Umiiyak si Charlie May habang nakatingin sa kabaong ng kapatid niya. Hindi niya akalain na sa ganitong paraan matapos ang buhay ng kapatid niya.
Naawa siya sa naiwang bagong silang na anak ng ate niya. Paano na ito ngayong wala na ang kapatid niya. Sobrang nasaktan siya sa pagpanaw ng ate niya, hindi lang para sa sarili kundi para sa pamangkin niya si Charrie.
Oo, pinangalanan niyang Charriza Miracle Banua ang pamangkin niya. Wala siyang magawa kundi siya mismo ang magbigay ng pangalan ng tanongin siya kung anong ipapangalan niya sa bata. Wala na ang ate niya para pangalanan ang anak niya.
“Wuahhh! Wuahhhh!” Iyak ng sanggol na kalong ni Charlie May.
“Ssssh, baby, tahan na, please. Hindi ko na alam ano ang gagawin ko. Kanina ka pa iyak ng iyak…” patuloy lang sa pag-iyak ang kahit anong pag-alo ni Charlie.
“Na-miss mo na ba si mama mo? Sorry, baby, hindi mo na siya makakasama pa. Nauuna na siya sa atin doon sa langit,” sabi pa niya sa sanggol na kalong niya.
Napahagolhol na lang si Charlie May ng tumahan ang bata. Parang naintindihan nito ang sinasabi niya. Niyakap na lang niya ito ng mahigpit.
“Charlie, magpahinga ka muna. Ako munang bahala kay baby Charrie. Kahapon ka pa walang tulog baka magkakasakit ka pa niyan. Paano na ang pamangkin mo,” sabi ni Elaine kay Charlie May ng lapitan niya ito.
Alam niyang naghihinagpis ang dalaga sa pagkawala ng ate nito. Idagdag pang may naiwan bata ang huli.
“Okay lang, ate. Hindi pa naman ako pagod,” sagot ni Charlie at umupo sa upuan na nasa harap lang ng kabaong.
Pangalawang gabi ito ng lamay ng kapatid niya. Bukas ay ihahatid nila ito sa huling hantungan. Nasa sa Eternal Chapel sila kung saan nakaburol ang ate. Walang masyadong tao dahil konti lang ang mga nakakilala sa kanila dito sa Manila.
Napag desisyunan nina Elaine at Charlie May na dito na lang ipalibing ang ate niya sa Manila. Mas magastos pa kasi kung babalik pa sila ng Cebu na bangkay ang dala niya.
Napa buntong hininga na lang si Charlie May.
“Lalim non ah? Anong nasa isipan mo?” tanong ni Elaine na nasa tabi lang niya.
“Naisip ko lang kung anong mangyayari sa amin ngayong wala na si ate. Sinong bubuhay kay Charrie gayong wala kaming kamag-anak na matatakbuhan,” problemadong wika ni Charlie May.
“Ano bang plano mo pagkatapos ng libing?” tanong ni Elaine kay Charlie May.
“Di ko alam, siguro uuwi ng Cebu? Ngunit ano namang buhay ang kakaharapin namin doon eh, tanging service crew lang ng milk tea shop ang trabaho ko doon,” saad pa ni Charlie May.
Mukhang naintindihan naman yon ni Elaine dahil hindi ito sumagot pa. Parang nag-iisip din kung anong pwede niyang maitulong. Kaya tinapik-tapik na lang ni Charlie May ang natutulog na pamangkin.
“Ano ba dapat kong gawin, ate?” kalaunan ay tanong ni Charlie sa katabi.
“Wag mo munang isipin yon, sa ngayon ay magpahinga ka muna alam kung pagod ka na,” sagot ni Elaine kay Charlie May.
Tumango na lang si Charlie May at hindi na nakikipagtalo pa. Tumayo siya at naglakad papunta sa isang kwarto na narito sa chapel. Siguro tama ang ate Elaine niya. Kailangan niyang ipahinga ang sarili para makapag-isip naman siya ng tama.
Inilapag niya ang pamangkin sa single bed. At pagkatapos ay tumabi siya rito. Inayos niya ang lampin nito saka napagpasyahang matulog na rin. Para kahit sa pagpikit man lang niya ay nakalimutan niya ang nangyari sa kanila ng kapatid.
****
Nagising si Charlie May sa iyak ng sanggol kaya naman ay halos napabalikwas siya ng bangon. Nagtimpla siya ng gatas para dito ngunit ayaw nitong uminom.
“Baby, anong problema? May masakit ba sayo?” kausap niya sa sanggol na akala ay sasagot sa kanya.
Mas lalo lang umiyak ang sanggol ng pilitin niyang pa-dedehin sa babyron nito. Kaya mas lalo siyang nataranta. Tinakpan niya ang babyron at kinuha ang pamangkin saka sinaya-sayaw.
“Ssssh, tahan na, baby. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan…”
Naiiyak na naman ssi Charlie May dahil hindi niya alam paano ito patahananin. Mas lalo lang itong namumula sa iyak. Hanggang sa parang may naamoy si Charlie May na kung ano na malapit lang sa kanya.
Inamoy niya ang braso niya dahil naramdaman niyang medyo basa ito. Napangiwi siya dahil ang tapang ng amoy. Saka lang niya na-realize na tumae pala ang bata.
Natatawa na lang siya dahil ang tagal bago niya na-realize ang dahilan kung bakit iyak ng iyak ang sanggol.
“Sorry, baby. May pagka-shuga kasi ang tita mo hindi agad nalaman na tumatae kana pala,” natatawang sabi niya sa sanggol saka inilapag ulit ito sa higaan.
Kumuha siya ng wet wipes upang gawing pampunas ng puwet ng sanggol. Una niyang pinunasan ang braso niya baka mas lalo siyang manganamoy dahil dito. Nang matapos ay agad niyang nilinisan ang sanggol.
Pinalitan niya ng damit at pinulbohan ng fissan upang maging komportable ang pakiramdam ng bata. Saka niya pinalitan ng diaper. Nang matapos ay kinikiliti niya ito ng konti. Tudo hagikhik naman ang sanggol sa ginawa niya.
“Ayan, fresh kana ulit, baby. Sorry, hindi agad nakuha ni tita ang nais mo. Sa sunod ay sabihin agad para hindi na tayo magkalitohan,” sabi ni Charlie May.
Para namang nakaintindi ang sanggol at patango-tango lang ito. Natatawa na pinisil ng mahina ni Charlie May ang ilong ng pamangkin. Nagkukulitan pa sila ng pamangkin niya ag bumukas ang pinto at iniluwa ito ni Elaine.
“Bakit, ate?” tanong ni Charlie May dito.
“May mga bisitang dumating,” sagot nito.
“Bisita?” nalilito naman si Charlie May dahil wala naman siyang ini-expect na bisita. Wala rin siyang kilala dito sa Manila.
“Mag ka-trabaho ng ate mo sa sa bar,” sagot pa ni Elaine.
“Bar? Nag-trabaho si ate sa bar?” di makapaniwala na tanong ni Charlie.
“Oo.”
“Paano nangyari yon? Hindi naman ito nabanggit sa akin ni ate,” saad ni Charlie.
“Paminsan-minsan lang naman siya sa bar. Kapag may booking lang,” sagot ni Elaine.
“Huh?” mas lalong hindi nasundan ni Charlie May ang sinabi ni Elaine.
“Labasin mo na lang kapag okay na kayo ni baby,” sabi ni Elaine at muling lumabas sa slid.
Napa buntong hininga na lang si Charlie at binuhat at pamangkin. Kailangan niyang harapin ang mga bisita baka makakatulong ito sa kanya para malaman ang nangyari, kung bakit nabuntis ang ate niya na wala siyang kaalam-alam.
Paglabas niya ay mga hindi pamilyar na mukha ang nakita niya. May isang babae na may dalang isang malaking box na hindi niya alam kung anong laman nito.
“Hi, you must be, Charlie?” tanong ng isang kasama niya.
“Opo,” tanging sagot ni Charlie May. Nailang kasi siya sa presensya ng mga ito.
“Is this Charlyn’s baby?” tanong pa nito.
“Opo,” sagot ulit ni Charlie May.
“How cute. Mana sa tatay,” sabi nito.
“Kilala mo tatay ng pamangkin ko?” tanong ni Charlie May. Bigla siyang nagka-interest na malaman ito.
“No. But I have seen him once nong pumunta ito sa bar kung saan kami nagta-trabaho,” sagot nito.
“Talaga bang nagtatrabaho si Ate Charlyn sa bar?” paniniguro ni Charlie May.
“Yes. And that’s a living proof ng minsan naging mapusok ang ate mo,” sagot nito sabay turo sanggol na hawak niya.
Napa buga na lang ng hangin si Charlie May.
Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na nagawang mag-trabaho ang ate niya sa bar gayung ito pa mismo ang nagsasabi sa kanya na kahit anong mangyari ay wag mag-trabaho sa lugar na ito gaano man ka-mahal ang offer nitong sahod.
“Isang beses lang naman nangyari yon. Nadala lang talaga ang ate mo sa ka-gwapohang taglay ng lalaking yon. Matapos makuha si Charlyn ay parang bola na lang itong naglalaho,” napa-iling-iling pa ito habbang nagkwe-kwento.
“Anyway, ito pala ang mga gamit ng ate mo na naiwan sa bar,” sabi ng isang kasama nila na may hawak ito.
“Salamat,” sabi ni Charlie May sa kanila
“Kung may kailangan ka, wag kang mangingiming tawagan kami, ha? Naging mabait sa amin siya Charlyn, sa ganitong paraan lang kami makakabawi sa kanya,” sabi nito.
“Salamat sa inyo,” sabi ni Charlie May.
“Nga pala, ako si Aila,” pakilala ng pinakamatangkad sa kanila.
“Ako naman si Malou,” pakilala ng may dalang box ng ate niya.
“At ako naman si Creza,” sabi ng isa pa.
Yumuko lang si Charlie May bilang paggalang sa kanila. “Ikinagagalak kong makilala kayo. Sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita.”
“Oo naman. Kasama mo kami hanggang sa paglaki ng inaanak namin, right girls?” sabi ni Aila.
“Right! Kaya wag kang masyadong malungkot kasi sigurado akong maging malungkot din ang ate mo kung nakikita ka niyang ganyan,” sabi naman ni Malou.
Naluluhang tumango-tango si Charlie May. Hindi niya akalain na may mga taong handang aalalayan sa kanya sa mga panahong ganito kung saan down na down ang sarili niya.