"Arianna, halika ka na baka mawalan pa tayo ng pwesto" sabi ni Julian, tumango na lamang ako at lumabas na kami ng classroom.
Naka salubongan pa namin ang iilan sa mga college professor maliban na lamang kay Sir Enzo.
"Good afternoon mga Ma'am and Sir" pabati naming sabi at ganon rin sila. Nagpatuloy na kami sa pag lalakad medyo malayo kasi ang Cafeteria dito sa building ng Engineering sa lawak ba naman netong University na eto lalo na kapag baguhan ka pa lamang for sure maliligaw at maliligaw ka.
Nang makarating na kami sa cafeteria medyo kaunti lang ang mga estudyante kasi kadalasan sa labas kumakain yung mga ibang students kaya naman maraming bakanteng pwedeng pag upuan namin. Pinili namin sa may bandang dulo.
Nag order na sila Julian at Christian ng mga kakainin namin at kaming apat lang na girls ang naiwan. Yung mga Professor na naka salubungan namin ay dito rin pala sila manananghalian.
"Oh! Eto na yung mga pagkain natin" agad na sabi ni Christian hawak nila ang mga pag kain namin.
Nagsimula na kaming kumain at napatingin kami sa may bandang pintuan ng pumasok doon sila ang mga Professor na magkakaibigan.
Sila Sir Raphael, Sir Apollo and Sir Enzo at may kasama rin sila na isang Professor rin na kaibigan narn nila, yata? Di ako sure eh!!!
"Sila Sir Enzo oh! Dito rin pala sila mag lulunch" rinig kung sabi ni Leah.
Ilang minuto lang ang lumipas ay napatingin kami sa gawi nila na papalapit sa pwesto namin. Nag table sila sa kabilang table. Napatingin pa saamin sila pati narin si Sir Enzo agad namin silang binati at binati rin nila kami maliban kay Sir Enzo na parang andami daming problema sa buhay.
Ang sama pa niya maka tingin saamin or saakin? Pag saakin di ko na alam talaga kung bakit mainit ulo ni Sir Enzo saakin. Di pa ba ako nasanay halos kahit naman sino masama parin naman siya kung makatingin eh!
Nagpatuloy nalang kming kumain at sila christian at julian kasama narin si kayla ay medyo maiingay sila kaya sinita pa sila Sir Raphael kanina.
---
Tapos na kaming kumain at nag stay pa kami ng ilang minutes dito sila Sir Enzo naman ay tapos na silang kumain at umalis narin sila pati narin ang mga ibang Professor kanina.
"Tara na" sabi ni sophie at sumang ayon naman kami. Nandito na kami ngayon sa may labas ng Cafeteria.
"Ano may 25 minutes pa tayo saan niyo gusto pumunta?" tanong ni Julian saamin.
"Tara punta muna tayo sa Stationery may bibilhin lang ako" sabi naman ni Leah, sumunod nalang kami sa kaniya. Habang pa punta kami sa Stationery marami kaming nakakasalubongan na mga College Students rin.
Nandito na kami sa Stationery at si leah ay may hinahanap kaming lima naman ay nag tingin-tingin lang at wala rin naman akong bibilhin.
Medyo marami ring tao dito sa loob ng Stationery ng school. Pumunta ako sa mga ballpen at tinignan ko lamang eto hanggang sa nakita ko ang favorite kung ballpen. Parang gusto tuloy bilhin. Maganda kasi yung tinta niya.
Akmang kukunin ko na eto ng may makasabayan ako sa pag kuha nito, kaya pareho kaming nakahawak sa ballpen na yun. Napatingin ako sa taong may hawak rin ng ballpen.
"Sorry---" hindi natuloy ang sinabi ko dahil sa gulat at speechless narin sa taong kaharap ko ngayon walang iba kundi si Sir Enzo.
Anong ginagawa ni Sir Enzo dito?
Malamang bumibili...
"Ah! So-sorry po Sir Enzo, sayo na po yan" nauutal at mahinang sabi ko sakaniya at saka ko binitawan ang pag kakahawak ko sa ballpen.
"No, take this. Kukuha nalang ako ng iba" He said.
"Ah! Nako Sir wag na po, kunin mo na po yan, eto nalang po saakin"kabadong sabi ko saka ako kumuha ng ibang ballpen pero same brand parin.
"Okay, thanks" sabi lang niya at saka siya pumunta na sa counter para mag bayad. Naka sunod lang ang tingin ko kay Sir Enzo habang nag babayad siya. Nakatalikod palang halatang supladong teacher.
"Arianna, halikana mag bayad na tayo" sabi ni Kayla at hinila na ako papuntang counter.
Nasa harap ko si Sir Enzo dahil ako ang pina una nila kayla sa pag pila. Naamoy ko nanaman ang mabangong amoy ni Sir Enzo.
Ang bango-bango talaga ni Sir Enzo. Ano kaya pabango niya? Napaka manly kasi eh! Medyo matapang ang amoy pero okay lang! Mabango parin naman.
Tapos ng mag bayad si Sir at napaharap siya saamin napatingin pa siya sa likuran ko bago mapunta ang tingin niya saakin biglang nag iba itsura niya dahil nagkasalubong ang mga kilay niya.
Problema mo Sir? Masama ang tingin niya. Ano bang problema ni Sir Enzo palagi nalang nag susungit. Nakakainis lang!.
Napa yuko lamang ako at nag bayad na saglit pa akong nalingon kay Sir pero kakalabas lang neto ng Stationery.
Napa isip nalang ako bakit ba kasi palaging bad mood si Sir? Hinintay ko lang makabayad sila Leah dahil lahat kami may binili rin.
"Tara na sa Classroom, si Sir Enzo nanaman Professor natin diba?" Tanong ni Christian.
"Oo, kaya tara na mamaya maabutan nanaman niya tayo" sabi ni Sophie at lumabas na kami sa Stationary para pumunta sa Building naming mga Engineering.
Nasabi ko narin sa kanila yung pinapasabi ni Sir Enzo about sa kanila. Alam niyo na kung ano yun.
Naghintay lang kami ng ilang minuto bago dumating si Sir Enzo.
Nagturo na siya at tahimik lang kami dahil baka mag alburoto nanaman yung dragon, joke –,–
–––
Dalawang oras na ang lumipas at uwian na namin. Alas tres narin.
Ang mga ibang kaklase namin ay nag silabasan na. Excited umuwi.
Sila Julian at Christian ay nauna narin dahil may pupuntahan pa daw sila. Kaya kaming apat nalang nila Leah, Sophie, Kayla at Ako ang naiwan. Nagmadali na kaming lumabas ng classroom.
Nauna akong lumabas nasa likuran ko naman silang tatlo sa di naasahan ay may na bunggo ako, hindi ko alam kung sino pero alam kung lalaki siya.
Napatingin ako sa kaniya at si Sir Enzo nanaman...
"Sorry po, Sir Enzo" I apologized to him. Tumango lamang eto. Medyo masakit rin yun ah!
"Bye po Sir, Uuwi na po kami" Leah's said at tumango ulit si Sir. Seryoso? Di halatang tamad siyang mag salita.
Lalagpasan na sana namin siya ng bigla niyang binanggit ang pangalan ko.
"Arianna"
I looked at him, nagkasalubungan ang mata naming dalawa. Seryoso etong nakatingin saakin.
"Go home, I'll just talk to Ms. Suarez" sabi neto sakanila at tumanggo lamang sila.
"Arianna, mauna na kami. Sige po Sir" yun na lamang ang nasabi nila bago sila umalis. Hindi ko na sila natatanaw pa for sure naka baba na sila.
"Hmm! Sir, ano po yung sasabihin mo po?" Pagbabasag ko sa katahimikan. Hindi siya sumagot ng ilang segundo.
Punasok siya sa classroom namin at sumunod naman ako sa kaniya.
"Umupo ka muna" sabi niya kaya sinunod ko ang sinabi niya. Medyo kinakabahan ako dahil kaming dalawa nanaman ni Sir.
Gustong gusto ko ng umuwi, kaso eto namang si Sir may pag uusapan pa daw...haysss!
Ano ba kasi sasabihin niya?
"Here, sayo ko muna i-aasign ang pag a-attendance. Simula bukas, ilista mo jaan bukas kung sino ang mga present and absent kahit pa mga mag cucutting or half day or sa mga mag aattend ng nga ibang subjects niyo, and Pag uwian na dumaan ka sa faculty at ibigay mo eto saakin. Do you understand?"
"Yes po, Sir" oh! For the first time in my life ngayon ko lang mararanas ang mag ganito.
"You can go home now" he said. Lumabas na ako ng classroom. Uwing uwi na talaga kasi ako. Naramdaman ko namang nakasunod saakin si Sir. Tahimik ang hallway. Tanging kami nalang yata ni Sir Enzo ang natitira dito sa building ng naming mga Engineering. Bumaba na ako at ganon din si Sir.
Nandito na kami sa ground floor at nadaanan ko pa ang Faculty, napasilip ako doon at nakita ko na wala na si Sir Raphael. Baka umuwi na? Ewan!!!
Nakita ko rin naman na pumasok na sa loob si Sir Enzo at pumubta sa pwesto niya.
Naglakad na ako palabas ng school. Nag antay lang ako ng taxi dahil hindi daw ako masusundo ng driver namin, naka leave siya dahil may emergency daw sakanila kaya umuwi muna eto sa probinsya.
Napatingin ako sa relo ko. Makaka uwi naman siguro ako ng maaga.
–––
Alas singko na at kanina pa ako naka tayo sa pinag tatayuan ko kanina pa. Hanggang ngayon hindi parin ako nakaka uwi paano ba naman ang dami kung kaagaw.
Ako naman nauna pero iba ang sumasakay...nakakainis lang at magdadalawang oras na akong nakatayo dito. Nakikipag unahan pa kasi sila.
Dumidilim narin.
Napatingin ako sa sa may gate ng school namin ng narinig ko etong nag bukas. May papalabas. Siguro isa sa mga Professor or College Student?
Yung sasakyan niya halatang mayaman. Kung marunong lang akong mag drive for sure binilhan na ako nila dad at mom ng sasakyan.
Kaso si Mommy mashadong Praning baka daw kasi ma disgrasya ako kaya ayaw niyabg mag drive muna ako hanggat hindi ako nakaka graduate at di nakakapag driving lesson.
Lumabas na ang sasakyan at hindi ko na lamang eto pinansin pa. Dahil busy ako sa pag text kay kuya na sunduin nalang niya ako dahil baka matatagal pa bago ako maka uwi at kakaunti narin ang dumadaan na Taxi.
To Kuya:
Kuya sunduin mo na ako dito sa school. Sakit na ng paa ko, kanina pa ako naka tayo dito. Dalian mo baka nay mga r****t dito kuya. Sayang naman at mawawalan kayo ng magandang kapatid at anak.
Yan nalang naisip ko baka sakaling mag madali si kuya at sunduin na talaga ako. Nakakainis kasi siya.
Napatingin ako sa sasakyan kaninang lumabas galing sa loob ng University.
Nakahinto eto ngayon sa harapan ko. Nagtatakang nakatingin lamang ako doon, mamaya baka kidnapper yan.
Napa atras ako kaunti para ready to takbo na kung kidnapper man yan.
Bumukas ang Pinto at nagulat ako kung sino ang bumaba ng sasakyan. Walang iba kundi si Sir Enzo nanaman.
"Bakit hindi ka pa naka uwi?" Seryosong tanong neto saakin habang naka pamulsa ang dalawa niyang kamay.
"Ah! Wala po kasi akong sundo, at kanina pa po ako nandito pero tinextan ko naman na po si Kuya para mag pa sundo" nahihiyang sabi ko sa kaniya at hindi ako makatingin sa kaniya ng deretsyo.
Tumango lamang siya at nagtataka ako dahil lumipat siya sa kabilang side ng sasakyan niya at binuksan eto.
"Go inside" sabi neto.
"Pero Sir---"
"Don't worry, your brother texted me a while ago na ihatid daw kita sa pag uwi" he said at ipinakita ang text ni Kuya sa kaniya.
Medyo nahiya ako dahil doon, magsasabay kaming umuwi ni Sir? Ihahatid niya ako pauwi? Paano pag nakita siya nila Mom and Dad anong iisipin nila? Hayss bahala na nga.
Sumakay na ako sa Front Passenger Seat at nag seat belt narin ako.
Sumakay narin si Sir at pina andar ang sasakyan niya. Ang bango at lamig ng sasakyan niya. Yung amoy sobrang bango.
Nandito na kami sa may high way pero dahil nga sa mag gagabi na at marami narin nag sisiuwian ay medyo traffic.
Tahimik lang kami ni Sir Enzo, ni isa saamin walang nag sasalita. Wala rin akong balak mag salita dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko.
Napa halpos ako sa dalawang braso ko sa lamig ng aircon. He look at me at saka niya pinahinaan yung Aircon.
"Nilalamig ka pa ba?" He asked, umiling lamang ako biglang sagot saa tanong niya.
Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang umilaw at nag text si Kuya binasa ko eto at ang sabi niya ay nasabi na daw niya kay Sir Enzo na siya nalang mag hatid saakin pauwi.
–––
Mga ilang minuto ang lumipas ng sa wakas ay nandito na kami sa tapat ng bahay namin. Nauna na akong lumabas sa kaniya at saka ko naman pinindot ang doorbell.
Agad nag bukas ang gate, papasok na sana ako pero napalingon ako kay Sir Enzo na nasa likuran ko kanina.
"Hmmm, pasok ka po muna Sir..." nahihiyang sabi ko bago ako tuloyang pumasok sa bahay namin. Naramdaman ko naman sumunod si Sir saakin. Pag ka pasok ko sa loob ng bahay namin ay si Mommy and Daddy ang naabutan namin na nasa living room sila at naka upo.
Mom, notice us kaya agad siyang lumapit saamin ni Sir.
"Salamat sa pag hatid sa kaniya, Enzo" pagpapasalamat ni Mom kay Sir. Ngumiti lamang si Sir Enzo.
"Oh! Andito na pala kayong dalawa" rinig kung sabi ni Kuya habang pababa sa hagdan at hawak pa niya ang phone niya.
"Raphael" sabi ni Sir kay kuya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Kuya kay Sir Enzo. Medyo lunayo ako kaunti sa kanilang dalawa at tumabi kay Daddy.
"Nothing..." Sir Enzo said.
Paalis na sana si Sir Enzo ng yayain siya ni Mom and Dad na dito na daw muna mag Dinner. He said yes at ngayon papunta na kami sa dinning room.
Magkatabi kami ni Sir Enzo ngayon at sila mom and kuya naman ang nagkatabi si daddy naman ay nasa ginta siya.
Kumain na kami at nagkwekwentuhan lang sila. Maliban saamin ni Sir Enzo na tahimik lamang habang kumakain.
"How was your first day of school mo, anak?" kalmadong tanong ni Daddy saakin. Uminom muna ako ng tubig bago siya sagutin.
"Ah! Okay naman po" sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain ko.
"So, Who is your Professor ?" Tanong saakin ni Mommy, eto nanaman. Napa tingin pa ako kay Sir Enzo at napatingin rin siya kay mommy at saakin.
"Siya po, si Sir Enzo po ang Professor namin" I answered in calmly tone.
"Okay! That's nice, kilala naman namin si Enzo so there's nothing to worry about it" sabi ni dad.
"HAHAHAHAHAHA" napatingin kami kay kuya na bigla lamang etong tumawa. Anong nakakatawa?
Nasiraan na ba ang ulo si kuya kaya bigla-bigla nalang tumatawa?
"For sure, pa down ang numero ni Arianna niyan HAHAHAHA" ano daw? Anong sinasabi niya? Baliw na yata talaga si kuya. At take note binanggit pa niya talaga ang pangalan ko ah!
Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni kuya.
"Huh?"
"What do you mean, anak?" Nagtatakang tanong ni mommy kay kuya na katabi lamang niya.
"You know, Enzo is a Strict Professor to his students, lalong lalo na pa graduate na sila sampung buwan lamang at magtatapos na sila kung gragraduate sila" napalaki ang mata ko dahil sa sinabi ni kuya, napangisi lamang si kuya saakin bago tumingin kay Sir Enzo, napa iling na lamang si Sir dahil sa inasal ng kaibigan niya.
"Ano ka ba kuya, nababaliw na ka na ba?" iritang tanong ko sa kaniya na ikinatawa lang niya. Professor ba talaga ang isang 'toh? Inirapan ko lamng siya at mas lalo etong tumawa. Halatang inaasar niya talaga ako. Alam niya kasing si Sir Enzo ang pinaka kakatakutan kung Professor, Only Him.
"Don't mind him, anak and Enzo. Malakas yata ang tama ng kuya mo ngayon kaya ganyan nanaman siya. Sige na kumain na kayo ulit" sabi ni mommy at pinalo si kuya dahil hindi pa tumitigil sa pag tawa.
"f**k that damn bastard"
Napatingin ako kaunti kay Sir dahil parang may sinabi yata siya pero mahina lang kaya hindi ko mashadong marinig. Pero may sinabi talaga siya.
Nagtataka ba kayo? Si Sir Raphael kanina is Kuya ko. Ang full name niya is Raphael Calixto Verandes Suarez. He's 29 years old while me is I'm 22 years old. Sa pagkakaalam ko ay mag ka age lang sila ni Sir Enzo. Pero mas nauna ng ilang buwan si Sir Enzo sa kaniya.
Mag Best friend sila since high school daw, hindi mashadong familliar saakin si Sir Enzo dahil pag pumupunta sila dito sa bahay ay nasa school daw ako pero medyo bata pa ako noon nasa Elemantary palang ako.
Isang beses ko lang nakita si Sir Enzo nung mga nasa High School pa ako noong birthday ni kuya umattend si Sir Enzo.
Noon palang talaga halatang masungit at demonyito na si Sir Enzo dahil palagi siyang naka kunot noo na parang ang daming problema.
Tapos na kaming kumain lahat at ngayon nandito kami sa gate dahil paalis na si Sir Enzo. Hinatid lamang namin siya pero hanggang dito lang. Pumasok na siya sa sasakyan niya at nagbusina eto tandang paalis na siya, kumaway lang sila kuya at mom.
Wala na sa paningin namin ang sasakyan ni Sir Enzo. Pumasok narin sila mommy at daddy at naiwan lang kaming dalawa ni kuya. Madilim na ang langit at kitang kita na ang moon and stars.
"Lil sis, ikaw ah! Ayieeeeeeee" sabi neto at agad tumakbo papasok sa loob ng bahay. Ano bang problema ng isang yun? Bakit ganon umasta si kuya parang timang lang at may pa 'ayie ayie' pang nalalaman. Naasar ako dahil sa huling sinabi niya kanina. Nabaliw na nga talagang tuloyan si Kuya haysss!!!