Sa Maynila nagpunta si Max sa isang kilala subdivision. Hindi ko magawang makalapit sa kanila dahil baka matakot ang aking mga anak. Hindi rin ako sigurado kung nagawa ba akong ipakilala ni Max sa kanila kahit sa litrato lang. Nagawa kong makapasok sa subdivision na iyon at naisip kong mamasukan bilang isang katulong. Ilanga araw pa lang ako sa tinutuluyan ko at nakapalagayan ko na ng loob ang aking mga amo. Kasundo ko rin ang kanilang nag-iisang anak na lalaki. Mas matanda ito ng ilang taon sa mga anak ko pero pinaparamdam ko sa kanya na parang sarili ko siyang anak. Nasa Park ako ngayon at binabantayan ang alaga ko. Pinili kong manatili sa lugar kung saan tanaw ko ang tahanan nila Max. Palihim akong umiwas sa kanya dahil hindi pa ako handa na muli siyang makita. Naiintindihan ko na n