Patakbong pumasok si Dos sa loob ng hospital at dumiretso sa emergency room.
Pakiramdam niya ay napakahabang oras ang dumaan bago siya nakarating sa hospital kahit halos paliparin na niya ang kotse sa pagmamadali.
Naipit pa siya sa matinding traffic dahil humarang ang truck sa kalsada na ayon sa mga nakausap niya ay nawalan ng preno na naging sanhi ng aksidente kung saan malapit sa hospital kung saan dinala si Savannah.
Kakaibang takot ang naramdaman niya nang makita ang mga dugo na nagkalat sa kalsada lalo na nang makumpirma niya na isang babae ang nasagasaan ng truck na iyon na nag-aagaw buhay nang dumating ang ambulansiya.
He was never been afraid like what he felt that moment thinking that it could be Savannah.
Paulit-ulit niyang hiniling na sana ay mali ang pakiramdam niya. Na hindi iyon ang aksidenteng tinutukoy ng mga kaibigan niya na kinasangkutan ni Savannah.
Malapit na siya sa emergency room nang mapatigil siya nang makita ang isang babae na nakaupo sa wheelchair habang nakaabang malapit sa pinto ng emergency room.
“Sav?”
Biglang bumilis ang t***k ng puso niya nang makilala ito. Parang isang napakalaking bagay ang umalis sa pagkakadagan sa dibdib niya ng mga sandaling iyon.
Lumingon sa kanya ang tinawag na agad sinubukang tumayo mula sa wheelchair nang makita siya kaya agad niyang nilapitan ito at mahigpit na niyakap.
“Babe, you scared me,” halos pabulong na sambit niya. Pakiramdam niya ay noon lang muling dumaloy ang dugo sa katawan niya.
Kung anu-ano na ang pumasok sa isip niya na halos ikasikip ng dibdib niya. He heaved a deep sigh of relief saka binitawan ang dalaga at hinarap ito.
“What happened? Tumawag daw si Vera at sinabing naaksidente ka,” puno pa rin ng pag-aalalang sambit niya na tumingin sa wheelchair na kinauupuan nito.
Tumango ito saka bahagyang kinagat ang labi. “Kausap ko si Kaiden sa phone kanina nang mangyari ‘yon kaya pinuntahan agad ako ni Vera at dinala rito sa hospital.” Bahagyang nanginginig ang boses na umpisa nito. “Patawid ako ng kalsada kanina nang muntik na akong mabangga.. Alam ko, it was a matter of second and I will be hit by that truck. Pero may nagligtas sa ‘kin... Ako sana ang nasa loob ng emergency room na ‘yan at hindi ang babaeng nasa loob,” umiiyak na salaysay niya sa nangyari.
“Shhh.. Stop crying. It happened at hindi mo kasalanan iyon.”
“I want to make sure she will live, Dos. I want to help to save her…”
Pinigilan niya ito nang akmang tatayo ito saka marahang pinahid ang luha sa pisngi nito. “Ako na ang bahala sa kanya. I’ll get the best doctor to attend in whatever treatment she will be needing… For now, get some rest. Ako na ang bahala sa kanya pati na rin sa nangyaring aksidente.”
Sinamahan ni Dos si Savannah sa private ward nito at nanatili roon hanggang sa nakatulog na ang dalaga.
Lumabas siya at tinawagan ang assistant niya. “Investigate the accident and make sure the driver will go to jail…”
Pagkatapos magbigay ng ilang instruction sa assistant niya ay dumiretso siya sa emergency room kung saan naroon pa rin ang babaeng tinutukoy ni Savannah na nagligtas sa kanya.
“How’s the patient?” tanong niya sa doctor na lumabas mula sa kwarto.
“She’s in critical condition. Base sa diagnosis namin at ilang lab test na ginawa sa kanya, she was suffering from leukemia. Her immune system has dropped at ang lakas ng pagkakabangga sa kanya ay nag-caused ng internal bleeding.” Iniabot nito sa kanya ang ilang piraso ng papel kung saan nakalagay doon ang mga kailangan na medical treatment kasama ang operasyon na kailangang gawin para mabuhay ito.
“Do whatever it has to be done to save her.”
Tumango ang doctor saka iniutos sa mga nurse na dalhin ang pasyente sa operating room.
Niyuko niya ang babaeng walang malay nang dumaan ang stretcher sa tapat niya. Napakunot ang noo niya nang matitigan iyon at agad na pinigilan ang isa sa mga nurse na nagtutulak dito.
“Wait.”
“May problema ba?” tanong ng doctor na napansin ang pag-iiba ng ekspresyon niya habang tinitingnan ang pasyente na wala pa rin malay.
“Nasaan ang mga gamit ng pasyente?”
“Mr. Lacsamana.”
Napalingon sila sa tumawag. Lumapit sa kanila ang dalawang pulis at iniabot sa kanya ng isa ang dalawang plastic bag.
“Chief,” bati niya sa pulis na tumawag sa kanya. Tinanggap niya ang plastic na iniabot nito sa kanya saka muling tiningnan ang hepe.
“Ayan ang mga gamit ng mga biktima. Tingnan mo na lang kung alin ang gamit diyan ng nobya mo.”
Napakunot ang noo niya habang nakatingin sa hawak na plastic bag.
“Nasa area ako nang mangyari ang aksidente. Hindi ko inaasahan na nobya mo pala ang isa sa mga biktima sa aksidenteng iyon.. Don’t worry, I’ll personally handle the case at sisiguraduhin kong mapaparusahan ang driver ng truck na iyon.”
“We’ll go ahead, Mr. Lacsamana. We can’t afford any delay on the patient’s medication,” singit ng doctor sa usapan nila.
Tumango siya at inalis ang kamay na nakahawak sa stretcher ng babae saka binigyan ng daan ang mga ito.
Sinamahan niya ang mga pulis sa ward ni Savannah at pagkatapos magbigay ng testamento ang dalaga ay umalis din agad ang mga pulis.
Nagpaalam siya rito upang lumabas sandali pagkatapos ay mabilis na hinalungkat ang plastic bag na may lamang gamit ng babaeng nagligtas kay Savannah.
Mariin niyang pinaglapat ang mga labi at ikinuyom ang mga kamay habang tinitigan ang identification card na hawak niya.
“Sylvia…” he murmured while gritting his teeth.
Ang babaeng nagligtas kay Savannah ay walang iba kung hindi ang Ina nito.
Hindi siya nagkamali. Kahit maputla ang mukha nito at nakapikit ang mga mata ay kilalang kilala niya ito. Ang mukhang kahit anong pilit niyang gustuhing kalimutan ay hindi niya magawa.
Ang mukhang iyon na pag-aari ng babaeng hindi lang naging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila kung hindi pati na rin ang muntikang pagkamatay ng Mama niya sa loob ng kulungan na proud na proud pang inamin nito sa kanya.
Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at tinawagan ang Mama niya.
“Ikaw ba ang may kagagawan ng aksidente, Ma?” diretsong tanong niya pagkatapos marinig ang boses nang sagutin nito ang tawag niya.
“Anong aksidente?”
Marahas siyang bumuntong hininga.
“Muntik nang mabangga si Sav. Ikaw ba ang may kagagawan noon?”
“Lahat ba ng aksidente na kasasangkutan ng babaeng ‘yan ay sa akin mo isisisi?” galit na balik tanong nito. “Let me tell you, Dawson. My hatred towards them has no limit. But the next time I make a move, I’ll make sure that either of them will suffer more than similar to what I went through!”
He swallowed his words when he heard her grasping for air. May sakit sa puso ang Mama niya kaya madalas ay maingat siya sa pakikipag-usap dito lalo na at tungkol iyon sa mga taong kinamumuhian nito at sa Papa niya.
“I’m sorry, okay? Calm down.”
“I... I can’t b-breathe, D-dawson…”
Napalunok siya nang marinig na nahihirapan itong huminga.
“Ma!... Are you alright?”
Wala siyang narinig na sagot sa kabilang linya kung hindi ang pagbagsak ng telepono.
He pursed his lips and immediately rushed back to the mansion.
Habang nagmamaneho ay tinawagan niya ang pinsang doctor ng Mama niya at inutusan itong pumunta sa mansion.
Nang malapit na siya roon ay tumunog ang cellphone niya at agad na sinagot ang tawag nang makita ang pangalan ng doctor.
“I already checked Marietta. Inatake siya sa puso and she needs to send to the hospital as soon as possible.”
Pagkasabi noon ay naputol na ang kabilang linya. Kinabig niya ang manibela at tinahak ang daan papunta sa private hospital na pag-aari nito.
“Kumusta si Mama, Tito?” agad na tanong niya nang makapasok sila sa opisina ng doctor.
“She had a mild heart attack but don’t worry, she’s stable now,” anito saka seryosong tumingin sa kanya. “Pero hindi ko masisigurado sa ‘yo na makakaligtas pa rin siya sa susunod na mangyari ito, Dos. Her heart is vulnerable at tulad ng sinabi ko sa ‘yo, she needs to undergo a heart transplant operation as soon as possible. Everything is ready abroad. Siya na lang ang kulang para matuloy ang operasyon, Dos. Pero ayaw pumayag ng Mama mo. Gusto na ba talaga niyang mamatay? Pati ang therapy niya ay itinigil na niya. I can’t imagine if we arrived a few minutes late, baka tuluyan nang bumigay ang puso niya.”
Huminga siya nang malalim saka naiiling na napahilot sa noo niya. “You know how many times I tried to send her abroad pero masyadong matigas ang ulo niya.”
“Dahil ayaw mong sumunod sa gusto niya.”
Napakunot ang noo niya at nagtatakang tumingin dito.
“What do you mean?”
Sandali siyang tiningnan nito saka naupo sa swivel chair habang siya ay nanatiling nakatayo habang naghihintay sa sagot nito.
“I talked to her former psychiatrist. Kaya kinausap ko ang Mama mo at inamin niya sa akin ang totoong nangyari sa kanya sa Italy… I know, you’ll question me of intruding but I’m still her cousin and I just can’t sit still doing nothing and just watch her die.”
Seryoso at matalim ang mga matang tiningnan siya nito.
“Nangako ako sa kanya at sa mga magulang niya na po-protektahan ko siya but I failed nang magtiwala ako sa Papa mo na magiging mabuti siyang asawa… I know it’s too late that George was no longer here but his death was not enough to pay for the horrible things Marietta had suffered. But that doesn’t mean that she won’t get the justice she deserves.”