Chapter 33

1054 Words
“Sandali!” mahina kong pagsaway sa ginagawa namin ni Max. Hindi ko na binigyan pa ng atensyon ang pagtataka sa kanyang mukha at agad akong humiwalay sa kanya ng ilang espasyo lamang. “Sorry. Masyado ba akong mabilis?” mahina niyang tanong sa akin at tumango naman ako. Nakaramdam ako ng hiya dahil ako ang nanguna sa paglalabas ng emosyon pero siya pa rin ang humingi sa akin ng pasensya. “Ako ang dapat humingi ng tawad sayo. Hindi pa kaya ng isip ko ang bagay na ito pero ang katawan ko, alam kong sanay na sanay sa presensya mo,” sagot ko sa kanya at natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa muli kong narinig ang paghilik ni Max. Siguro ay iyon na ang hudyat para makatulog na rin ako. Hindi ko pa rin magawang isipin kung sino nga ba talaga ang lalaking nasa tabi ko at kung papaano ako humantong sa ganitong kalagayan. Hindi naman pinagkakait ni Max sa akin ang mga kasagutan pero alam kong may kulang pa rin sa mga bagay na ito. “Matulog ka na at maaga pa tayo bukas,” bulong ni Max sa akin na siyang kinagulat ko. Hindi naman ako umalma dahil nakaramdam na rin ako ng labis na pagod. “GOOD morning,” bati sa akin ni Max at hinalikan ako sa pisngi na siyang kinagulat ko at tinulak ko siya ng malakas. Hindi naman siyang umalma sa akin pero agad akong nakaramdam ng hiya dahil sa nangyari. “I’m sorry. Nagulat kasi ako,” mahina kong sabi sa kanya at hinawakan siya sa kanyang kamay. Hindi naman niya iniwas sa akin iyon at parang sanay na siya sa ganitong eksena tuwing umaga. “Ilang beses na ba nangyari sa akin na nakalimutan kita, Max?” tanong ko sa kanya at bigla siyang tumayo saka may kinuha sa pinakailalim ng tokador ng cabinet. Lumapit siya sa akin at pinakita ang ilang mga litrato. “Tingnan mo dito,” sagot niya sa akin at saka ko binuksan ang folder na binigay niya. Unang pahina pa lang ng mga dokumentong iyon ay naluha na ako. Litrato ko iyon na punong-puno ng sugat at pasa sa aking katawan habang may tubo at ilang aparato pa ang nakakabit sa aking katawan. Nanglabo na ang mata ko dahil sa nakita kong iyon at agad kong pinunasan ang aking mga mata para iwasan ang luhang nagbabadyang tumulo sa aking mukha. “Kailan nangyari to?” tanong ko sa kanya pero hindi niya na ako sinagot. Tinulungan niya lang rin ako para punasan ang mga luha ko. “Hindi ko gustong buksan ang usapin na ito dahil alam kong masasaktan ka. Kung kailangan kong kayanin na biglang mawawala ang ala-ala mo tungkol sa akin, gagawin ko. Ayokong nakikitang nasasaktan ka ulit,” sagot niya sa akin at tumayo na kami. Hinila niya ako at alam kong gusto niyang mag-asikaso na kami para puntahan ang trabaho na sinasabi niyang iniwan ko. Kusa na akong kumilos at hindi na naghintay pang utusan ako ni Max. Paglabas naming ng kwarto at nagtungo sa kusina, nakahanda na ang pagkain namin. “Pilitin mong huwag isipin ang nakita mo kanina para hindi ito makagulo sa unang araw mo sa trabaho,” bilin sa akin ni Max habang nasa hapagkainan na kami. Tumango naman ako sa sinabi niyang iyon dahil sa iyon ang tamang gawin. Pagdating namin sa Center, agad siyang binati ng mga empleyado doon. Nanatili lang ako sa kanyang tabi habang kinakausap niya ang isang babae na parang head ng center na ito. May iniabot itong mga papel kay Max tapos ay hinawakan na ang aking kamay. “Magandang umaga sa inyong lahat. Pasensya na kung ngayon pa lang makakapagsimula sa trabaho ang asawa ko. Hindi naman lingid sa inyo ang lahat ng nangyari. Gusto ko sanang hilingin sa inyo na huwag nap ag-usapan ang nakaraan para maiwasan ang pagkakaroon ng sagabal sa inyong trabaho. Malinaw ba?” matigas na tanong ni Max sa kanila at sabay-sabay sumagot ang mga ito. Matagal na pala akong hinihintay ng mga ito at marahil, alam na nila ang aking pangalan dahil hindi na ako pinakilala pa sa kanila ni Max. Matapos ang pagbibigay niya ng utos sa kanila ay hinila na ako ni Max papunta sa isang kwarto. Nang buksan ni Max ang kwarto, nagulat ako sa disenyo nito. May malaking larawan namin ang naka-display sa likod ng isang lamesa. Kumpleto na rin ang gamit sa loob ng opisina na iyon. May coffeemaker, maliit na ref, aircon at pc set. “Sobra naman yata ang gamit na nandito, para sa isang maliit na center?” tanong ko kay Max pero umiling lang siya sa akin. “Hindi sobra ang bagay na ito. Alam mo naman na ayokong nakikisalamuha ka sa ibang tao dahil delikado diba? Ang tungkol sa pagkain mo, maaari kang magluto dito, hindi ka maaaring lumabas pero kailangan mong magtrabaho dahil iyon ang hiniling mo sa akin bago ka mawalan ulit ng ala-ala,” sabi niya sa akin at tumango na lang ako. Binuksan ko ang ref at nakitang punong-puno iyon ng pagkain. May maliit na ring kalan sa isang tabi na hindi mapapansin agad. “Papaano ako tatanggap ng pasyente?” tanong ko sa kanya at umiling siya. “Hindi mo naiintindihan? Hindi ka lalabas dito. Ang gagawin mo, ikaw ang hahawak sa inventory ng gamot. Ikaw ang mag-aasikaso ng mga detalye ng pasyente. Yun lang ang gagawin mo at wala ng iba, malinaw?” iritable at sarkastiko niyang tanong sa akin. Hindi na ako nangulit pa at tumango na lang saka umupo sa aking pwesto. Binuksan ko na ang computer at tumingin sa kanya. “Sir, ano ang uumpisahan ko?” natatawa kong tanong sa kanya at nilapag niya ang mga paperworks na inumpisahan ko kagabi. “Kailangan mong mag-input ng mga detalye na naumpisahan mo kagabi,” sagot niya sa akin at nilapag ang mga folder sa aking lamesa. Nagulat ako ng bigla niyang inilapit sa akin ang kanyang mukha at mabilis akong hinalikan. Umalma ako pero tinulak niya ako pabalik sa aking upuan. “Kailangan mong masanay sa mga gawain ntin noon. Hindi ako magbabago kung paano kita pakitunguhan dahil lang sa naiilang ka at hindi ako magawang maaalala,” malambing niyang sagot sa akin at muli akong siniil ng halik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD