nang ipinanganak siya.
Pinay din ito na isa rin sa mga tinulungan ng Mama niya na makarating sa Italy upang makapagtrabaho tulad ng Papa niya.
Tumango lang siya at hinayaan na hawakan ang braso niya habang papalabas sila sa bilangguan.
Lumipas ang mga araw na nasa loob lang siya ng kanilang mansion. Tanging si Yaya Melba lang ang kasama niya at nag-iintindi sa kanya.
Madalas ay tulala siya at umiiyak habang hindi niya mapigilan na tawagin at hanapin ang Mama niya. At sa tuwing nangungulila siya sa mga magulang ay tanging ang yaya niya ang nagpupuno noon.
Hanggang isang araw ay may dumating na bisita. Nagpakilala ito bilang kapatid ng Papa niya. Dala ng pagka-miss niya sa Papa niya ay mabilis siyang napalapit dito. Araw-araw siyang dinadalaw nito sa kanilang bahay at halos ito na rin ang nag-aalaga sa kanya.
“Do you want to go with me, Dawson?” isang araw ay tanong nito sa kanya habang inilalabas nito ang mga laruang pasalubong sa kanya.
“Where are we going, Uncle Rey?” nakangiting tanong niya rito.
Tumigil ito sandali saka hinaplos ang buhok niya. “I’m going back to the Philippines. And you need to come with me.”
Gumuhit ang pag-aatubili sa inosenteng niyang mga mata habang nakatingin dito. “Pero paano po si Mama?”
“Dadalawin pa rin natin siya rito.”
“Ayoko po. I don’t want to leave Mama. Malulungkot siya kapag iniwan ko siya.”
“Look, Dawson. You’re still young and Yaya Melba cannot look after you for such a long time at hindi kita pwedeng iwan mag-isa rito. I promise, babalik tayo rito once a year to visit your Mama.”
“But I still have Papa. I know, he will come back. Babalikan ako ni Papa.”
Napailing siya at hindi agad nakapagsalita habang tinitingnan niya ang pamangkin. He doesn’t have the heart to ruin his hope. Napakabata pa nito para pagdaanan ang mga nangyayari sa pamilya nito.
If only he could do something to change his stepbrother’s mind. Pero buo na ang desisyon nitong sumama sa babae nito.
Ang tangi na lang niyang magagawa ay gabayan ang pamangkin niya habang hindi pa natatauhan ang kapatid niya.
Anak ng second husband ng Mama niya si George, ang papa ni Dawson. But they never used to be closed to each other. Matigas ang ulo nito at rebelde sa magulang. At maging siya ay itinuring nitong kaaway.
He doesn’t want to involved himself in his family affairs, at first. Pero nang malaman niya na iniwan nito nang ganoon na lang ang nag-iisa nitong anak ay hindi niya maiwasang magalit dito at maawa sa kanyang pamangkin kahit pa nga hindi niya ito totoong kadugo.
“Do as you please, Rey! Wala akong pakialam!”
“Gago ka pala talaga!” galit na bulyaw niya kay George. Pinuntahan niya ito sa opisina nito upang pakiusapan na kunin ang pamangkin niya. “Ayaw sumama sa akin ng anak mo dahil umaasa siya na babalikan mo siya.. Do you think na lalapit ako sa ‘yo kung hindi ako naaawa sa bata? Naiintindihan mo ba ang sitwasyon? Nasa kulungan ang asawa mo pero sumama ka sa ibang babae. Tell me, kasabwat ka ba ng babae mo para makulong si Marietta?”
Tumingin ito sa kanya pagkatapos ay padabog na ibinaba ang hawak na ballpen. “It has nothing to do with us! Nakakulong siya dahil pinatay niya ang pasyente niya at kasabwat pa siya sa corruption sa hospital.”
“Really? H’wag na tayong maglokohan pa, George. I’ve already investigated the case. Ang babae mo ang may pakana ng lahat na sinang-ayunan mo!” mabigat niyang paratang. “I’m telling you, hindi ko hahayaan na mawalan ng Ina si Dos dahil sa pagiging makasarili mo. I’ll do everything to get Marietta out of jail.”
“Then, do it. Let’s see how far you can help her. Makapangyarihang pamilya ang taong pinatay niya.”
He sighed a deep breath as if a sign of resignation. Alam niya kung gaano katigas ang ulo nito at walang patutunguhan ang pakikipagtalo niya rito.
Isa pa ay may punto ito. Nasa Italy sila at doon nakakulong si Marietta. He can't use his power and connection to help her.
“How about, Dawson? At least, do your responsibility as his father.”
“Do whatever you want to him. Iuwi mo sa Pilipinas o ipaampon mo. From now on, I don’t care about that murderer’s son. Baka nga hindi ko anak ang batang iyon."
Mariing pinaglapat ni Dawson ang mga labi habang nanlalabo ang kanyang mga mata sa dami ng luha na lumalabas doon habang nakasilip sa maliit na awang ng pinto ng opisina.
Narinig niya ang lahat ng sinabi ng Papa niya at kung paano siya itakwil nito bilang anak.
Pinalis niya ang luha at masama ang tinging ipinukol sa lalaking inakala niyang kakampi niya at po-protekta sa kanila ng Mama niya.
That very instance, nakaramdam siya ng poot sa dibdib na hindi niya akalaing lalalim at mananatili roon sa loob ng mahabang panahon.
Mariing ikinuyom ni Dos ang mga kamao nang muling maalala ang tagpong iyon.
That child was him, a seven year-old boy who started to see and experience the cruelty of life.