CHAPTER 1

2126 Words
Arianna's POV: Nandito kami ngayon sa cafeteria habang kumakain ay hindi ko parin makalimutan yung paraan ng pag titig saakin ng masama kanina ni Sir Enzo. "Hoy! Arianna, bilisan mo namn ubusin yang pagkain mo malapit ng mag time tapos si Sir Enzo nanaman Professor natin sa Major Subject natin sa kaniya na physics" mabilis na sabi saakin ni sophie kaya naman binilisan ko ng kumain. "Oo nga pala kung sa buong major subjects natin ay siya ang professor natin then paano sa mga ibang sections? Gaya ng sabi ng babae kanina na isang major subject nila ay si Sir Enzo ang teacher nila?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. "Ay oo nga, paano yun? Eh halos lahat naman tayo puro alas tres ng hapon ang uwian? ang gulo naman" nagtatalang tanong rin ni kayla. Napa kibit balikan nalang kami dahil hindi rin namin alam ang sagot. "Hays! buti nalang at hindi natuloy na maging professor natin si Sir Espino" Sa tingin ko hindi na namin dapat isipin pa ang sagot dahil mismong may nag sabi na. Siya rin yung girl na malapit saamin kanina. "Grabe si Sir kanina, ano? Ang sama ng tingin sayo, arian" napatango na lamang ako sa sinabi niya at pilit na ngumiti kaso mas nangingibabaw talaga yung pagka takot ko kanina sa kaniya. "Guys! Chill lang dapat tayo, hindi naman ganon mashadong nakakatakot si Sir Enzo at hayaan niyo na kung palaging high blood yun alam nating lahat na wala yung girlfriend o asawa kayo ayun palaging HB" natatawang sabi ni christian. "O baka naman Gay si Sir Enzo?" "Mag si tigil nga kayo, mamaya may makarinig pa sainyo at isumbong kayo kay Sir Enzo o baka mismong siya pa maka rinig kaya tumahimik kayo" agad na sabi ko sa kanila. "Sus! Eh! totoo naman kasi simula noon at ngayon palaging galit si Sir Enzo. Siya yata ang banta saating mga students niya baka ng dahil sa kaniya ay hindi tayo maka graduate ng college" kabadong sabi kayla. "Kung sa bagay... " "Nako! Agree, isa siyang malaking banta saating lahat. Pero kaya yan, malay niyo nagiging ganon lang si Sir Enzo para mas maipakita natin na deserve talaga nating mag graduate" seryosong sabi naman ni Julian. "Oh! Arianna, natahimik ka na yata jaan?" Pabirong sabi ni christian kaya naman natawa narin ako. "Busog lang ako. Ano? Tara na sa classroom?" Pag aayaya ko sa kanila. Sumang ayon naman sila kaya sabay-sabay na kaming tumayo. "Saglit na muna mag CR na muna tayo, feeling ko mukhang stress na kaagad ako" sophie said nag Oo nalang kami at isa pa na iihi narin ako kaya sumama narin ako sila julian at chris naman hihintayin nalang daw nila kami sa may hagdanan. After naming mag cr ng palabas na kami ng cr ay agad namang nag ring yung bell. Kaya nag madali na kami papunta kanila julian. Baka maabutan pa namin si Sir Enzo. "Dalian niyo baka maabutan tayo ni Sir Enzo" nag papanic na sabi ni kayla. Nang makarating kami sa pwesto nila julian ay hingal-hingal kami medyo malayo rin kasi yung CR dito sa hagdanan dahil narin sa malaki etong building. "Oh! Bat ang tagal niyo?" nagtatakang tanong ni Chris saamin. "Basta, halina na kayo baka mamaya makasabayan natin si Sir Enzo, lagot tayo pag ganon" mabilis na sabi ni sophie. Halos kami nalang ang mga estudyante ang nandito pa sa staircase at take note ako pa ang pina huli nila. "Ehem!!!" Kaya naman agad ako napa tingin sa likuran ko at sa sobrang gulat ko ay muntik na akong ma out of balance kasi si Sir Enzo ay nasa likuran ko lamang "Sir...." "Hi! Sir hehehe" "Bakit wala pa kayo sa classroom niyo?" Seryosong tanong niya saamin. "Kasi ano sir, hinintay pa namin sila arianna dahil nag CR pa po sila kanina sakto namang nag ring narin po yung bell" malinaw na pag papaliwag ni Julian kay Sir. "Tara na, dalian niyo ah! takbo kaagad tayo para mas mauna tayo kay sir" "Tsk!!!"rinig kung sabi ni Sir. At ayun nga sabay-sabay silang tumakbo pataas at nag paalam pa sila kay sir habang tumatakbo pataas. Gusto ko nga rin sana humabol kaso mashado silang mabilis at mag ka sabay na kami ni Sir Enzo na tumataas ng hagdanan. Yes, mashadong awkward to be honest. Lalo na at may phobia at pagka trauma pa ako kay Sir Enzo. Isama niyo narin yung nangyari kanina, sa nangyari kanina sinong hindi matatakot? Halos maiyak na nga rin ako dahil sa takot sa kaniya kanina. Nilingon ko siya kaunti at nakita ko na hawak niya ang laptop niya ang iilan sa mga gamit niya. "Ms. Suarez" bakit nanaman ba sir? "Hmmm! Bakit po Sir?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. Napahinto eto sa pag lalakad, pataas ng hagdanan at tumingin saakin ng napaka seryoso. "Sa susunod sabihin mo sa mga kaibigan mo na huwag silang bastos minsan. Bigla-bigla na lang sila tatakbo knowing na nasa likuran lamang nila ako, naiintindihan mo?" Gusto ko sana sabihin kay Sir Enzo na dapat sakanila nalang mismo niya sabihin kaso wag nalang baka mas magalit pa ang dragon. "Opo, Sir" saka patuloy na kaming umakyat hanggang sa makarating kami sa classroom. Mabilis akong umupo sa dating upuan ko. Dahil si Angelo ay bumalik narin sa dating puwesto niya. "Mr. Hidalgo and Ms. Suazer hindi bat sinabi ko na kanina na mag palitan kayo ng puwesto?" Sigaw niya at halos nag echo na ang boses niya dahil sa malakas na sigaw niya. Kaya naman agad kinuha ni Angelo ang mga gamit niya at mabilis na nakipag palitan saakin. Ngayon nasa harapan nanaman ako. Ang kinakatakot ko lamang pag nasa harapan ako ay baka kasi pag nakita ako ni Sir baka ako ang una niyang tawagin tulad ng dati. Halos nasa likuran na nga lang ako at pilit na nag tatago sa kaklase ko pero nahuhuli parin niya ako tinanong pa kung tinaguan ba niya ako. "Ms. Suarez and Mr. Hidalgo sa tuwing ako ang professor niyo ay yan lagi ang arrangement niyong dalawa, do you understand?" seryosong sabi ni Sir. "Opo, Sir" mahinang sabi ko pero alam ko namang narinig niya yun. Tinapunan lang niya ang ng seryosong titig saka na siya nag simulang mag discuss about sa mga magiging dicussion namin sa susunod na linggo. Nag toke down notes nalang ako para sure at alam na para ready ako at mag advance reading nalang rin ako para sure na sure talaga. Wala naman sigurong masama doon, diba? Hahaha!!! ––– Katulad ng kanina ay tahimik nanaman ang buong klase. Medyo nakaka boring at nakaka antok ulit pero bawal maka idlip or maka tulog lalong lalo na during time ni Sir Enzo. Katulad kasi noon may kaklase rin kami noon na naka tulog during that time ni Sir Enzo. Nagpaliwanag ang dati naming kaklase kung bakit daw siya naka tulad dahil puyat daw siya at masakit daw ang ulo dahil nag ka yayaan daw sila ng mga barkada niya nag inuman. Flashback: "MR. VALCITA" Nagulat na lamang kami sa biglang pag sigaw ni Sir Enzo habang nag tuturo siya. "GISINGIN NIYO SIYA" galit at malakas na sigaw neto habang matalim ang tingin sa kaklase naming natutulog. Mukhang mahimbing ang tulog niya, napa iling na lamang ako at napatingin kay Sir Enzo na nag lakad papalapit kay Jhonathan yung kaklase naming mahimbing ang tulog ngayon. Sa harapan ko mismo dumaan si Sir kaya naman naamoy ang mabango niyang pabango. Napaka manly ng pabango niya kaya bagay na bagay na maging pabango niya yun. Nakita ko naman na sinusubukang gisingin ng mga ibang kaklase ko na malapit kay Jhonathan, niyuyugyug nila eto sa balikat at tinatapik tapik ang pisngi para magising pero hindi parin eto nagigising. "Sir, ayaw niya talagang magising" sabi ng isa kung kaklase. Habang sinusubukan paring gisingin si nathan. "hala! Sir, baka naman patay na eto. Dati pakiramdaman mo nga kung humiginga pa or mahimbing lang talaga ang tulog?" sabat naman ng isang kaklase ko na lalaki. Nakita ko naman ang pag iling ni Sir Enzo at halatang naiirita narin eto. Nakatingin lang kami sa kaniya at ako naka tingin ako sa panga niya, umiigting eto. Ang hot. "Tumabi kayo" kaya agad naman tumabi ang mga iba naming kaklase na malapit sa puwesto nila. Lumapit kaunti si Sir Enzo kay nathan at sinubukan rin niyang gisingin. Inano pa neto ang pulso niya at sabi naman ni Sir ay buhay pa daw eto. "Mr. Valcita, wake up" Lumipas ang ilang minuto ay hindi na natuloy pa ni Sir ang discussion dahil habang hinihintay naming magising si Jhonathan ay biglang nag bell na ibig sabihin ay tapos na ang time ng mga Professor at new Professor na ang susunod. Napatingin kami sa kaniya ng bigla etong umungol. Not literally na ungol na nasasarapan or kung ano pa man ang naiisip niyo jaan hahahah. "ahhh!!!" Agad etong napa tayo ng wala sa oras at parang nahihilo pa yata... "Hi! Guys wala pa ba si Sir?" Nagtatakang tanong neto, mga iilan sa mga kaklase namin ay itunuro kung saan banda si Sir. Lasing pa yata ang isang toh! Hindi ko alam kung paano pa niya nagawang pumasok. "Lagot na" rinig kung sabi ni sophie. "Sir Enzo..." natulala lamang eto ng makita niya si Sir Enzo na nasa likuran niya. "Bakit ka natutulog sa oras ang klase ko kanina?" Galit na tanong ni Sir sa kaniya pero napa yuko lamang si Jonathan. "Mr. Valcita, I'm talking to you" "Sorry po Sir, hindi na po mauulit" naka yukong sabi parin niya. "LOOK AT ME" "WHAT HAPPENED TO YOU AT BAKIT KA NATULOG SA ORAS NG KLASE KO?" Nakakatakot na tanong ni Sir sa kaniya. Nakita ko rin na naka silip yung susunod na Professor namin at parang tinatanong sa ibang classmate ko kung anong nangyayari. "Nagkayayaan po kasi ng inuman kagabi, Sir kaya hanggang ngayon medyo ramdam ko parin ang hangover ko" mahinang sabi neto. Tinignan ko naman si Sir kung anong reaksyon neto sa sinabi ni Jonathan. Wala siyang expression na pinapakita pero for sure galit eto... "I'M WARNING YOU, MR. VALCITA. DON'T YOU EVER ATTEND SA KLASE KO KUNG MAY HANGOVER KA AT MATUTULOG KA LANG RIN NAMAN PALA AND YOU KNOW NA MAY PASOK KINABUKAS BUT STILL UMINOM KA PARIN. GO TO THE GUIDANCE OFFICE DURING BREAK TIME NIYO" Galit na sabi niya at agad na siyang pumunta sa harapan para ayusin ang mga gamit niya. Nang maayos na niya eto habang palabas siya sa classroom namin may narinig pa kaming huling sinabi niya pero hindi namin mashadong naintindihan. Pero may sinabi talaga si Sir Enzo... End of Flashback So yun nga ang kaganapan noon at pakatapos ng school year nabalitaan nalang namin na umalis na daw siya ng school at sa ibang school nalang siya mag eenroll sa susunod na School Year. "Ms. Suarez" "Arianna tawag ka ni sir" "MS. SUAREZ" "Yes, sir?" napabalik ako sa realidad di ko namalayan na tinatawag na pala ako ni Sir. "Explain the topic in No. 8" seryosong sabi niya habang nakatingin saakin ng matalim. Kaya natakot nanaman ako, kinuha ko ang libro ko. Kahit na natatakot at kinakabahan ako dahil natatakot nanaman ako kay Sir Enzo sinubukan ko parin i-discuss. Recitation daw kasi yun, sayang naman tapos ako pa daw napili ni Sir sa may Index Card. Minsan nakakainis narin yang Index Card na yan. "Are sure about sa mga sinabi mo, Ms. Arianna?" hindi ko alam kung no ang sasabihin ko kung satisfied na ba ako sa sinabi ko or hindi? "Hmmm! Ye-yes, Sir" nauutal na sabi ko. Kinakabahan talaga ako feeling ko kasi mali ang sagot ko? Or tama? Baka tinatakot lang ako ni Sir? Arghhh!!! "Okay, umupo kana" sabi niya at sinunod ko naman eto. "Next is Mr. Julian Alvero. Read and explain about the topic in No. 9" Hindi ko nag rin alam kung bakit nag lesson na agad kami kay sir pero ganyan talaga siya kumbaga sayang ang mga bakanteng oras para sa kaniya kaya eto siya sa harapan naming ng students niya at papa recitation na. ––– "Dismissed" sabi ni Sir at inaayos na niya ang nga gamit niya. Hays! sa wakas at tapos narin ang klase namin kay Sir at lunch break na. Palabas na si Sir Enzo ng classroom ng wala man lang sinasabi ni goodbye ng saamin. Pero sanay nakami simula palang naman noon ganyan na si Sir. Kaya ako pa i e-expect namin sa kaniya? Bukod sa pagihing masungit, striktong professor at kung ano-ano pa minsan naman may napapaiyak siyang mga estudyante dahil sa pagpapahiya niya sa kanila. Inayos ko na ang nga gamit ko at ganon din ang mga iba kung kaklase. Halos nag uunahan narin yung iba na maka labas ng classroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD