Chapter Twenty Two

1939 Words
Hindi makapaniwalang tiningnan ni Savannah si Arya habang tila sirang plaka na paulit-ulit na naglalaro sa isip niya ang ibinunyag nito. Did she deliberately poison her to make her unable to conceive? She was too dumb to believe that she specifically made those supplements to nourish her body but little did she know that it was actually a mixture of substances that will definitely destroy her ability to conceive and restrain her from being a mother. She suddenly felt her chest tightened. Who is she to decide on her fate? Hindi ba nito alam kung gaano kabigat ang parusang iyon para sa kasalanan na hindi naman dapat siya ang nagbabayad? She could blindly accept her defeat of losing her refutation thinking that it must be the end of her vengeance. Kahit pa hindi niya alam kung anong magiging buhay niya sa loob at paglabas niya ng kulungan dahil sirang sira na ang reputasyon niya. Akala niya ay sapat na ang iniwan siya ng anak nito at ipakulong siya tulad ng ginawa ni Sylvia rito but doing such horrible thing that led her to be a barren is far too much. And that thing she couldn’t be able to slide that easy. Mahigpit niyang ikinuyom ang mga kamay. Naninikip ang dibdib niya sa galit. Pakiramdam niya ay sasabog siya anumang oras. She never felt this aching and unbearable emotion within her before. Parang bomba na biglang sumabog ang galit na tila matagal nang nakatago sa dibdib niya kaya biglang nagdilim ang paningin niya. Inilang hakbang niya si Arya at mabilis na pinagsasampal ito. “Walanghiya ka! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo! Believe me, I will kill you!” She kept on shouting like a madwoman and continued to hit her with all her might. Being weak from a heart surgery, Arya wasn’t able to fight back. Hanggang sa lumapit ang ilang pulis at marahas siyang inawat at inilayo sa nakahandusay na si Arya. “Bitiwan niyo ‘ko! Hindi pa ako tapos sa kanya! Papatayin ko siya para magkaroon ng saysay ang pagpapakulong niya sa ‘kin!” sigaw niya pagkatapos ay hinawi ang buhok na tumabing sa mukha niya at galit na dinuro si Arya. “Since you framed me up in committing the crime I never did, might as well I’ll do it real to justify the verdict,” she glared at her habang ang mga mata niya ay namumula sa galit. “Papatayin kita! I will drag you to hell with me, Arya!” Marahil, dala ng galit ay naging malakas siya at nagawang makawala sa mahigpit na hawak ng mga pulis. She was ready to attack her again nang biglang may humarang sa pagitan nila ni Arya. Hindi niya napaghandaan nang bigla siya nitong itinulak. Sa lakas noon ay napaupo siya sa sahig pagkatapos tumama ang likod niya sa gilid ng lamesang kahoy. Naramdaman niya ang matinding sakit na agad na dumaloy sa likuran niya pero hindi niya iyon pinansin. Seeing the person who just pushed her was far more painful than hitting her back. Kahit nakatalikod ito ay kilalang kilala niya. Danaluhan nito si Arya at maingat na inalalayang bumangon mula sa pagkakasalampak sa sahig. Nanginginig ang mga kamay nito na humawak sa magkabilang braso ng anak. Magulo ang buhok at ang magkabila nitong pisngi ay namumula dahil sa paulit-ulit na sampal na natamo nito mula kay Savannah. “Dawson, anak… Mabuti na lang at dumating ka. Did you hear what she said? She’s crazy. She’s going to kill me. I-I’m afraid she can…” “It’s alright, Ma. She can’t do anything to you… I’m here.” Inilalayan ni Dos ang Mama niya at muling pinaupo sa wheelchair saka inutusan ang assistant niya na dalhin ito sa hospital. He also gestured the policemen to leave them afterwards saka humarap kay Savannah. Kinagat niya ang labi habang nakatingin sa binata na ilang linggo niyang hindi nakita. Miss na miss na niya ang nobyo. She wanted to run towards him and hug him. And tell him what his mother had confessed. But he only stared at her with hatred in his eyes. At alam niya na dahil iyon sa ginawa niya kay Arya. Agony instantly crossed her eyes. She desperately crawled towards him wanting him know the miserable life she’s been going through all because of his mother’s seeking for revenge. “D-Dos, she framed me—" He didn’t let her finish and suddenly gripped her clothes and stared at her with his bloodshot eyes. “I dare you kill my Mom and I won’t hesitate to let you experience hell just as you wish!” he spouted. “Tulad ka rin pala ng mga magulang mo.” Namimilog ang mga matang tinitigan niya ang binata. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula rito at sa galit na nakikita niya sa mga mata nito. Where are those gentle eyes that used to be full of affection every time it lays on her? Hindi na niya mabakas iyon bagkus ay galit at pagkasuklam ang ipinapakita ng mga tinging ipinupukol nito sa kanya. At hindi niya matatanggap ang galit na iyon lalo na ang ikumpara siya sa mga magulang niya. Sigurado siya na nadala lang ito sa naabutan nito na ginawa niya sa Mama nito. She only did it out of anger. At kailangan niyang ipaliwanag iyon sa nobyo dahil siguradong maiintindihan siya nito. “Na-frame up ako at kagagawan iyon ng Mama mo. Her retaliation has gone too far, Dos. Inamin niya sa akin mismo… Lahat-lahat ng ginawa niya…” Mahinahong paliwanag niya. She reached out and held his arms again. Her pitiful eyes locked into his. Naniningkit ang mga matang tinitigan siya nito. She didn’t know what’s on his mind. Pero sa uri nang tingin iyon ay tila isang kaaway ang tinitingnan nito. “And your only resort is to kill her?... May dahilan siya kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito.” She gasped and tightly held on the edge of the table when she almost fell to the ground nang marahas nitong bitawan ang damit niya. Mariin niyang pinaglapat ang mga labi. Pinilit niyang alisin ang bikig sa lalamunan upang itago ang sama ng loob dito. “Do you even hear what you’re saying, Dos? Ako ang pinaghihigantihan niya… Ako na nobya mo!” hindi mapigilang bulalas niya saka lumapit sa binata at muling hinawakan ang kamay nito. “She ruined my life! She ruined us! Can’t you see what she did and still doing? And do you expect me to stand still or worst, respect her?” Sandali siyang tinitigan ni Dos saka walang imik na iniiwas ang mga mata habang kumakawala sa hawak niya. But she tightened her grip instead and refused to let go as if it would be her last lifeline. May pakiramdam siya na kapag umalis ito ngayon sa harapan ay hindi niya na ito muling makakausap pa. “Dos, please. Let’s stop this, okay? Kaya kong kalimutan ang lahat nang nangyayaring ito… Just.. just tell me that she’s lying. S-sabihin mo sa akin na hindi totoo na pinaglaruan mo lang ako. Sabihin mo sa akin na mahal mo ako at hindi mo alam ang lahat ng mga ginawa niya,” desperadang samo niya rito. Kung kailangan niyang magmaawa ay gagawin niya, h’wag lang siyang iwan nito. “Help me out and then… we’ll get married, okay?.. Let’s start anew. We can leave this place and forget everything behind. Tutuparin natin ang mga pangarap natin… Please, Dos. I need you. Please!” She knew she may sound pathetic but she doesn’t care anymore. She was already at the bottom and has nothing got to lose. And begging for the love he was once giving her was the only chance she had. Dos looked at the woman in front of him. His burning chest gradually fading while listening to her plea. She looked miserable and vulnerable. Lumunok siya at muling iniiwas ang tingin dito nang maramdaman ang paninikip ng dibdib niya. He must not be swayed by her pathetic look. Ito ang kailangan niyang gawin at nakapagdesisyon na siya. Mahalaga sa kanya si Savannah at sigurado siyang mahal niya ito but love alone can’t give them the peacefulness they should have. The only thing he should do to make Savannah’s free from his mother’s wrath is to let her go. “Gusto mong tigilan ko sila? Then, dumped her. And I’ll do anything you’ll say. ” Puno ng determinasyon sambit ni Arya. “You did a lot behind my back? How can I believe you this time?” “You see this, Dawson?” Yumuko si Arya at itinuro ang sariling dibdib saka unti-unting pumatak ang luha. That was the first time she showed her weakness in front of him. “I’m tired… I’m tired of doing all of these. Akala mo ba ay masaya ako sa ginagawa ko? I feel like dying everyday. Now, if you really want to marry that woman… let me die first. Tutal, iyon din ang gagawin ko kapag itinuloy mo ang pagpapakasal sa kanya. Ikinuyom niya ang mga kamay nang maalala ang huling pag-uusap nilang mag-ina. He couldn’t let her mother die. Kung ang tuluyang pag-iwan kay Savannah ang magiging dahilan upang magpa-opera ito at madugtungan ang buhay ay gagawin niya. Iyon lang ang mahalaga para sa kanya ngayon. As for Savannah, he can deal with her when the right time comes. Hinawakan niya si Savannah sa magkabilang balikat habang mahigpit pa rin itong nakayakap sa kanya. He stared at her with a stern face concealing his emotion. Hindi niya akalain na ganito kabigat sa pakiramdam na makita ang luhaan nitong mga mata habang nakikiusap sa kanya na h’wag niya itong iwan. But he needs to sacrifice. He clenched his jaw and said, “I can’t marry you.” Tila nanigas ang katawan nito nang marinig ang determinadong sagot niya. Kusa itong bumitaw sa pagkakayakap sa kanya habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. She cannot hide the pain in her eyes. “Bakit? Dahil inutos sa ‘yo ng Mama mo?” masama ang loob na tanong niya. “Mas mahalaga pa ba siya at ang paghihiganti niya kesa sa pagmamahalan natin?” Hindi siya sumagot. She might misunderstood the meaning of his silence but he acted like it didn’t bother him. “Minahal mo ba talaga ako, Dawson? O totoo ang sinasabi ng Nanay mo na pinaglaruan mo lang ako?” Sinalubong niya ang malungkot nitong mga mata na animo’y nagsusumamo na sagutin niya ito ng totoo. Mariin siyang lumunok saka iniiwas ang tingin nang makita ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito nang hindi siya sumagot. He was about to turn back nang pigilan siya nito at pilit na humarap sa kanya. “Sagutin mo ang tanong ko!” “What? Gusto mo ba talagang marinig pa ang sagot ko? Hindi pa ba malinaw sa ‘yo?... Totoo ang lahat ng sinabi sa ‘yo ni Mama! Okay na ba?” She widened her eyes and halted. She felt an invisible lump in her throat that she found it hard to swallow. Umasa siya na itatanggi nito ang pakikipagsabwatan sa Ina kahit pa pilit sinasabi ng utak niya ang posibilidad ng lahat ng iyon. Sa isang iglap ay biglang gumuho ang mundo niya. Ang ilang hiblang pag-asa na kinakapitan niya ay tuluyang naglaho sa ilang salitang hindi niya akalaing aaminin nito sa kanya. Maya-maya ay tumango siya saka mapaklang ngumiti habang puno ng galit at sama ng loob na tiningnan ang dating nobyo. “Get lost! Don’t ever show up again, Dawson or I will kill you!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD