Nakayuko si Dos sa hawak na baso habang sapo-sapo ng kamay niya ang ulo.
Umiikot na ang paningin niya sa dami ng alak na ininom niya pero tuloy pa rin ang paglagok niya ng alak at pakiramdam niya ay kulang pa iyon para kalimutan ang galit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.
Hindi niya na tinapos ang pag-uusap nila ng Mama niya nang umalis siya sa mansion. Mas minabuti niyang umalis bago pa niya mailabas ang matinding galit na nararamdaman matapos ipagtapat sa kanya ng Mama niya na ito mismo ang may kagagawan kung bakit imposible na silang magkaanak pa ni Savannah.
Galit siya sa ginawa nito pero mas nagagalit siya sa sarili. He had all the time to help his mother to let go of her hatred and instead of persuading her to forgive those people who hurt and ruined their family ay tinulungan pa niya itong maghiganti.
Hanggang sa tuluyan nang nalunod sa galit at poot ang puso ng Mama niya. And now, he felt so guilty and somehow helpless.
Alam niya ang kapasidad ng Mama niya at naiintindihan niya kung bakit niya nagagawa ang mga bagay na ginagawa nito ngayon pero mali na ang paraan nito.
Kung sana ay sinunod niya ang payo ng Uncle Rey niya na ipagamot ito o kahit ipagpatuloy ang therapy nito ay posibleng hindi sila umabot sa ganoon.
Pumikit siya nang maalala ang unang araw na nilapitan niya si Savannah. It was all planned since day one. Puno rin ng galit ang dibdib niya at pakiramdam niya noon ay maiibsan lang iyon kapag nasira niya ang anak ng babaeng kinasusuklaman niya.
Pero hindi niya akalain na mabuting tao ang babaeng gusto nilang paghigantihan. Na inosente ito sa lahat ng kamalasan na nangyayari sa pamilya nila.
He unexpectedly fell in love with her instead and he knew that what they had was real and true. Kaya naman lalo siyang nakonsensya habang tumatagal.
Kaya nang makipaghiwalay ito sa kanya dahil natuklasan nito na baog ito ay pumayag siya at tinanggap niya iyon bilang karma niya.
Since then, he decided to let go of the past and forget the hatred brought by the brokenness of their family.
Pero muling nabuhay ang galit niya rito nang pumayag itong magpakasal sa kaibigan niya.
But then, he was surprised to find out that the hatred he felt was not enough to dwell on their past or to overshadow what he really felt for her.
Hindi siya sigurado kung ano ang eksaktong nararamdaman niya para sa dalaga. Kung pagmamahal ba iyon na matatawag o hindi.
He mistook his feelings to pity and was only felt obliged to protect her from the possible harm from his own mother. Dahil walang iniisip ang Mama niya kundi ang mapaghigantihan si Sylvia at ang unang hakbang para magawa ito ay sa pamamagitan ni Savannah.
He even thought he lied when he said he loved her when he proposed to marry her. Pero mula nang pagkatiwalaan at tanggapin siya nito muli, hindi lang siya nakokonsensya kundi mas nangingibabaw ang takot na nararamdaman niya sa oras na malaman ni Savannah ang katotohanan.
Tila muli niyang narinig ang boses ng Mama niya at ang huling sinabi nito.
No one but his own mother caused her to be a barren. Napakalaki niyang gago para hayaan niyang mangyari iyon.
He clenched his jaw while tightly gripping the bottle of wine. Mabilis siyang tumayo at buong lakas na ibinato ang hawak na bote.
Halos panabay na bumukas ang pinto ng vip room sa pagtama ng bote sa dingding na nagpatigil sa akmang pagpasok sa loob ni Jasper kasama nito si Toby.
“What the fvck!.. Babasagin mo pa ang gwapo namin mukha?” ani Jasper habang pinapagpag ang suot nitong polo shirt na bahagyang natalsikan ng nabasag na bote.
Si Toby naman ay walang imik na dumiretso sa wine cabinet at kumuha ng isang mamahaling alak pagkatapos tumawag ng utility staff para linisin ang nagkalat na bubog sa sahig.
“I might as well add some rules to my club,” naiiling na sambit nito saka pabagsak na naupo sa tabi ni Jasper pagkatapos ay tumingin kay Dos. “What if I triple the charge with problematic clients who find my business as a means of venting their angers… What do you think, Jasper? Isn’t a good idea to add that some kind of services to this club? Besides, hindi biro ang sinisira niyo sa club ko, ha?” pabirong dagdag nito na bumaling ang tingin kay Dos na tila walang pakialam sa mga bagong dating na kaibigan.
Napangisi si Jasper na agad naman nakuha ang ibig sabihin ng kaibagan saka sinundan nang tingin ang pinatutungkulan ni Toby. Nakangisi siyang napailing saka sumimsim sa hawak nitong baso na may laman na alak.
“Well, I’m not a businessman here but I think, it sounds good.. You can even charge more than that lalo na kapag madadala mo na rin ang solusyon sa sinasabi mong problematic client.”
Pareho silang napatingin kay Dos na tila hindi naririnig ang mga sinasabi nila. He didn’t even spare a glance to them. Patuloy lang itong tumutungga sa bote ng alak.
Nagkatinginan ang dalawa saka napabuntong-hininga si Toby na muling hinarap si Jasper na parehong nagkibit ng balikat.
“Nasaan na raw sila?” tanong ni Toby na tinutukoy ang dalawa pa nilang kaibigan.
“On the way na raw. You know, that’s how married men be like. Tsk! Tsk! Hindi basta-basta makaalis dahil kailangan pang magpaalam sa mga miss nila,” anito na sinabayan ng tawa. “Kaya ikaw Dos, sulitin mo na ang pagiging single mo. Two weeks from now, may kumander ka na rin. How sad!” Iiling-iling pang dagdag nito. “Tsk! Let’s drink and have fun… By the way, remember Ella from high school? ‘Yong may crush sa ‘yo dati? They are also here with her friends and they want to hang out with us. Why don’t we go outside and join them?”
Ibinaba ni Dos ang hawak na bote saka tumayo na parang walang narinig at nagsimulang maglakad papunta sa secret room sa loob ng private room na iyon na tanging sila lang magkakaibigan ang gumagamit.
Tinawag siya ni Jasper pero hindi niya ito pinansin at maging ang mga sinasabi pa ng mga ito ay hindi niya na inintindi pa.
He was not in the mood to listen to their blabbering as much as let them know what he was going through.
Narinig pa niya ang pagbukas ng pinto at ang pangalan nina Jax at Grant na hindi rin niya pinag-aksayahan ng oras para batiin o lingunin man lang.
“Anong nangyari do’n?” tanong ni Grant na tuloy-tuloy na naupo sa mahabang sofa habang si Jax naman ay dumiretso sa wine cabinet at seryoso ang mukha habang namimili ng mga alak.
Nagkibit ng balikat ang dalawa saka nakangising pinag-toss ang mga baso nila saka nilagok ang alak na laman noon.
“Eh diyan, anong nangyari sa isang ‘yan?” tanong ni Toby na ang tinutukoy ay ang nanahimik na si Jax.
Nagkibit din ng balikat si Grant at prenteng sumandal sa back rest ng sofa. He leisurely swirl his wine glass at ngiting ngiting tumingin sa dalawa.
Naniningkit ang mga matang tinitigan ni Jasper ang mukha ni Grant. Hinawakan niya ang mukha nito na mabilis naman tinabig ni Grant.
“What are you doing?” He glared at him saka pinahid ang pisngi niya na hinawakan nito.
“Ano bang klaseng ngiti ‘yan? Ngiting nang-iinggit? Don’t tell us, buntis si Vera…”
“I’m not here to talk about me and my wife.” Nagkibit siya ng balikat at hindi direktang sinagot ang tanong nito. But his reaction almost telling that Jasper’s guess is true. “Anyway, napadaan lang talaga ako. I have to catch our flight before midnight.”
“Where to?” balewalang tanong ni Toby.
“Business trip with Dad. I’ll be back before Dos’ wedding…”
Napatigil siya sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone na nasa ibabaw ng sofa sa tabi niya kung saan naupo si Dos.
Kinuha niya iyon at napatitig doon nang mabasa ang pangalan nang tumatawag.
It was no other than his wife, Vera.
Hindi niya namalayan na halos magdikit na ang mga kilay niya habang nakatingin sa pangalan sa cellphone na patuloy na tumatawag.
“Who’s that?” tanong ni Japser na biglang hinablot kay Grant ang cellphone. “Kay Dos ‘to, ‘di ba? Bakit hindi mo sagutin o katukin mo si Dos, baka importante," anito habang nakatingin sa kanya saka niyuko ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. “Vera?... Your wife is calling another man—”
Hindi na nagawang tapusin ni Jasper ang sasabihin nang hinablot pabalik ni Grant ang cellphone. He glared at him before he quickly press the answer button. Habang si Toby at Jax naman ay parehong nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya na tila nagtatataka.
Nagsisimula na siyang mainis sa reaksyon ng mga ito na parang may kakaibang gustong iparating pero bago pa siya makapag-isip ng kung anu-ano ay narinig na niya ang nag-aalalang boses ng asawa.
“Hello, Dos?.. Naaksidente si Sav! Sakay na kami sa ambulansya—"
“What?! What happened, love? Magkasama kayo ni Sav?”
“Grant?” gulat na tanong nito sa kabilang linya. “Yes. Mamaya na ‘ko magpapaliwanag… Papunta na kami sa Emerald Hospital…”
“What happened?” halos sabay-sabay na tanong ng tatlo na biglang gumuhit din ang pag-aalala nang marinig ang salitang hospital.
“I don’t know exactly,” nag-aalalang sagot ni Grant na mabilis na tumayo at kinuha ang susi ng kotse. “I’ll go ahead. Sabihin niyo kay Dos na sumunod agad sa Emerald Hospital. Naaksidente raw si Sav.”