Chapter Eighteen

1902 Words
Nagising si Savannah nang maramdaman ang tunog nang pagpihit ng doorknob ng pintuan. Sandali niyang inilibot ang mga mata sa loob ng kwarto kung saan siya naroroon na hindi niya alam kung paano nakarating doon. Suddenly, an unpleasant memories of her runaway groom flooded back in her mind. Ang huling alaala niya ay nawalan siya nang malay sa harap ng bahay ni Dos habang halos hindi na siya makatayo dahil sa bigat ng wedding gown na suot niya na noo’y basang basa na sa ulan. Sigurado siya na si Dos ang lalaking bumaba sa sasakyan bago siya nawalan nang malay kaya malamang ay ito ang nagdala sa kanya sa hospital. Bigla siyang nabuhayan ng loob at excited na bumangon sa isipin na nagbago ang isip ng binata. Na hihingi ito ng tawad dahil hindi nito intention ang iwan siya sa altar. Na labis itong nag-aalala sa kanya. “Dos…” Napatigil siya sa pagbangon at biglang napawi ang excitement na nararamdaman niya nang makita kung sino ang bisita niya. She felt disappointed but she tried to conceal it kahit na inaasahan niya na si Dos ang unang makikita niya, ang kailangan niyang makita at makausap. Maybe she heard the news about the wedding. At malamang narito ito ngayon upang damayan siya na siyang kailangang kailangan niya sa mga sandaling iyon. She needs someone to cry on. A shoulder to lean on. Someone who could give her comfort even just for awhile just like she always do. Dahil parang nahihirapan siyang huminga habang muling nanunumbalik sa isipan niya ang mga nangyari sa simbahan. She had lost her track. Ni hindi na rin niya alam kung anong oras na at kung ilang oras na siyang nananatili at nakatulog sa hospital na iyon. Pero bago pa niya maibuka ang mga kamay upang humingi ng yakap sa babaeng akala niya ay kakampi niya ay isang matunog na halakhak ang narinig niya mula rito. Na sobra niyang ikinagulat. Nanlilibak ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya habang tila tuwang tuwa sa nakikitang kalagayan at itsura niya. Her eyes kept on staring at the women in front of her in bewilderment. “Tita Arya?” bigkas niya. Patanong iyon dahil baka namamalikmata lang siya dahil ibang iba ang babaeng nasa harapan niya kumpara sa Arya na kaibigan niya. Pero ang Arya na nasa harapan niya ngayon ay tila walang ipinagkaiba sa babaeng lumabas ang biglang pagbabago mula pa nang makita niya ito sa hospital hanggang sa nasaksihan niya sa sementeryo. Nakaupo ito sa wheelchair suot ang kaparehong hospital gown na suot niya. Tumingala ito sa lalaking nasa likuran nito na siyang nagtulak sa wheelchair nito saka sumenyas na iwan ito roon. Sinundan niya nang tingin ang lalaki na agad niyang nakilala. It was one of her seniors in medical school. Isa sa pinakamagaling na heart surgeon sa bansa. Atubili itong lumabas na tila ayaw iwan ang ginang kasama siya. Pagkatapos ay ilang sandaling nag-usap ang mga mata ng mga ito pagkatapos ay iniwanan siya nito nang isang nagbabantang tingin bago tuluyang lumabas. “Hmp! Are you disappointed that I, who was the only one who remember you in your most pathetic situation, was not you’re runaway groom, Savannah?” Mula sa sumaradong pinto ay napakunot ang noo niya na tiningnan si Arya. Naguguluhan siya sa pagbabagong nakikita sa ginang. What happened to the sensible and soft spoken person she used to be? At bakit parang may malalim itong galit sa kanya? “A-ano pong ibig niyong sabihin?” nagtatakang tanong niya sa mababang boses. Inirapan siya nito saka sandaling tumingin sa malayo pagkatapos ay tumingin muli sa kanya na halos mag-apoy ang mga mata sa galit. “See this?” Turo nito sa tagiliran nito. Tumambad sa kanya ang may balot na bandage na katawan nito at ang mantsa ng dugo sa kaliwang tagiliran nang iangat nito ang damit. “It was your d*mn mother’s deed, alam mo ba ‘yon? Pareho sila ng criminal mong ama na nagtangka sa buhay ko!” Ilang sandali siyang hindi nakahuma saka pinag-isipang mabuti ang mga sinasabi nito. Mula sa sugat na nababalutan ng bandage ay umiiling na sinalubong niya nang tingin ang ginang. “Hindi ko kilala kung sino ang mga tinutukoy mo… A-alam mong wala na akong mga magulang.” Halos wala siyang inilihim dito. At alam nito na wala siyang magulang na nakalakihan at nakilala. Kaya anong sinasabi nito? At sa tono ng pananalita nito ay parang siya ang sinisisi nito. “Hindi ko alam kung ayaw mo lang tanggapin o sadyang tanga ka lang tulad ng malandi mong Ina,” puno ng sarkasmong sigaw nito. “Pwes! Ngayon ay sasabihin ko sa ‘yo ang totoo na kailangan mong tanggapin sa ayaw at sa gusto mo.” Napalunok siya at mahigpit na hinawakan ang kinauupuan ang bedsheet sa kinauupuang kama. Hindi niya alam kung anong dahilan kung bakit nagkakaganoon si Arya pero masama ang kutob niya base sa reaksyon at sa mga unang sinabi nito. “Si Sylvia, ang babaeng inalagaan mo at ang babaeng kinasusuklaman mong Ina ay iisa.” Pakiramdam niya ay sandaling tumigil ang pagtibok ng puso niya nang marinig ang sinabi nito. Naalala niya ang sulat na iniwan ng babaeng tinutukoy nito at ang tagpong nakita niya sa garden ng hospital. Magkakilala ang mga ito. At kung ganoon ay totoo ang ang nilalaman ng sulat na iniwan nito sa ward nito na pilit niyang itinatanggi. Mariin niyang kinagat ang labi. Ayaw niyang paniwalaan iyon pero sa nakikita niya kay Arya, wala sa itsura nito ang nagbibiro. “Siya ang malanding umagaw sa asawa ko kaya nasira ang pamilya ko. Kaya nagkadaletse-letse ang mga pangarap ko. Ang pangarap namin noon ng asawa ko para sa pamilya namin. At sa huli ay pagtatangkaan pa niya ang buhay ko?” Lumunok siya at matapang na sinalubong ang tingin ni Arya. “B-bakit mo sinasabi sa akin ang lahat nang ‘yan?” Sa una pa lang ay wala na siyang balak na kilalanin ang tunay niyang mga magulang. Kinasusuklaman niya ang mga ito lalo na ang kanyang Ina. Kaya walang basehan ang galit na ipinupukol nito sa kanya. Wala siyang kinalaman sa mga ginawa ni Sylvia at kahit kailan ay wala siyang balak na makialam sa buhay nito o sa kahit pa anong gawin nito. “Ikaw na ang nagsabi na kinasusuklaman ko siya. At kung totoo nga na siya ang tunay kong ina, hindi ibig sabihin noon na may kaugnayan ako sa mga ginawa niya.” “Oo, sabihin natin na walang kang kinalaman sa mga kasalanang ginawa niya sa akin pero kasalanan mo na naging anak ka ni Sylvia. At ngayon ang simula nang paniningil ko sa inyo!” Halos tumaas ang mga balahibo niya sa katawan nang marinig ang sigaw na iyon na punong puno nang matinding galit na halos ikabingi niya. At ang mga mata nito na nababalutan nang matinding poot. “Anong ibig mong sabihin?” Matalim ang tinging ipinukol nito sa kanya saka napalitan ng sarkastikong ngiti ang halos tuwid na linya ng bibig nito. “You’re such a gullible woman, Savannah.” Umpisa nito. Tumiim ang bagang niya na nanatiling nakatingin lang dito. Bigla siyang kinutuban pero minabuti niyang makinig muna sa mga sasabihin pa nito. “I plan this all, Savannah. Or should I say, we plan this together to get the justice we deserve from you.. a w***e mother and daughter,” she said, full of disgust. “Tsk! Alam mo ba kung bakit ka naririto ngayon? Isa lang ito sa plano ko at hintayin mo lang ang mas malaking surpresa ko para sa inyo… By the way, nasa asylum na pala si Sylvia, just if you’re interested to reunite with a slut mother of yours. And why not, isama mo na rin ang bangkay ng totoo mong ama na nakaburol na ngayon para mas masaya ang pagkakabuklod ng pamilya mo.” Nagtatanong ang mga matang tumingin siya kay Arya. Lumunok siya nang makita ang kaseryosohan sa mga sinabi nito. Sa totoo lang ay wala siyang pakialam sa mga magulang niya. Pero ng mga sandaling iyon ay tila mas lalong nanikip ang dibdib niya at hindi niya namalayan ang pagpatak ng luha niya. Mabilis niyang pinahid ang luha. She couldn’t shed a tear for her biological parents. Kung anuman ang mga nangyari sa mga ito ay wala siyang pakialam. “Ang sabi mo ay plinano niyo ito. Sino’ng kasabwat mo? At anong kinalaman ko sa inyo? Sa paghihiganti mo?” “Hindi ka lang uto-uto kung hindi tanga ka rin!.. Wala ka talagang idea kung sino ang kasabwat ko para sirain ka para pagbayarin ang kasalanan ng Ina mo sa akin?” She felt an invisible lump in her throat while thinking of a possible person she was referring to. She wanted to deny the first person who got into her mind. Dahil impossible iyon. Pero bakit ngayon pa napailing aminin ni Arya at isiwalat ang lahat? Pagkatapos siyang talikuran ni Dos sa simbahan. But Dos will not betray her. Iniwan siya nito sa altar pero hindi ibig sabihin noon ay may kinalaman ito sa sinasabi ni Arya. “Alam mo ba na mula sa umpisa ay planadong lahat ito. Paniwalang paniwala ka na iniligtas kita sa aksidente? No. Sinadya ko iyon dahil nabago ang plano ko. Dahil nilandi mo ang anak ko. Kung tutuusin, kasalanan mo ang lahat ng nangyayari sa ‘yo. Gagamitin ka lang sana namin para palabasin si Sylvia at pagbayarin sa pagkamatay ng anak ko at pagpapakulong niya sa akin ng ilang taon. Pero dahil inakit mo ang anak ko at nasira ang plano ko ay mas lalo mong dinagdagan ang galit ko sa inyong mag-ina. Pero mabuti na lang at mas nangibabaw ang pagmamahal sa akin ng anak ko. I knew it, my son didn’t love you that much. At mukhang pinaglaruan ka lang naman talaga niya.” Namimilog ang mga matang napatitig siya rito nang sa wakas ay mag-sink in sa utak niya ang mga sinasabi nito at ang mga nangyari mula nang makilala niya ito nang maaksidente siya. “S-sino? S-sino ang tinutukoy mong anak?” Umaasa siya na mali siya nang iniisip. Halos pigilan niya ang hininga habang hinihintay niya ang sagot nito. She still holding hope na mali lang ang pag-intindi niya. Na lutang lang siya nang mga sandaling iyon dala nang nangyari sa simbahan kaya bumabaw ang pang-unawa niya. Hindi niya matatanggap kung si Dos nga ang anak na tinutukoy nito na siyang kasabwat nito. Masyadong mabigat iyong parusa sa kanya para sa kasalanang hindi siya ang gumawa. She can take all the challenges in life pero huwag naman sana pati si Dos. Marami na siyang pinagdaanan sa buhay na nalampasan pero hindi niya alam kung kakayanin niya kung totoo ang sinasabi ni Arya. Nag-uumpisa pa lang na matupad ang pangarap niya. Ang pamilya na bubuuin nila ni Dos. Naisabunot niya ang kamay sa buhok nang maramdaman ang matinding pagkirot noon. Flashes of both good and bad memories flashes back in her mind. “Sino sa palagay mo, Savannah?” nang-uuyam na tanong nito. “Dawson is my son. Siya at ang nobyo na inakala mong pakakasalan ka ay iisa. Tsk! Tsk! Do you really think that a w***e like you deserve a complete family, let alone having in mind to marry my son?... Keep on dreaming! It was all an act, my poor, Savannah.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD