Chapter Twenty One

1935 Words
Tila binuhusan siya nang malamig na tubig habang tuloy-tuloy na pumatak ang mga luha niya nang marinig ang final verdict ng husgado. Hindi siya makapaniwala sa naging hatol sa kanya. She was innocent but all the collected evidences were clearly pointing at her. She was found guilty and was sentence of three-year imprisonment for medical malpractice resulting in homicide. That three-year was supposedly ten years if Dr. Gregg didn’t appeal. Ang intentional killing na unang kaso na isinampa sa kanya ng mga magulang ni Chloe ay bumaba sa civil liability due to medical malpractice na ipinaglaban ni Dr. Gregg at ilan sa mga kasamahan niyang doctor na ipinagpapasalamat niya na pumanig sa kanya. Hindi niya alam kung paano nagawang siya ang ituro ng mga ebidensya na inilahad ng abogado ng mga magulang ni Chloe. Malinis ang konsensya niya pero kahit anong gawin niya ay wala siyang laban para patunayan na inosente siya sa pagkamatay ng bata. Even her lawyer couldn’t oppose the substantial evidence that she perfectly knew was all fabricated. Napakislot siya nang marinig ang tunog ng maliit na wooden hammer na ngayon ay binitawan na ng judge na humawak sa kaso niya, tanda na tapos na ang paglilitis She didn’t want to move and deeply lost in thought. Natatakot siya sa buhay na naghihintay sa kanya sa kulungan. Isipin pa lang niya ang masikip at magulong buhay sa bilangguan ay parang gusto na niyang mawalan nang malay. Luhaan ang mga mata na napatingala siya nang maramdaman ang pagpisil sa kanyang braso. Mariin niyang pinaglapat ang mga labi at walang nagawa kung hindi tanggapin ang nakalahad na mga braso ni Vera at umiiyak na yumakap dito. Sa mga nakaraang araw ng paglilitiis ay palaging naroon si Vera. Minsan ay kasama nito si Grant o kaya ay si Toby at Lexi. But Dos never appeared even once. Sumubsob siya sa balikat ni Vera habang walang humpay ang pag-iyak. She felt helpless. Awang awa siya sa sarili niya dahil sa sinapit niya. Her future and reputation were all ruined. And the person she wanted to turn into is gone. Akala niya ay pinakamasakit na ang pag-iwan sa kanya ni Dos sa araw ng kasal nila pero mas masakit pa rin ang mapatunayan na wala na talaga siyang halaga rito. His friends knew all too well what was happening and what she has been going through all along at sigurado siya na hindi iyon lingid sa kaalaman nito. But he never paid attention into it. At kahit kumustahin man lang siya sa pamamagitan ng mga kaibigan nito ay hindi nito ginawa. Nanginginig ang katawan niya nang hatakin siya ng babaeng pulis at sinabing kailangan na siyang ibalik sa kulungan. Mahigpit siyang kumapit sa kamay ni Vera and refused to let go. Habang hindi mailarawan ang takot sa maganda niyang mukha. “Vera, ayokong makulong. Wala akong kasalanan! Hindi totoo ang ibinibintang nila sa akin,” nagmamakaawang sambit niya. Alam niyang wala nang magagawa ang anumang sabihin niya dahil nahatulan na siya. During the court hearings, she remained silent. Dahil bukod sa may tiwala siya sa kanyang abogado ay naniniwala siya na lalabas ang totoo dahil wala siyang kinalaman sa pagkamatay ni Chloe. Pero hindi niya inaasahan ang mabilis na proseso nang paglilitis at nahatulan siya na parang walang kalaban-laban. Naaawang pinahid ni Vera ang basang pisngi ni Sav saka mahigpit na hinawakan ang mga kamay nito na nakaposos. “I know.. I know, Sav. Naniniwala kami na wala kang kasalanan—” “Walang kasalanan?” Putol ng Mama ni Chloe na biglang lumapit sa kanila at galit na dinuro si Vera. “Kung wala siyang kasalanan, sana buhay pa ang anak ko! Sana buhay pa si Chloe!” Humahagulhol na bulalas ng ginang pagkatapos ay bumaling kay Savannah. “How could do this to her? Doctor ka! Ang tungkulin mo ay magpagaling ng mga pasyente mo mula sa mga karamdaman nila pero anong ginawa mo? Pinatay mo ang anak ko! Anong kasalanan namin sa ‘yo?” Puno ng paghihinagpis na tanong nito. Ang asawa nito ay tahimik na umaalalay dito pero puno rin ng galit ang tinging ipinupukol sa kanya. “Sinamantala mo ang kabaitan at tiwala niya sa ‘yo.” Hilam ang mga mata habang umiiling siya. Tinangka niyang abutin ang kamay ng ginang pero mabilis nitong tinabig ang kamay niya. “H-hindi ko po pinatay si Chloe…Maniwala po kayo… H-hindi ko po magagawa ang pumatay,” nagmamakaawa niyang sambit. Pero tila bingi ito sa anumang sasabihin niya. Pinukol siya nito nang matalim na tingin saka sumigaw, “Kulang na kulang ang tatlong taon na hatol sa ‘yo para sa buhay ng anak ko! You should be the one to die!” Habang sinasabi iyon ay mabilis itong lumapit kay Savannah at mahigpit na hinaklit ang buhok ng dalaga. Pakiramdam niya ay matatanggal ang buhok niya sa higpit nang pagsabunot nito. Her head was spinning and almost wanted to vomit. Suminghap siya at mahigpit na humawak sa kamay na pilit na inilalayo ang katawan niya sa umaatake. Umiiyak na napatunghay siya nang sa wakas ay nailayo ang ginang sa kanya. Balong ng luha ang mga mata niya habang nagmamakaawang nakatingin sa mama ni Chloe. She could understand the depth of her anger and the angst of losing her only child. Kahit pa mali ang taong pinararatang nito ay hindi niya magawang magalit dito. They were both victims and the hateful words and actions she was throwing at her was caused by the deep pain and sorrows of a loving mother who just lost her child. She gave her another glance of understanding instead of hate for framing her. Naiintindihan niya ang galit nito but she also had her own grievances. Pero sa sitwasyon niya ay wala siyang magagawa kung hindi tanggapin ang hatol sa kanya. A look of surrender gradually appeared in her eyes. Sandali niyang nilingon si Vera at nagpasalamat dito pagkatapos ay tinanguan ang mga pulis na nakaantabay sa kanya upang magpahatid pabalik sa kulungan. Hindi niya maintindihan kung dahil sa lakas ng sabunot sa kanya ng mama ni Chloe o dahil sa takot na nararamdaman niya kaya halos hindi niya magawang maglakad nang maayos. Natatanaw na niya ang loob ng kulungan kung saan siya mananatili ng tatlong taon nang muli siyang mahilo. Despite her hands being cuffed, she held tightly on the policewoman beside her to protect her from falling down. Pero sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang nawalan nang lakas at unti-unting nagdilim ang paligid niya. --- Nagising sa Savannah sa isang maliit na clinic. As she recalled what happened before she passed out, she remained rooted. Kung hindi siya nagkakamali ay dito siya dinala sa clinic ng bilangguan pagkatapos niyang mawalan ng malay. Mariing niyang kinagat ang labi nang muling bumalong ang masagang luha sa mga mata niya habang tagusan ang tingin sa kisame. Another surge of pain trickled down in her chest that almost drowned her. She felt helpless. She didn’t expect her life to be this pitiful and dramatic. Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto at lumapit sa kanya ang isang nurse na kasamahan niya sa hospital. Ayon dito ay kakaalis lang ni Dr. Gregg na siyang tumingin sa kanya at nag-alaga sa ilang oras na wala siyang malay. Hindi naman nagtagal ay pumasok na ang babaeng pulis at inihatid siya pabalik sa kulungan pagkatapos siguraduhin ng nurse na maayos na ang kalagayan niya. Sinalubong siya ng iba’t ibang uri ng tingin mula sa mga kasamahang preso. Ang klase ng mga tinging iyon ay naghatid ng kakaibang kilabot sa buong katawan niya. Ang uri ng tingin na tila nananakot at wina-warning-an siya. It looks like one of the usual scenes in the movie wherein the new prisoner will definitely experience hell from the cellmates. Yumuko siya at naupo sa likod ng mga rehas. Narinig niya ang bulung-bulungan ng mga ito habang tinitingnan siya but no one dared to talk to her na lubos niyang ipinagpapasalamat. Hindi niya alam kung ilang oras ang lumipas pero nanatili siyang nakaupo sa sahig habang yakap-yakap ang mga tuhod at nakasubsob doon nang tinawag siya ng pulis na nagbabantay sa kanila at sinabing mayroon siyang bisita. Bigla siyang nabuhayan ng loob dahil sa pag-aakalang si Dos iyon. Pero ang pananabik na nararamdaman niya ay biglang naglaho nang tuluyan makita ang bisita niya. Kahit ayaw niyang harapin iyon ay napilitan siyang pakiharapan ito. She didn’t care about her purpose. Ang gusto lang niya ay makibalita tungkol kay Dos. Nasalubong niya ang nakangising mukha ni Arya. She looked down at her from head to toe satisfyingly. “Anong ginagawa mo rito? Nasaan si Dos? Gusto ko siyang makausap.” “Is this how you respect your ‘almost mother-in-law’, Savannah?” she smirked. “Why don’t you let me take a good look at you, first?” Walang emosyon na tiningnan niya ito saka muling yumuko. “Kung pumunta ka lang dito para libakin ako, makakaalis ka na.” “Oh, not that fast, my dear… And not until I make sure that things are working according to our plan.” She blinked her eyes and looked at her in surprise. “Anong ibig mong sabihin?” “You still don’t have any idea?” makahulugang tanong nito. “Tsk! Tsk! You’re still the dumbest Savannah, I knew.” Ikinuyom niya ang mga kamao at mariing pinaglapat ang mga labi habang hinihintay na ipagpatuloy nito ang sasabihin. She gradually connected the dot. Sinalubong nito ang tingin niya saka unti-unting sumeryoso ang mukha. “Yes,” sagot nito sa tila nabasang iniisip niya. Lumapit ito at bumulong sa tenga niya. “I plotted this all, Savannah.” Napalunok siya at akmang sasampalin ito pero mabilis itong tumalikod at bumalik sa kinauupunan. Sinundan niya ito nang tingin habang pinipilit pigilan ang sarili na sugurin ito. Hindi niya naisip na maaaring umabot sa ganoon ang tindi ng galit nito sa kanya. “Why would you want me to take your retribution? Sila ang may kasalanan sa ‘yo. Bakit ako ang kailangan magbayad para doon?” “Sisihin mo ang malandi mong Ina! Dahil kung hindi dahil sa kanya, buo at masaya sana ang pamilya ko hanggang ngayon. She ruined my life!” saad nito sa mahina pero nanggagalaiti sa galit na boses. “At katulad ka lang ng Ina mo. Gusto mo rin ilayo sa akin ang anak ko. You seduced him which he almost forgot our plan. Pero mabuti na lang at tuluyan na siyang natauhan at napatunayan na hindi ka talaga niya mahal… My son is a good man who doesn’t deserve a w***e and a homewrecker like you.” She clenched her teeth and denied it. Hindi siya malandi at hindi niya magagawang sumira ng isang pamilya tulad ng kanyang Ina. “You’re talking nonsense,” she said, gritting her teeth. “At sigurado ako na binilog mo lang ang ulo ni Dos kaya niya nagawa sa akin iyon. Mahal niya ako at sigurado ako na hindi niya ako pababayaan.” “Really? You think too highly of yourself, Savannah. My son decided to cancel the wedding on his own dahil na-realize niya na hindi niya kayang bumuo ng pamilya kasama ka,” nakangising tanggi nito sa paratang niya. “Besides, paano nga naman kayo bubuo ng pamilya kung baog ka?” She fell into silent. Mariin niyang kinagat ang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. It is still her taboo, after all. Tumayo siya at akmang tatalikuran ito nang bigla siyang napatigil sa narinig. “Masarap ba ang mga supplement na ipinapainom ko sa ‘yo, Savannah?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD