Chapter Three

1586 Words
Inalis niya ang suot na gloves at tinungo ang sink para hugasan ang kamay pagkatapos ay saka siya lumabas sa operating room. Kakatapos lang operahan ni Dr. Gregg Rosario na siyang mentor niya sa St. Augustus Hospital ang isang batang pasyente nito na nagkaroon ng internal bleeding. As usual, successful ang operation nito. At iyon naman ang inaasahan ng lahat. He didn’t fail in any surgery he performed. Tulad na lang ng mga magulang nito na kilala sa pagiging magaling na doctor sa bansa. Dr. Gregg is a famous pediatric surgeon in his early 30’s at isa sa mga hinahangaan niyang doctor. Kaya naman nang matanggap siya bilang intern sa hospital kung saan ito affiliated at nalaman na ito pa mismo ang magiging mentor niya ay tuwang tuwa siya. Tulad ng inaasahan niya ay marami siyang natututunan dito. They have the same field of specialization in medicine. Pero aminado siya na mahihirapan siyang pantayan ang galing nito. Isang buwan na lang at matatapos na ang isang taon ng internship niya. Sa mga susunod na taon ay kailangan naman niyang bunuin ang ilang taon ng residency. Masyadong demanding sa oras ang napili niyang propesyon pero hindi siya nakakaramdam ng pagod sa pag-aaral at sa tuwing kaharap niya ang mga pasyente. Sa halip ay nakakaramdam siya ng kakuntentuhan habang ginagampanan ang tungkulin niya. At dahil din doon ay mas lalo niyang isinubsob ang sarili sa pag-aaral dahilan para mas mabilis niyang nakalimutan ang mga dumaang problema. In fact, hindi na nga niya masyadong naiisip pa ang tungkol sa mga pinagdaanan niya. Si Lucille o maging hanapin ang totoo niyang mga magulang. Siguro ay natanggap na lang niya sa sarili na walang magulang ang gustong maging anak siya na kahit masakit ay ipinagkibit-balikat na lang niya. Wala rin naman mangyayari kung iisipan pa niya iyon hanggang ngayon. Sapat na ang ilang buwan na pag-iyak at pagmumukmok niya na wala naman naitulong sa kanya. Life is usually unfair. At alam niya na isa siya sa binigyan ng buhay na hindi patas. Pero manhid na yata siya. Mas gusto na lang niyang i-focus ang sarili sa trabaho at sa pangarap niya na maging isang ganap na magaling na doctor at maging instrumento upan makapagpagaling ng mga batang may sakit kesa isipin ang mga taong dahilan kung bakit siya isinilang sa mundo pero ayaw naman magpaka-magulang sa kanya. “Doc Sav, may dinner out tayo later, ha?” paalala sa kanya ni Cynthia na isa sa mga surgical nurses na pinakamalapit sa kanya. “Pinapasabi ni Doc Gregg na h’wag ka raw mawawala. Syempre, treat daw niya.. umm, maliit na thanksgiving party para daw sa successful operation kay Trish.” Tukoy nito sa batang inioperahan ni Doc Gregg last month. “I’m sorry but she’s not available. May dinner date kami ni Doc Sav tonight.” Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Napailing na lang siya at hindi na nagawang sumagot kay Cynthia. “Sabi ko nga,” nakangiting sagot ni Cynthia at nag-thumbs up pa sa lalaking bigla na naman sumulpot mula sa kung saan. “Ako na ang bahalang magsabi sa kanila kung bakit hindi makakasama sa ‘min si Doc Sav.. Enjoy your dinner, Doc! See you tomorrow.” Pagkasabi nito ay mabilis na itong tumalikod saka naman niya hinarap ang binata. “Anong dinner date ang sinasabi mo?” seryosong tanong niya rito. “I need to go home because I still need to read two books tonight.” Napansin niya ang paglusaw ng ngiti nito saka bahagyang napatango na ikinakunot ng noo niya. Tingin niya kasi ay bigla itong nalungkot. “It’s my birthday, Sav. Nakalimutan mo na talaga.” Napaawang ang bibig niya saka mabilis na hinugot ang cellphone sa lab gown na suot niya at tiningnan ang date ngayon. ‘Shocks!’ Birthday nga nito at totoong nakalimutan niya. “Oh! Happy birthday, Dos!” nakangiting bati niya sa binata. Pilit ang ngiting tumango ito at nagpasalamat sa kanya. Pansin niya na mukhang nagtatampo ito na hindi na sana niya papansinin pa pero bigla naman siyang nakonsensya. “I’m sorry, medyo na-busy lang masyado. I thought it’s only 9th of the month, ang bilis talaga ng araw. Pati date, nakakaligtaan ko na,” seryosong sambit niya. “Don’t you have any celebration with your friends?” “Itinataboy mo ba ako?” Tumigil siya saka ikinibot ang bibig. Wala naman bago sa sinabi o ikinikilos niya ngayon pero parang hindi pa rin ito nasanay sa kanya. Mula nang umalis siya sa puder ni Lucille ay hindi na ito umalis sa tabi niya. He gave her all the support and has been her depr…. Ilang buwan na rin ang lumipas pero nanatili pa rin ito sa tabi niya na sa totoo lang ay hindi niya nagugustuhan. Napabuntong hininga na lang siya saka bahagyang napailing. Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan niya ito ngayong kaarawan nito. “Fine! Magpapalit lang ako.” -- Napatigil siya nang makarating sila sa roof top ng penthouse ng binata. She was actually expecting to see his friends and thinking that they are also here celebrating his birthday since ganoon na ang nakagawian ng mga ito. Lalo na ngayon na ito ang unang kaarawan nito mula nang muli silang nagkasundo ni Grant. But what was welcomed her is the quiet and romantic atmosphere. A candle lit dinner with a soft romantic musical background. Pilit ang ngiting tiningnan niya si Dos na malapad ang ngiti na inilahad ang kamay sa kanya. He held her hand gentlemanly and lead her to the table. Nang makaupo sila ay nagsimula na rin tumugtog ang violin. “Thanks for celebrating my birthday with me, Sav.” Tipid siyang ngumiti saka tiningnan ang romantikong paligid. Gumawi ang tingin niya sa mga musician na nakangiting nakatingin sa kanila habang tinitipa ang mga instrumentong hawak ng mga ito. “I didn’t know na ganito ka na pala mag-celebrate ng birthday mo,” birong sambit niya. “Where’s the lively celebration with full of adventures?” He shrugged his shoulder and gestured her to eat na sinunod naman niya. “Would you believe that it’s the first time I celebrate my birthday since we broke up several years ago, that’s why I want it to make it special now. You’re free now and so do I…” She let out a soft chuckle while cutting him off. “It’s a pleasure to hear it from you, Dos and I know what you mean. Pero hindi na magbabago ang isip ko. We can’t reconcile and back what we used in the past anymore.” Sinulyapan siya nito sandali saka niyuko ang pagkain. He elegantly cut the steak and put it in his mouth then swallow it casually. Napasunod ang tingin niya sa mapupulang labi nito while playing a charming smile on his lips na para bang sinasabi na hindi nito sineseryoso ang mga sinasabi niya. He knew him very well. Kung mayroon man lubos na nakakakilala sa kanilang dalawa ay walang iba kung hindi ang isa’t isa. Dos has been her best friend since elementary who eventually became her childhood sweethearts. They were in a relationship for four years but she dumped him the moment her so-called mother told her that she was arranged to marry someone else. Alam niyang nasaktan niya ito nang husto dahil sa ginawa niya at naging dahilan pa nang pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Grant. She was being so unfair to him. A selfish b***h na ngayon ay binabalikan nito na tila napakababaw lang nang nagawa niyang kasalanan. “You’re not taking me seriously, Dos,” seryosong akusa niya rito. Kinuha niya ang wine glass at bahagyang sumimsim doon habang matamang nakatingin sa binata. Sinalubong nito ang tingin niya saka bahagyang kumibot ang labi nito while staring at her intently. Inirapan niya ito saka iniiwas ang tingin dito. Hindi niya maitatanggi na naroon pa rin ang atraksyon na nararamdaman niya para sa dating nobyo. Well, hindi naman talaga iyon nawala. Siguro dahil hindi naman nawala sa isip at puso niya ang pangakong binitawan nila noon na kahit anong mangyari ay sila pa rin ang magmamay-ari ng puso ng isa’t isa. She was engaged with Grant for many years and was bound to marry him pero sigurado siya na hindi niya kayang ibigay ang buong pagmamahal dito. Dahil sa kabila ng pagsunod niya sa kagustuhang ng inakala niyang ina ay naroon ang matinding pagtanggi ng puso niya. Pero pikit mata niyang kinalimutan ang pagmamahal na iyon para sa dating nobyo na akala niya ay napagtagumpayan na niya. Pero mali siya. Dahil pagkatapos ng mahabang panahon na pagkakawalay niya rito ay hindi niya akalain na wala palang ipinagbago ang nararamdaman niya para rito. Na hindi na niya dapat maramdaman. Napasunod ang tingin niya rito nang tumayo ito at maginoong inilahad ang kamay kasabay ng pagsalinaw ng malamyos na musika. “May I have this dance?” She hesitated for awhile but she had no choice but accept it. “It’s my birthday today,” nakangiting paalala nito habang walang patid na nakatitig sa mukha niya. “’Yan ba ang pa-birthday mo sa ‘kin? Hmmm?... Ang basted-in na naman ako?” Napapikit siya nang humaplos ang kamay nito sa pisngi niya. Pakiramdam niya ay kumalat sa katawan niya ang libo-libong boltahe ng kuryente nang hinapit pa nito ang beywang niya at bahagyang idinikit ang mukha sa leeg niya. She deeply closed her eyes for awhile and feel his warmth. Napaka-pamilyar ng pakiramdam na iyon na ang tagal niyang pinanabikan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD