Lampasan ang tingin ni Savannah sa malaking gate ng mental hospital na nasa harapan niya.
Ilang minuto na siyang nakatingin doon pero tila walang lakas ang mga paa niya upang humakbang papasok doon.
She wanted to retreat. Pero malakas ang pwersa ng bahagi ng isip niya na nag-uutos na pumasok siya sa loob at kausapin ang pakay niya.
She definitely knew what she needs. There’s nothing more important than to know the truth behind Arya’s accusation.
Pero sa kabila ng kagustuhang niyang patunayan na mali ang paratang ni Arya ay mas matinding takot ang nararamdaman niya. Ngunit sa dami nang nangyayari sa kanya ay hindi na niya alam kung saan siya mas natatakot.
She might be afraid of confirming that she was really her biological mother and afraid to hear why she abandoned her.
Pero parang mas nangingibabaw ang takot niya na marinig ang pag-amin nito sa inaakusa ni Arya. That her mother was indeed a vicious.
Dahil kung mapapatunayan niya na may katotohanan ang lahat ng inaakusa ni Arya ay nangangahulugan lang na totoo rin ang sinasabi nito na ang lahat nang ipinakita at ipinaramdam na pagmamahal ni Dos sa kanya ay pawang pagpapanggap lang.
Na ang lahat ng namagitan sa kanila ng nobyo ay pawang kasinungalingan lang at isang malaking parte ng paghihiganti nilang mag-ina.
Hindi niya maipaliwanag ang pamilyar na sakit na muling gumuhit sa dibdib niya. It could be true. But she could not let herself be drawn to that pain until she prove it.
Huminga siya nang malalim saka desididong pumasok sa loob ng building.
Pagkatapos sabihin kung sino ang taong pakay niya ay pinaghintay siya ng isang nurse sa visiting area.
Humugot siya nang malalim na paghinga nang marinig ang mga yabag palapit sa kinaroroonan niya.
Unti-unti niyang itinaas ang nakayukong ulo nang tumigil ang isang pares ng paa sa harapan niya.
Inaasahan niya ang eksena na madalas niyang makita noon tuwing mapapa-assign sila sa isang mental institution.
Most patient tend to be emotional or usually frantic and responds hysterically to the new facility tulad ng inaasahan niya mula kay Sylvia.
Pero taliwas ang reaksyon nito sa inaasahan niya. Bilang doctor ay mabilis para sa kanya na ianalisa kung maysakit ang isang tao. At maliban sa suot nitong hospital gown ay walang bakas na may problema ito sa pag-iisip.
Her eyes that contain different emotions says that she was right. Biglang namula ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.
She hesitated to reach her hand. Nakatingin lang siya rito habang unti-unting binabawi ang kamay nito na gustong humawak sa kanya nang bahagya niyang iiwas iyon.
Napalunok siya at pinigilan ang emosyong unti-unting lumulukob sa dibdib niya. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa katotohanan na minsan ay iniligtas nito ang buhay niya.
Pero kung totoo nga na ito ang kanyang Ina, kulang pa iyon para sa mga pagkukulang nito sa kanya.
She didn’t want to feel any sympathy towards that woman. Dahil hindi ito karapat-dapat para kaawaan.
Lumunok siya saka inalis ang tila nakabara sa lalamunan saka diretsong sinalubong ang mga mata nito.
“Hindi ko alam kung anong dahilan at humantong ka rito dahil tingin ko naman ay wala kang sakit sa pag-iisip,” walang ligoy na saad niya. “But I’m only here to ask you and I want you to tell me the truth… Are you… really my biological mother?”
Ilang sandaling nanatiling sinalubong nito ang tingin niya saka yumuko.
Sa kabila ng tapang na ipinapakita niya ay tahimik siyang nagdarasal na sana ay hindi totoo ang lahat ng ibinunyag ni Arya.
O kung totoo man na ito ang tunay niyang Ina, sana ay napagkamalan lang ito at hindi ito ang taong tinutukoy ni Arya na sumira ng kanilang pamilya.
Pero ang dasal niya ay dagling natuldukan nang dahan-dahan itong tumango bilang pagkumpirma sa tanong niya.
Natutop niya ang sariling bibig saka napailing habang unti-unting napaupo. She wanted to burst out and yell pero tila walang lakas ang bibig niya upang gawin iyon.
She never dreamed of this to happen. Hindi niya na ginusto na makilala pa ang tunay na Ina mula nang mabigo siya sa pagbuhos ng pagmamahal niya sa inakala niyang ina na si Lucille.
Sobra siyang nabigo at nasaktan noon pero hindi niya akalain na muli na naman pala niyang mararamdaman ang ganoong klaseng sakit ngayong nakilala niya ang totoong ina.
Mariin siyang lumunok nang tila may bumara sa lalamunan niya habang pinipigilan niya ang pagpatak ng luha sa abot ng kanyang makakaya.
She doesn’t deserve to shed her tears for this woman. The only consolation she had? At least, ngayon ay alam na niya ang kanino siya nagmula.
“I should’ve not let you get involved with this, Savannah. Ako ang may kasalanan kay Marietta at hindi ka niya dapat idinamay sa galit niya sa akin.”
Sandali siyang natigilan sa narinig. She didn’t ask her yet but her sudden confession felt like a lightning that crashed herself down in an instant.
She looked up and stared at her unbelievably. She uttered those words as if she was just admitting a very trivial controversy. Na para bang pinagalitan lang siya ng taong kaaway nito.
Na para bang walang itong inagaw at hindi nakasira ng isang pamilya.
She couldn’t even see any traces of remorse but instead, she saw a woman who was wronged and full of grievances.
Matagal niyang tinitigan ang Ina saka mapait na ngumiti. Clearly, she doesn't care about her at all.
“S-sinasabi mo ba na alam mo ang lahat ng plano ni Tita Arya mula pa sa simula? At hinayaan mo ‘ko na madamay sa kasalanan mo?” puno ng sama ng loob na sumbat niya. “Anong klase kang Ina?”
Itinakip niya ang mga kamay sa mukha. Hindi niya mapigilan ang mga luhang kusang bumalong sa mga mata niya dahil sa tindi ng sama ng loob.
Ilang beses siyang sumagap ng hangin dahil pakiramdam niya ay nahihirapan siyang huminga.
“Savannah, anak—”
Tinabig niya ang kamay ni Sylvia na biglang lumapit sa kanya at hinawakan ang balikat niya.
Hindi niya sinasadya na napalakas ang tulak niya rito dahilan para mawalan nang balanse ang katawan nito kaya napaupo ito sa sahig.
Mariin niyang pinaglapat ang mga labi saka marahas na pinahid ang masaganang luha na tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos sa pisngi niya.
She moved her lips and averted her eyes. Kulang ang masasakit na salitang gusto niyang bitawan para iparamdam ang galit na nararamdaman niya para dito.
“Sagutin mo ang tanong ko!” malakas ang boses na utos niya. “Alam mo ang plano nila sa simula pa lang, hindi ba? Kilala mo si Dos at alam mo na pinaglalaruan at ginagamit nila ako para mahanap ka at makita mo kung paano ako pagbayarin sa mga kasalanan mo sa kanila?”
Napalunok si Sylvia saka unti-unting iniiwas ang tingin. Sa reaksyon nito ay hindi na niya kailangan pang marinig ang sagot nito.
She helplessly bit her lip. Wala na siyang dahilan pa para magtagal sa lugar na iyon.
All the questions that were troubling her mind for the past few days after Arya ended her disguise has been answered clearly.
Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat.
Nang tumalikod siya ay mabilis siyang pinigilan sa braso ni Sylvia.
“Savannah, anak—”
Nilingon niya ito kasabay nang matalim na tinging ipinukol niya rito.
“How dare you call me that way!” puno ng sama ng loob na bulalas niya. “Anak? Paano mo ‘ko naging anak? Wala kang karapatan na maging isang Ina. Dahil wala kang kwenta! Pare-pareho lang kayo. Sarili niyo lang ang iniisip niyo..”
“Patawarin mo ako,” nakayukong paghingi nito ng tawad. “Inaamin ko, malaki ang pagkukulang ko sa ‘yo. Nagkamali ako at hindi ko sinasadya na madamay ka.”
Sure, she was asking for forgiveness pero siguro dala ng galit ay hindi niya maramdaman ang malalim na sinseridad sa mga salitang iyon.
“Bakit ako?... Bakit ako ang kailangang magbayad ng kasalanan mo?” Hindi niya mapigilan ang mapahagulhol. Awang awa siya sa sarili sa mga oras na iyon. She felt useless and helpless. Pakiramdam niya ay isa lang siyang bagay na ginagamit para sa pansariling interes ng mga taong minamahal niya at dapat sana ay unang po-protekta sa kanya.
“Alam mo ba kung ano ang pinagdaraanan ko ngayon? Do you even have any idea how pain it is?” Turo niya sa dibdib niya.
Sobrang sikip ng dibdib niya habang isa-isang bumabalik sa isip niya ang mga pinagdaanan at sakripisyong ginawa niya para mapasaya noon si Lucille dahil sa kagustuhan niyang mahalin at tanggapin siya nito bilang anak. Pero sa huli ay nalaman niya na ipinamigay lang pala siya rito ng totoo niyang Ina.
Pagkatapos ay pinapanood lang pala siya habang nagmumukha siyang tanga at tina-target ng mga taong may malaking galit dito.
Her mother gave up everything she had and live a happy life with her stolen beloved while she became the pawn of her forbidden love affair.
Marahas niyang pinahid ang luha saka tumayo nang maayos saka napailing. “Bakit ba kita tinatanong?” sarkastikong tanong niya saka mapait na ngumiti. “Alam mo na nga pala ang lahat ng ito. I shouldn’t have wasted my time here. Isipin mo na lang na hindi nangyari ang lahat ng ito at ganoon din ako. You will remain an unknown biological mother to me just like I don’t want to know who my real father is since you don’t have any intention of fulfilling your title as my parents at hindi ko na rin naman kailangan iyon. Dahil sa tingin ko, alam mo lang ang salitang ‘ina’ pero hindi mo inasam kahit kailan na gampanan ang salitang iyon.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya at mabilis na nilisan ang lugar.
Walang nagawa si Sylvia kung hindi panoorin ang papalayong anak.
Nanlalambot ang mga tuhod niya na unti-unting napaupo saka humagulhol ng iyak.
Totoo ang lahat ng sinabi ni Savannah. Wala siyang kwentang Ina at inaamin niya iyon.
She wanted to make it up to her pero sa kalagayan niya ngayon ay wala na siyang magagawa.
This is the end of her.
Nasukol na siya ni Marietta.
At kasakiman man na aminin pero hindi siya makakuha ng lakas upang lumaban para protektahan ang anak niya mula sa galit ni Marietta.
Nang mamatay ang lalaking pinakamamahal niya ay nawalan na rin siya nang ganang mabuhay.
She would even be glad if she will die in any moment. Nang sa gayon ay magkasama na ulit sila ng lalaking tangi niyang hinagad na makasama hanggang sa kabilang buhay.
And she only came back to seek her death. Alam niya na hindi titigil si Marietta kung hindi ito makapaghihiganti sa kanya. She even took her bait. Inaasahan niya na pahihirapan siya nito hanggang siya na mismo ang magmakaawa na patayin siya tulad nang ginawa niya rito noon.
Pero hindi niya inaasahan na si Savannah, ang nag-iisa niyang anak na kahit kailan ay hindi niya magawang mahalin dahil sa ama nito, ang pagbabalingan ng galit ni Marietta.