“Kumain ka nang marami, hija,” ani Arya habang ibinababa sa mesa ang plato na may lamang ulam. “Nagluto ako ng mga paborito mong pagkain.. Try this.”
“Ako na po, Tita. Kumain na rin po kayo,” nakangiting saad ni Savannah. Ipinaghila niya ito ng upuan sa tabi niya pero lumipat ito sa katapat na upuan na ipinagwalang bahala naman niya.
Mula kay Savannah ay lumipat ang tingin nito kay Dos na tahimik na nakamasid sa kanila. Walang emosyon na sinalubong ni Dos nang tingin ang matanda na tila natutuwa sa makaharap silang dalawa.
“Pasensya ka na, hijo. Hindi kasi nabanggit sa akin ni Savannah na may kasama pala siya ngayon. Sana ay nakapaghanda rin ako ng mga paborito mo.”
Maliit na ngiti ang itinugon nito sa matanda saka muling itinuon ang atensyon sa pagkain na nasa harapan nito.
Sandaling sinulyapan ni Savannah ang nobyo na tila malalim ang iniisip. Kanina pa niya napansin ang pag-iiba ng mood nito mula nang dumating sila roon.
Kanina ay masayang masaya ito mula nang pag-usapan at umpisahan nila ang paghahanda sa kasal and he even eagerly listened while she was talking about her friend Arya therefore, she was expecting to introduce both of them warmly but seems Dos’ mind has drifted away and acted indifferently instead.
She just shrugged her shoulder thinking that he was just being tired from the long drive.
While Arya seemed very fond of him from the very beginning. She always tried to converse with Dos who kept on answering with few words and nodding.
Halos hindi na namalayan ni Savannah ang oras at gabi na kaya nag-aya nang umuwi si Dos.
“Ok ka lang ba?” Nilingon niya si Dos na tutok ang mga mata sa pagmamaneho.
Sinulyapan siya nito at tipid na ngumiti saka sumagot, “Of course.”
She slightly frowned and observed him for awhile. Mukhang maayos na ulit ang mood nito hindi katulad kanina habang nasa bahay sila ni Arya.
Hindi niya tuloy mapagilan ang sarili na isipin na ayaw nito sa kaibigan niya.
But she knew Dos of being a snob. Naalala pa niya na dati ay hindi ito nakikipag-usap sa mga bagong kakilala. Mailap ito sa mga tao at hindi basta-basta nakikipag-usap sa kahit kanino.
Minsan nga ay napaisip siya kung bakit sila naging malapit sa isa’t isa. She used to be friendly, cheerful and talkative. They were totally opposite and she even thought that she really was out of his league.
Pero sa dami ng nagkakagusto rito ay wala itong pinatulan o pinansin sa mga babaeng iyon.
“S-si… Tita Arya. Gaano mo siya kakilala? I mean… you looked so attached to her. You know… you should not trust anyone so deep just because she happened to save you once.”
She snapped back and glanced at him. “I know what you mean but I also know Tita Arya as well. She cares for me and she won’t do me any harm,” nakangiting paliwanag niya. “Babe, you can let your guard down and give yourself a chance to know her as well. Besides, I treat her as my mother. Kahit pa noong inakala ko na si Lucille ang totoo kong Mommy, I treated and care for her as much as I did to Lucille.” Pangungumbinsi niya.
Matagal itong hindi nagsalita na tila malalim ang iniisip saka tumango-tango na ikinonsidera niya na umaayon ito sa sinabi niya.
Nang itigil nito ang sasakyan sa harap ng apartment niya ay hinawakan nito ang kamay niya saka bumuntong-hininga.
To her surprise, kahit ilang taon silang nagkahiwalay ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga gestures nito at ibig sabihin ng mga ikinikilos nito.
And now, if she was not mistaken, there is something that bothers him.
“About your parents,” anito na ikinatigil niya. She didn’t understand why he suddenly mentioned her irresponsible biological parents. “Hindi mo ba naisip na hanapin sila?”
Mabilis siyang umiling saka mapait na ngumiti. “Para saan? Bakit ko sila hahanapin?” sarkastikong patanong na sagot niya. “It was clear that they didn’t like me. I bet, they didn’t even know that I exist.”
Hindi niya sigurado kung lungkot o galit ang nararamdaman niya na dahilan nang paninikip ng dibdib niya nang bitawan ang mga salitang iyon.
Basta ang alam niya ay iniisip na lang niya mula nang malaman na hindi si Lucille ang totoo niyang Ina ay isa siyang ulila para matakpan ang nararamdaman niyang kakulangan sa pagkatao niya.
“Let’s not talk about them anymore,” sambit niya para tapusin ang usapan tungkol sa bagay na iyon.
Hindi niya maitatanggi na minsan ay naisip din niyang alamin kung anong nangyari sa kanya at kung nasaan ang totoo niyang pamilya.
Kung magkasama ba ang mga magulang niya ngayon? Kung may kapatid ba siya? O kung may kamag-anak? Kung bakit siya napunta kay Lucille at ito ang nakilala niyang Ina? At kung ano ang dahilan ng mga ito kung bakit siya pinabayaan.
Was she intentionally abandoned or had been stolen?
Pero ayon kay Lucille ay kaibigan nito ang totoo niyang ina at alam nito kung nasaan siya ngayon. Doon pa lang ay alam na niya na wala kwentang Ina ang sinasabi nitong kaibigan.
Bukod doon ay hindi na siya nag-usisa pa at hindi na rin pinakinggan ang paliwanag nito. Ayaw na niyang makinig pa rito dahil baka isa na naman iyong kasinungalingan.
She once broke her trust. At hindi madali para sa kanya ang pagkatiwalaan itong muli.
Hahayaan na lang niya na isipin niyang ulila na siya sa mga magulang. Tutal ay parang ganoon na rin naman ang sitwasyon niya ngayon.
She has no family that she can call her own.
Si Dos na lang ang meron siya.
At nagpapasalamat siya na hindi siya nito sinukaan sa kabila ng kasalanan niya noon dito at kakulangan niya bilang isang babae.
Sapat na ang binata at ang pagmamahal nito para mabuo muli ang pagkatao niya kahit hindi niya alam ang pinagmulan niya.
Inihatid siya ni Dos sa apartment niya at umalis din ito agad. Dahil sa mahabang byahe ay agad siyang nakatulog.
Mabilis naman bumalik si Dos sa kotse at agad na pinasibad iyon pabalik sa pinanggalingan nila.
Hindi niya alintana ang oras at haba ng byahe. He wouldn’t be calm after what he just witnessed after all.
Kailangan niyang malaman kung ano ang mga nangyayari. Kung bakit kilala ito ni Savannah? Dahil sigurado siya na hindi coincidence ang lahat.
After an hour, he arrived at the place that usually takes a two-hour drive from Savannah’s rented apartment.
Tuloy-tuloy siyang pumasok sa bahay at sinalubong siya ng walang emosyon na tingin ng kaibigan ni Savannah.
Si Arya.
Ang kanyang ina.
May hawak itong baso ng alak na diretso nitong nilagok ang lahat ng laman.
Napalunok siya nang muli siya nitong tingnan na ngayon ay namumula na ang tila nagtatanong na mga mata. Nangangalahati na ang laman ng bote ng alak at malamang ay lasing na ito.
Lumapit siya sa ina at inagaw ang baso na akmang sasalinan muli nito ng alak pero mabilis itong umiwas.
“Ma, lasing ka na…”
Umiling ito at dahan-dahang tumingala sa kanya. “How dare you make a move behind my back?” mababa ang boses na tanong nito. “Nakipagbalikan ka sa kanya na hindi mo ipinapaalam sa akin?”
He pursed his lips and took a deep sigh.
“I was planning to tell you. Pero ikaw, may plano ka ba na sabihin sa akin na matagal mo na palang nilalapitan si Sav?... Nag-usap na tayo, Ma, hindi ba? We agreed to stop—”
“I didn’t agree, Dawson!” bulalas nito habang matalim ang tingin sa kanya. “Sabihin mo nga sa ‘kin, did you.. really fell in love with her?.. With that w***e’s daughter?”
He clenched his jaw saka bumuntong hininga. “Yes.”
“Bastard!” sigaw nito.
Hindi siya nakahuma nang mabilis na dumapo ang palad nito sa pisngi niya pagkatapos ay galit na galit na dinuro siya. “You…” taas -baba ang dibdib nito habang nanginginig ito sa galit.
“Ok, I’ll pretend that I didn’t hear it from you, Dawson!” maya-maya’y sambit nito.
Huminga ito nang malalim saka tila pinapakalma ang sarili bago muling humarap sa kanya. “You can play with her as long as you want. Laspagin mo hanggang gusto mo but never say it again, do you understand?”
He clenched his jaw and looked back at her.
“Hanggang hindi lumalabas ang malandi niyang Ina, she will bear all my wrath!”-
“Ma, patay na ang Nanay ni Sav. Pinagbayaran na nila ang kasalanan nila sa ‘yo, sa atin. Pati si Papa—”
“No! Alam kong palabas lang nila iyon. Paraan lang nila ‘yon para maabswelto sila sa mga kasalanan nila sa akin, Dawson! Naiintindihan mo ba?” Muli ang pagpupuyos sa galit na saad nito. “Hindi nila ako malilinlang! Si Savannah, siya ang magtuturo sa akin kung nasaan si Sylvia. Kaya gamitin mo ang pagkakataon na iyan para malaman natin kung nasaan ang malandi niyang Ina!”
“Ma, tama na!.. Get Savannah out of your wrath. Huwag mo na siyang idamay dito. Wala siyang kinalaman sa kasalanan ng Mommy niya... Mahal ko siya…”
“Mahal? Sa dami ng mga babae, talagang siya pa ang pinili mong mahalin? Nakalimutan mo na ba ang mga pinagdaanan natin? Ang pagdurusa ko sa kulungan dahil sa ina niya? Babalewalain mo lahat ng mga iyon dahil lang sa babaeng ‘yon? Ha, Dawson?.. Namatay ang kapatid mo dahil sa kanila at halos gustuhin ko na rin mamamatay dahil sa lahat ng pagpapahirap na ipinaranas nila sa akin sa kulungan! Pagkatapos ngayon ay sasabihin mo sa akin na mahal mo ang babaeng naging ugat ng pagkasira ng pamilya natin at lahat ng paghihirap ko hanggang ngayon?”
Naaawang pinakinggan niya ito at hindi nagawang tumugon. He knew how miserable her life back then. Bawat hinaing nito at daing noon ay katumbas ng ilang punyal na tila tumutusok sa dibdib niya.
“I won’t let that b***h to have you, son!”