Chapter 24

1063 Words
“Bakit niyo naman po nasabi iyan?” walang muang kong tanong sa matanda ngunit hindi na siya kumibo pa. Naghintay pa ako ng ilang minuto sa kanyang sagot ngunit unti-unti na siyang umalis at sinundan ko na lang siya ng tingin. Nanatili akong nakatingin sa dagat hanggang sa makita ko ang ilang mga bisita ni Max na naglalakad na papunta sa tabi ng dagat. Kasama nila si Max at hinahatid sila sa isang bangka. “Eva!” sigaw ni Max nang makita niyang nakaupo ako sa isang puno at pinagmamasdan lang rin sila. Kumaway ako sa kanya at nakita kong papalapit na siya sa akin. Nilahad niya ang kanyang kamay para tuluyan akong tumayo at agad niyang pinagpagan ang aking pantalon at kinuha ang sapin na inuupuan ko. “Buti at sinunod mo ko na hindi mo pinatay ang location ng cellphone mo. Samahan mo ko at kakain tayo,” sabi niya sa akin at inakbayan ako. Naramdaman kong inaalis niya ang scarf na binili ko ngunit agad kong pinigilan ang kanyang kamay sa gusto niyang gawin. Inirapan ko siya dahil halakhak ang sagot niya sa akin. Agad siyang pumara ng tricycle at muling nagpahatid sa food center na kinainan namin noong nakaraan. “Kamusta ka naman sa pagtitig mo sa dagat?” tanong niya habang nasa loob kami. Magkasalop ang aming mga kamay na parang isang opisyal na magkasintahan. “May nakausap akong matanda,” sabi ko sa kanya at napansin ko ang pagtataka sa kanyang mukha. Iniisip ko kung baka pati ang matanda ay pagselosan niya pa dahil lang sa nabanggit ko ito. “Sinong matanda?” tanong niya sa akin at agad akong umayos ng pagkakaupo. “Hindi ko nakuha ang pangalan niya pero ang sabi niya ay dito siya lumaki. Kilala niya nga ang iyong ama,” sagot ko sa kanya at doon ko napansin ang pagbabago ng kanyang mukha. Dumilim ang kanyang awra pagkabanggit ko ng tungkol sa kanyang ama. Agad kong naisip na huwag na banggitin pa ang sinabi sa akin ng mata at gumawa na lang ng kwento tungkol sa pinag-usapan namin ng matandang iyon. “May sinabi ba siya tungkol sa ama ko?” tanong niya at umiling ako. Alam kong hindi pa rin kampante si Max sa nalaman niya pero wala siyang makukuha sa aking kahit ano dahil sa napansin kong nagbago ang kanyang reaksyon. “Mabuti kung gano’n…hindi kasi nila gusto ang ugali ng aking ama,” bulong niya sa akin at mas lalo akong naging interesado sa kung ano ang mayroon sa kanyang ama ngunit huminto na ang sinasakyan namin. Dumiretso na kami sa loob ng food center pero ibang restaurant naman ngayon ang pinuntahan namin. Isang typical na burger restaurant lang ito pero pagpasok, agad kong naamoy ang halimuyak ng baka na iniihaw ng sandaling iyon. Kaunting pagpasok pa ay nakarating na kami sa mismong lugar kung saan nakapwesto ang mga kumakain at napakaraming tao sa lugar na iyon. “Good afternoon, Max! Dito na kayo sa pina-reserve mong VIP room.” Nilagpasan na namin ang madaming tao matapos kaming batiin ng isang lalaki. May binuksan siyang isang kwarto sa restaurant na iyon at labis akong namangha sa itsura nito na galaxy ang tema. May sampung lamesa doon at masasabi kong mayayaman talaga ang kumakain sa loob nito. May ilan kasing mga babae na may dalang mamahaling bag at ang porma naman ng mga lalaki ay naka-amerikano na kagaya ng kasama ni Kristina. Nakaramdam ako ng hiya dahil sa suot ko ng sandaling iyon pero dinala ako ni Max at hindi niya pinaramdaman sa akin na wala ako sa lugar ng mayayaman at pantay-pantay kaming lahat ng kumakain dito. Si Max na ang ang desisyon kung ano ang pagkain namin at nang dumating, labis akong nagulat sa dami ng pagkain na inihain sa aming harapan. Limang piraso ng burger at triple patty pa ang mga ito tapos ay may dalawang plato ng French fries. Talagang lolobo ako sa ginagawa ni Max. May iniabot na gloves sa amin ang waiter at agad kong sinuot iyon. Batid kong kailangan talagang kamayin ang pagkain na ito. Hindi magkasya sa aking bibig ang isang burger kaya naman naisip kong hiwain na lang ito at unti-unting kainin. Nang nasa kalahati na ako, nagulat ako ng matapos kong isubo ang isang hiwa ng burger ay pinunasan ni Max ang gilid ng labi ko. “Akon a,” saway ko sa kanya pero hindi siya natigil at parang walang ibang tao sa paligid namin. Iniiwas ko na lang ang aking mukha sa kanyang ginagawa at nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko. Nang makatapos ako ng isang burger, napansin kong iniaabot ni Max ang ilang piraso ng French fries sa akin na parang gusto niyang kainin ko iyon. “Max, hindi naman na ako bata para subuan mo ako,” bulong ko sa kanya pero hindi niya pa rin binaba ang kanyang kamay. Pakiramdam ko ay hindi siya matitigil hangga’t hindi ko ginagawa ang gusto niya kaya naman kahit napilitan ako, kinagat ko ang fries at mabigat sa pakiramdam kong kinain iyon. Kumuha na muli ako ng burger at inumpisahan kong kainin iyon. Naglagay naman ng ilang piraso ng fries sa plato ko si Max. “Last burger mo na iyan, ayokong tumaba ka,” bulong niya sa akin at tumango ako. Mabigat sa tiyan ang pagkain na iyon Ngunit masasabi kong sobrang sarap at malnamnam ang karne ng burger dahil fresh ito at lutong-luto talaga ang karne. “Ang sarap ng burger na ito. Marami pa bang ibang restaurant ang masasarap ang inihahain dito?” tanong ko sa kanya at tumango siya. “Oo, sinisiguro ko kasi na bawat restaurant na tatayo dito ay masasarap at may kalidad talaga,” sagot niya sa akin. Hindi ko namalayan na dalawang burger na pala ang nakakain niya at halatang gutom na talaga siya ng sandaling iyon. “Bakit ikaw ang kailangan tumingin ng pagkain sa restaurant na ito? Ikaw ba ang may-ari?” walang muang kong tanong at tumango naman siya. Hindi naman na mapagkakailang siya ang nagmamay-ari ng ilan sa establisimentong nandito sa lugar na ito. Kung ang kabilang isla nga ay pamilya niya ang may-ari, papaano pa ang ibang isla na malapit dito? Tanong ko sa aking sarili ngunit kinimkim ko na lang ang ideya na iyon at nilasap ang pagkain na nakahain sa aking harapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD