Chapter Seventeen

1853 Words
Nakangiting pinagmasdan muli ni Savannah ang sarili sa malaking vanity mirror na nasa harapan niya. Tumayo pa siya at sinipat-sipat ang suot niyang puting traje de boda. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi niya habang gandang ganda sa nakikitang repleksyon sa salamin. Bagay na bagay sa kanya ang suot na wedding gown. Gusto niyang tapikin pa muli ang pisngi niya upang siguraduhin na hindi ito isang panaginip lang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na darating pa ang araw na ito. Sa kabila ng kakulangan sa p********e niya ay tinanggap at pinili pa rin siyang pakasalan ng lalaking una niyang minahal. Pakiramdam niya ay napakaswerte niya. Lahat ng insecurities at worries niya ay parang bulang biglang naglaho mula nang tanggapin niyang muli ang nobyo. Ilang oras na lang ay ikakasal na sila ni Dos. Tumingin siya sa orasan na nakasabit sa dingding. With a beaming smile, she nodded at the wedding coordinator who was about to usher her outside. It will only take few more minutes para maging ganap na siyang Mrs. Dawson Lacsamana. At ang isa sa pinakasasabikan niya pagkatapos ng araw na ito ay ang bubuuin nilang pamilya. Nang nagdesisyon silang magpakasal ay napagkasunduan din nila ni Dos na mag-aampon sila ng bata at ituturing iyon na tunay na anak. Sa katunayan ay nakahanda na ang pagproseso ng legal adoption ng batang isisilang dalawang araw mula ngayon ng isa sa mga dati niyang pasyente. Na dahil sa kahirapan ng buhay at sa dami ng mga anak ay pinagplanuhan na ipalaglag ang bata. Ngunit sa kabutihang palad ay nakumbinsi niya ang mag-asawa na ipaampon na lang sa kanya ang sanggol kapalit ng malaking halaga at ilang benepisyo para sa mga anak ng mga ito na inialok mismo ni Dos. Huminga siya nang malalim habang nag-uumapaw sa saya ang puso niya habang ini-imagine ang mga susunod na araw na kasama nilang mag-asawa ang magiging anak nila. Sa mga sandaling iyon ay tuluyan nang naglaho sa isip niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw. She was overwhelmed by the intense happiness brought by the promises of tomorrow that awaits her where worries have no room to occupy her mind even a single minute. At iyon naman ang nararapat. Dahil mula nang patawarin siya ni Dos at tanggapin ang pagkukulang niya bilang babae ay alam niyang wala na siyang dapat alalahanin pa. At pakiramdam niya ay wala na siyang mahihiling pa. She gave one last look on her phone to check for any message from her groom. Still there is no message. Nang magising siya kanina ay wala na ito sa tabi niya. Leaving only one message telling her to meet him at the church. Ayon sa team ng wedding coordinator na walang tigil sa pag-aasikaso sa kanya mula pa pagkagising niya ay abala rin si Dos sa paghahanda sa kasal. She took a deep breath and can’t help but felt thrilled imagining him waiting her at the altar. Marahil ay naghihintay na ito sa kanya kaya dapat ay hindi na niya patagalin pa ang paghihintay ng kanyang groom. Ilang minuto pa ang dumaan ay tumigil ang bridal car sa tapat ng malaking simbahan. Mula sa loob ng sasakyan ay tanaw niya ang napakaraming sasakyan na sigurado siyang pag-aari ng mga bisita nila. Nang bumukas ang pinto ng simbahan ay hudyat na magsisimula na siyang maglakad papunta sa altar. Kinakabahan pero hindi matatabunan noon ang sayang nararamdaman niya. Dahan-dahan siyang naglakad habang nakangiting sinusulyapan ang mga taong magiging saksi sa pag-iisang dibdib nila ni Dos. Bukod sa mga kasamahan niyang doctor at ilang nurse na malapit sa kanya ay halos napuno ang simbahan na iyon ng mga kamag-anak at kaibigan ng kanyang groom. Ang mga kaibigan ni Dos ay present lahat maging ang mga asawa nina Jax at Grant. Malaki ang ngiting kumaway pa sa kanya si Vera na sinuklian din niya nang matamis na ngiti. Tumigil ang mga mata niya sa lalaking naghihintay sa kanya malapit sa altar. Napaka-gwapo nito sa suot na itim na tuxedo. Maayos na nakasuklay ang makapal nitong buhok na lalong nagpaaliwalas sa gwapo nitong mukha. He was staring at her emotionless na nagdulot ng panibago at kakaibang kaba sa dibdib niya. Nang malapit na siya sa kinatatayuan nito ay tila lalong lumakas ang t***k ng puso niya. Hindi niya alam kung namamalikmata siya but she noticed the burning gaze he was throwing at her for a short moment. Pagkatapos noon ay tumuwid ito ng tayo at tumingin sa harapan. Siguro ay kinakabahan lang din ito tulad niya. Nang makalapit sa nobyo ay matamis ang ngiting ibinigay niya rito bago humawak sa braso nito at sabay na naglakad patungo sa harap ng altar habang ramdam na ramdam niya ang mabilis na pintig ng puso niya. Siguro ay ganoon talaga ang ikakasal. Hindi niya mawari ang nararamdamang kaba habang papalapit ang araw ng kasal at mas lalong tumindi ang kabog ng dibdib niya ngayong kaharap na ang pari na magkakasal sa kanila. “Dawson Lacsamana, do you take Savannah Ruth Aragon as your lawful wife, to have and to hold, from this day onward, for better or worse, for richer or for poorer, in sickness and in health, to love and cherish until death do you part?” Mula sa Pari ay lumipat ang tingin niya sa katabing binata nang ilang sandali ang dumaan na wala siyang narinig na sagot mula dito. Kumurap-kurap siya at pilit na binalewala ang mas malakas na pagkabog ng dibdib nang makitang nakayuko ang binata. Nakangiti pa rin siya at pasimpleng binunggo nang marahan ang braso nito na siyang tila nagpabalik dito sa kasalukuyan. “Babe, tinatanong ka ni father,” pabulong na paalala niya sa nobyo. Mula sa pagkakayuko ay matagal na nagsalubong ang mga mata nila saka bumaling ito sa pari na muli naman inulit ang tanong. Kinakabahan man pero pinilit niyang ngumiti at bahagyang pinanlakihan ito ng mga mata, signaling him to pay attention on the ceremony. Pero isang mabilis at malalim ngunit walang emosyon na tingin ang isinagot nito sa kanya kasabay ng pagbuka ng mga labi nito at pagsambit ng mga katagang hindi niya inaasahang lalabas mula roon habang nakaharap ito sa pari upang sagutin ang tanong nito. “I… don’t.” Rinig niya ang pagsinghap ng mga tao sa loob ng simbahan habang siya ay halos kapusin nang paghinga nang marinig ang sagot nito kasabay nang pagharap nito sa kanya na seryoso na ang ekspresyon ng mukha dahilan upang tuluyang maglaho ang ngiti niya at mapalitan ng matinding kaba ang sayang nararamdaman niya. “I’m sorry, Savannah. But I realized just now that I can’t marry a murderer’s daughter.” “W-what?” Hindi niya alam kung tama ang narinig niya dahil tila gusto niyang panawan ng ulirat habang unti-unti niyang nauunawaan ang ibig niyong sabihin. Umuurong na ito sa kasal. Pero bakit? Anong dahilan niya? “Your mother killed my sister. And I can’t forgive you and your family if my mother can’t make it this time.” Umiling siya at hindi makapaniwalang tiningnan ang binata. Tuluy-tuloy na bumuhos ang mga luha niya habang pinagmamasdan ang poot sa mga mata nito. “I don’t understand, babe. Please, don’t do this to me. Nangako ka sa ‘kin. Nagtiwala ako sa ‘yo,” gumaralgal na pakiusap niya. Hindi niya maintindihan ang mga sinasabi nito. Lumapit siya rito at pilit na hinahawakan ang braso nito na agad nitong iniiwas sa kanya. Tumahimik ang buong simbahan habang bakas sa mga mukha ng mga naroroon ang pagkagulat at hindi inaasahan na pangyayari. Mariing itong lumunok habang tuluyan nang nawala ang kislap sa mga mata nito na kagabi lang ay naroon ang tila walang paglagyan na kaligayahan. What was left in his eyes were hatred and disgust while looking at her. “You’re a home wrecker and a murderer’s daughter, Savannah… Akala ko ay kaya ko.. kaya kong tanggapin ka… But I just can’t.” Pagkasabi noon ay tinalikuran siya nito at mabilis na nilisan ang altar. Nahigit niya ang paghinga at nanlalabo ang mga mata na napatingin sa mga taong iba-iba ang reaksyon. Nahagip pa nang tingin niya ang mga kaibigan ni Dos na humabol dito palabas ng simbahan habang sina Vera, Lexi at Aneira ay hindi niya namalayang nasa tabi na niya. Tinabig niya ang mga kamay ng mga ito na gustong umalalay sa kanya. She almost wanted to collapse pero pilit niyang pinatatag ang sarili. Inangat niya ang laylayan ng wedding gown niya at mabilis na hinabol ang groom niya. Naabutan niya ito na pasakay sa isang itim na Range Rover at sandaling napatigil ang akmang pagsakay nito roon nang makita siya. Tinangka pa niyang humabol dito pero tila pati lakas ng katawan ay tinakasan siya nang bigla siyang mabuwal kaya’t wala siyang nagawa kung hindi panoorin ang mabilis na pagharurot ng sasakyan papalayo sa kanya. Nanlalambot ang mga tuhod na napasalampak siya nang upo sa gitna ng kalsada. Pumikit siya at hinawakan nang mahigpit ang tapat ng dibdib niya saka humagulhol ng iyak habang pilit na sinusundan nang tingin ang palayong sasakyan na hindi nagtagal ay tuluyan nang naglaho. “Why?... W-hy did you do this to me, Dos?!” Kahit hilam ang mga mata ng masaganang luha ay tumayo siya at pumara ng taxi. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. She wanted to follow and see where would her groom go pero dahil tila galit ang makina ng sasakyan nito ay hindi kayang sundan ng taxi na sinasakyan niya. Wala siyang nagawa kung hindi magpahatid sa bahay ng nobyo pero walang sumasagot mula sa loob o indikasyon na may tao roon kahit halos mapudpod na ang mga daliri niya sa kapipindot ng doorbell. “Dos, please! Kausapin mo ‘ko. Lumabas ka diyan!” humahagulhol na sigaw niya habang kinakalampag ang malaking gate sa harapan niya. “Lumabas ka diyan!” Ilang minuto ang lumipas na walang tigil ang pagkatok at pagtawag siya sa nobyo. Umaasa pa rin siya na hindi siya nito matitiis at lalabas din ito at ipaliliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit nito nagawang iwan siya sa altar. Alam niyang may dahilan ito at handa siyang makinig kahit ano pa ang sabihin nito. Ang mahalaga ay makausap niya ang nobyo. Pero lumipas ang ilang oras ngunit kahit anino ng nobyo ay hindi niya nakita. Nanghihinang unti-unti siyang napaupo sa harap ng gate nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dahil nasa exclusive subdivision ang villa ng nobyo ay mangilan-ngilan lang na sasakyan ang dumaraan doon. May ilan na napapatigil pero wala siyang panahon para lingunin ang mga ito o intindihin ang mga sinasabi ng mga ito. Iniharang niya ang mga kamay sa kanyang mukha nang masilaw sa liwanag ng ilaw mula sa isang sasakyan na biglang tumigil sa harap niya. Nang bumukas ang pinto ng sasakyan ay napatingin siya sa dalawang pares ng itim na leather shoes na bumaba mula roon. Kahit nanghihina ay pinilit niyang tumayo sa pag-aakalang sa wakas ay dumating na rin ang kanyang nobyo pero kasabay nang pagtayo niya ang unti-unti naman pagbigat ng talukap ng kanyang mga mata at tuluyan pagdilim ng paligid niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD