Chapter Four

1644 Words
Para siyang nalalasing sa sayang hatid ng mga sandaling iyon na anumang oras ay alam niyang maaaring hindi niya na kayaning kontrol-in ang puso niya. But she doesn’t want to spoil his birthday kaya nagpatianod na lang siya hanggang sa matapos ang gabi. “Thanks for coming with me tonight, Sav. I’m so happy.. Really, it means a lot to me,” ani Dos habang nakatayo sila sa harap ng apartment niya. Ngumiti siya saka tumango. “And thank you for inviting me… Happy birthday ulit! Sige na, gabi na masyado.” Paiwas na taboy niya rito. Hindi ito kumilos habang nakatitig sa kanya. His face was slightly flushed. Siguro ay dahil sa wine na ininom nila kanina. “What?” Napalunok siya nang mapansin na nakatingin ito sa labi niya. “Medyo inaantok kasi ako, can I have a cup of coffee?... You know, seems to risky to drive in this state.” Mataman niyang tiningnan ang binata. Medyo namumula pa rin ang mukha nito at namumungay ang mga mata. Sinilip niya ang oras sa suot nitong relo. It’s half past ten. Masyado nang late kung papasukin pa niya ito na malamang ay pahihirapan na naman siyang paalisin ito. Hindi naman siya natatakot na may gawin ito sa kanya. He was with her for the past months, nakaalalay at suporta sa kanya. Minsan ay halos madaling araw na ito umuuwi but he never took advantage of her. Even when she was in her lowest point where she could be vulnerable. Sandali pa niyang pinag-aralan ang mukha nito saka nagpasyang papasukin ito. She poured a cup of coffee for two saka magkaharap silang naupo sa maliit niyang table sa kusina. “Are you comfortable here?” tanong nito pagkatapos pagmasdan ang buong kusina. Tumingin din siya sa paligid saka tumango. “Yes. Tahimik naman at walang history ng gulo or any crime.” “Pero hindi ka sanay sa ganitong lugar.” “Pwede ko naman sanayin ang sarili ko. Isa pa, ito lang ang kaya ng budget ko.” “But you opt not to choose this. Bakit ba ayaw mong tanggapin ang inaalok ko sa ‘yong condo? Hindi ko naman ginagamit ‘yon. At least, you can save the money for the rental fees na pwede mong gamitin sa iba mong gastusin.” “Thanks for your generosity, Dos. Pero hindi ko matatanggap iyon. I want to rely on myself. Besides, marami ka nang naitulong sa akin. Enough na ‘yon,” nakangiting tanggi niya. “Are you done?” Tukoy niya sa kape na konti pa lang ang nababawas. Bumuntong hininga ito saka bahagyang umiling. “Hanggang kailan mo ba ‘ko tatanggihan, Sav?” Unti-unting nawala ang ngiti niya nang lumamlam ang mga mata nito. “Dos..” “You know, I never stopped loving you. I hated you, yes but I loved you at the same time… at hanggang ngayon mahal pa rin kita, Sav.. Why don’t you accept me again?... Why did you stop loving me, Sav?” Mariin siyang napalunok habang pinipigilan ang pamamasa ng mga mata niya. Ilang beses pa ba niya kailangan i-reject ito para tigilan at layuan na siya. Ayaw na niyang masaktan ulit. Nararamdaman naman niya na mahal siya nito pero hanggang kailan? “I never stop loving you, Dos,” pag-amin niya saka bumuntong hininga. “Pero hindi sapat ‘yon para makipagbalikan ako sa ‘yo. I dumped and hurt you, hindi ka ba nag-aalala na baka gawin ko ulit sa ‘yo ‘yon?” “I trust you. And I understand why you did it in the first place… At alam kong kahit anong mangyari, babalik ka pa rin sa ‘kin like what just happened, right?” seryosong sagot nito. “I was once your best friend’s fianceè,” paalala niya. Baka sakali ay matauhan na ito. “Isn’t it enough for you to see that I don’t deserve you?” “May nangyari ba sa inyo ni Grant?” “What?” gulat na tanong niya. “Just answer me, Savannah!” “Wala!” Nakakapagtaka man o mas tamang sabihin na nakakatawa ang rebelasyong iyon pero iyon ang totoo. Kahit nang araw na magising sila ni Grant na magkatabi sa kama kung kailan nila sinimulang lokohin ito ay walang nangyari sa kanila. They were engaged for almost five years but never did her ex-fiancé touch her. Aaminin niya na minsan ay nainsulto na siya dahil doon. Pero kalaunan ay naintindihan niya ang dahilan ng dati niyang nobyo. Mahirap paniwalaan pero may mga lalaki pa rin pala na nanatiling loyal sa taong mahal niya kahit pa walang kasiguraduhan na makakasama pa niya ito. Unti-unting umaliwalas ang mukha ni Dos na ngayon ay may matamis ng ngiti sa labi. “I believe you, Sav. And I don’t care even how many times you get intimate with him. I don’t give it a damn as long as I know that I always own your heart.” Napabuntong hininga na lang si Savannah pagkatapos pagmasdan ang binata. Biglang pumasok sa isip niya ang sandaling ibinigay niya ang sarili rito. He was her first and only man who had her body. It wasn’t only once. There were a lot of intimate moments they’d shared which Dos wanted to take responsibility with. Iyon din ang gusto niya at napagkasunduan nila bago pa siya pagmanduhan ni Lucille. They had planned their future together. Pero nagbago ang lahat nang malaman niyang baog siya. Tumayo siya at kinuha ang tasa ng kape upang ligpitin iyon. She casually took his words as if he was stating an unimportant fact. Sanay na siyang pinag-uusapan ang nararamdaman nila sa isa’t isa pero walang pormal na relasyon ang namamagitan sa kanila. Minsan, hindi na rin niya maintindihan ang sarili. She loves him kahit pa parang manhid na ang puso niya. Sa kalagayan niya, ang magmahal na walang commitment at walang hinihintay na kapalit ang tangi na lang niyang magagawa. “Yeah right, but it doesn’t mean that you can stick with me for the longest time… Find someone you deserve, Dos.. H’wag na lang ako. Maraming iba riyan… Sa ngayon, propesyon ko ang priority ko at doon lang iikot ang buhay ko. Wala na akong ibang plano sa buhay ko kaya uulit-ulitin ko sa ‘yo, nag-aaksaya ka lang ng oras sa ‘kin, Dos…” “Ano bang pumipigil sa ‘yo, Sav?... Why are you making it hard to both of us? Deserve rin natin maging masaya pero bakit ipinagkakait mo ‘yon? Ang damot mo!” Natigilan siya at mariing ikinuyom ang mga kamay habang nakatalikod sa binata. Ramdam niya ang matinding sama ng loob sa bawat katagang binitiwan nito. Hinarap niya ito pagkatapos pakalmahin ang sarili. “I am,” malamig na tugon niya. “Please leave… Get out… Get out of my life, Dos…” Matapang niyang sinalubong ng tingin ang binata. Parang may gyera sa palitan ng mga tingin nila sa isa’t isa na tila walang gustong sumuko. “I will only leave and disappear from your life after you give me a valid reason, Savannah,” he said in between gritting his teeth. “What do you think of me, huh? Nararamdaman ko at sinasabi mo na mahal ko ako pero gusto mong layuan kita? Do you know, how painful is that? Do you even believe that I can able to leave you knowing that we will only both suffer?” “Hindi pa ba sapat na rason na walang patutunguhan ang lahat ng ‘to?... Mag-aaksaya lang tayo ng panahon sa isa’t isa, Dos! Gusto mong magkaron tayo ng relasyon? Tapos ano? Hindi natin mamamalayan na matanda na tayo. Na tayo lang dalawa?... Wake up, Dos! Hindi kita mabibigyan ng kumpletong pamilya—” “I don’t care! Hindi importante kung hindi tayo magkakaroon ng anak. Hindi na rin importante sa ‘kin ang mga nangyari. Ang nakaraan… Mahal kita, Sav. Sapat na ‘yon, mahirap bang intindihin ’yon?” Hindi niya nagawang sumagot habang tinititigan ang binata. She can feel the sincerity of those words and his longings. Pero tama ba ito? Sapat na ba ang pagmamahal lang? Pero hindi iyon ang pangarap niya. She wanted a complete family na kahit kailan ay hindi magkakaroon ng katuparan dahil baog siya. “Sav, please! Take a chance on me again,” nagsusumamong anas nito. Hindi niya namalayan na ilang dangkal na lang ang pagitan nila. Napapikit siya nang marahang hinaplos nito ang pisngi niya at dinama ang init na hatid ng palad nito sa balat niya. Napalunok siya at sinalubong ang tingin ng binata. Parang yelo na unti-unting natutunaw ang harang na matagal niyang itinayo sa pagitan nila. Para siyang nahihiptismo sa malamlam na mga matang iyon at tila sandaling hindi gumana ang isip niya upang tutulan ang mga sinasabi nito. Her heart pounded so hard when his lips touched hers. Gustong tumutol ng isip niya pero iba ang idinidikta ng puso niya. “Dos…” “I know what you’re thinking, babe… I know,” anas nito na sandaling tumigil sa paghalik sa kanya. “I’ll be by your side until we get old. Tayong dalawa. We’ll get more miserable if I do what you say than having no child at all. Do you understand that?” “Pero alam kong maraming babae riyan na handang bigyan ka ng anak, kahit ilan pa ang gustuhin mo. How could you bear to spend your life with a useless woman like me—” He cut her off by sealing their lips with a kiss that gradually went deeper. Hindi niya namalayan kung gaano katagal ang halik na iyon. Naramdaman na lang niya ang pag-angat ng katawan niya habang naglalakad si Dos papunta sa kwarto niya at walang hirap na inihiga siya sa kama na hindi binitawan ang mga labi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD