“Good luck, kakosa. H’wag ka nang babalik dito, ha? Mas gusto ko ‘yong wala ka dito, sa gano’n ako na ulit ang pinakamaganda sa hawlang ito.”
Huminga siya nang malalim saka pilit na ngumiti sa babaeng nagsalita at humabol sa kanya bago siya tuluyang lumabas ng kulungan.
“Mag-iingat ka rito, Anna. Mabilis lang ang panahon at makakalabas ka rin.”
Si Anna ang naging kaibigan at kasangga niya sa dalawang taon na pagkakabilanggo niya.
Halos pareho lang sila ng kapalaran at kinahantungan ng buhay mula sa mga taong pinagkatiwalaan nila.
They both ended up being in jailed. Nauna lang ito sa kanya ng ilang buwan nang ipinasok siya sa kulangan.
“Hindi ko na iniisip ‘yon. Wala na rin naman naghihintay sa paglabas ko.” Nagkibit ito ng balikat saka pinalis ang mapait na ngiti sa labi saka tinapik ang balikat niya. “H’wag mo na akong intindihin. Mahalaga ay nakalaya ka na. Makakabalik ka na sa dati mong buhay… Ikaw na ang bahala sa mansion ko, ha?” Biro nito.
Ngumiti siya at dinukot ang isang maliit na papel sa bag na dala niya. “Ikaw din. Magagawa mo rin ‘yon. Huwag ka lang mawalan ng pag-asa,” seryosong sambit niya saka iniabot niya rito ang hawak na papel. “Heto, kapag nakalabas ka, tawagan mo ako sa number na ‘yan kung sakaling wala na ako sa bahay mo.”
Tumango ito at pinakatitigan ang hawak na papel. Sandali silang nagyakap pagkatapos ay tuluyan na siyang nagpaalam dito.
Malalim na hininga ang pinakawalan niya pagkalapat pa lang ng mga paa niya sa labas ng malaking gate ng kulungan.
Pumikit siya at sandaling nilanghap ang hangin na kaytagal niyang pinanabikang maranasan sa loob ng dalawang taon na ipinagkait sa kanya.
Mariin niyang pinaglapat ang mga labi habang may kakaibang emosyon ang sumilay sa mga mata niya.
Magkahalong pananabik at galit ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. Pero kailangan niyang control-in ang emosyon para sa mga plano niya.
Ipinusod niya ang lampas balikat niyang buhok saka tinahak ang palabas na daan.
Sumakay siya sa jeep at bumaba sa isang mall. Bumili siya ng isang mumurahing cellphone at agad na ipinasok doon ang sim card na naging daan upang magkaroon siya ng komunikasyon sa labas ng kulungan.
Dalawang taon ang inilagi niya sa bilangguan mula sa tatlong taon na sintensya sa kanya pero pakiramdam niya ay napakahabang panahon at napakaraming pagkakataon ang ipinagkait sa kanya para pagbayaran ang kasalanan na hindi niya ginawa.
Sa loob ng mga panahon na iyon ay naranasan niya ang kalupitan at paghihirap na ni sa hinagap ay hindi niya naisip na maaaring mangyari sa kanya. Lalo na ang katotohanan na ang nag-iisang taong pinagkatiwalaan niya nang husto at naging kakampi niya sa mahabang panahon ang siya pa palang magsasadlak sa kanya sa pinakamadilim na bahagi na iyon ng kanyang buhay.
Tumalim ang mga mata niya habang mahigpit na hinawakan ang cellphone na nasa kamay niya.
Kailangan niyang isantabi ang emosyon para magawa niya nang maayos ang plano niya.
Pagkatapos noon ay saka niya babalikan ang mga taong sumira sa pagkatao niya.
Huminga siya nang malalim saka tumipa sa telepono niya. Ilang ring pa lang noon ay agad ng kumonekta ang tawag sa kabilang linya.
“Nakalabas na ‘ko,” bungad niya nang batiin siya ng kausap.
[Thanks God, you’re finally free… I’ll book your ticket now.]
“Kailangan ko pang manatili rito.”
[Pero si Jewel…]
“I know.. I still have few months.”
[Alright! Na-transfer ko na ang pera sa bank account mo. Just tell me if you need anything.]
Pagkatapos nilang mag-usap at marinig ang pakay ng pagtawag niya ay nagpaalam na siya rito.
Just imagining the positive outcome of her sacrifices justifies her plans. Everything she does will be all worth it even if she wanted to throw up just thinking the only way she had in mind.
Namili siya ng mga damit na kailangan niya. Habang pinagmamasdan pa lang ang mga damit na napili niyang isuot ay napapalunok na siya.
Pagkatapos mamili ay sumakay siya sa jeep at bumaba sa isang squater’s area. Tinahak niya ang masikip na eskinita papunta sa isang maliit na apartment na pansamantala niyang tutuluyan.
Pagdating sa apartment ay bumungad sa kanya ang masikip na sala at kusina. May mga kagamitan na roon tulad ng sinabi ni Anna at kahit mga damit ay pwede na rin niyang gamitin ang mga naiwan nito roon.
Sandali lang siyang nagpahinga saka nagsimulang maghanda para sa lakad niya. Hindi siya maaring mag-aksaya ng panahon.
Pinara niya ang taxi sa harap ng isang sikat na club na pamilyar pa rin sa kanya.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya muna bago tuluyang pumasok doon.
Inilibot niya ang mga mata sa paligid. Her eyes caught her target. She smirked and turned her eyes at the center.
Lumapit siya sa isang lalaking customer na minsan na niyang nakilala sa isang social gathering kung saan siya isinama ni Dos. Kilala itong playboy at walang pinalalampas na babae.
“Hi, handsome. Care if I join you?”
Napatingin sa kanya ang ilan sa mga kasama nito sa table na may mga kani-kaniyang partner. At ang magkapareha sa tabi nito ay walang pakialam sa paligid habang naghahalikan.
Mula sa pagkakayuko sa baso ng alak ay lumipat ang tingin sa mukha niya ang lalaking nilapitan niya. Bigla itong ngumisi at bakas ang pagkagulat nang matitigan siya pagkatapos ay agad na pinasadahan ng tingin ang katawan niya.
“Wow! Kaya pala hindi ka nagsama ng babae ngayon, Hayson pare, dahil may naka-reserve ka na pala rito,” ani ng lalaking nakaupo sa tapat nito na tulad ng tinawag nitong Hayson ay pinasadahan din siya nang malaswang tingin.
She slightly raised her brow and chuckled. Kahit gusto na niyang dukutin ang mga mata nito ay nakiayon na lang siya at matamis na ngumiti.
“Well.. Hindi ba ako nakakaistorbo? Boring kasi. Mag-isa lang ako rito,” maarteng tanong niya saka inilapat ang hawak na wine glass sa labi niya at bahagyang sumimsim doon habang malagkit ang tingin na sinulyapan ang binata.
Hayson swallowed while staring at her. Napangiti siya. In her simple move, she already shot two birds. In her peripheral view, someone was also staring at her intently.
“Of course, you can join us,” ani Hayson na biglang tumayo at kinabig siya sa beywang at bumulong sa kanya.
Halos manlaki ang mga mata niya sa narinig dito. Pakiramdam pa niya ay nagtayuan ang balahibo niya sa balat sa kaprangkahan nito but she can’t back down. Instead, she pretended to giggle.
Mula sa sulok ng mga mata niya ay napansin niya ang mabilis na hakbang na papalapit sa kanila.
Bahagya niyang inilapit ang mukha sa binata at hinawakan ang kabilang pisngi nito.
“What? Ikaw talaga! You’re so naughty. Ang bilis mo naman! You know I only need—”
“Savannah!”
Napatigil siya sa pagsasalita at nagkunwaring nagulat na nilingon ang may-ari ng boses.
“Dos?” nakakunot ang noong sambit niya sa pangalan nito. Napatingin siya sa likuran nito kung saan naroon ang mga kaibigan nito na halos lahat ay iisa ang reaksyon ng mga mukha. Shocked was written all over their faces.
“Oh, hi guys! Nandito rin pala kayo,” she said casually at isa-isang kinawayan ang mga ito. “Nice to meet you here.. Oh! Sorry, I forgot. Sa ‘yo nga pala itong club na ‘to, Toby. Nice huh? Ang laki ng improvement…”
“What are you doing here, Sav. Kelan ka pa…?”
Napatingin siya kay Grant na tila siyang unang nakabawi sa pagka-surpresa sa presensya niya roon.
Tumawa siya at nagkibit ng balikat. “You mean, kelan ako lumaya?” pagtatapos niya sa tanong nito na parang balewala lang sa kanya na marinig ng iba na isa siyang dating preso. “Actually, hindi pa natatagalan. And to answer your first question, may ime-meet kasi akong customer dito kaso nagka-emergency daw… Sayang nga eh!”
Ngumuso siya saka tiningala si Hayson na tahimik na naghihintay sa kanya. Ngumiti naman ito sa kanya at muling humawak sa baywang niya.
Tiim bagang na napasunod ang tingin ni Dos sa kamay nito.
“Buti na lang na-meet ko rito si Hayson… Well, would you mind what you just heard?.. You know, I was just recently out of prison,” aniya pagkatapos ay bahagya pang idinikit ang katawan dito, completely seducing him.
He chuckled and slightly bent his wetted lips closer to her ears and sensually whispered.
“Why would I mind it, sweetheart? I think, it’s more pleasurable to taste –”
His words were cut by a loud thud.
Napaawang ang bibig ni Savannah na napasunod ang tingin kay Hayson na hindi nakahuma sa malakas na suntok ni Dos.
Pasimple siyang ngumisi at tahimik na sumunod nang maramdaman ang mahigpit na hawak sa pala-pulsuhan niya habang pakaladkad siyang hinila palabas ng club.
She looked back and pretended to worry when she saw the two groups of men fighting with one another.
Pagdating sa labas ay pabalya siyang binitawan ni Dos.
“Ouch! Ang sakit no’n ah!” nakangusong reklamo niya. Hinawakan niya ang namumulang braso na binitawan nito at bahagyang hinaplos iyon. “Is that your way of welcoming your ex-fiancée? Come on, Dos, two years—"
He dangerously looked at her and asked, “What do you think you’re doing huh?”
“Nagta-trabaho, ano pa?” sarkastikong sagot niya.
Nangunot ang noo nito na tila naguluhan sa narinig. “Trabaho? What kind of job?”
“Ano sa tingin mo?” naghahamon na tanong niya habang naglalaro ang pilyang ngiti sa labi niya.
Mula sa makapal na make up sa mukha niya ay bumaba ang tingin nito sa pulang dress na suot niya na hapit na hapit sa katawan niya. Showing off her sexy curve.
Lalong dumilim ang mukha nito at muling tumingin sa kanya. “Fvck! Just answer me!”
Bago pa niya maibuka ang bibig ay tumunog ang cellphone niya. She gestured him to shut up saka mabilis na sinagot ang tawag.
“Hello, Mr. Nelsons,” malambing na bati niya sa tumawag. “Oh, yes. I’m still here… Really? So, tuloy tayo?” Ngumiti siya nang matamis saka bahagyang kinagat ang dulo ng daliri niya. Tumalikod pa siya pagkatapos sulyapan sandali si Dos saka hininaan ang boses. “No, it’s okay… You’re place na lang siguro? Ayoko sa hotel na ‘yon… Yes. Ok, I’ll wait your driver here.”
“Hey, my phone!—”
Hindi pa siya tapos magprotesta sa biglang pag-agaw sa cellphone niya nang muli siyang kaladkarin ni Dos at sapilitang ipinasok sa loob ng kotse.
“Ano ba? Ibalik mo nga sa ‘kin ang cellphone ko. Hindi pa kami tapos mag-usap ng customer ko—”
“Customer? What are you selling, huh?” He glared at her with his bloodshot eyes while looking down at her dress. “Are you a stripper?”
“Yes!”
Napaawang ang bibig nito sa diretsahang niyang sagot. Pinagmasdan niya ito saka naiiling na tumawa. “What? Are you surprised? Ano pa ba ang aasahan mong magiging trabaho ng isang ex-convict na tulad ko, ha?” kaswal niyang tanong. “Now, give me back my phone dahil minsan lang ako magkaro’n ng big time client.”
She silently cheered when she saw him clenching his jaw. Tumuwid ito ng upo saka tumingin sa harap ng sasakyan at pinaandar ang kotse.
“Sandali! Bababa na ‘ko. Dito kami magkikita ng customer ko.”
Hindi ito sumagot habang patuloy sa pagmamaneho. She pouted her lips saka nakangiting humarap sa binata.
“Wait! Bakit parang nagagalit ka? “ she teased. “Nagseselos ka ba? O siguro hindi mo matanggap na ganito na ang dati mong nobya, ano? Sabagay, hindi naman kita masisisi. Kahit sinong makakita sa ‘kin ngayon, they all surprised to see me becomes a w***e. Tsk! Ganito naman talaga ang buhay—"
“Stop it , Savannah!”
Napatigil siya nang bigla itong sumigaw kasabay nang mabilis na pagpreno at galit na humarap sa kanya.
He was about to say something when her phone suddenly rang. Pareho silang napatingin doon at nagulat na lang siya ng ibinato nito ang cellphone niya sa labas ng bintana saka mabilis na pinasibad ang kotse.
They were fighting along the way hanggang sa kaladkarin siya ni Dos papasok sa isang hotel.
Wala kahirap-hirap na ipinasok siya nito sa isang kwarto at itinulak sa kama.
She was taken aback to see how angry he was. His bloodshot eyes focus on her while he was starting to take off his clothes.
“You said it yourself that you are a w***e? Then, let’s see how good of a slut you are.” Pagkasabi noon ay pumaibabaw ito sa kanya at marahas na hinubad ang suot niyang dress.
The room gradually filled with sensual moans. She doesn’t resist but instead, she deliberately expressed her pleasure na lalong nagpaliyab sa init ng kanilang katawan.
After few hours ay bumangon siya at nagbihis. Dos silently watched her the whole time. Nang maayos ang sarili ay nakangiting nilingon niya ang binata at inilahad ang kamay.
Nangunot ang noo nito na tila hindi maintindihan ang inakto niya.
“Mr. Lacsamana, hindi libre ang serbisyo ko.”
“What did you say?”
Tumayo siya at inayos ang bra sa harap nito. “Ano ba naman ‘yan? H’wag mong sabihin na porke’t ex kita eh inaasahan mo na libre ‘yong nangyari sa atin.”
Bigla itong tumayo at napangiwi siya nang mahigpit nitong hinawakan ang braso niya. “What exactly your purpose is, Savannah?”
“Tsk! Tsk! Purpose ba? Hindi pala tayo nagkaintindihan eh… I work as a bed warmer for a living. Oh, ayan ha? Para naman hindi masyadong masakit sa tenga… Okay na ba ‘yon?” nakangising biro niya. “So, akin na ang bayad mo para makaalis na ako. Pinagod mo ‘ko nang sobra kaya dapat lakihan mo ang tip, ha?”
Matagal siyang tinitigan nito na tila hindi makapaniwala sa mga sinabi niya but he still got his checkbook and wrote a generous amount pagkatapos ay pinunit ang isang piraso ng tseke.
Napatigil ito sandali bago iabot sa kanya ang hawak na tseke saka muling tumingin sa kanya.
“Anong nangyari diyan?” turo nito sa tiyan niya.
Napalunok siya nang maunawaan kung ano ang tinutukoy nito at sandaling nag-isip saka nagkibit ng balikat.
“Wala ‘to. Normal sa mga inmates ang magbenta ng kidney kesa mamatay sa gutom,” kaswal na sagot niya saka inagaw ang hawak nito.
“Wow! Ang galante mo talaga!” palatak niya habang halos mapunit na ang labi sa lapad ng ngiti saka hinalikan ang hawak na tseke. “Ayos ‘to! Oh, pa’no aalis na ‘ko. Salamat.”
Sinamantala niya ang pagkatulala nito na tila namatanda dahil sa kakaibang kilos at lumalabas sa bibig niya saka mabilis na nilisan ang lugar.