TL Chapter 5 : New Friends

3015 Words
Zion Royce Buenavista POV Sa isang kilalang fast food kami kumain. Malapit lang ito sa school kaya convenient sa isang oras namin na break. Nakakagulat nga dahil si kuya pa ang nanlibre sa aming lahat. Naupo na ang karamihan sa amin, samantalang dalawa kami ni kuya pumunta sa counter para sa aming mga orders. “Akala ko ba lalayuan mo na ‘yun?” tanong ko. “‘E kung makakapit sa iyo parang may relasyon kayong dalawa!” “I really don’t know her motive. Nilalayuan ko talaga ang babaeng iyon, pero siya ang lapit ng lapit,” paliwanag niya. “Kanina nga ay gusto ko na siyang sabihin dahil sa ginawa niya pero ayaw ko siyang mapahiya, lalo na at naroon si Stacy.” Sa paliwanag ni kuya ay may kakaiba siyang nararamdaman para kay Stacy. ‘O baka naman masyado lang ako nag-iisip?’ “Here’s your order, Sir!” saad ng cashier. “Papa-assist ko na lang kayo para sa iba pang mga orders. Thank you!” “You're welcome!” saad ni Kuya. Magkakasama ang mga kaklase ko sa isang lamesa, samantalang nasa kabila naman lamesa ang grupo ni Aireen. Inaasahan ko na uupo si kuya kasama nila pero nagkamali ako nang umupo si kuya sa isa pang bakanteng upuan katabi ko. Napansin kong nag iba ang ekspresyon ng mukha ni Airene. Natahimik din ang mga kaibigan niya at pinagmamasdan ang kaibigan. Ilang sandali pa ay bigla siyang ngumiti at tumayo sa kinauupuan. “Pagtabihin na lang natin ang mga lamesa. The more, the merrier. Mas masaya kung magkakasama tayo, hindi ba?” Tumingin siya sa kaniyang kaibigan, “Girls, tulungan niyo nga ako.” Bubuhatin na nila iyon nang huminto sila ng magsalita si Kuya Zach. “Airene, crowded na. Why don’t you enjoy your food over there? Besides, we have limited time. Ilang minuto na lang at matatapos na ang break natin.” “O-okay!” Wala siyang nagawa at tatlunan siyang umupo muli sa kaniyang kinauupuan. “Kamusta mga teacher’s niyo?” tanong ni kuya sa amin. “Sino palang adviser class niyo?” “Si Mrs. Teri Rista, Kuya Zach! Kilala ka nga, e.” “That’s great. Magaling magturo iyon. For sure magiging meaningful ang first year high school niyo,” tugon niya. “Stacy, kapag gumawa ng kalokohan itong kapatid ko, sabihin mo kaagad sa akin, ha! Hindi mo lang alam kung gaano siya kapasaway.” Siniko ko si kuya sa tagiliran, “Kuya!” Napangisi si Kuya, “I’m just kidding.” Napatingin ako kay Stacy ng marinig ang boses niya. “Behave naman siya sa class, Kuya Zach!” sagot ni Stacy with formality. ‘Doon ko napagtanto na kuya-kuya lang ang turing ni Stacy sa kaniya. Unlike the other girl na crush agad.’ “Naku! Kasi first day of school pa lang,” tugon niya. “Bilisan na natin kumain. We have twenty minutes bago mag ring ang bell ng school.” Pagpasok sa entrance ay nagpaalam na si kuya na babalik na sa kanilang room. “See you later. Bye!” paalam niya. “Thank you sa treat, Kuya Zach!” saad ng aking mga kaklase. Pabalik sa aming room ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Stacy. “Kapatid mo pala iyong Airene.” sambit ko sa kaniya. “Ah, oo!” tipid niyang sagot. “May relasyon ba sila ng kapatid mo?” dugtong niya. Nagkibit balikat lang ako, “Hindi ko alam! Wala naman sinasabi si kuya sa amin.” “Ganoon din si Ate, e! Walang sinasabi na may boyfriend na siya.” “Baka, S.O sila.” Sabat ni Brant. “Iyan naman ang uso ngayon, ‘di ba?” “A-anong S.O?” tanong ni Stacy. “Itong si Brant, ang daming alam!” tugon ni Anica. Napangisi siya, “Meaning ng S.O hindi niyo alam? Mga tanga pala kayo, e! Secret On, ang ibig sabihin ‘nun!” Nakita kong inirapan ni Shiela si Brant. “For sure malalaman naman natin dito sa school kung may relasyon sila o wala. Kasi hindi naman matatago iyan dito, beside kilala sila Zion.” Tumingin siya kay Stacy, “Ang swerte ng ate mo girl kung may relasyon sila ni Kuya Zach.” “Bakit naman?” tanong ni Stacy. ‘What?” tanong ni Anica. “Hindi mo alam?” “Alam ang alin?” balik niyang tanong. “Isa sila sa pinakamalaking shares dito sa school.” Paglilinaw ni Brant. Napatingin sa akin si Stacy. “I see. Kaya pala kilala ka na ng mga teacher’s natin.” “Tumigil-tigil na nga kayo! Baka mamaya kung ano pa ang isipin ni Stacy sa mga pinagsasabi niyo!” sagot ko sa kanila. Nang mapatingin kay Stacy ay ngumiti na lang siya sa akin. Pagbalik sa classroom ay sakto naman ang pag ring ng bell. Umupo na kami sa kaniya-kaniya naming upuan. Mula sa aking kinauupuan ay hindi nawawala sa aking paningin si Stacy. Kapag may pagkakataon ay sinusulyapan ko siya. Kapag nagsasalita naman ay pinapakinggan ko siya. “Kanina pa kita napapansin,” bulong sa akin ni Brant. “Anong napapansin mo?” tanong ko. “Crush mo siya?” tanong niya. ‘Sino?” takang tanong ko. “Ayie!” pang-aasar niya. “Si S ang crush mo.” “Huh? Sinong S?” “E ‘di sino pa nga ba? Mayroon A sa pangalan.” Ngumingisi siya habang sinasabi iyon. “Ewan ko sa iyo! Humanap ka nga ng kausap mo. Para kang tanga.” Sinamaan ko siya ng tingin. “Umamin ka na!” pangungulit niya. “Anong aaminin ko? Wala nga akong alam sa sinasabi mo! Loko-loko.” Siniko niya ako ng mahina, “Maging denial ka lang!” “Yari ka talaga sa akin mamayang uwian!” banta ko sa kaniya. Pagkatapos ng last subject namin ay kaniya-kaniya ng sukbit ng bag ang aking mga kaklase. Ang iba ay kung anu-ano pa ang ginagawa, kagaya ng pag me-make-up. Bago kami umalis ni Brant ay huminto kami sa table nila Shiela, Anica at Stacy. “Tara na!” yaya ni Brant. Nakatayo lang ako sa gilid niya. “Sandali lang. Patapos na rin naman kami mag-ayos.” Saad ni Anica. Napatingin ako kay Stacy ng magpaalam siya. “Mauuna na ako sa inyo, ha. Baka hinihintay na ko ni Ate Airene sa labas. See you tomorrow! Bye!” paalam niya. “Sige! Bukas na lang,” nakangiting tugon ni Shiela. “Ingat!” ‘Gusto ko siyang sabayan pero nahihiya ako sa iisipin nila.’ Ilang minuto rin ako naghintay dahil kay Brant. “Let’s go!” yaya ng mga babae. Sabay-sabay kaming bumaba ng building. Malapit na kami sa entrance ng makita ko si Kuya. Nakatalikod siya at parang may kausap. “Kuya!” tawag ko sa kaniya. Tumakbo pa ako papunta sa kaniya. Pagharap niya ay napahinto ako dahil ang kausap niya ay walang iba kun’di si Stacy. “Oh, Stacy! Akala ko nakauwi ka na?” tanong ni Anica. Umiling siya. “Hinihintay ko pa si Ate Airene. Hindi pa bumaba.” “Okay! Una na kami, ha? Bye!” paalam nila. Nagpaalam na rin si Brant sa akin dahil nag text ang driver na nasa parking lot na. Naiwan kaming tatlong magkakasama. Tahimik naman ako habang nag-uusap si Kuya Zach at Stacy. Para akong tahimik na hindi makasabay sa pinag-uusapan nila dahil tungkol sa iba’t-ibang subject iyon. Natigil lang ang pag-uusap nila ng mag ring ang cellphone. Kinuha ni Kuya Zach ang cellphone sa kaniyang bulsa at sinagot iyon. “Kuya, pakihintay kami. Hindi pa bumababa si Zane.” sagot niya. ‘Okay po. Pupunta na kami riyan agad kapag nandito na siya.” Pagbaba ng tawag ay nakangiti siyang tiningnan si Stacy. “Kuya, Zion!” tawag ng isang boses. Paglingon namin ay si Ate Zane iyon. Nang makalapit ay hinalikan niya kami sa pisngi. “Tara na, Kuya!” sabi niya at niyakap si Kuya Zach sa baywang. “Libre mo ko! ‘Di ako nakababa kanina dahil may mga ginawa ako.” Hindi sumagot si kuya kaya’t nagalit si siya. “Ang daya mo! Bakit sila Airene nilibre mo, tapos ako hindi?” “Ikaw naman! Hindi ka makapag-hintay.” saad ni Kuya. “Oo na!” tango niya. “Yehey!” tugon ni ate. Hinimas ni kuya ang kaniyang at sinabi, “Kaya ka lalong sume-sexy, e!” “Kuya talaga! Nakakainis ka.” Napatingin si ate kay Stacy at kumaway siya, “Hi! Freshmen ka?” usisa niyang tanong. “Yes!” sagot ni kuya. “Classmate siya ni Zion. She’s Stacy Barmeda. Younger sister ni Airene.” Tumingin siya ulit kay Stacy, “She’s the one I mentioned you before. Classmate niya si Airene.” “Really?” tanong niya. “Nice to meet you, Stacy!” dugtong niya. “Ay wait, parang nakikilala kita.” Nag-isip sandali si ate, “Ikaw iyong nabangga ko kanina sa entrance. Sorry kanina ha! Nagmamadali kasi ako, e.” Lumapit si ate at nilahad ang kamay, “I forgot to tell my name. I’m Zane.” Nakangiti si Stacy at nakipagkamay, “Nice to meet you, Ate Zane. Iyong nangyari kanina, wala iyon. ‘Di naman ako nasaktan,” sagot niya. “Si Ate Airene ba pababa na rin?” tanong niya. “Yes! Nasa restroom lang sila ng mga friends niya kasi nag-aayos.” Tumango si Stacy at ngumiti lang. “Kuya, tara na!” kulit ni ate kay kuya. “Mamaya na! Hintayin na muna natin bumaba si Airene. Walang kasama si Stacy dito. Bago pa ‘man din siya.” “‘Wag na! Okay lang naman ako. Mauna na kayong tatlo. At saka may lakad pa kayo.” “‘Yun naman pala, e! Stacy, una na kami, ha!” sabi ni ate at iginaya si kuya palabas ng exit gate. Naiwan pa ako sandaling nakatayo sa harap ni Stacy. “Bye! See you tomorrow, Zion!” paalam niya sa akin. “Sure! Bye,” sagot ko. Lumingon muli si kuya at saka tinawag si Stacy. “Stacy!” tawag niya at iwinagayway ang kamay para magpaalam. Tinugunan ni Stacy ang paalam ni kuya. ‘At ng mga sandaling iyon, huminto ang oras at tumibok ang puso ko dahil sa kaniyang magandang ngiti sa labi.’ Stacy Ivy Barmeda POV Tumayo ako sa aking kinauupuan ng makita si Ate Airene pababa ng hagdan sa kanilang building. Mas marami na sila ngayon, kumpara kaninang kasama ko siya. Naglalakad na ako papunta sa kaniya ng may pansinan akong kakaiba. Dinuduro siya ng kasabay niyang babae at pinapahinto sa paglalakad. Ilang sandali pa at tinulak siya ni Ate Airene at hindi sinasadyang nahulog ang babae sa hagdanan. Mabuti na lang at ilang baitang na lang iyon, kun’di ay madi-disgrasya ng malala ang babae. Ang mga ilan ay tinulungan ang babae na makatayo. “Ate!” tawag ko ng makalapit sa kaniya. “Bakit mo siya tinulak?” tanong ko. Tumingin ako sa babae at kinamusta ang lagay niya. “Ate, okay ka lang ba?” “Okay? Anong okay doon? At sino ka bang pakialamera ka, ha?” matapang na tanong niya. “Kapatid ko siya,” sagot ko. Tumingin ako kay Ate Airene na hanggang ngayon ay walang imik at pairap-irap lang ang mata. Napangiwi ang babae, “Kapatid? ‘Di nga? E bakit parang anghel ka samantalang iyang kapatid mo demonya!” “Anong sabi mo?” sigaw ni ate sa kaniya. Mabuti na lang at inawat na siya ng iba niyang mga kaibigan. “Airene, relax! Unang pasok pa lang, oh! Makakabawi pa tayo sa susunod.” “Ikaw!” sabi sa akin at dinuro ako. “Pagsabihan mo iyang kapatid mo na tigil-tigilan landiin ang boyfriend ko.” “Dah! Boyfriend mo ang lumalapit sa akin. At wala naman kaming ginagawa. Selos na selos ka na! Bakit ako ang pagsasabihan mo? Bakit hindi siya? E siya ‘tong hindi tumitigil na makuha ako!” “Kapal mo talaga!” saad ng babae. “Noong una kala mo hindi ka makabasag pinggan. Kabaligtaran lang pala iyon!” “Whatever!” sabi ni ate sa kaniya at umalis na. Hinabol ko si ate. “Ate bakit mo ba ginawa iyon? Hindi mo ba alam na pwede ka mapahamak? Paano kung ipatawag sila Mama at Papa dito sa school dahil sa nangyari?!” Humarap siya sa akin, “Shut up! Huwag na huwag kang magsusumbong sa kanila, dahil malilintikan ka talaga sa akin.” Napako ako sa aking kinatatayuan habang si ate ay naglalakad palabas ng school. Huminga ako ng malalim at naalala sa aking isip ang sinabi ni Kuya Zach noon. ‘Totoo ba talagang si ate ang nagsisimula ng g**o?’ tanong sa sarili. ‘At malandi?’ Bakit ganoon ang tingin ni kay ate? Pagdating ko sa exit ay si ate na lang ang nandoon. ‘Umalis na marahil ang mga kaibigan niya.’ Nang makalapit ay pinagmamasdan ko lang ang kaniyang ginagawa. Kinuha niya ang cellphone at nag book ng sasakyan. Sandali lang kami naghintay at nakasakay din kami kaagad. Tahimik ako sa buong byahe namin habang siya ay walang tigil ang pangangalikot sa cell phone. Paghinto sa gate ng aming bahay ay nagmamadali rin siyang lumabas. ‘Halatang masama pa rin ang kaniyang timpla.’ Sa sala ay nakita kong binalewala niya ang dalawa naming kapatid ng yayakapin siya. Nakita ko ang pagkadismaya sa kanilang mga mukha. ‘Wala na ang malambing na si ate sa tuwing uuwi siya.’ “Kenzo, Andie!” tawag sa kanila at sinalubong kaagad ng yakap. “Ate!” tugon nila. Binaba ko sandali ang bag kong dala sa sofa para makipaglaro sa kanila sandali. “Nariyan ka na pala, Ivy1” Si lola iyon. May dalang juice at sandwich para sa dalawa. “Kanina ka pa ba kayo nakauwi? Ang ate mo nasaan?” usisa niya. “Umakyat na sa taas! Dire-diretso at hindi nga kami pinansin dalawa,” sumbong ni Andie. “Mukhang badtrip nga, e! May kaaway ba iyon, ate?” tanong sa akin ni Kenzo. “Wala!” tanggi ko. “Pagod lang siguro iyon ,” dahilan ko. “Mag snack na kayo at aakyat na muna ako sa kwarto. Bababa ako kaagad.” Papasok na ako sa kwarto ng marinig ko ang pagtawag ni ate sa akin. “Stacy!” Hindi ko alam kung galit ba siya o maganda na ang mood niya. Bumitak ako sa doorknob at pinuntahan siya sa pintuan ng kaniyang kwarto. “Bakit, ate?” “Paano mo nakilala si Zach?” tanong niyang nakapamewang. “Noong nag exam ako. Siya ang nag-assist sa amin.” “Ah talaga? Pagkatapos ‘nun?” “Wala na ate. Iyon lang!” “Fine,” tipid niyang sagot at tatalikuran na ako. “Sandali, ate.” Pigil ko sa kaniya. “B-boyfriend mo ba si Kuya Zach?” tanong ko. “Oo, bakit? May problema ka ba kung bf ko siya?” “W-wala naman, pero kung boyfriend mo siya. Hindi ba’t mali iyong ginawa niya kanina sa fast food? Napahiya ka.” Nag-aala kong sambit. “Pwede ba, Ivy! Huwag mong pakialaman ang relasyon namin dalawa. At huwag na huwag mong sasabihin kay Zach na sinabi kong bf ko siya dahil magagalit sa akin iyon. Naiintindihan mo?” “Oo, ate.” Ngayon naisip ko na maaring tama ang sinasabi ni Brant na baka mag secret on si Ate Airene at Kuya Zach. Pilit akong ngumiti sa kaniyang harap bago niya ako saraduhan ng pintuan. Pagbaba sa sala ay dumiretso ako sa kusina kung nasaan si lola. Papasok pa lang sa roon ay naririnig ko na ang tunog ng kalan at ng chopping board. “Lola Salve!” tawag ko sa kaniya. Nang huminto siya sa paghihiwa ay niyakap ko siya mula sa kaniyang likuran. ‘Tulungan na kita magluto, lola.” Mula pagkabata ay masaya na akong pinagmamasadan si lola sa kusina. Naagaw niya ang atensyon ko dahil sa kaniyang paghihiwa. Bukod pa roon ay gusto kong ako ang unang titikim ng kaniyang niluto. Sa bawat sahog na kaniyang inilalagay ay tinitingnan kong mabuti iyon para matutunan ko kung paano. ‘Para pagdating ng panahon na kaya ko na ay siya naman ang ipagluluto ko.’ “Tama na ba ang lasa?” tanong niya ng patikim ang nilulutong Caldereta. Nag thumbs-up ako at sinabing, “The best ka talaga sa pagluluto, lola.” “Binola mo pa ako!” sagot niya. “Kamusta ang eskwela? Marami ka bang naging kaibigan?” tanong niya. “Opo, lola. Marami akong nakilala. Ang bait at friendly nga po nila, e.” kwento ko. “Nakilala ko po si Shiela at Anica. Mag classmate na po sila noong elementary kaya close ang dalawa. Tapos dahil sa kanila nakilala ko naman si Brant at Zion. At ito pa pala, lola. Naalala mo iyong kinuwento ko sa iyo na si Kuya Zach? Kapatid niya pala si Zion. At ang nakakawindang pa, sila pala ang may malaking shares sa school kaya kilalang-kilala. Nakwento nga ni Shiela at Anica na ang yaman pala ng pamilya nila.” “O tapos?” tanong niya. “Kahit mayaman sila lola ang babait at napaka-mapagkumbaba. Nilibre pa nga kami ni Kuya Zach. Kaya nga nakalibre ako sa pagkain kanina. Tapos nakilala ko si Zane iyong kaklase ni Ate Airene na kapatid rin ni Kuya Zach at Zion.” “Sa kwento mo pa lang ay alam ko ng naging masaya ang first day of school mo. Masaya ako na nakakilala ka ng mga kaklase na kasing bait mo. At kapag tumagal-tagal, madadagdagan pa sila. Basta ‘wag kakalimutan na maging mabuti sa kanila para pakitaan ka rin nila ng kabutihan.” ‘Tama!’ Sa ngayon kasi ay sumasang-ayon naman ako sa bilin ni lola dahil sa mga taong pinakitaan ko ng kabutihan ay ganoon din sila sa akin. ‘Hindi pala lahat!’ Kasi si Ate Airene, kahit anong kabutihan ang ipakita ko ay galit pa rin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD