Chapter 6

1537 Words
“Bye, mama. Ingat ka po sa work mo.” “Bye, baby. study well, okay? Makinig sa guro,” bilin ni Charlie May sa pamangkin. “Okay po” sagot ng bata habang naglalakad papasok sa classroom niya. Kumaway naman si Charlie May habang hinahatid sa tingin ang bata. Nang mawala na ito sa paningin niya ay saka siya tumalikod para umalis na. May pupuntahan pa kasi siyang event. Sa isang catering services siya nagtatrabaho. Kaya pag ganitong may nagpa-book sa kanila na magpa-cater ng isang okasyon ay kasama siya sa mga staff na ipapadala ng shop nila. Wala namang kaso yon kay Charlie May dahil kayang kaya naman niya ang trabahong yon. Walang-wala lang yun kumpara sa isa pa niyang trabaho tuwing sabado sa laundry shop. Saktong pagbalik niya sa event ay siyang pagsalubong ng mga kasamahan niya. Medyo busy sila kaya naman ay agad siyang tumulong sa mga gawain. “Mabuti at narito kana, Char. hanap ka ni boss,” sabi sa kanya ng kasama niyang si Isabelle. “Bakit daw?” nagtatakang tanong ni Charlie. “Ewan, mainit ang ulo,” sagot nito sa kanya. “Sige, puntahan ko muna. Asan ba siya?” tanong ni Charlie May. “Nasa likod yata,” sagot nito. “Sige, salamat,” sabi ni Charlie May at naglalakad papuntang likod. Nasa isang malaking bahay sila ngayon. Birthday ng anak ng may-ari at nagkataong ang shop nila ang kinuhang mag-cater nito. Nakita niya ang boss niyang busy kakautos ng mga kasama niya. Napailing na lang si Charlie May. Palautos talaga ang boss na niyang ito. Kita naman niyang may ginagawa pa ang inutusan ay uutos naman siya. Ngunit wala naman silang magawa kundi sundin dahil sermon ang abutin nla kapag tumanggi o kaya ay sabihin mamaya na dahil may ginagawa pa sila. “Boss,” tawag ni Charlie May. Napabaling naman ito sa kanya. Mas lalong kumunot ang noo nito ng makita si Charlie May ang tutawag sa kanya. “Saan ka ba galing? Kanina pa ako hanap ng hanap sayo,” yun agad ang salubong nito kay Charlie May. “Sorry, boss. Hinatid ko pa kasi si Charrie sa school niya,” rason ni Charlie May na totoo naman. “Nasa trabaho ka, dapat alam mo ang responsibilidad,” sermon nito sa kanya. “Alam ko naman po, boss,” sabi na lang ni Charlie May. Ayaw niyang hahaba pa ang sermon ni Arvy, ang bakla niyang boss. Kaya “Alam mo naman pala,” sikmat nito kay Charlie. Hindi na siya sumagot pa para matapos na. “Dalhin mo nga itong mga ice sa kusina at ilagay sa icebox para may silbi ka naman.” Binuhat na lang ni Charlie May ang kalahating sako ng ice para makaalis na harap ng boss. May kabigatan yon pero kaya naman niya. Mas gustuhin pa niyang mag-buhat kaysa haharapin ang sermon ng boss. “Oi, ako na niyan, Char,” wika ni Alberto at kinuha ang ice mula sa kanya. “Hindi ka dapat nagbuhat ng ganito.” “Utos ni boss eh,” tanging sagot ni Charlie May. “Mainit na naman ang ulo ni boss. Ikaw tuloy napagbuntunan,” sabi ni Albberto. “May nangyari ba?” tanong ni Charlie May. Iinit lang naman ang ulo ng boss nila kapag may nangyaring hindi maganda. Kaya ingat na ingat silang huwag magkamali kundi sermon ang abutin. “May isang client na nag-cancel ng booking para bukas. Eh, handa na ang lahat para bukas. Ang masaklap pa, nanghihingi ng r****d,” sagot ni Albberto habbang kinuha mula kay Charlie May ang ice. “Aba, nakakainit nga ng ulo. Kung kailan handa na ang lahat saka pa nag-cancel kahit naman ako, iinit din ang ulo ko sa ganon,” bwelta din ni Charlie May. “Kaya nga, “ sagot ng isa. “Tara na nga. Magtrabaho na tayo baka mas lalong madagdagan ang init ng bboss natin.” Nang tumango si Alberto ay nagkanya-kanya na sila. Tumulong si Charlie May sa pag-decorate ng venue hanggang sa nagsimula na ang selebrasyon. Masaya naman ang nangyari dahil maganda magdala ng programa ang MC ng event. Hindi boring pakinggan. Kaya naman ay aliw na aliw sila habang nanunuod. Mag-aalas tres na ang hapon ng matapos ang selebrasyon kaya naman may nagsisimula na silang magligpit ng mga gamit. Kaya naman ay naging busy na ulit sila. Alas sinso na nang matapos sila kaya naman ay nagpaalam na siyang mag-out na dahil susunduin pa niya ang pamangkin sa school. Masyado na siyang late sa oras ng pagsundo ng pamangkin. Hindi naman siya nag-alala kapag ganitong hindi niya agad masundo ang pamangkin dahil inihabilin niya ito sa guro nito na si Teacher Fe. Malamang nasa classroom lang naghihintay ang pamangkin. “Guys, una na ako ah? Daanan ko pa si Charrie sa school niya,” paalam ni Charlie Maysa mga kasamahan. “Okay, ingat ka. Balitaan na lang kita kapag tuloy pa ba ang catering bukas, kaso malabo na yatang mangyari yon since mukhang i-cansel na talaga yon,” sabi ni Alberto sa kanya. “Okay. message mo na lang,”sagot ni Charrie at naglakad napalabas. Habang naglalakad ay naisipan iyang i-check ang cellphone. Nagulat pa siya ng makitang napakaraming miss calls ang teacher ni Charrie. Kaya napakunot ag noo niya. Bigla siyang kinakabahan ng hindi niya mawari. Saktong Alas kwatro ito ng nagsimulang tumawag ang guro at ngayon ay pasado alas singko ng ng hapon. Dali-dali niyang pindot ang call button ng number nito. Wala pang dalawang ring ay agad itong sumagot. “Diyos ko, Char. Saan ka na ba? Kanina pa ako tawag ng tawag sayo, hindi ka sumasagot!” halos pasigaw na wika ni teacher Fe. Mas lalo tuloy kinakabahan si Charlie May. “Bakit? May nangyari ba?” “Diyos ko, si Charrie!” “Anong nangyari sa kanya?” hindi na mapakali si Charlie May. Mas Lalo tuloy siyang kinakabahan matapos banggitin ang pangalan ng pamangkin. “Nasa hospital!” “Ano?! Bakit?” para tuloy siyang natuklaw ng ahas sa nalaman. “Nasagasaan ng sasakyan,” naiiyak na wika nito. “Ano?!” halos matumba si Charlie matapos marinig ang balitang yon. “S-saan ospital kayo ngayon?” “Sa Heneral Memorial Hospital,” sagot ng guro. “Papunta na ako,” sabi ni Charlie may at agad pinatay ang tawag. Mabilis siyang pumara ng taxi. Wala na siyang pakialam kung mahal ang pamasahe basta makarating lang ng ospital na sinasabi ng guro. Agad niyang tinakbo ang emergency room nang makarating siya sa nasabing ospital. Wala siyang pakialam kung pagtitinginan siya ng mga naroon basta makarating agad siya doon. Makita niya ang guro ng pamangkin niya na nakaupo sa bencher na nasa harap lang ng emergency room. Agad siyang pumunta sa harap nito. Nag-angat naman ito ng tingin nang maramdamang may tao sa harap niya. “Charlie…” tawag nito sa pangalan niya. Kitang-kita niya ang mga luha sa mata nito. Halatang sobrang haggard din nito base sa itsura niya. “Anong nangyari? Paanong nabunggo siya si Charrie? Nasaan siya?” mahinang tanong ni Charlie May. Napatingin lang ang guro sa naka saradong pinto ng emergency room. Ang totoo, gusto niyang sumigaw. Sisihin ang guro sa nangyari. Ngunit alam niyang hindi nakakatulong ang pagsigaw niya. Mas lalo lang itong magpalala ng sitwasyon at yon ang ayaw niyang mangyari. Nasa loob pa ng emergency room ang pamangkin kaya hindi nakakatulong kung magsisihan pa silang lahat. “I’m sorry. Nakalimutan kung hindi ka pala maagang makakasundo sa kanya. Akala ko naghihintay ka sa labas kaya pinapabayaan kong lumabas siya. Tapos nalaman ko na lang na nabunggo siya dahil bigla na lang siyang tumawid sa kalsada. I’m sorry, nagpabaya ako,” naiiyak na wika niya. Nanghihinang napaupo na lang si Charlie May sa tabi nito. Napahilamos na lang siya ng mukha at napatakip ng mukha. Sinisisi niya ang sarili dahil alam din niyang may kasalanan siya. Kung sana ay nasundo niya ito ng maaga ay hindi ito mangyayari. Sana nagpaalam muna siya na sunduin ang pamangkin nong oras ng labasan nito. Hindi sana nag-aagaw buhay ang pamangkin. Tumutulo ang luha ni Charlie May. Nanalangin na lang siya na sana ay walang malalang nangyayari sa pamangkin. Hindi pa siya handang mawalan ulit ng pamilya. Si Charrie na lang ang meron siya. Kung mawawala pa ito ay hindi na niya kakayanin pang mabuhay sa mundo. Baka sa pagkakataong ito mas nanaisin pa niyang mawala na rin sa mundo. “I’m sorry, Char. Maintindihan ko kung magalit ka sa akin. Kasalanan ko naman. Naging nagpabaya ako,” naiiyak din wika ni teacher Fe. “Wala namang may gusto sa nangyari. Magdasal na lang tayo na sana okay lang si Charrie,” mahinang wika ni Charlie May. “Salamat,” mahinang wika ng guro ni Charrie. “Tutulong ako sa mga kailangan dito.” “Saka na natin isipin yon, sa ngayon ay ipagdasal muna natin na sana ay walang masamang mangyayari sa bata,” sagot ni Charlie May. Katahimikan na ang namayani matapos ang sandaling iyon. Walang sinuman ang nagtangka pang magsalita. Lahat kinakabahan para sa bata. Kanya-kanyang dasal na sana maging okay lang ang lahat at walang malalang sugat na natamo ang bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD