PROLOGUE
Andito ako ngayon sa harapan ng school namin. Pinag iisipan ko pa nga kung papasok ba ako or hindi. Kasi hindi ako mapakali. Para bang hindi ko gugustuhan yung mga magaganap ngayon.
Basta kinakabahan ako. Tinignan ko ang mga ibang estudyante na pumapasok na kasama ang mga kaibigan nila. Sa mga kaibigan ko naman hindi ko alam kung mag kaklase pa ba kami or hindi. Sana nga at classmate ko ulit sila.
Nagulat naman ng biglang may tumawag sa pangalan ko, kaya 'agad ko itong tinignan.
Natuwa naman ako ng makita ko sila kayla at leah na sabay na pumunta sa kinatatayuan ko.
"Arianna, my ghad! Buti naman at nakita ka namin" masayang sabi niya at saka niya ako inakbayan.
"Si sophie? hindi niyo ba siya kasama?" nagtatakang tanong ko sa kanila. Nakita ko naman ang pag iling ni leah.
"Di namin alam, for sure late nanaman ang bruha na 'yon. Kilala mo naman 'yon, palaging late. Wala rin lang naman pinagbago." tumawa namin kami dahil sa sinabi niya.
Siguro nga, ganon naman si sophie palaging late. Kaya laging napapatawag sa guidance dahil lagi itong late. Minsan nga maka-lipas pa ang isa or dalawang subject saka lang ito makaka rating dito sa school.
"Tara, pasok na tayo. Tignan natin kung magkakaklase parin ba tayo" sabi namn ni kayla at hinila na kaming dalawa ni leah papasok ng school. Sa ngayon ay kahit papaano ay nawala 'yong kaba ko.
Kaagad naman naming pinuntahan iyong bulletin board kung saan makikita namin kung anong section, adviser at mga pangalan ng classmates namin.
Maraming mga studyante ang nagsisiksikan para lang mahanap mga pangalan nila. Kaya naman nag hintay pa kami ng ilang minutes para iwas sa siksikan at isa pa medyo mainit rin baka may mahimatay pa.
Nang wala na ang nga ibang students ay agad na naming hinanap ang mga pangalan namin. una naming tinignan yung Section A
"WAHHHH, ARIAN! LEAH! magkakaklase ulit tayo mga sis..." masayabg banggit ni kayla habang may patalon talon pa kaya naman ang mga ibang students ay natatawang naka-tingin sa puwesto namin. Medyo nahiya ako sa part na naka-tingin sila saamin.
Agad ko naman itong tinignan para sure, diba? Malay mo nag jo-joke lang siya.
Nang tignan ko ito at hinanap ang surname ko, totoo nga halos lahat kaming mag kakaibigan mag kaklase ulit. Kung swineswerte ka nga naman.
"Uy! Andito lang pala kayo--- " hindi na natuloy ang sasabihin ni christian ng biglang mag salita si Julian.
"Kanina pa namin kayo hinahanap, nandito lang pala kayo...Oh! asan si sophie bat hindi niyo kasama?" Talang tanong ni Julian saamin.
"Sus! Masanay ka nga alam mo naman simula palang noong elementary tayo ay palagi naman yung late. Kaya wag ka ng mag taka jaan hahahaha" pabirong wika ni christian na ikina tawa narin namin.
"Kanina pa kaming dalawa nandito, mag kaklase nanaman tayo." tuwang sabi ni christian at tumango lamang ako.
"Saglit! sino nga pala professor natin?" yan nanaman bigla tuloy akong kinabahan.
Sino nga ba?
"I don't know, dati-dati kasi kasabay na jaan sa mga pangalan natin kung sino ang professor natin. Ngayon wala na?" Naguguluhang banggit naman ni kayla.
"Baka naman surprise?"
"Siguro?"
"Alam niyo na ba yung balita na si Sir Enzo ay nailipat nanaman daw siya sa pag tuturo kung saan last year na natin ngayon sa college? Di ako sure kung totoo yun or fake news..." sabi naman ni christian.
Dahil sa sinabi niya mas lalo akong kinabahan. Kaya ba ganito pakiramdam ko kanina? Si Professor Espino ang pinaka kinatatakutan ng lahat. Dahil nga sa napaka strict, seryoso, masungit at idagdag mo pa ang mala lucifer niyang ugali.
"Eh! Napapansin niyo ba simula noong Senior High tayo hanggang ngayong patapos na tayo sa college parang naka-sunod siya sa ating naging students niya noon? Napansin ko lang or baka sadyang napapalipat lang talaga siya dahil sa pagiging matalino at strikto niya sa mga nakaraang students niya?" Curious na sabi ni kayla.
Yes, may point siya sa sinabi niya. Pero siguro dahil narin siguro sa pagiging magaling niyang professor ay talagang napupunta siya sa pinaka mataas na rangko. Baka siguro itinetest niya lang kami kung deserve ba talaga naming maka-graduate? Well everyone deserve na maka-graduate. Dahil hindi naman ganon kadali na mag-aral lahat naman kami nagsisiskap na makapag tapos ng pag-aaral.
"Ayan na, makikita na natin kung sino ang professor natin."
Rinig kung sabi ng isang babaeng medyo malapit siya saamin kaya naman napa tingin kami sa tinuturo niya.
"Tara, tara! Tignan na natin kung sino yung Prof. natin" nagmamadaling sabi ni kayla. Kaya agad narin kaming sumunod sa kaniya.
Agad namin hinanap ang section namin para malaman kung sino yung professor namin and to my surprise...
Civil Engineering Fourth (Final) Year Professor
— Prof. Enzo Luiz Espino —
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Bigla nalang bumilis yung pag t***k ng puso dahil sa kaba at takot. Naging phobia ko na nga yata siya at hindi lang yun halos nag ka trauma na nga rin ako sa kaniya.
Natatakot ako, dahil nakakatakot nga naman talaga siya. Ni sino mang tao dito sa school ay natatakot sa kaniya. Halos wala rin siyang kinikilalang kakampi dito sa school. Kapwa guro o estudyante niya ay kinakalaban niya.
"Gosh! Professor natin si Sir Enzo" leah, said.
"Yes, buti nalang hindi natin Professor si Sir Enzo"
"Kaya nga, nakakatakot si Sir"
"Kaso nga lang sa isang major subject natin ay professor naman natin siya. Pero okay na yun, isang oras lang naman"
"Ay sus! Nag taka ka pa? Alam naman nating lahat na Professor siya sa Mathematics...kinakabahan na tuloy ako ngayon palang"
Dahil sa mga sinabi nila ay hindi ko tuloy maiwasang mapa sabi nalang sa isipan ko na ang swerte nila at hindi nila professor si Sir Enzo maliban nalang sa isang major subject nila.
"Tara na, baka mamaya ma late pa tayo. Tapos baka pagalitan tayo ni Prof. Espino at naka sabayan natin siya" nagmamadaling sabi ni leah.
"Oo nga, tara na dali. Baka maunahan pa niya tayo tapos first day palang baka sermon na agad matanggap nating lahat" pag sasang ayon na sabi ni christian sa sinabi ni leah.
"Kaso paano si Sophie?" Nag aalalang sabi ko sa kanila.
"Wag kayong mag alala na text ko narin naman na siya ang sabi niya malapit na daw siya dito sa school nasabi ko narin na mag kaklase tayong lahat at kung anong room at section natin at kung sino ang professor natin. Ang sabi niya antayin nalang daw natin siya sa classroom" agad na sabi ni kayla, kaya naman medyo nakalma narin ako. Baka kasi pag nalate yun at naabutan ni sir Enzo baka mapa guidance nanaman yun.
"Tara na, punta na tayo sa classroom" mabilis na sabi ni julian at nauna ng nag lakad. Sinundan nalang namin siya. Tatlong building pa ang dinaanan namin bago kami maka rating sa main building ng mga Engineering.
Umakyat kami sa hagdanan. Medyo nakakapagod dahil 6th floor etong building at ang floor naman ng classroom namin is sa 4th floor pa. Bakit ba kasi di palang nila pinalagyan ng elevator para mas mabilis.
"Dali na!!! Dalian niyo baka meron na si Sir. Lagi pa man ding HB yun" nagmamadaling sabi ni julian habang mabilis sa umaakyat.
"Oy! Sandali lang naman" sabi ni leah at humabol rin. Kami naman ni Kayla ay maayos parin kaming umaakyat. Narinig naman namin ang mga boses nila sa 4th floor hudyat na nandoon na nga sila sa taas.
"Ang tagal niyo namang umakyat" iritang sabi ni chris.
"Baklang toh! Ikaw kaya umakyat sa hagdan na naka heels?" Pag tataray na sabi neto sa kaniya.
"Eh! Bakit ka ba naman kasi nag heels pa? Kahit mag takong ka pandak ka parin" natatawang sabi neto kay kayla.
"Iniinsulto mo ba ako?" Taas kilay na sabi neto sa kaniya kaya naman napa iling na lamang ako sa kanilang dalawa.
"Hindi po,boss HAHAHAHA"
Agad naman na kaming pumasok sa room at magkakatabi kaming lahat. Nasa pangalawang line kami sa harap na umupo. Halos lahat ay naka one seat apart ang mga upuan. Ang mga iilan sa clasamate namin ay wala pa. Nag reserved narin kami ng chair para kay sophie.
Napa tingin kaming lahat sa pintuan ng mabilis na nag sisitakbuhan ang mga iba naming kaklase papasok ng classroom namin. Agad naman umupo si sophie sa upuan niya na ini reserved namin kanina.
Ang sabi niya paparating na daw si Sir Enzo. Kaya kinabahan at natakot ulit ako. Nag ring na ang bell kaya ibig sabihin mag start na ang klase. Wala pa muna kaming flag ceremony. After 3 days pa bago kami pumunta sa covered court para mag flag ceremony.
Napatahimik ang lahat ng biglang mag open nag open ang pinto. Andito na si Sir. Lahat kami ay tahimik lamang at maayos sa pagkakaupo. Ini ayos ko naman ang damit ko kahit alam ko namang maayos at ini ayos ko ang mga ilang hibla ng buhok ko.
Pumasok ang isang matipunong lalaki na naka two piece suit. Ang kanyang itim na coat naman ay naka sabit sa kanyang kaliwang kamay at sa kabilang kamay naman niya ay hawak rin niya ang mga ibang gamit niya.
Nang mailapag na niya ang mga gamit na hawak niya kanina sa lamesa at isinabit ang kanyang coat sa upuan at agad etong napatingin saamin. Inilibot niya ang kanyang tingin na para bang kinikilala kami isa-isa.
Napahinto ang pa eto ng mag tama ang mata naming dalawa. Agad ako umiwas ng tingin sa kaniya dahil nakaka takot ang tingin niya para talagang demonyo na ano mang oras ay kamatayan ko na ang nag hihintay saakin kapag nakipag titigan pa ako sa kaniya at mahahalata talagang terror etong professor namin dahil sa paraan pa lamang ng pag titig niya.
Sobrang nakakatakot talaga...
"So kayo nanaman palang lahat ang estudyante ko sa huling taon niyo sa kolehiyo?" Sa sinabi niyang yun ay agad ako napatingin sa kaniya. Nakita ko etong patango tango habang inililibot ang paningin saaming students niya.
"I think you don't need to introduce yourself? Dahil for sure kilala niyo na ang isa't isa. And I know na kilala niyo narin naman na ako? Am I right?"
"Yes, sir" sabay-sabay naming sabi.
Natamik ulit eto habang naka tingin saaming lahat. Ako naman ay pinilit kung mag tago sa kaklase ko na nasa harapan ko. Mahirap na baka matawag pa ako.
"YOU"
Nagulat kami sa sobrang lakas ng pagkaka sigaw niya.
Napa angat ako ng tingin sa kaniya at nakita kung may tinuturo eto kaya naman napatingin kami sa tinuturo niya.
"A-ako po si-sir?" narinig kung tanong ni jacob pero bakas sa tonog ng boses niya ang kaba at takot dahil nauutal siya.
"YES" nakakatakot na sabi neto habang deretsyong naka tingin kay Jacob.
"STAND UP, MR. ALCANTARA" kaya alanganin pa siyang tumayo, napatingin naman ako sa mga kamay niya at nangingig eto.
"YANG TATTOO MO SA KAMAY MO" galit na sabi neto napatingin naman ako sa kamay niya ulit at may tattoo nga siya medyo may kalakihan siya.
"ALAM MO BANG BAWAL YAN DITO? Did you read the rules in this school?" Galit at nakakatakot na sabi ni Sir Enzo.
"No, sir. Don't worry sir ipapabura ko po eto" honest na sagot niya pero halatang kinakabahan parin siya.
"Sit down" kaya naman agad naman na siyang umupo. Naawa ako kay Jacob
"Lahat kayo dito ang tingin sa harapan" galit na sigaw neto saamin kaya sumunod nalang kami.
"Psttt!!! Ang aga-aga high blood nanaman si Sir " kaya agad ako napatingin kay sophie dahil sa sinabi niya. Tumango na lamang ako.
"QUIET, MS.GARCIA" pagbabantang sabi neto kay sophie. Kaya napa yuko na lamang siya dahil sa sigaw ni Sir.
–––
Lumipas ang isang oras sa pag di-discuss ni Sir Enzo about sa Major Subjects namin sa kaniya. Ibinigay rin niya ang mga list and schedule namin.
Sa isang araw apat na beses namin siya magiging professor. Sa syllabus na sinabi ni sir ngayong school year.
Sa umaga ay dalawang beses namin siyang ma memeet at ganon rin sa hapon.Kung naguluhan kayo ganito yung schedule namin. Mga apat na major subjects ituturo niya for us parang tulad rin ng dati pero feel ko mas mahirap pa ngayon lalo na at pa graduate na kami. So eto ang schedule namin sa kaniya.
SCHEDULE
1st Major Subject: 8:00 - 10:00 AM
2nd Major Subject:11:00 AM -12 PM
3rd Major Subject: 1:00 - 1:30 PM
4th Major Subject: 2:00 - 3:00 PM
To be exact! Parang buong mag hapon namin siyang mamemeet. Napaka malas nga naman dahil sa lahat ng major subject siya ang professor namin at wala ng iba. Maliban nalng siguro kung absent siya at may mag susubstitute saaming ibang professor.
Nagugutom narin ako. 20 minutes nalang at break time na. Tinignan ko si Sir Enzo at tahimik na naka upo alamang siya sa harapan habang nilalaro ang kanyang ballpen at lumilibot ang tingin niya saamin.
Isa lang masasabi ko, nakapa boring idagdag pa ang sobrang katahimik dito sa room namin. Medyo inaantok narin ako dahil sa sobrang tahimik at isa pa gutom pa ako.
Kaya para hindi ako tuloyang antukin. Ay gaya ni Sir Enzo ay pasimple kung ini libot ang paningin ko sa paligid. Medyo marami rami kami ngayon tulad ng dati.
Ang tagal naman ng oras pag nasa school bakit pag nasa bahay naman ang bilis-bilis ng oras? weird nga talaga as in.
Nagulat ang lahat ng hindi ko sinasadyang masiko ang ballpen ko na nasa lamesa ko na nag cause bg ingay na ikinalingon nila sa pwesto ko. Medyo nahiya ako dahil doon. Napatingin ako kay Sir Enzo at nakita kung naka tingin rin siya saakin. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at agad na pinulot yung ballpen ko na nahulog.
Nang mailagay ko na yung ballpen ko sa loob ng bag ko ay naramdaman ko narin naman na hindi na sila naka tingin saakin.
Pero may nararamdaman parin akong pagka ilang dahil pakiramdam ko naka tingin saakin si Sir Enzo.
Kaya kahit medyo natatakot at kinakabahan rin ako ay tumingin ako sa kaniya and gaya ng sabi ko confirm naka tingin nga siya saakin.
Sa talas ng pag titig niya saakin ay mas nag bigay saakin ng sobrang takot. Ako na nag sasabi nakakatkot ang pag titig niya.
Katapusan ko na ba?
"Ms. Suarez" dahil doon ay napa tingin nanaman ako sa kaniya.
"Ba-bakit p-o Si-sir?" nauutal na tanong ko sa kaniya. Ano nanaman bang ginawa ko?
"Ms. Suarez and Mr. Hidalgo mag palitan kayo ng puwesto" kaya naman napatingin ako kay angelo at nag palitan na nga kami.
Mahirap na baka mas lalo pang magalit si Sir. Mas nadagdagan ang takot ko dahil kaharap ko lamang ang mesa ni Sir. Nakakatakot.
Ilang beses na lamang ako na pa mura sa isipan ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman ko sa kaniya.
Napatingin pa ako kaunti sa kaniya at gusto ko nalang ma abo dahil sa sobrang talas ng titig niya saakin.
SOBRANG NAKAKATAKOT.
Ako nga pala si Arianna Elizabeth Suazer ang course ko ay Civil Engineering pero nag sisisi na yata ako? I'm 22 years old at yung demonyitong professor namin ay siya naman si Sir Enzo Luiz Espino.