“What do you mean, babe? Don’t you think, we’re rushing things out?” nagtatakang tanong ni Sav sa nobyo na tutok ang mga mata sa kalsada habang nagmamaneho.
Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang itong nagdesisyon na magpakasal sila.
Gusto rin naman niya iyon pero hindi niya lang inaasahan na gaganapin agad iyon sa susunod na buwan.
Matagal naman na siyang handa na maging isang maybahay. But it didn’t happen after several years of preparing herself kaya parang nawala na sa sistema niya at maging sa isip niya na mararanasan pa niya ang maikasal sa sitwasyon niya ngayon.
At naninibago siya na kung kailan inihanda na niya ang sarili sa walang katuparan na pangarap niya na makapaglakad sa altar ay saka naman tila nakaisip lang mamamasyal ang lalaking ito kung mag-set ng kanilang kasal.
“No, we are not. Nasa tamang edad naman na tayo at tama lang naman na hindi na natin ito patagalin, hindi ba?”
Napasunod na lang siya nang pagbuksan siya nito ng pinto ng kotse pagkatapos itigil ang sasakyan sa harap ng isang bridal shop.
Pagpasok pa lang ay sinalubong na sila ng isang bakla na agad na bumati sa binata. Mukhang inaasahan na ng mga staff doon ang pagdating nila na agad silang inaasikaso.
She could only follow them as they usher her on fitting her gown. Kung hindi siya nagkakamali ay ang mga ito rin ang kausap ni Lucille na sana’y gagawa ng wedding gown niya para sa kasal nila ni Grant.
They actually got her measurements at ang alam niya ay ipinagawa na ni Lucille ang wedding gown nila para sa kasal na kahit kailan ay hindi nila napag-usapan ng dating nobyo.
“Ang bongga naman, Ma’am! Saktong-sakto at bagay na bagay sa inyo itong wedding gown! Alam na alam ni Sir ang sukat mo, oh!”
Napatingin siya sa malaking salamin na nasa harapan niya at nagtatakang tumingin sa baklang nag-a-aasist sa kanya.
“Anong ibig mong sabihin? Hindi ba kayo rin ang kausap ni M-mommy dati na gagawa ng wedding gown ko dapat?”
Tumingin sa kanya ang bakla na tila inaalala ang mukha niya. “Aww, ikaw nga! Kaya pala familiar ka. Ikaw ‘yong daughter in-law ni Madam Lucille, right?”
Hindi siya sumagot. Tumingin siya sa labas kung saan nakatayo si Dos habang may kausap ito sa telepono.
“Wait! Ngayon lang ba kayo ikakasal? Hindi mo ba nagustuhan ‘yong wedding gown na ginawa namin?... Ang ganda no’n ah! At ang mahal.. Sabagay, iba talaga kapag mayayaman. Barya lang yata talaga sa inyo ang worth of millions na wedding gown…”
Tipid na ngiti lang ang sagot niya sa mga sinasabi nito at hindi na iyon pinatulan. She doesn’t care about the wedding he was referring to, anyway. Ni hindi nga niya alam na natapos palang gawin ang wedding gown na iyon since hindi naman nai-set ang kasal nila o kahit ang mapag-usapan man lang.
At sang-ayon naman siya sa sinabi nito na barya lang ang milyones na halaga ng wedding gown ng mga ito para kay Lucille lalo na sa pamilya ni Grant kaya hindi na siya magtataka kung itinapon na lang o baka inaanay na ang wedding gown na sinasabi nito.
Napangiti siya nang biglang sumulpot sa likuran niya si Dos at tiningnan ito mula sa salamin sa harap nila.
Kinikilig naman na dumistansya sa kanila ang bakla na tinapunan pa siya ng malisyosang ngiti.
“How’s the dress? Nagustuhan mo ba?” malambing na tanong ni Dos habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan niya sa malaking salamin.
“Sobra! Ang ganda niya,” puri niya sa suot na gown habang marahan pa niyang hinahaplos ang tela nito.
“So beautiful…” bulong nito habang nakatitig sa mukha niya na agad na nagpakiliti sa tiyan niya.
Kumalas siya sa yakap nito at humarap dito. “Babe, alam mo naman na pala ang sukat ko, dapat hindi ko na isinukat ito,” reklamo niya.
Nagpapa-cute lang sana siya pero biglang binundol ng kaba ang dibdib niya sa naisip.
“What’s wrong?”
“Masama raw magsukat ng wedding gown, hindi ba? Baka hindi matuloy ang kasal.”
Hindi siya mapaniwalain sa mga kasabihan pero bigla na lang siyang napaisip at nakaramdam ng takot.
“Do you believe in superstition?” natatawang tanong nito. “Babe, nasa atin kung matutuloy ang kasal o hindi. At kahit ilang beses mo pa ‘yan isukat, you’ll only end up being my wife. Do you understand?”
Napatango na lang siya bilang pagsang-ayon. Nagkibit siya ng balikat. Siguro ay kinakabahan lang siya sa isipin na totoong malapit na siyang ikasal.
Pagkatapos niyang magsukat ng wedding gown ay plano naman nilang pumunta sa jewelry shop para pumili ng wedding ring nila.
Magkahawak-kamay sila ni Dos na lumabas ng shop nang mag-ring ang cellphone niya.
Napakagat siya ng labi nang makita kung sino ang caller. Nakalimutan na niya ang lakad ngayon dahil sa ibinalita ng nobyo tungkol sa kasal nila.
Sinilip ni Dos ang telepono niya saka nagtanong, “Who’s that?”
“Si Tita Arya,” aniya saka nagpaalam na sasagutin niya muna ang tawag.
Matamang nakamasid si Dos kay Sav na nasa tabi pa rin niya habang kausap nito ang tumawag. Hindi niya kilala kung sino ang Arya na sinasabi nito pero base sa pakikipag-usap nito ay mukhang malapit ang mga ito sa isa’t isa.
“Yes, Tita,” anito sa kausap habang tinitingnan ang oras sa suot na relo saka bahagyang napangiwi na tumingin sa kanya. “Opo, nandiyan na siguro ako by lunch time… Ok, see you.”
Nakakunot ang noong nakasunod ang tingin niya sa dalaga. Muli itong humawak sa braso niya.
“Sinong Tita Arya? A colleague?”
“Nope,” anito habang papalapit sila sa nakaparadang kotse. “She’s a good friend of mine. Siya ‘yong nagligtas sa ‘kin nang ma-hit and run ako.”
“What? Kelan nangyari ‘yon?” gulat na tanong nito at mahigpit na napahawak sa braso niya. “Why didn’t I know about it?”
Napangiti ito at tumigil sa gilid ng sasakyan niya. She raised her hand and gently massaged his furrowed brows.
“Akala ko alam mo na ang lahat ng tungkol sa akin kahit nang mga panahon na nagkahiwalay tayo? You were stalking me, right?” tila naninimbang na tanong nito.
His body suddenly stiffened and became nervous. Indeed, but what he did is beyond a simple stalking.
Tiningnan niyang maigi ang reaksyon ng dalaga.
Savannah suddenly laughed and tapped his arm. “So, may napalampas ka pala na chapter sa buhay ko,” naiiling na sambit nito which slightly ease the tension in his heart. His gazed showed a little confusion.
“Well, alam ko naman na hindi nakarating sa ‘yo ang balitang ‘yon dahil kahit kay Mom… kay Tita Lucille ay hindi ko ipinaalam iyon. I had an accident after we broke up. Nasa Italy ka na that time… Nasa outreach program naman ako sa isang probinsya nang mangyari ang aksidenteng iyon.”
“And why you hid that accident?”
She told him about the accident and how her friendship with Arya grows and kept until now.
His brows furrowed deeply. He disagreed and found her reasoning really invalid. “It was a serious accident na hindi dapat pinapalampas ng ganoon na lang,” seryosong sambit niya.
He wouldn’t let that someone go off that easily. He will surely dig deeper about that accident whether it was purely accident or intentional.
“Babe, it was seven years ago. Mahalaga naman ay ligtas ako and that thanks to Tita Arya,” balewalang dagdag paliwanag pa nito. “Anyway, nangako ako sa kanya that I’ll meet her today. Ok lang ba na bukas na lang tayo pumunta sa jewelry shop?”
Reluctance showed in his face but he can’t just ignore the woman who saved his fiancée. Gusto niya itong makilala at personal na mapasalamatan para sa pagligtas nito sa nobya niya.
At kahit hindi pa man niya ito nakikita o nakikilala ay ramdam niya kung gaano ito kahalaga kay Savannah.
Hindi ito mahilig makipagkaibigan. He was the only one who gets closed to her when they were in college. She was aloof and loner. Tutok ito sa pag-aaral at ayaw ng distraction.
For few years before she finally said yes to him, kilalang kilala niya na ito.
And having someone get close to her only means, that person is really special to her.
“No worries. I’ll get the jeweler meet us when you’re free.”
Tuwang tuwang yumakap sa kanya si Savannah nang sabihin niya na sasamahan niya ito at gusto niya itong makilala.
They traveled for almost two hours while Savannah kept on telling him about this friend of hers. How good of a friend she is and how she’s looking up to her like her second mother.
He was starting to have a good impression towards her friend since Savannah has been describing her nothing but all positively.
Pinatigil ni Savannah ang sasakyan sa harap ng isang may katamtamang laki ng pharmacy at sinabing nakarating na sila sa kanilang pupuntahan.
Matagal siyang napatitig sa malaking pangalan na nakasulat sa itaas nang harapan ng pharmacy pagkatapos ay bumaba ang tingin niya sa babaeng nasa loob noon na kasalukuyang nakikipag-usap sa isang customer.
He looked at the woman deeply when Savannah tugged his arm.
“Halika ka, babe. I’m sure kanina pa naghihintay si Tita Arya.”
Tiningnan niya ang nobya na agad na lumabas ng sasakyan pagkasabi noon.
He unbuckled his seatbelt and get out of the car. Pormal ang mukha na sabay silang pumasok sa pharmacy habang masaya naman tinawag ni Savannah ang tinutukoy nitong kaibigan.
Nagpaalam si Arya sa kausap nito at nakangiting sumalubong sa kanila.
“Oh hi, Sav! Finally, you’re here… Akala ko, hindi ka na naman makakarating,” anito pagkatapos ay mabilis na nagbeso sa dalaga. “And this is?” tanong nito saka malapad ang makahulugang ngiti na bumaling sa kanya.