Chapter 1

1523 Words
Busy si Charlie May sa kaka-assist ng customer sa isang milk tea shop na pinagtatrabahuhan niya nang ng mag-ring ang cellphone niya. Nakita niyang ang ate Elaine ang tumawag sa kanya. Ang kaibigan ng kapatid niya na si ate Charlyn. Napakunot ang noo niya dahil hindi naman ito tumatawag sa kanya. Kadalasan ay puro forwarded quotes ang text messages nito sa kanya. Ganun pa man ay pinili niyang sagutin ang tawag. “Hello, ate? Napatawag ka?” bungad ni Charlie May matapos sagutin ang tawag. “Hello, Char. Napatawag lang ako para sabihin na hindi daw makapag padala ng pera sayo ang ate Charlyn mo,” imporma ni Elaine sa kanya. “Palagi ko naman na sinasabi kay ate na wag na akong padalhan kasi may trabaho naman ako kahit paano,” sagot ni Charlie May sa kausap. “Alam mo naman ang ate mo, hanggat kaya niyang bibigyan ka, gagawin niya. Ngayon lang hindi kasi nasa ospital siya,” wika ni Elaine na nagpalaki ng mata ni Charlie May. “Po?! Si ate naospital?” pagkaklaro niya sa ate Elaine. “Ahm, oo. Pero sinabi niya na wag ka daw mag-alala kasi okay naman daw siya,” may pag-aalinlangan pang wika ni Elaine. Halatang ayaw ipaalam sa kanya ang totoo. “Bakit siya naospital?” tanong pa ni Charlie may. “May sakit ba siya?” “Ahm, wala naman. Basta pinasabi lang niiya na hindi muna siya makapag padala kasi gagamitin niya ang pera pambayad ng ospital. “Walang sakit? Pero nasa ospital?” medyo naguguluhan si Charlie May. Gusto niyang malaman yon ngunit parang ayaw sabihin ng kausap ang dahilan kung bakit ito nasa ospital. Hindi siya mapakali hanggat hindi malalaman ang rason. “Wag kang mag-alala. Magiging okay din ang ate mo,” sabi pa ni Elaine. “Pero-” hindi natapos ang sasabihin pa sana ni Charlie May dahil pinutol ito ng kausap. “Sige, Char, ibaba ko na to dahil tawag na ako ng ate mo. Mag-ingat ka dyan. Tatawag na lang ako muli. Bye.” Yun lang at nawala na ito sa kabilang linya. Mas lalong hindi mapakali si Charlie May sa nalalaman. Wala namang problema kung hindi siya mapadalhan, may ipon naman siya ngunit nag-alala siya para sa ate niya. Hindi siya mapalagay kung narito lang siya at hindi alam kung ano ang nangyari sa ate niya. “Girl, okay ka lang?” tanong ng kasamahan niyang si Caley, ang binabaeng kasama niya sa shop. Carlos ang totoong pangalan nito. “Huh?” nakabalik sa realidad si Charlie May matapos siyang sikuhin nito. “Tulaley ka na kasi. May nangyari ba?” nag-alala ng tanong din nito. “Nasa ospital ang ate ko,” sagot ni Charlie May. “Ano? Eh, kumusta naman daw siya?” tanong pa nito. “Hindi ko alam. Di sinabi ni ate Elaine eh,” sagot ni Charlie May. “Hindi ba sinabi kung anong kina ospital niya?” tanong pa ni Caley. Umiling lang si Charlie May at umuppo na lang sa silya. Wala namang customer pa kaya pwede silang umupo. Parang nauubusan siya ng lakas matapos malaman ang nangyari sa kapatid. “Okay ka lang ba talaga?” Tanong ni Caley. “Hindi ako mapakali eh. Nag-alala para kay ate Charlyn,” aminadong wika ni Charlie May. “Anong plano mo ngayon?” tanong ni Caley. “Hindi ko alam. Basta ang alam ko, gusto kong makita si ate. “Puntahan mo siya?” tanong ni Caley. Para namang nakakita ng solusyon siya si Charlie May sa sinabi na yon ng kaibigan. Tama. Pupuntahan na lang niya ang ate niya sa Manila. May ipon nama siya. Pwede niya itong magamit kung sakaling kailangan ng ate niya ng tulong. Ang totoo, hindi naman niya nagagamit ang pera pinadala ng ate niya mula sa Manila. Dahil may trabaho naman siya. Kahit naman minimum lang ang sweldo niya sa shop ay naipon naman niya ito dahil waa siyangibang pinag gastosan kundi ang sarili lang niya. May sariling bahay naman siyang tinitirahan dito sa Cebu. Sariling lupa at bahay ang mga namayapa nilang magulang. Hindi man kalakian pero semento yon at kasya ang isang pamilya. Hindi rin kalakihan ang bill niya sa kuryente at tubig dahil palagi siyang nasa trabaho. Hindi rin siya maluho kaya nakatipid talaga siya. Tanging pagkain at personal hygiene ang pinamili niya para sa sarili. Kaya ang pera na pinadala ng ate niya ay naipon lang sa banko. “Tama. Puntahan ko na lang siya sa Manila. May ipon naman ako kaya puntahan ko na lang.” Desisyon ni Charlie May. “Sigurado ka? Alam mo kung saan siya sa Manila?” tanong ni Caley. “Ang alam sa Quezon City sila.” “Sige, sabihan mo ako kung anong pwede kong maitulong para may magawa naman ako para sayo,” sabi ni Caley kay Charlie May. “Opo, salamat, bakla,” pasasalamat ni Charlie May dito. “Walang problema. Ako na bahala na magsabi kay Manager na mag-leave ka muna dito sa shop. Babalik ka naman di ba?” “Oo, babalik agad ako kapag okay na si Ate,” sagot ni Charlie May “Sige, girl. Mag-ingat ka doon. Mag-message ka sa mes***ger kung may kailangan ka,” bilin sa kanya ni Caley. Naputol ang usapan nila ng sunod-sunod na dumating ang mga customer. Karamihan ay mga estudyante mula sa sa university na di kalayuan ng shop nila. Salit na nawala sa isipan ni Charlie May ang nangyari sa ate niya hanggang sa matapos ang shift niya sa araw na ito. Mabilis siyang nag-log-out sa shop at umuwi kaagad ng bahay nila. Mabilis naman siyang nakarating ng bahay may sarili naman siyang motor na pwedeng magamit sa tuwing may lakad siya. Motor pa ito ng ate niya noong nandito pa ang huli kasama siya. Diretso siya sa kwarto niya at kuntingting ang cellphone niya. Binuksan niya ang cebu pacific app upang makapag-book ng flight papuntang Manila. Mabuti na lang ay may flight pang available para bukas kaya yon ang binu-book niya. Medyo may kamahalan ang flight na iyon pero pikit mata niyang e-book. Di baling mahal mapuntahan lang ang ate niya na nasa ospital. Nang matapos mag-book ng flight ay nag-impaki si Charlie May ng mga gamit niya na dadalhin niya bukas. Hindi muna niya tini-text ang kaibigan ng ate niya. Bukas na lang kapag nasa Manila na siya. Nang matapos mag-impake ay naisipan niyang magpahinga na para may lakas siya kinabukasan sa byahe. Tina-charge muna niya ang cellphone niya para full battery siya kapag aalis ng bahay. Nag-alarm na lang siya dahil alas syete ng umaga ang flight niya papuntang Manila. Magdasal muna siy para gabayan siya sa magiging lakad niya kinabukasan. Nagising siya si Charlie May sa ingay ng cellphone niya. Alas kwatro pa lang ng madaling araw. Sinadya talaga niyang mga ganong oras ang alarm niya kasi medyo malayo pa siya sa airport. Kailangan pa niyang mag-travel papunta doon. Tini-check muna niya ang buong bahay para masiguro niyang nakakandado ang lahat pati mga bintana bago bumalik sa kwarto niya at nag-ayos para sa sarili. Nang matapos ay nagsuot siya ng jacket at ini-off ang plangka ng bahay bago tuluyang lumabas. “Kanina ka pa?” tanong ni Charlie May kay Caley na naghihintay sa kanya sa labas ng bahay niya. “Hindi naman. Sakto lang ang dating ko.” “Pasensya kana. Ikaw lang kasi ang alam kung pwedeng maghatid sa akin sa airport. Hindi ko kasi pwedeng dalhin ang motor ko,” wika ni Charlie May. “Ano ka ba naman, girl. Magkaibigan na naman tayo so hindi mo kailangan humingi ng pasensya. Isa pa, gagala din ako after kitang ihatid airport,” sagot ni Caley sa kanya. “Salamat,” tanging wika ni Charlie May. “Angkas na, baka abutin tayo ng araw sa daan at ma-late ka pa sa flight mo.” Agad naman na umangkas si Charlie May sa motor ng kaibigan. Kagabi bago siya tuluyang matulog ay mini-message niya ang kaibigan na magpapahatid siya sa airport. Hindi kasi niya pwedeng dalhin ang motor dahil wala maghahatid ng motor niya pauwi. Wala din siya na mapag-iwanan nito kaya naman ay pinaki-usapan niya ang kaibigan. “Salamat sa paghatid,” wika ni Charlie May nang makarating sila sa Mactan International Airport. “Walang anuman, girl,” tawagan mo agad ako kapag nasa Manila kana,” bilin ni Caley sa kanya. “Yes, ma’am,” pabirong sagot ni Charlie May. Sige, alis na ako. Mag-ingat ka sa byahe,” bilin pa ni Caley. “Opo. Bye,” paalam niya sa kaibigan. “Wag kang papaloko doon, ha? Diyos ko, ang babata mo pa naman,” komento pa nito. Natatawa na lang si Charlie at sinabihan ang kaibigan na papasok na siya sa loob. Nagpaalam na din ang kaibigan niya na aalis na. Hitatid na lang niya ang kaibigan niya sa tanaw bago siya tuluyan pumasok sa airport. May point naman ang kaibigan niya na mag-alala sa kanya. Sa edad na naman na disi-nuwebe anyos ay mag-biyahe siya mag-isa papuntang Manila. Sana nga lang ay matatagpuan kaagad niya ang kapatid pagdating doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD