Chapter Twenty

1801 Words
Savannah felt a numb pain in her chest. Ilang araw siyang hindi lumabas ng apartment. Halos isang linggo siyang nagmukmok at walang ginawa kung hindi ang umiyak. Pero sa wakas ay tila naubos na rin ang luha niya. Pagkatapos mapag-isa ay nakapag-isip siya. Walang maitutulong kung magmumukmok lang siya. Kailangan niyang bumangon at harapin ang buhay. May trabaho rin siyang naghihintay na hindi niya pwedeng pabayaan. Sa mga araw na lumipas ay wala siyang gustong kausapin. Maging sina Vera, Lexi at Aneira ay hindi niya na muling kinausap pagkatapos pagbigyan ang mga ito na harapin nang dumalaw ito sa apartment niya dalawang araw pagkatapos ng insidente sa simbahan. She didn’t want to entertain anyone. Lalo siyang nanliliit sa sarili tuwing makikita ang awa sa mga mata ng mga tao tuwing kukumustahin o kakausapin siya. Pero hindi naman niya masisisi ang mga ito. Dahil maging siya ay awang awa sa sarili. Everyone in their circle witnessed how she was dumped by her groom. Nakita nang lahat kung paano siya iniwan ni Dos sa harap ng altar pagkatapos ipaalam sa lahat ang dahilan kung bakit hindi siya nito magagawang pakasalan. She asked Dos to talk to her. At least give her time to settle things between their family, at least between the two of them. Dahil naniniwala siya na hindi dapat ipasa sa kanya ang kasalanan ng kanyang ina. At mas lalong hindi ang pagmamahalan nila ni Dos ang dapat magsakripisyo para sa hidwaan ng mga magulang nila. At sa kabila ng pagpapanggap ni Dos ay nakahanda pa rin siyang patawarin ito dahil naniniwala siya na biktima lang din ito ng galit dahil sa pagkasira ng pamilya nito. At sigurado siyang totoo ang pagmamahal na ipinaramdam nito sa kanya. Sigurado siya na naguguluhan lang ito and the love they have for each other wouldn’t be overshadowed by the past. Alam niyang may pag-asa pa para ayusin nila ang gulo. Ang kanilang relasyon. Kailangan lang nilang mag-usap at pakinggan at intindihin ang isa’t isa. Pero paano niya magagawa iyon kung hindi niya alam kung nasaan ito. Mula nang iwan siya nito sa simbahan ay hindi na ulit ito nagpapakita sa kanya. Ilang beses siyang pumunta sa bahay maging sa opisina nito pero kung hindi siya hinaharang ng mga guard ay pinagtatabuyan naman siya ng mga tauhan nito. Daig pa niya ang may nakakahawang sakit kung iwasan ng dating nobyo. Minsan ay gusto na niyang sumuko. Pero hindi niya maaaring gawin iyon. Hindi siya papayag na iwan siya nito nang ganoon na lang pagkatapos nitong buhayin muli sa puso niya ang pag-asa na matutupad ang pangarap niyang pamilya. Ilang beses na siyang umasa at nabigo. Ilang beses na rin siyang sumuko pero tuwina’y binibigyan siya ng pagkakataon na umasa at tuwing mangyayari iyon ay nasasaktan lang siya sa huli at tinatanggap na lang niya ang pagkatalo. Pero ngayon ay nakahanda na siyang gawin ang lahat nang makakaya niya para hindi na maulit ang kabiguang iyon. Hindi siya papayag na maiwang mag-isa at maging miserable pagkatapos nitong guluhin ang malungkot man pero tahimik niyang buhay. Naiintindihan niya ang galit na nararamdaman ng nobyo dahil sa ginawa ni Sylvia sa pamilya nito at sa paghihirap na naranasan ng Mama nito na kagagawan lahat ng Ina niya pero naniniwala siya na hindi ang pangyayaring iyon ang magdidikta at tatapos sa magandang relasyon na nasimulan nila. At kung totoong parte lang ng paghihiganti ang lahat ng ipinakita sa kanya ng nobyo ay totoo naman ang lahat mula sa kanya. Kaya handa siyang ipaglaban ang pagmamahal na mayroon siya kahit pa magmakaawa siya at ibaba ang sarili para lang bigyan nitong muli ng pagkakataon ang kanilang relasyon. — Isang araw pa lang siyang nakakabalik sa trabaho. At aaminin niya na hindi siya kumportable sa atensyon na ibinibigay sa kanya ng mga kasamahan niya sa hospital. Mula nang pumasok siya ay alam niya na siya ang laman ng usap-usapan. May mga naaawa at may iba naman na nagagawa pang pagtawanan ang nangyari sa kanya. Inaasahan na niya iyon at ipinagwawalang bahala na lang. Umaasa na lang siya na mabilis din lilipas ang issue na iyon tulad na lang ng paglipas at pagkalimot ng mga issue sa internet. Dahil kung papatulan niya lahat ng naririnig niya ay sigurado siyang hindi niya magagawa nang maayos ang trabaho niya. Kasalukuyan niyang binabasa ang laboratory test result ng isa sa mga pasyente niya nang marinig ang katok sa pintuan. “Come in,” nakayukong sagot niya habang hindi inaalis ang tingin sa hawak na papel. “Can I have a minute, Dr. Sav?” Napaangat ang tingin niya sa may-ari ng baritonong boses. Sumalubong sa kanya ang gwapong mukha ni Dr. Gregg pero napansin niya agad ang pag-aalala sa mga mata nito. Inilapag niya sa table ang hawak na papel saka bahagyang humugot ng malalim na hininga. Malamang ay alam na niya ang ibig sabihin ng mga tinging iyon. Tulad ng iba ay naaawa rin ito sa kanya at nag-alala marahil sa kondisyon niya ngayon. “It’s alright, Dr. Gregg. If you’re also here to ask me if I’m okay, I’m doing just fine at h’wag kayong mag-alala. Whatever I’m going through with my personal life will definitely not affect my job,” seryosong sambit niya. Hindi na kasi niya mabilang kung ilang bisita na ang natanggap niya mula pa kahapon nang bumalik siya sa hospital para lang kumustahin at tiyakin na kaya na niyang magtrabaho. Na alam naman niya na karamihan sa mga ito ay nakikiusyoso lang tungkol sa nangyari. “I’m sure you can handle your work efficiently, Doc. Sav. But it’s not about that.” Bahagya siyang napatango saka muling kinuha ang test result na hindi pa niya tapos basahin. “So, may kailangan ka ba, Doc Gregg?” she coldly asked nang hindi pa rin nito itinutuloy ang gustong sabihin. Isinuksok ni Dr. Gregg ang dalawang kamay sa bulsa ng suot nitong medical gown saka bahagyang bumuntong hininga. “I’m afraid, you haven’t heard the news yet.” Sandali siyang sumulyap dito saka nagtanong, “About?” “About Chloe’s death.” Sandali siyang natigilan sa narinig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap ang pagkawala ng batang pasyente. Nalaman na lang niya na namatay ito tatlong araw na ang nakalilipas mula nang bumalik siya sa trabaho kahapon. Dahil rare case ang sakit nito sa puso ay nangailangan ng ilang doctor na mangangalaga rito. And she volunteered to be one of Chloe’s attending physicians. Hindi pa man natatagalan mula ng maging doctor siya nito ay pinaglaan niya agad ng oras ang pag-research ng lunas at anumang tungkol sa sakit nito. And she promised to do everything she could para mapagaling ito. And she was halfway through it. At sigurado siya na magtatagumpay siya sa hangarin na iyon kaya laking gulat niya nang unang bumungad na balita sa kanya kahapon ay ang tuluyang pagbigay ng puso ni Chloe. “Umapela ang mga magulang ni Chloe. They asked for a forensic investigation.” “Forensic investigation?” nagtatakang tanong niya. Does Chloe’s cause of death not precise? She looked at Dr. Gregg with much confusion. Dahil sa mga nangyari sa kanya ay nawala na sa isip niya na alamin ang detalye nang pagkamatay ni Chloe. Nagtataka man ay hindi na siya nag-usisa pa kung bakit hinihingi iyon ng magulang ni Chloe dahil curious din siya sa nangyari at gusto niyang malaman ang dahilan nang biglaang pagkamatay nito dahil hindi niya iyon inaasahan. She calculated the time when Chloe might get cured. “Based on the report, there is alleged intentional killing. May chemical substance na nakuha sa mga gamot niya aside from the medicine that had been infused which has a maximum content of NSAIDs.” “What? Paano’ng nangyari ‘yon?” She was totally shocked by the news and instantly felt sorry for the child. Chloe was cute and adorable. Mabait ito at malambing sa lahat lalo na sa kanya. Kaya sino ang posibleng may galit dito para gawin ang krimen na iyon? She was cheerful even if she was in great pain. Tinitiis nito ang hirap dulot ng sakit nito upang hindi mag-alala ang magulang at mga taong nakapaligod dito. And she was too young to inflict someone who could hate her to the core of committing such crime. Napailing siya. She knew Chloe should’ve been treated. At kung tama ang sinasabi ni Dr. Gregg na hindi ang mismong sakit ni Chloe ang pumatay dito, she could help to verify it. She had her own findings and research. And just the past two months, she finally found a method and medicine that had eighty percent probability that can cure Chloe’s illness. She frowned deeply and suddenly went to her filing cabinet and rummaged her patients’ medical file. Nang sa wakas ay nakita niya ang file ni Chloe ay siya naman pagbukas ng pinto. She was focused on the document and didn’t pay attention to the person who get inside without permission until she heard Dr. Gregg’s angry voice. “I told you, I need to talk to her first. This is a private premises and an unauthorized person is not allowed inside this clinic. Have you read this?” Turo nito sa nakapaskil na babala sa labas ng pintuan na naiwang nakabukas. “Kayo ang nagpapatupad ng batas pero parang hindi niyo alam sundin ang limitasyon niyo!” Tumayo siya at nagtatakang humarap sa dalawang naka-unipormeng pulis na matapang na nakikipagsukatan nang tingin sa kasamahang doctor. Kahit nagtataka ay lumapit siya at namagitan sa mga ito. “What is this all about, Dr. Gregg? Bakit may mga pulis dito?” Pagkatapos tapunan nang masamang tingin ang pulis ay biglang lumambot ang mukha ng doctor nang bumaling sa kanya ang tingin nito. Huminga ito nang malalim saka bahagyang napailing na lalong ikinakunot ng noo niya. She had this bad feeling that suddenly rose in her chest. “Ikaw ang itinuturong suspect sa pagkamatay ni Chloe base sa imbestigasyon.” Napaawang ang bibig niya at hindi makapaniwalang tinitigang mabuti ang doctor. Napalunok siya at bahagyang napailing. She smiled wryly and thought she heard it wrongly. “W-what did you just say?” nangangatal ang boses na tanong niya. Pero hindi na nagawang sumagot ni Dr. Gregg nang biglang lumapit sa kanya ang dalawang pulis at sapilitang isinuot sa kanya ang malamig na posas na hawak ng mga ito habang hindi niya maunawaan ang sinasabi ng mga ito. Para siyang criminal na kinaladkad ng dalawang pulis na nakahawak sa magkabila niyang braso palabas ng ospital papunta sa police mobile car na malakas na sumisirena na mas lalong nakaagaw ng atensyon ng mga tao. Wala siyang nagawa kung hindi sumunod sa mga ito habang pilit na itinatago ang kanyang mukha sa mga nakaabang na reporters at camera na tila hinihintay ang paglabas nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD