Chapter 5

1715 Words
SEVEN YEARS LATER “Baby!” “Mama!” Napatakbo si Charlie May upang salubungin si Charrie ng makita niyang tumatakbo ito palapit sa kanya. Sinundo niya ito mula sa paaralang pinasukan niya. Kinder na ito ngayon at panghapon ang klase. Anim na taong gulang na ito at may pagka-bibong bata. “Mama, I missed you po,” saad ng bata ng makalapit sa kanya. “Na-miss rin kita, anak,” sagot ni Charlie at ginulo ang mahabang kulot na buhok niya. “Hindi ka ba nagpapasaway kay teacher Fe?” “No, mama. In fact, I got a three stars,” masayang wika nito at ipinakita pa ang starts na nasa malapulsuhan nito. “Wow, good job, baby. Mama is so proud of you,” masayang wika ni Charlie May. Mama ang tawag nito sa kanya kahit na alam nitong hindi siya ang tunay na ina nito. “Of course, mama. I will not let you down po,” sabi pa ni Charrie sa kanya. “At dahil nag-very good ka sa school anong gusto mong reward?” gatong pa ni Charlie May. “I want chicken uwat-uwat!” mabilis na sagot ng bata. At halatang excited sa premyo niya. Ang tinutukoy niya ang chicken joy sa kanto-kanto lang. “Sure? Yan lang ang gusto mo?” tanong pa ni Charlie May sa bata. “Yes, mama. That’s all I want to eat,” sagot ni Charrie. “Okay. Kung yan lang ang gusto mo,” sabi ni Charlie May at inakay na ang bata paalis sa paaralan. “Thank you, mama. I love you,” sweet na wika ni Charrie. “I love you too, baby. Lagi mong tatandaan na palaging gumawa ng mabuti and mama will give you a reward later on,” sabi ni Charlie My sa pamangkin. “Okay po,” nakangiting sang-ayon ng bata. ‘Tara na nga, punta tayong Jollibee,” wika ni Charlie May. “Jollibee po?” tanong pa ni Charrie. “Ahuh,” tanging sagot ni Charlie May at niyuko pa niya ito. “Yehey! Thank you, mama!” masayang wika ni Charrie at hinalikan pa sa pisngi si Charlie May. Napangiti na lang si Charlie May at hinawakan ang kamay ng bata bago tumawid sa kabilang kalsada. Nasa bandang yon ang food chain kaya doon sila dadaan. Pagdating doon ay hinayaan niyang humanap ng upuan si Charrie samantalang siya ay pumila sa counter upang maka-order. Mix and Match lang ang inorder niya para makatipid. Kaya naman ay wala pang 200 pesos ang nabayaan niya sa dalawang order niya. Mamaya ay dadaan nalang sila sa stall ng mga tindera ng nagbebenta ng chicken uwat-uwat na gusto ni Charrie. Kung tutuusin ay pwede naman si Charlie May mismo ang magluluto non kaso nagtitipid siya ngayon kaya kahit tatlong piraso na lang muna ang bibilhin niya para sa pamangkin. Saka na siya magluluto kapag maka-sweldo na. Matapos makuha ang order ay hinahanap niya kung saan ang pwesto ng pamangkin at nakita niya at sa may pinaka-sulok na bahagi. Naiiling na lumapit na lang si Charlie May doon. Agad nagniningning ang mga mata ni Charrie na makita ang pagkain na ni-order niya. French fries, burger at sundae ang inorder niya para sa pamangkin at ito ang paborito niya sa tuwing mapadaan sila sa mga food chain. “Thank you, mama, sa masarap na food,” sabi ni Charrie at akmang kukuha ngng french fries ng pigilan ito ni Charlie May. Napatingin naman si Charrie sa tiyahin. “May nakalimutan ka yata?” paalala ni Charlie May. “Ai, oo nga pala. Sorry po,” wika nito at umayos ng opo. Pinag-abot nito ang dalawang palad sa harap at pumikit. Nagsisimula na ito ang magdasal. “Heavenly Father, thank you for the food we eat today. Thank you for giving mama a strength para may makain kami sa araw-araw. Lord, thank you po sa lahat, in Jesus Name, amen.” “Amen,” sabat ni Charlie May matapos ang dasal ng pamangkin. Nagsisimula na silang kumain. Habang kumakain ay hindi maiwasan ni Charlie May na tingnan ang pamangkin niyang ganadong kumain. Hindi niya akalain na nakaya niyang buhayin ang pamangkin sa loob ng pitong taon. Sobrang bata pa niya ng dumating sa kanya ang pamangkin. Malaking tulong ang naiwang pera ng ate niya upang makaraos silang dalawa. Wala siyang pwedeng mapag-iwanan ng pamangkin niya kaya wala siyang choice kundi siya mismo ang mag-alalaga. May mga pagkakataon na halos hindi na siya kumain para may matira pang pambili ng gatas ng pamangkin. Sa tuwing nagkakasakit ang pamangkin ay halos makisabay na lang siya sa iyak nito dahil walang-wala siyang malapitan. Umalis na din kasi ng bansa ang kaibigan ng ate niya na si Elaine kaya wala siyang pwedeng pakiusapan o mahihingian ng tulong. Wala na din siyang balita sa tatlong katrabaho ng ate niya sa bar. Matapos ang libing ng ate niya ay pang bolang bigla na lang naglaho ang mga ito. Sobrang mahal din ng apartment ng ate niya kaya napilitan siyang humanap ng mas mura. Dito siya nakilala ng mga bagong kaibigan. Hindi man bongga bagong tirahan niya dito sa looban ay masasabi niyang may makakapitan na din siyang mga kapitbahay. Hindi na siya bumalik pa ng Cebu dahil alam niyang mas mahihirapan siya doon. Wala siyang kamag-anak na pwedeng malalapitan. Isa pa ay iniisip niya ang kapakanan ng pamangkin niya. kapag bumalik siya doon ay siguradong maging sentro ito ng tsismisan at ayaw niyang lumaki sa ganyang kapaligiran ang pamangkin. “Mama?” Napabalik sa realidad si Charlie May ng marinig ang pagtawag sa kanya ng pamangkin. Ngumiti na lang siya ng pahapyaw sa pamangkin upang itago ang pagkatulala niya. “Yes, baby?” baling niya dito. “Hindi ka na po kasi kumain, mama?” puna nito sa kanya. “Busog pa kasi ako, baby,” alibi niya. “Gusto mo sayo na lang?” “Ai, hindi po. Dapat po kumain ka rin po tulad ko kahit busog ka pa, para hindi kana magutom po,” parang malaking tao na naninermon ito. Napangiti na lamang si Charlie May. “Opo, kakain na po.” Ngumiti naman ang bata at ipinagpatuloy ang pagkain. Kaya kinain na rin ni Charlie May ang burger niya baka mapuna na naman siya ng bata. Nang matapos silang kumain ay napag-isipan na ni Charlie May na muw niya. Sumakay sila ng traysikel papunta sa looban kung saan ang inuupahan ning maliit na bahay. Inalalayan lang niya ng pamangkin upang hindi ito mahulog. Agad siyang nagbayad ng pamasahe ng makarating doon. “Lika na, baby. Para makapag pahinga agad pagdating sa bahay,” sabbi ni Charlie May sa pamangkin. “Opo, mama,” tanging sagot lang ni Charrie. Kinuha ni Charlie may ang envelop nito at hawak kamay ulit silang naglalakad papuntang looban. Nadaanan pa nila ang mga nagtitinda ng mga turo-turo katulad ng isaw, kwek-kwek at kung ano-ano pa. Dumaan sila sa stall ni mang Tomas, ang nagbebenta ng chicken joy o mas chicken uwat-uwat kung si Charrie ang papangalanin. “Mang Tomas, talong manok nga,” sabi ni Charlie May dito. “Narito na pala ang magandang mag-ina,” nakangiting wika ng tindero. “Si mang Tomas talaga, palabero,” natatawa na wika ni Charlie May. “Anong biro? Totoo kaya,” giit ni mang Tomas. “Oo na lang para matapos na,” natatawang hirit ni Charlie May at namimili ng hiwa ng manok. “Ito bayad ko, mang Tomas.” “Salamat, balik ulit kayo, ah?” sabi pa nito “Sige po,” sagot ni Charlie May at nagpatuloy na sa paglalakad kasama si Carrie. “Mama?” tawag ni Charrie sa kasama. “Hmmm?” sagot ni Charlie May. “Dalawa po ba nanay ko?” tanong ni Charrie. Napatigil sa paglalakad si Charlie May at iniluhod ang isang tuhod paharap kay Charrie. “Bakit mo naman naitanong, baby?” tanong ni Charlie May sa kaharap. “Kasi po, sabi mo may mama ako na nasa langit na po,” sagot naman nito. “Opo, siya ang totoo mong mama,” sagot ni Charlie May. “Pero bakit po sabi nila, Ikaw ang mama ko?” anong pa nito. “Kas po ay hindi nila nakita ang totoo mong mama. Ako ang nakikita nila kaya akala nila, ako ang mama mo,” paliwanag ni Charlie May sa bata. “Nalito po ako, mama,” sabbi pa ni Charrie. “Maintindihan mo din, baby. Pagdating ng panahon. Basta lagi mong tatandaan na ang tunay mong mama ay nasa langit na at ako, ang tita mo na siyang magiging mama mo habang narito ka pa sa mundo. Nakuha mo ba?” “Opo,” sagot ni Charrie. “Good girl,” sabi ni Charlie May at ginulo ang buhok ng pamangkin. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa munti nilang bahay. Nagpahinga lang si Charlie May saglit ay pagkatapos ay nagsisimula na siyang mag-asikaso ng mga gawaing bahay. Pati ang hapunan nila ay inasikaso na din niya. Hindi naman malikot at makalat si Charrie kaya konti na lang ang lilinisin niya. Nang matapos sa lahat ng gawain at hapunan nilang mag-tita ay pumasok na sila kwarto nila at nag-halfbath para makatulog na since gabi na at kailangan nilang maagang matulog dahil may raket pa siyang gawin kinabukasan. “Okay, baby. Pray na tayo kay God para bantayan niya tayo sa ating patulog,” utos ni Charlie sa pamangkin matapos maka-pwesto na sila sa higaan nila. “Okay po,” sagot ni Charrie at paluhod na nakaupo. Ginaya naman ito ni Charlie May pareho silang umusal ng panalangin at nagpapasalamat sa mga biyayang natanggap nila pati na rin ang kaligtasan nilang mag-ina. “In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit. Amen.” Matapos magdasal ay inaayos ni Charlie May ang pagkahiga ng pamangkin. Kinumutan niya ito at hinalikan sa noo. “Good night, baby.” wika niya dito. “Good night too, mama. I love you,” wika din ni Charrie. Ngumiti lang si Charlie May at tinapik-tapik ang bata habang naghe-hymn ng kanta para mabilis makatulog si Charrie. Hindi nagtagal ay nakatulog na din ito. Umayos na rin siya ng higa at hinayaan ang sariling lamunin ng dilim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD