Chapter 23

1064 Words
Matapos ang tatlong araw na pananatili ko dito, nagkaroon na ng routine ang ginagawa ni Max dito. Nagpaalam siya sa akin na aasikasuhin niya na muli ang mga hospital na hawak niya ngunit hindi siya umalis dito. Dinadala niya sa bahay ang trabaho. Bumili siya ng PC set at ilan pang mga gamit tapos ay may ilang mga tao ang pumupunta dito at nagkakaroon sila ng meeting sa kwarto. Madalas akong maburyo dahil nagkakaroon ng limitasyon ang pag-uusap naming dalawa ni Max. Nakadungaw lang ako sa bintana habang tinititigan ang dagat sa di kalayuan at nakaisip agad ako na puntahan na lamang ito. Agad akong naghanda tapos ay tiningnan ang aking pitaka. Doon ko lang napansin na wala na pala akong sapat na budget dahil paminsan-minsan ay lumalabas-labas ako para bumili ng pagkain na gusto ko. “Max?” marahan akong kumatok sa pinto at binuksan ang ito. Napunta sa akin ang lahat ng atensyon nila nang sumilip ako sa kanila. “Maaari ba kitang sandali?” tanong ko sa kanya at tumango siya tapos ay nagpaalam sa kanyang mga kausap saka lumabas ng kwartong iyon. “Anong problema? Buntis ka na ba?” masayang tanong niya sa akin at agad kong pinalo ang kanyang braso dahil sa biro niyang iyon. Natawa siya sa reaksyon ko tapos ay muling sumeryoso ang kanyang mukha. “Gusto ko sanang lumabas pero…wala na akong pera,” mahina kong sabi sa kanya. Umiling siya tapos ay hinawakan ang aking kamay saka nagtungo sa kwarto kung saan kami madalas natutulog. Pagpasok ay agad niyang kinuha ang kanyang wallet tapos ay binigay sa akin ang isang debit card at ilang perang papel. “Bakit ngayon ka lang lumapit sa akin tungkol sa pera?” naiilang niyang sinabi at agad na rin siyang lumabas. Hindi na ako sumagot habang sumusunod sa kanya. Hindi naman din kasi ako sanay na humihingi ng pera sa kanya at mas gusto kong mag-trabaho para magkaroon ako ng sarili kong pera. Huminto siya at tumingin sa akin saka nilahad ang kanyang kamay. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ng ginawa niyang iyon kaya natagalan bago ko makuha. Binuksan niya ang purse na dala ko tapos ay kinuha ang aking cellphone saka nagsimula siyang galawin ito. Umismid siya saka hinarap sa akin ang screen nito at tumambad sa akin ang password na mali ang entry. Nilagay ko ang kailangan ng aking cellphone at nagsimula na si Max na kalkalin ito. Natagalan bago niya ibalik sa akin ang cellphone ko. Siya na rin ang naglagay ng pera at card sa purse ko tapos ay dinampian ng halik ang noo at labi ko hanggang sa mapunta ang labi niya sa aking leeg. Naramdaman ko na lang na sinisipsip niya ito kaya agad ko siyang nilayo sa akin. “Ano bang ginagawa mo!” iritable kong sagot at kinuha ko muli ang cellphone ko saka ko tinapat sa aking leeg. Kitang-kita ko na ang pulang marka doon at talagang sinamaan ko ng tingin si Max. Tawang-tawa na siya ng sandaling iyon na parang isang bata na gumawa ng kalokohan. “Dapat lang iyan para magkaroon ka ng marka. Wala ng lalapit sayo dahil may ganyan ka sa leeg!” sabi niya sa akin. Agad ko siyang tinulak at tinalikuran tapos ay bumalik sa kwarto namin. Naghanap ako ng kahit anong pwedeng ipangtakip sa leeg ko ngunit puro damit at pantalon lang naman ang mayroon ako. Naisip kong nasa isang isla naman ako kaya maraming nagtitinda ng scarf or shawl dito. Nakatayo lang siya sa tapat ng pinto at pinagmamasdan ako. Nang naisip kong umalis ay agad ko siyang tinulak saka diretso ng lumabas ng bahay. “Mag-iingat ka!” narinig kong sabi sa akin ni Max matapos kong lumabas ng bahay. Hindi ko alam ang tamang daan kung papaano pumunta sa dagat pero sinundan ko na lang ang mga buhangin sa lupa. Agad akong naghanap ng tindahan para may mabilhan ng pwedeng ipangtakip sa aking leeg at nagsimula na akong maglakad papunta sa tabing-dagat. Bumili na rin ako ng ilang pagkain at inumin saka sunblock. Pagkarating ko sa tabing-dagat, walang masyadong tao doon. Nagkalat rin ang mga tuyong dahon sa paligid at may ilang mga lumot rin sa dagat. Iilan lang ang mga tao doon dahil hindi naman kilala ang islang ito, bukod pa doon, pribado ito ayon kay Max. May iilang mga mangingisda ang dumadaong sa tabing-dagat ngunit hindi naman nila ako pinapansin habang nakaupo lang sa sapin na binili ko at naglalagay ng sunblock sa aking katawan. Kahit na madumi ang dagat dahil sa lumot, asul pa rin ito at malinaw na kitang-kita ang maliliit na isda. “Ineng, bago ka lang ba dito?” nagulat akong tanong ng isang matandang lalaki sa akin at may suot siyang sumbrelo na para sa mangingisda. Nakayuko na ito dahil sa katandaan at masusi akong tinititigan. Tumikhim ako bago sumagot sa matanda. “Ah. Opo Lolo, bakit niyo po natanong?” sagot ko sa kanya at ngumiti siya sa akin. Lumabas ang kanyang biloy at sumingkit ang kanyang mga mata. Marahil ay pilit niya akong tinitingnan. Napansin kong nalipat ang kanyang tingin sad ala kong tubig. “Gano’n ba? Saan ka nananatili dito?” tanong niya muli sa akin at hindi ko magawang sagutin iyon dahil hindi nasabi sa akin ni Max ang detalye sa kung saan nakatayo ang tirahan niya. “Ah, hindi ko po alam. Pero kung kilala niyo po si Max, kasama niya po ako,” sagot ko sa kanya at tumango siya matapos kong sabihin iyon. Hindi nawala ang titig niya sa supot ng pagkain na dala ko kaya kahit hindi pa man siya nagsasalita ay kinuha ko ang isang bote ng tubig tapos ilang mga tinapay saka inialok iyon sa kanya. “Gusto niyo po ba?” tanong ko sa kanya at walang pagdadalawang-isip niyang kinuha iyon saka mabilis niyang kinain at ininom ang tinapay. Natawa na lang ako ng ibalik niya sa akin ang kalat ng kanyang pinagkainan tapos ay umayos ng pagkakatayo sa tabi ko saka tinitigan ang dagat. “Dito na ako lumaki sa islang ito at nakita ko na ang lahat ng tao. Kung papaano sila lumaki at ilan na rin ang nasaksihan kong lamay ng aking mga kaibigan. Kung talagang si Max ang kasama mo, ang mapapayo ko lang ay layuan mo ang binatang iyon,” garalgal niyang sabi sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD