Chapter Nine

1823 Words
Pagpasok pa lang ng sasakyan niya sa malaking gate ng mansion ay natanaw na ni Dos ang Mama niya na nakatayo sa harap ng malaking pinto na tila sadyang hinihintay ang pagdating niya. Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang malaman niya na ito ang tinutukoy ni Savannah na kaibigan nito na nagligtas sa kanya sa aksidenteng inamin sa kanya ng kanyang Ina na ito mismo ang gumawa. Sinalubong siya ng seryosong mukha ng Ina pagkatapos ay inutusang sumunod dito sa study room. He looked up on the bare walls inside the big room. It looked so plain and empty that one could give an instant feeling of creepiness once you get inside. Dahil siguro sa mahabang panahon na walang naninirahan doon. Ancestral house iyon ng mga magulang ng Mama niya at isa lang iyon sa mga ari-arian na minana nito sa mga magulang na matagal na rin pumanaw. Pitong taon lang siya nang napilitan siyang bumalik sa Pilipinas at bilang nag-iisang anak at tagapagmana ng pamilya Madrigal ay kinailangan niyang sa lugar na iyon manirahan. His grandfather was long separated from his grandmother who was living a simple life outside the premises of his late grandfather. Sa simula pa lang ay hindi na niya gusto ang bahay na iyon at dahil tutol ang Mama niya na tumira siya sa puder ng Uncle Rey niya ay minanuti niyang tumira sa Lola niya na ilang taon din niyang nakasama bago ito namatay. Napasunod ang tingin niya sa Mama niya nang halungkatin nito ang ilang folder na nakasalansan sa ibabaw ng office table at kinuha ang isang brown envelop. Walang imik na kinuha niya iyon nang iaabot sa kanya ng Ina saka seryosong tiningnan isa-isa ang laman noon. “Where did you get these documents?” nakakunot ang noong tanong niya. Larawan iyon ni Sylvia sa harap ng isang puntod na pamilyar sa kanya. At kung hindi siya nagkakamali ay puntod iyon ng Papa niya. Pero ayon sa imbestigador niya ay kasamang namatay si Sylvia sa aksidenteng kinasangkutan ng mga ito nang nakaraang buwan. Pero ang larawang iyon ay nagpapatunay na mali ang impormasyong ibinigay sa kanya. Nakaligtas ito sa aksidente at buhay na buhay. “I’ll have my investigator to verify this.” “Hmp! I told you, I have my ways to know the truth. Kaya sisantehin mo na ang palpak mong imbestigador dahil wala siyang silbi. I have my own ways to deal with that slut. At kahit totoong puntod pa niya ang ipagawa niya, ipapahukay ko siya masigurado ko lang na bangkay niya ang mabubulok sa ilalim ng lupang iyon.” Ngumisi ito at naiiling habang kinukuha ang isang piraso ng papel mula sa drawer nito saka iniabot sa kanya. “And this… Akala niya siguro ay mapapaniwala niya ako sa palabas niya. Huh! Let’s see…” Lalong lumalim ang kunot sa noo niya habang nakatitig sa papel na ibinigay nito. “Inilipat mo ang libingan ni Papa?” He knew how her mother loved his father. But he also knew how that love turned into hatred. Saksi siya sa poot na nararamdaman nito hanggang sa kasalukuyan pero sa ginawa nitong paglipat sa mga labi nito ay nagkaroon siya ng pagdududa roon. Tila naman nabasa nito ang nasa isip niya na agad na nagpaliwanag. “Don’t overthink, son. I did that to let that w***e comes out,” naniningkit ang mga matang saad nito. “Sigurado ako na hindi siya papayag na bumalik sa akin kahit ang labi ng hayop na lalaking ‘yon.” Huminga siya nang malalim habang nananatiling nakayuko. He wanted to end the war between his mother and his father’s mistress. Pero hanggang ngayon ay hindi nababawasan ang determinasyon sa kanyang Ina na pagbayarin ang kasalanan ng babaeng iyon. Ilang beses na niya itong pinakiusapan na subukang magpatawad at kalimutan ang nakaraan pero sa tuwing kakausapin niya ito tungkol sa bagay na iyon, pakiramdam niya ay lalo lang nadaragdagan ang galit nito sa Ina ni Savannah. He deeply hated her as well pati na rin ang Papa niya. But the past few years living abroad alone makes him gradually let go of that feeling. Hindi siya sigurado kung kailan nagsimula iyon. Basta ang alam niya ay gusto niyang ilabas si Savannah sa alitan na iyon ng kanilang mga magulang. She’d been gone a lot of trouble and painful experiences at sa tingin niya ay sapat na iyong kaparusahan para sa kasalanan ng Ina nito na hindi naman dapat siya ang magbayad. “And what are you planning to do with Savannah?” “Eh di ituloy ang plano natin noon pa…” “Ma, let Savannah out of this. At ipinapangako ko, ako mismo ang magdadala sa ‘yo kay Sylvia—" Napatigil siya sa pagsasalita nang hampasin nito nang malakas ang ibabaw ng mesa at matalim ang mga matang tumingin sa kanya. “Alam mong hindi pwede ang sinasabi mo, Dos!” galit na bulyaw nito. “Matagal na natin plinano ito. Ngayon ka pa susuko? Bakit? Nabilog na ba talaga ng babaeng iyon ang ulo mo, ha?.. Malandi ang babaeng iyon tulad ng Ina niya at baka nakakalimutan mo na minsan ka na niyang iniwan! At para sa saan? Para sa ibang lalaki, hindi ba? Kailangan ko pa bang ipapaalala sa ‘yo iyon?” “Hindi totoo ‘yan, Ma. Alam mo ‘yan.” Galit itong bumaling sa kanya at bahagyang umiling. “Oo nga pala. Iniwan ka niya dahil baog siya!” sarkastikong sambit nito saka tumawa nang malakas. “Baog ang babaeng iyon. And she deserves it! Ang mga haliparot at makakating babaeng katulad nilang mag-ina ay nararapat lang na hindi bigyan ng pagkakataon na magkaanak.” “Tama na! Hindi si Sav ang Mama niya. Magkaiba sila. Kakampi mo ‘ko, Ma, pero ilabas mo si Savannah sa paghihiganti mo kay Sylvia.” “At paano kung hindi ako pumayag?” “Pakakasalan ko siya para ma-protektahan ko siya!” Nanlalaki ang mga matang napamaang ito na tila hindi inaasahan ang magiging sagot niya. Tumango siya saka bumuntong hininga. “Two weeks from now ang kasal namin—” Isang malakas na sampal sa pisngi ang pumutol sa sasabihin niya. “Nababaliw ka na ba?... Pakakasalan mo ang kaaway ko? Po-protektahan mo siya laban sa akin? Anong klase kang anak?” “Kung ito lang ang paraan para tigilan mo na ang paghihiganti mo, gagawin ko,” mababa ang boses na sagot niya. “Hindi pa ba sapat na naghirap sila? Na halos mamalimos na sila dahil sinasabutahe mo lahat ng trabaho at negosyo nila? Na namagitan ka rin para walang hospital na tumanggap kay Papa na dahilan para tuluyang siyang mamatay?... Ma, patay na si Papa. Nakita mo naman ang hitsura at kalagayan nila noon, pinagbayaran na nila ang kasalanan nila sa ‘yo. Sa atin—” “No! Hindi pa sapat ang lahat ng iyon. Dahil kahit anong paghihirap ang danasin nila, hindi mapapantayan noon ang sakit at hirap na dinanas ko sa mahabang panahon. Sa loob ng kulungan. Dahil sa kanya nasira ang pamilya natin… Hindi mababayaran ng kahit anong paghihirap nila ang buhay ng anak ko, ang kapatid mo! At walang kapatawaran ang kasalanan nilang iyon, naiintindihan mo?” Mariin niyang pinaglapat ang mga labi at mabilis na lumapit sa ina nang mapansin na nahihirapan itong huminga pero tinabig nito ang kamay niya na akmang alalay dito. “Kung ayaw mong itakwil kita, hihiwalayan mo ang babaeng iyon at itutuloy natin ang plano.” Sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan nila. Tinitigan niya ang Ina at katulad noon ay hindi pa rin nawawala ang galit sa mga mata nito. Bumuntong hininga siya nang tabigin nito ang kamay niya saka umupo sa swivel chair. “We work hard for this, Dos. There’s no way I just let them go easily tulad ng sinasabi mo… Itutuloy natin ang plano sa ayaw at sa gusto mo.” “I have my own life and decision, Mama. I’m sorry but this has to stop. I won’t let you waste your whole life avenging for people and things that won’t come back to us anymore… Kung ayaw mong pakasalan ko si Savannah, you will let me handle Sylvia at wala kang gagawin na kahit anong hakbang na hindi ko nalalaman.” Ngumisi ito saka tumingin sa kanya. “Don’t you think, it’s too late for you to back out and stop me? Kumikilos na ang mga tauhan ko. Any time soon, makakaharap na natin si Sylvia… Ihanda mo na si Savannah para sa pagkikita nilang mag-ina. Gusto kong makilala niya ang Ina niya at.. pati na rin pala ang rapist niyang ama,” anito habang nakangising nakatingin sa malayo. “I will let them meet and gather all together… Ang araw na sisiguraduhin kong pagsisihan nang husto ni Sylvia na nabuhay pa siya sa aksidenteng iyon. At si Savannah, I’ll make sure she will regret her existence pagkatapos niyang malaman ang lahat ng katotohan tungkol sa pagkatao niya at kung paano ko siya pinaikot sa mga palad ko.” Lalong tumalim ang mata nito habang nakangisi saka tumingin sa kanya. “I can’t wait to see her reaction.. kapag nalaman niya na unti-unti kong nilalason ang anak niya.” Biglang nangunot ang noo niya at gulat na napatitig sa kanyang Ina. “What do you mean?.. N-nilalason mo si Savannah?” Bigla siyang kinabahan sa uri ng titig nito sa kanya na parang sinasabi na totoo ang nasa isip niya. He had this complicated feelings towards Savannah. Mahal niya ang dalaga pero may isang parte sa puso niya na tila kayang kalimutan at takpan ang pagmamahal na iyon. At alam niyang dahil iyon sa nakaraan ng mga magulang nila. Pero ngayon narinig niya mismo sa Mama niya na may ginagawa ito na hindi niya alam ay hindi niya maintindihan ang kaba na bigla niyang naramdaman. “Why? You know what I’m capable of, Dawson. Sa palagay mo ba ay walang akong gagawin sa babaeng iyon? That you were expecting that I offer her a genuine friendship?” She smirked. “I’m your mother, Dos. Kabisado ko ang bawat kilos mo at alam ko na darating ang panahon na ito. That you’ll be smitten by her kaya pinaghandaan ko na.” “What do you mean?” Tumaas ang kilay nito habang nakangisi. “The hardest blow that I could ever take after all what happened is to have a grandchild with that slut. Kaya pinigilan ko na…” Napatiim bagang siya at mariing pinaglapat ang mga labi. Only a fool can’t understand what she means. Bahagya siyang napailing habang mariing napapikit. “Ikaw ang dahilan kung bakit hindi na siya magkakaanak, ganoon ba?” She slightly raised her brow and looked back at him. “Yes.” Taas noong pag-amin nito. “At sinisigurado ko sa ‘yo na sa kanya na matatapos ang kalandain sa lahi nila.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD