Chapter Six

1560 Words
“Ano pong ginagawa niyo rito, Tita?” nakangiting tanong niya rito. “Ah, nagdala ako ng gamot sa customer ko na naka-confine rito. Um-order kasi ng herbal medicine dahil mas may tiwala raw siya sa mga gamot na gawa ko eh wala naman akong ibang mautusan dahil busy lahat ng tauhan ko kaya ako na ang nagdala rito,” nakangiting sagot nito. “Kumusta ka na? Ang tagal mong hindi dumadalaw sa shop ko ah.” Nakokonsensyang napalabi siya saka hinawakan ang kamay nito. “Sorry, Tita. Masyado lang maraming nangyari lately kaya hindi ko na nagawang dumalaw sa ‘yo… Kumusta ka na po?” Napalingon siya sa tinitingnan nito. “Bakit po?” “Wala naman. Iniisip ko lang kung kakilala ko ang doctor na ‘yan.” Turo nito sa pangalan ng doctor na nakasabit sa ward ni Chloe. Seryoso ang mukha nito pero agad naman ngumiti nang humarap sa kanya na tuluyan nang binalewala ang huling sinabi. “Naku, ayos lang ako. Ikaw? Ano bang nangyari? Nag-alala ako sa ‘yo. Buti na lang at nakita kita rito. Dito ka na ba nagta-trabaho?” Tumango siya saka niyaya itong maupo sa lobby. Si Arya ang tumulong sa kanya nang ma-hit and run siya noong nineteen years old pa lang siya. Hindi niya makakalimutan ang araw na iyon na tinulungan siya nito dahil kung hindi dahil dito ay malamang na hindi siya nakaligtas sa pagkakabanggang iyon. Nasa isang outreach program siya ng mga panahon na iyon sa isang liblib na barangay. May isa silang batang pasyente na nagtatakbo dahil natakot ito sa hawak na syringe ng doctor na kasama nila kaya sinundan niya ito para amuin pero hindi niya napansin na napalayo na pala siya. She was lost. Then out nowhere, a car suddenly appeared and hit her. At first, she assumed that it was intentional pero wala siyang maisip na tao na maaaring gumawa sa kanya noon. Lalo na at noon lang siya nakarating sa lugar na iyon. At kahit minsan ay wala siyang nakaaway o nakabangga bago nangyari ang aksidenteng iyon. At dahil walang nakakita sa mismong aksidente na maaaring makapagsabi ng numero ng plaka ng sasakyan o maging witness ay wala siyang nagawa kundi hayaan na lang iyon. Nagpapasalamat na lang siya na naroon si Arya na agad na tumulong sa kanya at nagbigay ng paunang lunas para hindi siya maubusan ng dugo. Dahil doon ay malaki ang utang na loob niya rito at mula noon ay nabuo ang pagkakaibigan nila. Na lalong lumalim nang malaman niya na isa itong naturopathic doctor. Kaya kahit sa probinsya ito naninirahan ay naglalaan siya ng oras para bisitahin ito. They have a lot in common kaya naman mas lalong napalapit sila sa isa’t isa. Ayon dito ay wala na itong pamilya na hindi naman niya inusisa pa ang ibang detalye bukod sa nabanggit nito na namatayan ito ng anak, lalo na’t pansin niya ang kakaibang emosyon sa mga mata nito tuwing makakarinig ng usaping pampamilya. While she, on the other hand, tells her everything about her life. Komportable kasi siya rito noon. Wala siyang narinig na panghuhusga mula rito sa kahit na anong sitwasyon ang kinasasangkutan niya. She always listen to her with full of understanding and giving her advices na sobrang na-appreciate niya. Minsan nga ay mas pinararamdam pa nito ang pagiging Ina sa kanya kumpara kay Lucille na ngayon ay alam na niya kung bakit hindi magawang ibigay ng huli ang affection na hinahanap niya sa isang Ina. Because it was all lies. She was just a pawn, an instrument to use to achieve her own goal. They chatted for awhile and told her what happened for the past few months. Gulat na gulat ito pagkatapos niyang aminin dito ang lahat ng nangyari. “What? Hindi mo totoong Ina ang Mommy Lucille mo?” nanlalaki ang mga matang tanong nito. “And she plotted all those schemes to deceive you all these years? I can’t believe it, Savannah! It was so unfair.” Niyuko niya ang kamay nito na inabot ang kamay niya. Bakas sa mukha nito ang pakikisimpatya nito sa kanya pero sa mga sandaling iyon ay hindi niya naramdaman ang pagkakatugma noon sa emosyon na nakita niya sa mga mata nito. Napakurap siya nang bigla siya nitong niyakap. “I understand how you feel. Kahit ako ay magagalit sa ginawa niya. That was really unforgivable.” Huminga siya nang malalim saka nakangiting kumalas dito. “Yes pero unti-unti ko naman na pong natatanggap ang nangyari.” Bahagyang nangunot ang noo nito habang matamang siyang tinitigan. “How can you be so considerate, Sav? After what she’d done, palalampasin mo lang?” seryosong tanong nito na tila malalim ang iniisip. “Anyway, mukhang masyadong naapektuhan ang katawan mo dahil siguro sa sobrang pag-iisip mo sa nangyari. Look at yourself, medyo nangayayat ka na.” Niyuko niya nang bahagya ang sarili. Totoong nangayayat nga siya nang mga nakaraang buwan but her body was starting to get back it’s curve. “Tamang tama may natira pa ako rito na supplement mula sa last batch ng ginawa ko,” anito habang binubuksan ang bag na dala nito. Inilabas nito mula roon ang isang maliit na bote at iniabot sa kanya. She looked deeply at the bottle. Bukod sa naturopathic doctor ito ay may sarili din itong laboratoryo kung saan ito nagtitimpla at gumagawa ng mga herbal na gamot para sa mga pasyente nito. Malaki ang pharmacy nito na halos lahat ng mga gamot ay puro herbal medicines na ito mismo ang gumagawa. Dahil magaling ito sa larangang iyon ay marami itong pasyente na napapagaling. She has the talent that surely make her famous in medical field but she opt to be simple and focus on her small circle. Mas gusto raw nito na manatili sa probinsya at pamahalaan na lang ang nag-iisang pharmacy nito. Mariin ang pagtanggi nito tuwing kukumbinsihin niya na i-expose ang talento niya at magpakilala. In that way, mas marami itong matutulungan na mga pasyente pero walang itong sagot kung hindi pagtanggi. Ayon dito ay isa lang ang goal nito sa paggawa ng mga gamot na kahit kailan ay hindi nito nabanggit o sinabi sa kanya. “Thanks, Tita! I’ll remember to take this,” aniya pagkatapos ay inilagay niya ang maliit na bote sa bulsa ng suot niyang pantalon. Hindi na siya nag-usisa pa kung anong supplement iyon dahil halos ilang taon din siya nitong sinu-supply-an ng supplements at vitamins na nitong nakaraan taon ay nakaligtaan na niyang inumin. Nakasunod naman ang tingin ni Arya sa kilos ng dalaga at satisfied na ngumiti pagkatapos marinig ang huling sinabi nito. But she suppressed that smile. She lowered her head then held her hand and pretended to look gloomy na siyang napansin ni Savannah. “May problema po ba?” tanong niya nang mapansin ang pananahimik nito. Bahagya itong umiling. “I know, it’s been very hard for you, Sav… Nalulungkot lang ako sa nangyari sa ‘yo and the fact that you seem to forget my existence… Kung hindi pa kita nakita ngayon ay hindi ko pa malalaman ang nangyayari sa ‘yo.” Bakas ang pagtatampo na sambit nito na sandaling sumulyap sa kanya saka muling yumuko. “I know I’m not related to you by blood pero hindi ba’t parang tunay na anak na ang turing ko sa ‘yo? I was expecting you to come to me when you’re not okay just like before.” She bit her lip guiltily. Naiintindihan niya ang nararamdaman nito, she did consider her as her daughter who she’d missed until now. Nasanay ito na siyang takbuhan niya tuwing masama ang loob niya. She listens and support her in any way. They used to be each other’s allies. Pero dahil sa sunud-sunod na pangyayari sa buhay niya ay nakaligtaan niya ito. When she was down, she felt that she has no one to rely on. Pakiramdam niya ay walang taong gusto siyang makasama lalo na ang maging bahagi ng pamilya. “It’s not like that, Tita… How about, bisitahin kita sa weekend?” She’s not good in coaxing people and that’s the only thing she thought she could do to make it up to her. Arya smirked inwardly. “Really?” malapad ang ngiting sambit nito. “Then, I’ll expect you on weekend, okay? I’ll prepare something for you.” Tumayo ito at agad na nagpalaam sa kanya. Bahagya siyang napakunot ng noo habang sinusundan ito nang tingin hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng hospital. May kakaiba siyang pakiramdam na hindi niya matukoy. But she ignore the restlessness she felt nang tawagin siya ng isang nurse. Binuhos niya ang buong maghapon sa trabaho. Hindi na rin niya namalayan ang oras dahil ilang batang pasyente ang natapos nilang operahan. Dumiretso sa locker room at kinuha ang gamit. Pagkatapos magpalit ng damit ay dumiretso na sa labas upang maghintay ng taxi. But she was caught off guard when Dos suddenly appeared in front of her at bigla na lang humalik nang mabilis sa pisngi niya. Napakurap siya at sandaling tinitigan ang binata. Sinalubong naman siya nito nang matamis na ngiti habang tila naaaliw sa reaksyon niya. “What?... You look so surprise to see me.” Nakagat niya ang labi saka bahagyang napapikit ng mata. How could she almost forgot what they’d talked just this morning?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD