Chapter 29

1052 Words

“Hindi ako nababaliw! Hindi pa tamang oras para malaman mo ang lahat, Eva!” sagot niya pero hindi ako nakinig at sinimulan ko ng kunin ang mga gamit ko dahil naisip kong umalis na sa kanyang puder. Ayokong may kasamang isang baliw. “Itigil mo iyan!” sigaw niya sa akin at hinawakan ang aking braso. Mahigpit na naman ito pero nagawa kong umiwas sa kanya. Hinampas ko sa kanya ang bag na hawak ko matapos kong makakawala sa kapit niya. “Huwag mo kong hahawakan! Baliw! Kung ano-ano ang mga lumalabas sa bibig mo!” sigaw ko ulit sa kanya at patuloy ako sa aking ginagawa. Iniwanan ko ang mga damit na binigay niya sa akin at ang sariling gamit ko lang ang dinala ko. Hindi ko kailangan ang mga iyan lalo na at kay Max galing. “Eva! Makinig ka naman sa akin!” sigaw niya. Hinarang niya ang kanyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD