Paglabas ni Charlie May sa Ninoy Aquino International Airport ay agad niyang kinuha ang cellphone niya sa sling bag na dala niya. Kailangan niyang tawagan ang ate niya.
Nakailang ring na ngunit wala man lang sumagot. Kaya ang number ni ate Elaine ang tinawagan niya. Matagal bago sumagot ang huli.
“Hello, Char, napatawag ka?” tanong ni Elaine ng sagutin nito ang tawag.
“Hello, ate. Magandang araw po, tanong ko lang sana kung saang ospital si ate naka-admit?”
“Sa General hospital, bakit mo naitanong?”
“Papunta na po ako dyan. Kalalapag lang ng eroplano na sinakyan ko,” sagot ni Charlie May.
“Ano?!” pasigaw na tanong ni Elaine. Mukhang nagulat ang huli sa sinabi ni Charlie May. “Nandito ka sa Manila?”
“Opo. Hindi ako mapakali sa bahay eh. Nag-aalala ako para kay ate,” sagot ni Charlie May.
“Sana nagsabi ka. Para alam namin,” sabi ni Elaine sa tunong kinakabahan.
“Wala na kasing akong oras para tawagan ka ate. Dire-diretso na ako,” sagot ni Charlie May.
“Sana di ka na lang pumunta. Mag-alala lang ate mo. Di ka pa naman sanay sa malayong byahe.”
“Okay lang ate, safe naman akong nakarating. Nakapila na nga ako dito para may masakyan akong taxi papunta dyan sa ospital,” sagot ni Charlie May.
“Okay, sige. Since narito ka na rin lang. Mag-ingat ka sa byahe papunta dito,” bilin sa kanya ni Elaine.
“Opo, ate. Salamat,” sagot ni Charlie May at ibinaba na ang tawag.
Saktong siya na ngayon ang nasa harap ng pila at saktong may taxi na sa harap kaya naman ay mabilis na inayos ni Charlie May ang packback niya at yumuko upang makita ang driver.
“Kuya, sa QC General Hospital po,” sabi niya sa driver.
“Okay,” tanging sagot lang ng driver.
Kaya naman ay dali-daling sumakay si Charlie May sa backseat ng taxi. Nang masigurong okay na siya ay agad namang pinausad ng driver ang taxi.
Nakaramdam na ng pagkabagot si Charie May dahil lumagpas na ang isang oras ay hindi pa rin siya nakarating. Idagdag pang ibang-iba ang awra ng Maynila kumpara sa lungsod na pinagmulan niya.
Mataong lugar din naman ang Cebu lalo na kung pupunta kang City pero kapag nasa lungsod na ay parang nasa kabihasnan ka pa rin.
“Kuya, malayo pa ba?” tanong niya sa driver.
“Mga isang oras na lang, miss. Pasalamat na lang tayo at hindi masyadong traffic ngayon baka mas lalo tayong matagalan,” sagot ng driver.
Napa buntong hininga na lang si Charlie May dahil gusto na talaga niyang makita ang ate niya.
Kinakabahan siya.
Hindi niya alam kung para saan ang kaba na yon. Dahil sinabi naman ng kaibigan ng ate niya na wala naman hindi naman daw malala ang sakit ng ate niya. Ngunit hindi pa rin siya mapakali.
Di nagtagal ay nakarating siya sa ospital. Nagbayad siya ng pamasahe sa driver. May kamahalan din ang pamasahe ng taxi ngunit hindi na yon initindi pa ni Charlie May.
Ang importante sa kanya ang makita kung ano ang kalagayan ng ate niya. Muli niyang tinawagan ang kaibigan ng ate niya ngunit hindi na ito sumasagot. Kaya naisipan niyang mag-tanong na lang sa nurse station.
“Good morning po, pwede po ba malaman kung saan ang kwarto ni Charlyn Banua?” magalang na tanong ni Charlie May sa nurse na naroon.
Ngumiti lang ang nurse sa kanya at nagtipa sa monitor nito. “Charlyn Banua ba kamo?”
“Opo,” mabilis na sagot ni Charlie May.
“Nasa Delivery room, ining. Kasalukuyang nag-la-labor,” sagot nito.
“Po?!” nagulat si Charlie May sa sagot nito.
“Hindi mo alam? Nanganganak po ang pasyente,” sagot ng nurse.
“Ano?!” mas lalong hindi makapaniwala si Charlie May. “Akala ko ba, may sakit lang.”
“Hindi mo alam na buntis ang pasyente? Kaano-ano mo ba ito?” naguguluhan na tanong ng nurse.
“Kapatid ko po,” sagot niya.
“Puntahan mo na lang sa delivery room. Doon ka dadaan, sa pinakadulo niyan ang delivery room,” imporma ng nurse sabay turo sa isang pasilyo.
“Sige po, salamat,” sagot ni Charlie May.
Tumango lang ang nurse at ibinaling ang tingin sa monitor. Mukhang may ginagawa ito. Siya naman ay nagsimula ng maglakad patungo sa daan na itinuro ng nurse kanina.
Labis ang gulat niya sa nalaman. Paanong hindi sinabi ng ate niya na buntis ito? Bakit nagawa niyang ilihim sa kanya ang pagbubuntis niya. Sila nga lang ang naiwan dito sa mundo, maglihim pa ang isa. Napailing-iling na lang si Charlie May.
Nang bumungad sa kanya ang delivery room ay agad niyang nakita ang kaibigan ng ate niya na pabalik-balik sa lakad. Mukhang hindi ito mapalagay. May iilan ding tao na marahil ay may kamag-anak ding manganganak.
“Ate?” tapik ni Charlie May kay Elaine. Mukha namang nagulat ng huli nang kalabitin niya.
“Narito ka na pala. Paano mo nalaman na narito kami?” tanong nito.
“Nagtanong ako sa nurse station,” sagot ni Charlie May. “Bakit hindi mo sinabi na manganganak pala si ate?”
Nag-iwas naman ng tingin si Elaine kay Charlie May at napa buntong hininga. “Ayaw ni Charlyn na ipaalam sayo. Baka magalit ka daw.”
“Magagalit talaga ako kasi naglihim kayo. Maintindihan ko naman eh. Kasi kapatid ko siya. Kung may problema man, sana sinabi para alam ko kung paano ako makakatulong.”
Hindi mapigilan ni Charlie May na ilabas ang hinaing niya. Kung hindi pa siya pumunta dito ay hindi niya malalaman kung ano talaga ang tunay na dahilan kung bakit nasa ospital ang kapatid niya.
“I’m sorry, sinunod ko lang naman ang pakiusap ni Charlyn na wag sasabihin sayo kasi baka mag-alala ka,” sabi ni Elaine.
Napa buga na lang ng hangin si Charlie May. Ayaw niyang magsalita pa dahil mas matanda pa rin ito sa kanya. Kahit paano may naitulong naman ang kaibigan ng ate niya ngayon. Isa pa, nangyari na ang lahat. Ang kailangan mo na lang ay tanggapin ang katotohanan.
Nakarinig sila ng kalabog mula sa loob ng delivery room kaya lahat sila patingin sa pinto. Mas lalong kinakabahan si Charlie May dahil alam niyang nasa loob pa ang ate niya. Bumukas ang pinto at iniluwa ito ng isang nurse kung pagbabasihan ang suot nitong uniform.
“Any family of Charlyn Banua?” tanong ng nakalabas lang na nurse. Parehong nagtaas ng kamay si Elaine at Charlie May.
“Ako po, kapatid niya po ako,” sagot ni Charlie May. Tiningnan lang siya ng nurse saka ibinaling ang tingin nito sa kasama niyang si Elaine.
“Ah, kaibigan po ako ni Charlyn,” sabi naman ni Elaine.
“Wala ba kayong ibang kasama like asawa ng pasyente or magulang nito?” tanong pa ng nurse.
“Wala po,” sagot ni Elaine.
“Wala na po kaming magulang,” sabi din ni Charly May.
“Alright, follow me inside,” sabi na lang ng nurse. Mukhang wala na itong choice kundi ang piliin siya na papasukan.
“Bakit anong nangyari?” naguguluhan na tanong ni Charlie May.
“Just follow me,” sabi pa nito at naunang bumalik sa loob.
Napatingin naman si Charly May kay Elaine na para bang dito siya makakakita ng sagot. Umiling lang ang huli at kinuha ang packback niya sa likod.
“Go, sunod ka na sa loob. Mukhang kailangan ka nila doon,” sabi nito sa kanya.
Tumango lang si Charlie May at hinayaang makuha ni Elaine ang bag niya. Naglalakad siya papasok sa delivery room. Mas lalo siyang kinakabahan dahil rinig na rinig niya ang sigaw ng kung sino mang manganganak.
Nakita niya ang nurse kanina na nasa isang pinto. Marahil ay hinihintay lang siya na makarating doon. Nang makapasok ay agad niyang nakita ang ate niyang nahihirapan sa panganganak nito.
“Ate?” nanginginig na hinawakan ni Charlie May ang kamay nito. Napalingon naman ito sa kanya.
“Charlie? B-bakit nandito ka?” nahihirapan na tanong nito.
“Nag-alala ako eh,” sagot ni Charlie May. “Bakit hindi mo sinabi?”
“Ayaw ko lang na makadag- ahhhhhhh!” sigaw ni Charlyn ng maramdamang humihilab na naman ang tiyan niya.
A-ate? A-anong nangyari?” natataranta na rin si Charlie May dahil nakita niyang nahihirapan ang ate niya. Ramdam din niya paghihigpit ng kapit ng ate sa kanya.
“Go, mommy, push mo lang para mailabas mo si baby ng ligtas,” sabi ng isang doctor.
“Ate, kaya mo yan. Nandito lang ako para sayo. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari,” pampalakas ni Charlie May kay Charlyn.
“Mangako ka, alagaan mo si baby paglabas niya,” sabi ni Charlyn sa kapatid.
“Opo, opo. Aalagaan ko kayo,” sabi ni Charlie May.Tumulo na ang luha niya dahil nakita na niyang nahihirapan na talaga ang kapatid niya.
“Ahhhhhh!” sigaw ng kapatid niya ngunit sa ikabigla niya ay bigla na lang itong nawalan ng malay at biglang tumunog ang monitor nito.
“The patient lost consciousness!” sabi ng isang doctor.
“Her heartbeat drops!” sigaw ng isa pa.
“Let’s revive the patient! We’ll do the C-Section Operation immediately!” utos ng pina-head doctor.
“A-anong nangyari?” naguguluhan na tanong Charlie May. “Ate? Atteee!”
Hindi na nakaangal pa si Charlie Mae dahil hinihila na siya palabas ng isang nurse. Tanging iyak na lang niya ang naririnig matapos siyang makalabbas. Niyakap naman siya ni Elaine na ngayon ay umiyak na rin ng makita siyang umiyak.