TL Chapter 4 : First Day of School

3292 Words
STACY IVY BARMEDA POV Kanina pa ako sa harapan ng computer pero tinititigan ko lang iyon. Kinakabahan ako at hindi kaya ng mga daliri ko na i-type ang website ng school. ‘Ngayon lalabas ang result ng mga nakapasa sa scholarship.’ Naka ilang hinga na ako ng malalim pero wala pa rin akong lakas ng loob. “Kaya mo iyan, Ivy!” sambit ko sa aking sarili. Unti-unti kong itinaas ang aking mga kamay upang mag-type sa keyboard. Nang makapasok sa website ay hinanap ko ang links kung saan makikita ang list ng mga nakapasa. Todo-todo ang kaba na nararamdaman ako. “Sana nakapasa ako!” bulong ko sa aking sarili. Habang taimtim na nakayuko at nananalangin ay nagulat ako sa hiyaw ng aking dalawang kapatid. “Ate Ivy!” bulyaw nila. “Bakit?” tanong ko. “Anong nangyayari at bakit parang ang g**o niyo?” “Magbihis ka na kasi kakain tayo sa labas.” “Bakit?” tanong kong muli. Napalingon ako sa pintuan nang marinig si Mama, “Kasi nakapasa ka sa scholarship anak,” balita niya. “Congratulations, Ivy. Proud na proud si Mama sa iyo!” “Ta-talaga po?” Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mama kaya dali-dali kong ini-scroll ang mouse para hanapin ko ang pangalan ko sa listahan. “Wala ka pa atang tiwala sa sinabi ko, e?!” tukso ni Mama. Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama at tuloy-tuloy lang ako sa aking ginagawa. Nang mabasa ang pangalan ko ay nagtatalon ako sa tuwa. Napayakap pa ako kay Mama nang makita ang resulta. “Magbihis ka na at mag ce-celebrate tayo,” sambit ni Mama. “Hihintayin ka namin sa baba, ha. Pupuntahan ko lang ang kapatid mo.” “Opo, Mama.” Dali-dali akong nagbihis. Paglabas ng pintuan ay natanawan ko pa si Mama sa kwarto ni Ate. Tatawagin ko sana ang dalawa ngunit napahinto ako dahil sa sinabi ni Ate. “Kayo na lang ang mag celebrate kasi si Ivy naman ang nakapasa at hindi ako! Pag si Ivy talaga hindi kayo magkanda ugaga. Palibhasa paborito niyo.” “Bakit ba ganiyan ang tingin mo sa amin? Pantay-pantay ang pagmamahal namin sa inyong magkakapatid. Kung katulad ka ng kapatid mo ay gagawin din namin ang mga ganito sa iyo.” Paliwanag ni Mama. “Kasi hindi iyon ang nararamdaman ko. Hindi iyon ang pinaparamdam niyo! Katulad na lang ngayon. Proud na proud na naman kayo sa anak niyong magaling.” “Bakit kahit anong gawin namin balewala sa iyo? Iniintindi ka namin at sinusubukan punan ang pagkukulang na sinasabi mo pero inilalayo mo ang sarili mo sa amin. Hindi kami iba sa iyo Airene. Kami ang magulang at pamilya mo. Sa huli tayo-tayo pa rin ang magdadamayan at magtutulungan.” Tumayo si Mama sa kama. “Magbihis ka na at hihintayin ka namin sa baba.” Nang makitang palabas na si Mama ay mabilis akong tumakbo papasok sa kwarto. ‘Siguradong bibigat na naman ang loob kapag nalaman niya na narinig ko ang pinag-usapan nila ni Ate.’ Bago lumabas ay pinahiran ko ang luha na sumibol sa aking mga mata. ‘Hindi ko alam kung bakit galit na galit si Ate Airene sa akin. Wala naman akong ginagawang mali.’ Kinalma ko ang aking sarili. Huminga ako ng malalim. Habang naglalakad sa hallway ay pilit akong ngumiti at pinuntahan sa kwarto si Ate. “Ate, tara na!” sabi ko. Tinapunan niya ako ng tingin at inirapan, “Bumaba ka na! Susunod ako.” “Sige!” Hindi ko na pinilit dahil mas lalo lang siyang magagalit sa akin. Habang nakasakay sa kotse ay nagmamasid ako sa dinadaanan namin. ‘Dapat masaya ako, pero paano ako magiging masaya kung may taong galit sa tagumpay ko.’ Minsan hindi ko maintindihan si Ate Airene. ‘Higit na dapat siyang masaya para sa akin, pero kabaligtaran lahat ng expectation ko bilang kaniyang kapatid.’ “Tahimik ka ata?” tanong ni Lola. Nasa gitna namin siya ni Ate. Mula sa unahan ay tumingin sa akin si Mama, “May problema ba, Ivy?” tanong niya. Upang hindi sila mag-alala ay pilit akong ngumiti, “Wala po, Mama. Naging seryoso lang po ako sa mga nakikita ko sa daan,” palusot ko. Binigyan lang ako ng isang kakaibang tingin ni Lola Salve. Titig na titig siya sa akin at halatang iniisip kung ano ba ang nasa aking utak. Agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ako sanay magsinungaling. ‘Alam kong hindi ko matatago ang aking nararamdaman kapag si Lola na ang pumuna.’ “Dalas-dalasan natin ang kumain sa labas,” saad ni Papa. “May okasyon ‘man o wala.” “Tama ka, sweetheart. Ngayon ko napagtanto sa aking sarili na masyado tayong naging busy sa trabaho at hindi na natin nalalabas ang mga bata. Aanhin natin ang pinaghihirapan nating pera kung mga anak naman natin ang mawawala.” Nakita ko ang lungkot sa mata ni Mama. ‘Alam kong nakakaramdam siya ng guilt sa sarili.’ “Spencer, Caroline!” sambit ni Lola sa pangalan nila Mama at Papa. “Marami kayong pagkakataon para bumawi sa mga anak ninyo. Hindi niyo kailangan manghinayang sa mga panahon na lumipas dahil hindi niyo naman kagustuhan iyon. Nagdesisyon kayong magtrabaho ng mabuti para sa mga anak ninyo. At isa pa naiintindihan naman nila ang mga nangyayari.” Natahimik silang dalawa, “Salamat po, Mama at Papa!” sabi ni Andie. “Kapag malaki na kami ni Kenzo kami naman ang magwo-work para hindi na kayo magtrabaho.” Ngumiti si Mama, “Thank you, anak. Pero sa ngayon mag-aral muna kayo ng mabuti para sa future magkaroon kayo nga magandang trabaho. At kapag nangyari iyon, pwede na mag retire si Mama at Papa sa trabaho.” “Malalaki na kami ‘nun!” pahapyaw na tugon ni Ate. “At pagdating ng panahon na iyon, hindi niyo na kami kailangan alagaan kasi malalaki na kami.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumayo siya sa kaniyang upuan. “Mag ba-banyo lang po ako. Excuse me!” Napailing-iling lang si Papa sa ginawa ni Ate. “Kumain kayo ng kumain. Kung may gusto pa kayong orderin ay o-orderin natin,” paalala ni Papa. Kakatapos ko lang mag-shower ng nadatnan ko si Lola Salve na nakaupo na sa aking kami. Nagulat pa nga ako ng makita siyang naroon. “Lola,” tawag ko habang tinutuyo ang aking buhok gamit ang tuwalya. “Kilala kita, Ivy!” saad niya. “Anong problema?” tanong niya. “Makakapag sinungaling ka sa Mama at Papa mo, pero hindi sa akin. Umupo ako sa tabi ni lola. Kinuha niya ang tuwalya na hawak ko at siya ang nagtuyo sa aking buhok. “Sabihin mo sa akin,” mahinang sambit niya. Wala na akong nagawa kun’di magsalita. “Lola bakit ba galit na galit sa akin si Ate Airene? Hindi ba dapat masaya siya para sa akin? Bakit tingin niya sa akin kakumpetensiya niya sa lahat ng bagay, lalo na sa pagmamahal ni Mama at Papa. Hindi ba’t pantay-pantay ang pagmamahal sa amin? Naaawa rin po ako sa sitwasyon nila dahil sa ugali ni Ate. Ginagawa po ni Mama at Papa ang lahat para makabawi kay Ate Airene pero hindi niya nakikita iyon.” “Magbabago rin ang ate mo. Pagpasensyahan mo na lang siya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya, pero darating ang panahon na maliliwanagan siya. Malalaman din niya sa kaniyang sarili na mali ang mga ginagawa niya.” “Sana nga po, Lola.” Taimtim kong siyang tinitigan. “Sana dumating na ang panahon na iyon para naman masaya na tayong lahat. At para na rin maging masaya na sila Mama at Papa.” Isang linggo na lang at malapit na ang pasukan. Sila Mama at Papa ang kasama namin namili ng mga gamit para sa eskwela. “Papa, hindi na po kailangan!” tanggi ko. “Kasya naman po sa akin ang pinagkaliitan na uniform ni Ate Airene. Si Ate na lang po ang bilhan niyo ng bago.” “Pero medyo luma na ang mga iyon!” sagot ni Mama. “Mura lang naman ang uniform. Iyon na lang naman ang bibilhin namin kasi scholar ka naman sa school. Ayoko naman mag mukha kang kawawa kung susuotin mo iyong lumang uniform na ginamit ng Ate mo. Kaya nga kami nagtatrabaho para sa pangangailangan niyo, ‘di ba.” “Kahit isang set na lang po Mama. Ayoko na pong gumastos kayo ng gumastos. At saka hindi naman ganoon kaluma iyong mga uniform.” “Hindi mo kailangan tipirin ang sarili mo, anak.” Si Papa iyon at panay buntong hininga. “Dalawa kayo ng Ate Aireen mo na ibibili namin.” Huminga na lang ako ng malalim at hindi na sumagot sa sinabi ni Papa. Matulin na lumipas ang araw at heto na nga at pasukan na. ‘Parang ang bilis lang ng bakasyon pero na-enjoy ko naman iyon.’ “Airene, alalayan mo ang kapatid mo sa school dahil freshmen siya. Tulungan mo siyang makapag-adopt sa bagong environment. At po-protektahan niyo ang isa’t-isa.” Naghihintay ng sagot si papa pero hindi umimik si ate. “Naiintindihan mo ba?” tanong ni papa. “Opo!” sagot niya. Iisang way lang ang school at kumpanya na pinagtatrabahuhan ni Mama at Papa kaya mas pinili nila na ihatid kami at hindi na mag rent ng school bus. Hinalikan ni Mama at Papa ang dalawang nakakabata kong kapatid. Bago sumakay sa kanilang service bus ay hindi nakakalimutan na palaging pangaralan ang dalawa. Kinakabahan ako sa bagong school na papasukan ko. Kahit nandoon si ate ay hindi naman kami laging magkakasama dahil third year siya. ‘Sana lang ay magkaroon ako kaagad ng kaibigan. Sana mabait ang teacher ko at mga classmate.’ Bago bumaba ng kotse ay hinalikan namin ni ate si Mama at Papa. Hindi rin sila nakalimot na muling mag-alala. “Goodluck!” iyon ang huling sambit niya. “Bye, Mama! Bye, Pa! Ingat po kayo,” sagot ko. Hindi ako kaagad pumasok dahil hinintay ko pang makaalis sila mama. Paglingon ko ay wala na si ate sa aking tabi at natanawan kong nakapasok na siya sa school at kasama na ang kaniyang mga kaibigan. Tinapunan lang niya ako ng isang tingin bago tuluyang sumama sa kaniyang mga iyon. Papasok sa entrance gate ay may nakabungo akong chubby na babae. Magso-sorry ako pero nauna siyang nagsalita. “Sorry!” saad niya. Mukhang hindi naman galit dahil nakangiti naman. “Sorry din,” tipid kong tugon. Hindi na siya nagsalita at nagpaalam sa akin. Pagtapat sa guard ay agad ko siyang binati. “Good morning po,” bati ko sa guard. Ngumiti naman siya, “Good morning, Ma’am!” Tantiya ko ay kasing edad siya ni papa. Nginitian ko siya at nagtanong, “Sir saang building po ba ang Room 172?” Apat ang school building sa campus kaya’t matatagalan ako kung hahanapin ko pa iyon. Tinuro ng guard ang left side building, “Green building, second floor.” “Thank you po!” masigla kong tugon. “Walang anuman, Hija!” Naka -ilang lunok pa ako bago pumasok sa room. Halos occupied na ang mga harapan na upuan kaya sa gitnang row ako umupo. May ilang classmate akong mga nakaupo na roon at binati ko. “Good morning,” bati ko. “Hi!” bati nila. Iwinagayway pa ang kamay. “Ako nga pala si Shiela,” pakilala niya. “Ako naman si Anica.” pakilala ng isa. “Dito ka na umupo sa tabi namin.” “Sure!” sagot ko at tumabi kay Anica. “Nice to meet you. Ako nga pala si Stacy,” pakilala ko. Nagkukwentuhan kaming tatlo habang hinihintay ang aming guro. Nalaman ko na may mga kaya pala ang kanilang mga pamilya. Magkakilala ang dalawa dahil same sila ng elementary school at magkaklase pa. Agad ko naman silang nakapalagayan ng loob. ‘Masaya ako na sa first day of school ay nagkaroon ako kaagad ng mga kaibigan.’ Zion Royce Buenavista POV Malakas na mga katok sa pinto ang gumising sa akin. “Zion! Gumising ka na at male-late tayo! Iiwan kita!” bulyaw niya. Napatingin ako sa alarm clock at nagmadaling kumilos. Mabilis na ligo at agad na nagsuot ng uniform. Paglabas ko ay nag-aabang si Kuya Zach roon at nakasimangot. “Bilisan mo!” Tinalikuran niya ako at nag martsa pababa ng hagdan. Sukbit na rin niya ang kaniyang bag. Hindi ko na naayos ang uniform ko dahil aligaga akong sumunod kay Kuya. “Alam mo naman na first day of school ngayon, nagpuyat-puyat ka pa kagabi!” Sermon niya. “Sorry naman, Kuya! Nag-alarm clock ako pero hindi ko naman narinig iyon,” katwiran ko sa kaniya. “E kasi nga, tulog na tulog ka!” Pagbaba namin ay nadatnan namin sila Mama at Papa na nakaupo na sa hapag kainan. “Ang aga-aga ay nagbabangayan na naman kayong dalawa.” saad ni Papa. “Ito kasing si Zion, Pa! Alam naman niyang first day of school, gusto pa atang magkaroon ng award sa pagiging late.” Tumingin sa akin si Papa, “Be responsible, Zion. Remember, nasa high school ka na. And don’t forget your promise.” Napahimas ako sa aking batok. “Sorry po, Daddy. Hindi na mauulit. Medyo napasarap lang talaga ang tulog ko,” katwiran ko. “Kumain na kayo riyan,” saad ni Mama. “Where’s Ate Zane?” tanong ko. “Nauna nang pumasok.” Pagkatapos naming kumain ay hinatid na kami ni Kuya Alex sa school. Magkatabi lang ang Elementary at High School campus pero magkaiba ng gate. “Thank you, Kuya Alex!” sabi ni Kuya Zach ng bababa na kami sa kotse. Sumunod ako kay kuya papasok sa loob. Binati kami ng guard at agad na pinapasok. Bago maghiwalay ni kuya ay tinuro niya sa akin ang aking magiging room. “Green building, second floor.” sabi niya. Agad niya akong iniwan at naglakad sa opposite direction ng freshmen building. ‘Para sa third and fourth year ang blue building.’ Nang makita ang room ay nagmadali na akong pumasok. Meron tatlong upuan akong natanawan sa gitnang row pero occupied na pala iyon dahil sa mga bag na nakalagay roon. Naghagilap ako ng upuan nang may tumawag sa akin. “Bro, dito sa tabi ko!” ‘Nakilala ko ang ilan sa kanila dahil kaklase ko sila noong elementary.’ Naglakad ako papunta sa likuran. Nakipag bunong braso rin ako sa lalaking tumawag sa akin bago umupo, “Hey, Bro!” bati ko. “Dito ka rin pala mag-aaral,” sabi ko kay Brant. ‘Classmate at katropa ko si Brant since elementary. Isa rin siya sa matino at matalinong estudyante sa klase.’ “Hindi ko akalain na makakapasok ka pa rito!” natatawang kantiyaw niya. Inismidan ko siya, “Sira ka talaga! Nag-aral ako ng ilang buwan para makapasa sa admission test!” proud na sabi ko pa. “Naks!” Pang-iinis niyang tugon. “Mabuti naman kung ganoon. Mahiya ka sa magulang at mga schoolmate natin. Isa ka pa naman sa anak ng mga shareholder ng school tapos ‘di ka nag-aaral ng mabuti.” Dahil abala sa pakikipag kwentuhan ay hindi ko namalayan na nakaupo na ang tatlong babae sa vacant seat kanina. Medyo pamilyar iyong likod nila. At nang lumingon nga ay nakilala ko na si Shiela at Anica iyon. Binulungan naman ako ni Brant, “Bro, ang ganda ng babaeng katabi nila. New student!” “Hindi natin naging schoolmate?” tanong ko. “Hindi!” sagot niya. “Narinig ko kanina na galing siya sa ibang school at nakakuha ng scholarship dito sa school.” Natigilan ang pagbubulungan namin nang dumating na ang teacher. Umayos kami sa pagkakaupo at nanahimik. Nagpakilala ang guro namin na si Mrs. Teri Rista. Siya ang adviser class ng section namin. Unang tingin pa lang ay matatakot ka na dahil sa boses at seryosong itsura niya. Same the old times, sa first day class mo makikilala ang lahat ng classmate mo dahil hindi mawawala ang personal introduction. ‘I thought magiging boring iyon para sa akin, pero kabaliktaran nang tumayo ang babaeng iyon sa harapan namin.’ Tinapik ako ni Brant, “Tumulo laway mo no?!” Narinig ko ang boses niya pero hindi nawala ang atensyon ko sa babae. ‘Stacy Ivy Barmeda!’ Tumatak kaagad sa isip ko ang kaniyang pangalan. ‘Somehow parang narinig ko na rin iyon somewhere, pero hindi ko matandaan.’ Nasa pang-apat na subject na kami marinig namin mag ring ang bell. Maging ang aming guro na si Mr. Menia Kol ay natahimik din. ‘Siya ang English teacher namin na nakakairita ang accent.’ “Goodbye, class! We will start our serious discussion tomorrow.” Nagsitayuan na kaming lahat para pumunta sa canteen. Naiwan ang ilan sa mga kaklase ko dahil inaayos pa ang kanilang gamit. Kabilang na roon sina Shiela, Anica at Stacy. Nang mapansin ako ni Shiela ay hindi naman nag-atubiling lapitan ako. “Sabay-sabay na tayo mag lunch, Zion!” Hindi na hinintay ni Brant na sumagot ako at siya na ang nagsalita, “Oo ba.” Inakbayan niya ako, “Tara na! Baka maubusan pa tayo ng pagkain.” Napansin kong tahimik si Stacy at mahiyain. Kapag tinatanong lang siya ni Shiela o Anica at saka lang nagsasalita. Sa ‘di kalayuan ay natanawan ko naman si Kuya Zach kasama ang mga kaklase niya. “Kuya!” Hiyaw ko. Nang mapatingin sa akin si Kuya ay hindi nag atubiling iniwanan ang mga kaklase niya at tumakbo papunta sa amin. Akala ko ay ay ang pinuntahan ni Kuya. ‘Hindi pala!’ Dumiretso siya sa kay Stacy. “How’s your first day?” Malaki ang ngiti niyang tinanong si Stacy at halatang excited siya. “Okay naman, Kuya Zach. Nakakatuwa kasi may mga kaibigan na ako kaagad.” “I know them.” Sagot niya. “By the way, this is my brother Zion. Magkaklase ba kayo?” usisa niya. Ako na ang sumagot pra makuha ang atensyon ng dalawa na kala mo ay sila lang dalawa ang nasa paligid. “Oo kaklase ko siya.” Tumingin sa akin si Kuya Zach pero agad din nilipat ang tingin kay Stacy, “Sabay-sabay na tayo mag lunch. Let’s go?” “Si-sige!” Hindi naman nagdalawang isip si Stacy na pumayag na hindi ko alam kung bakit kinaiinisan ko. ‘I never heard na magkakilala sila kasi wala naman sinasabi si Kuya and beside galing siyang ibang school, so I wonder kung paano sila nagkakilala.’ Paalis na kami ng marinig ang isang boses ng babae. “Zach!” tawag niya kay kuya. Nakalapit na siya sa amin at kinalawit ang kamay sa braso ni Kuya. “Mag lu-lunch ka na? Sumabay ka na sa amin.” “Ate!” saad ni Stacy. Nakita kong nagulat si Airene nang makita siya. ‘Now I remember! Si Stacy ang babaeng nakita kong kasama sa restaurant that night.’ “Wait magkasama kayo?” suhestiyon niya sa kapatid. “Yes! We met when she’s taking her scholarship exam.” sagot ni Kuya. “I’m sorry, Airene pero kasabay ko na silang mag lu-lunch.” Parang napahiya naman si Airene dahil sa namutla ito dahil nga narinig namin kung paano siya nireject ni Kuya Zach. “Can we join?” tanong ni Airene. “The more, the merrier, right?” Hindi na hinintay ang sagot ni Kuya at tinawag na ang kaniyang mga kaibigan. Hindi rin tinanggal ni Airene ang kamay niya sa braso ni Kuya Zach. “Stacy, I’m glad na madami kang naging kaibigan sa first day of school.” sabi niya sa kapatid at iginaya si Kuya papalayo sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD